Veany's POV
Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang kung makatingin yung babaeng naka laban ko kanina sa akin. Ang weird.
"Ate saysas.. Sino ba yung babaeng yun. Pansin ko kasi na kanina pa yan tumitingin" bulong ko kay ate saysas.
"Ah si queen? Anak yan ni queeny.. Wag mo na kang pansinin ganyan lang talaga sya tumingin. Wag ka mag alala mabait yang batang yan" tugon sa akin ni ate saysas.
"What? Anak ni queeny?" Gulat na tanong ni eitsy.
Parang mas nagulat pa sya kaysa sa akin.
"Oo. Hindi nga lang halata at iilan lang din ang nakaka alam kaya sekreto lang yun"
Maniniwala ba kami ate saysas o hindi?
Imposible ang kanyang sinasabi dahil halos mag kasing edad lang sila tignan. Sa bagay, parehas naman silang maganda at may pag kakahawig pa.
"We? Totoo po?" Hindi naniniwalang tanong ni eitsy.
"Totoo. Yan ang dahilan kung bakit nag hiwalay sila ng hari."
Ano?
Ang hari at ang pinuno ng endlessgodwoman ay dating may relasyon?
"Ibig sabihin may relasyon sila dati?" Tanong ko.
"Ganon na nga. Hindi ko lang alam kung nag tagal sila pero sa tingin ko hindi sila nag tagal. Kakaiba ang pag mamahal ng hari sa babaeng yan kaso nga lang naputol ang lahat ng umamin si queeny na buntis sya at ayan. Si queen ang lumabas. Yun nga lang... Walang nakaka alam kung sinong tatay. Siguro'y patay na o itinakwil nya. Hayy. Sayang nga sila ng hari eh. Sobra pa naman mag mahal ang hari pero ng lumipas ang panahon bigla na lang nawala ang lahat ng yun. Ilang araw kasing nawala ang haring yan at ng bumalik ayan. Parang hindi nag karoon ng karelasyon. Ilag na sya sa mga babae at ang turing nalang nya kay queeny ay parang isang ginagalang na pinuno na lang kumbaga wala ng pag mamahal na natitira. Sa tingin ko nga mahal pa ni queeny ang hari pero hindi na nya maibabalik ang dati. Wala na akong nakikitang pag mamahal pa sa hari" pag kukuwento nya.
Hindi ko alam na ganito pala ka daldal si ate saysas. Pero infairness, ng dahil sa kanya nag kakaroon kami ng kaalaman sa paligid ligid.
"Kung ganon.. Bakit parang hindi sya tumatanda?"
"Oo nga po" dagdag ni eitsy sa aking sinabi.
"Talagang hindi tumatanda ang babaeng yan. Walang kaarawan ang babaeng yan. At kahit lumipas pa ang maraming buwan mananatiling ganyan parin yan. Hindi sya tatanda pero maari syang mamatay. Nakuha nya sa ama nya ang hindi pag tanda at sa kanyang ina naman ang kagandahan." Pag kukuwento ulit ni ate saysas.
"Wow.. Sana ganyan din ako no" pangangarap ni eitsy.
"Marami rin ang naiinggit sa kanya kaya ang iba tinatangkang patayin sya ang kaso walang nag tatagumpay. Bihasa ang babaeng yan sa pag gamit ng sandata. Kaya swertihan nalang kung mapatay mo yan"
Kawawa naman ang bata. Lumaking walang ama.
"Maiba ng topic. Kamusta naman ang mga kalaban nyo?" Tanong ko sa kanila.
"O my gosh. Hindi ko kere yung akin. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga itinuturo nya.. Hate ko ang ganito" maarteng sabi ni eitsy.
"Basta pag butihin nyo lang at matutunan nyo rin yan"
Natigil na kami sa pag uusap ng sabihin ni queeny na tapos na ang break. Kaya heto na naman ang anak nya. Hindi pa man ako nakaktayo bigla na akong sinunggaban ng espada nya. Mabuti pang sundin ko na lang ang sasabihin nya para walang gulo.
------
Dake's POV
Halos malula si grew kakatingin sa ibaba. Mas mataas pa ito sa bundok mantary. Para kaming malalaglag sa sobrang taas. Miski ang iba ay nalulula rin.
Malawak ang ibabaw ng bundok kaya pwedeng pwede mag sanay rito kaso nga lang, buwis buhay.
"Bro. Aminado akong may takot ako sa mataas kaya pasensyahan kung nangangatog ang tuhod ko" pag papaumahin ni grew.
Nabaling ang tingin ko sa tuhod nyang kanina pa nanginginig. Tiyak aasarin sya nila souven kapag nakita ang itsura nya ngayon.
"Relax.. Parang hindi natin ginagawa to ah"
"Kung sa mantary mountain ang halos mahimatay na ako sa takot dito pa kaya"
Tinawanan ko lang sya. Para kasi syang sira.
"Hi guys?"
Pareho kaming napatingin sa isang lalaking nakangiti sa amin.
"And who are you?" Tanong ko.
"Frince ang aking ngalan.. Pwede bang makipag kilala?" Masigla nyang sambit.
Medyo lumapit naman sa akin si grew na tila'y may ibubulong.
"Tss. Baliw.. Nakikipag kilala na nga eh" pilosopo nyang bulong sa akin.
Siniko ko lang sya bilang pag sita. Mukhang hindi nya gusto ang lalaking ito.
"Um. Bro. ako si dake at sya naman si grew.. Nice to meet you" pag papakilala ko kasabay ang pakikipag kamay.
Habang si grew, hindi nakipag kamay. Ibang ang mood nya sa lalaking ito.
"Anong kailangan mo!" Maangas na tanong ni grew.
Akala ko magagalit ang lalaking nasa harap namin dahil sa inaasta ni grew pero na nanatiling naka ngiti sya sa amin. Friendly lang talaga siguro.
"Gusto ko lang ipaalam sainyo na naroroon ang mag tuturo sa atin na makakalaban din natin" masaya nyang wika. Itinuro nya sa amin ang mga lalaking mahahaba ang buhok na may hawak na hawak na espada.
Bakit wala silang damit panangga gayong mayroon kami. Paano na lang kung matamaan namin sila.
"Alam namin. Hindi mo naman kailangang ipaalam pa!" Sarkastikong wika ni grew.
Ngiti lang ang isinagot nya kay grew.
"Maari nyo akong sundan patungo sa kanila" nanatiling nakangiti parin nyang sabi.
Aminado akong nakakadagdag pogi points ang pag ngiti.
Tinanguan ko lang sya bilang pag sang ayon. Tumalikod naman ito at nag lakad patungo sa mga lalaking nakatayo lang na syang makakalaban namin.
"Hoy grew! Bakit ang init ng ulo may kay frince ha?" Tanong ko sa kanya.
"Yan yung pomoporma kay eitsy. Akala mo naman may ibubuga" mayabang nyang sambit.
"Hmm. Gwapo naman ah. Tiyak akong magugustuhan din yan ni eitsy" pang aasar ko sa kanya.
Alam ko kasing type nya si eitsy at kami lang nila souven ang nakaka alam non maliban kay eitsy.
"Tss. Yan? Magustuhan ni eitsy my love? Asa. Mas gwapo pa nga ako dyan" pagmamalaki nya.
"I think mas gwapo si frince" pag bibiro ko.
"Sa bagay, mas gwapo din naman sayo yung hari" pang aasar nito sa akin.
Tinapunan ko naman sya ng masamang tingin.
"Loko. Walang malisya sakanila. Alipin lang ang turing ng haring yun kay souven"
"Yun naman pala eh. Bro kung anong nararamdaman mo ganun din ang nararamdaman ko kaya next time wag mo ng pupuriin ang bwiset na frince na yan lalo na't ipinag kukumpara mo kami"
Loko talaga tong grew na to.
Teka, speaking of alipin. Kamusta na kaya si souven. Pag talaga may nang yaring masama sa kanya ng dahil sa kapabayaan ng haring yan. Naku baka mapatay ko yang bwiset na yan.
"Hello. Sila yung mga lalaking makakalaban nyo" wika ni frince sa mga lalaking may mahabang buhok na kulay puti.
Malinis silang tignan at ang puti puti nila.
Ilang minuto silang tumingin sa amin and then..
"Puta!"
Hindi ko naiwasang mapamura dahil sa biglaan nilang pag sugod sa akin ng isang lalaki. Buti nalang at nasangga ko agad ang espada. Bwiset. Una palang mukhang mahihirapan na ako.
"Ganyan talag ang mga patay. Mahilig mang gulat kay dapat palagi kang alerto" pangaral pa nya.
Agad naman akong gumanti. Sinubukan kong madaplisan man lang sya pero wa-epek. Miski ang damit nya hindi mo man lang madaplisan. Ako pa nga ang madalas mapuruhan buti na lang at matibay ang suot naming damit.
Umatras atras at abante abante pa ito na parang nang aasar.
"Matalino at mapang asar ang patay. Iwasan mong sakyan ang kanyang trip bagkus sila ang ipasakay mo sa iyong trip"
Hindi ko napigilan ang sarili ko umabante at sugudin sya pero ako ata ang nasugod. Nadulas ako ng wala sa oras.
"Binalaan kita. Ang mga patay ay mapang asar. Bumangon ka agad! Walang pinipiling oras ang pagsugod ng mga ito. Kaya bangon agad"
Napabangon agad ako at sinubukan ulit syang labanan. Pero wala talaga eh. Masyado syang bihasa sa pakikipag laban.
"Subukan mong kopyahin ang istilo ko sa pakikipag espadahan"
Simubukan kong gayahin sya at kahit papa ano nagagaya ko naman kaso tlaagang magaling sya. Halos wala pa ako sa kalingkingan nya.
"Puntiryahin mo ang puso"
Palakas ng oalakas ang pag pupursigi kong tamaan man lang sya kahit daplis pero wala talaga eh.
Woo. Huminga ako ng malalim bago muling nag lakas loob na labanan sya kahit pa tumatagaktak na ang pawis ko.
"Kaya kong makipag sabayan sayo!"
----
Souven's POV
Napaka lawak. Napaka ganda. Nakakamangha.
Sariwang hangin na humahampas sa akin at nag papawi ng init na kinikimkim ng aking katawan. Napaka ganda ang pinuntahan namin ng hari. Isang malawak na lupa na tinutubuan ng damo na hindi gaanong kalakihan. Tama lang ang tubo ng mga damo para sa isang picnic.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naibagsak ko ang dala dala kong kahon. At Ibunuka ko ang aking kamay na parang sumasalubong ng isang yakap. Dinama ko ang hanging sariwang dumadampi sa aking katawan. Isang malinis na hangin ang pumapasok sa aking ilong na nag papasarap ng aking pakiramdam. Para akong nasa langit sa mga oras na ito.
Umikot ikot ako habang naka pikit upang damhin ang tahimik na paligid.
"Napaka sarap..." Mahinang sambit ko.
"Itigil mo ang pag ikot!"
Rinig ko ang utos ng hari ngunit hindi ko lang ito pinapansin. Patuloy lang ako sa pag ikot. Hanggang sa nahilo ako at piling ko babagsak ako...
"Aray..."
Halos mabalian ako ng balakang dahil sa pag bagsak ko. Matigas nga pala ang lupa.
"Binalaan na kita"
Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Umiikot pa kasi ang panging ko habang naka tingin sa kalangitan. Minabuti kong manatili munang naka higa sa damuhan.
"Napaka ganda ng kalangitan"
Para akong naka higa sa ulap. Napaka sarap talaga ng ganitong pakiramdam.
"Gustong ipaalam sayo na hindi tayo naparito para mag pahinga o mag paka saya. Dinala kita dito upang sanayin ka." Pagpapaala ng hari.
"Pwede bang wag na lang ngayon. Pwede bang bukas nalang pwede bang hayaan mo na lang muna akong damhin ang masayang paligid?" Pag susumamo ko.
Unti unti ko syang nilingon at sakto namang nakatingin ito sa akin.
"Please..." Pag mamakaawa ko pa na sinamahan ng puppy eyes.
Agad naman syang umiwas sa akin ng tingin at tumingin sa malayo.
"Hindi maari." Tipid nyang tugon.
"Ngayon lang please.." Malungkot kong sabi.
Napa awa ekspresyon pa ako para lang mag maka awa sa kanya. Tss. Ngayon ko na lang ulit to gagawin.
"Ako lang ang pwedeng- - "
Nahinto ito sa kanyang sasabihin ng biglang lumapit ako sa kanya at lumuhod. Hinawakan ko ang kanyang kamay para mag makaawa.
"Payagan mo na ako please..." Pag mamaka awa ko parin sa kanya.
Nakatingin ako sa mga mata nya at ipinapakita ko sa aking ekspresyon na sincere ako.
"Parang awa mo na. Kahit pa birthday mo na lang sakin please"
Muli syang umiwas ng tingin at tumingin muli sa malayo.
"Ngayon lang ako papayag sa isang hiling ng aking alipin. Pinapayagan kita na ipabukas na ang pag sasanay kapalit ang isang kaparusahan."
"Woo. Yes. Yes. Yes."
Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ng payagan nya ako. Nag tatalon din ako na parang timang. Para akong isang batang pinayagan ng isang magulang na maglaro sa labas.
"Thank you thank you" pag papasalamat ko sa kanya.
Sira ulo na kung tawagin ang ginagawa kong pag talon talon, wala na akong pake roon basta ang mahalaga napapangiti ko ang hari kahit pilit pa nyang pinipigilan ang pag silay ng kanyang ngiti.
Nang mapag tanto ko na hingal na hingal a ako itinigil ko narin ang pag talon. Naghahabol tuloy ako sa hinga.
"Hindi ko naman kasi inutos sayo na tumalon ka. Ayan tuloy napagod ka"
Bahagya akong natigilan.
Concern ba sya?
"Nag aalala ka ba sakin?" Tanong ko sakanya.
"Ako? Hindi kaya" pag tanggi nya.
Pinaningkitan ko sya ng mata.
"Matanong ko lang.. Wala kabang suklay? Bakit lagi na lang magulo ang buhok mo?"
"Hindi naman nakakasira ng aking kagwapuhan ang hindi pag aayos ng buhok"
"Wow. Isa kang alamat ng kayabangan" bulong ko sa aking sarili.
"Baka ibig mong sabihin. Alamat ng kagwapuhan"
Narinig pa nya yun.
Napa irap na lang ako sa wala at tinalikuran sya.
Hindi ko namalayan na papalubog na pala ang araw. Ang akal ko'y tanghali lang. Ang bilis naman ata ng oras.
"Halika panoorin natin ang pag lubog ng araw" pag aya ko sa kanya.
"Hindi na kailangan. Dahil araw araw ko namang nakikita yan. Mabuti pa, umalis na tayo at baka abutin pa tayo ng gabi rito. Saka ingatan mo nga ang bagay na ibinigay ko!"
Kahit kelan talaga napaka kj nya.
Nilapitan ko sya upang higitin paibaba. Pinaupo ko sya para panoorin ang pag lubog ng araw. Medyo nag aarte pa sya. Hindi naman nag tagal ay napa-upo ko sya.
Yakap yakap ko ang tuhod habang sya, naka injansit lang at tuwid na tuwid ang likod.
"Ngayon na lang ulit ako naka panood ng lumulubog na araw" sambit ko habang tutok na tutok sa palabog na araw. Ayoko ko kasing mawala sa paningin ko ang pag lubog ng araw.
Gawain namin ito ni lolo nung buhay pa sya. Ang tumbay sa aloha beach at pag masdan ang pag lubog ng araw.
"Bumalik na tayo sa palasyo"
Agad na syang tumayo at nag lakad papalayo.
Hindi naman ako sumunod sa kanya. Pinanonood ko lang ang unti unting mag lubog ng araw habang naka upo at yakap yakap ang tuhod. Iniisip ko na katabi ko si lolo at pareho kaming naka ngiti habang nakatingin sa nagiging kulay kahel na araw. Siguro matutuwa si lolo kapag nakita nya muli ang pag lubog ng araw. Kaso mukhang hindi na mang yayari yun. Wala na eh. Namahinga na.
"Hindi ko gustong iwanan kang mag isa lalo na't pagabi na."
Nabaling ang atensyon ko sa itaas. Si thirp na nakatayo habang naka tingin sa akin. Ang akala ko iiwan nya ako.
Umupo sya sa aking tabi at sinamahan ako. Napangiti ako kahit papaano.
Nakatutok ang aking mata sa palubog na araw hanggang sa tuluyan na nga itong lumubog. Medyo nag dilim na ang paligid at nag sisi labas na ang bituin. Inihiga ko ang katawan ko sa damuhan at tumingala upang pag masdan ang kalangitan.
"Maari ba akong matulog ng isang gabi rito?"
"Hindi maari" sagot nya.
Nagtanong pa ako kahit alam ko naman ang isasagot nya.
Hindi nalang ako umimik at pinag masdan na lang ang bituin.
Lumipas ang ilang minuto.
Tuluyan ng binalot ng dilim ang paligid ngunit naririto parin ako. Nakahiga at nakatingin lang sa bituin. Hindi ko akalain na hindi ako iiwan ng hari. Nanatili parin ito sa aking tabi at binabantayan ako.
"Pwede ka naman ng bumalik sa palasyo. Don't worry kaya ko na ang sarili ko lalo na't may patalim naman na akong dala dala"
Walang umiimik kaya minabuti kong lingunin sya.
"Walajo."
Ang akala kong nag babantay sa akin ay tulog na pala. Hindi ko namalayan na humiga rin pala sya. Bakit mas nauna pa syang matulog sa akin. Siguro'y pagod sya.
"Omygosh. Kailangan kong tapalan muli ang iyong palad."
Napa upo akong bigla. Balak ko sana syang gisingin kaso mukhang mahimbing na ang kanyang pag kakatulog. Kaya minabuti ko na lang na wag nalang syang gisingin.
Bumalik na lang ako sa pag kakahiga at tinabihan sya.
"Babantayan nalang kita" sambit ko.
Hinawakan ko ang kanyang kamay na may roong benda.
"I swear. Hindi na ako muling bibitiw pa..."
YOU ARE READING
King's Key is Me
PertualanganAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel