Thirp's POV
Isang linggo na ang naka lipas.
Natutunan na ng lahat kung paano gumamit ng sandata at ganun din ang aking alipin na kasalukuyang natutulog sa kanyang kwarto. Kakatapos ko lang syang sanayin at mukhang pagod na pagod sya.
Gumawa ako ng pag pupulong at sinabi sa lahat na maari na nilang ihinto ang pag sasanay na sya namang ikinatuwa ng lahat. Alam kong pare parehong bugbog ang kanilang katawan kaya napag isipan kong gumawa ng isang party para sa celebration. Sa umaga ko ito gaganapin dahil mahirap na pag gabi. Hindi na tin alam baka mag sisulpot ang mga kuneho na syang mang gugulo sa party.
Alam kong isang kahibangan ang gagawin ko. Kahibangan dahil isa yun sa pag kakataon para sumugod si chin pero i don't care. Wala akong pake alam kung sumugod sya. Lalo na't marunong na ang lahat sa pag hawak ng sandata. At pinag handa ko sila bago pumunta sa party. Pinadala ko sa kanila ang mga armas na binigay ko sa kanila.
Hindi ko lang maiwasang mag taka.
"Bakit ang tagal nyang dumalaw muli?"
"Hey. Try mo ulit itong inbensyon ko. Baka gumana ulit" pang gugulo ni tic.
Hindi ko lang sya pinansin habang ginagawa sa sahig ang kanyang palpak na inbensyon. Gusto daw nyang makatulong sa pag hahanap kay sinusubukan nyang gumawa ng mga bagay bagay na makakatulong sa pag hahanap ng susi. Ilang araw naring nag hahanap ang mga kawal ngunit palagi nilang ibinabalita sa akin na 'wala' walang susi silang natatagpuan. Ewan ko ba, ang sabi ni chin malapit lang ang susi sa lugar namin pero bakit hindi namin mahanap iyon? Malaki naman ang kandado kaya ibigsabihin malaki din ang susi.
Pansin kong hindi pa sya dumadalaw dito. Ano na naman kayang pinag kakaabalahan nya sa itaas?
"Look. Gumagana na oh. Tignan mo" gulat na gulat na sabi ni tic habang sinusundan ang kanyang inbensyon. GPS kung ilarawan ko ang kanyang inbensyon.
"Nag aaksaya ka lang ng oras tic. It can't help us"
Napanguso na lang ito at ibinato ang kanyang inbensyon.
"Better luck next time tic" pang aasar ko pa sa kanya kasabay ang pag tapik sa kanyang likod.
Tumayo na ako at nag lakad pa palabas ng kwarto nya.
Nahinto ako sa pag lalakad ng mapansin ko ang isang bata na nasa pinto ng kwarto.
Tumikhim ako para agawin ang atensyon nya.
"Anong ginagawa mo rito bata?"
Nabigla naman ito sa bigla kong pag bulong sa kanya. Saglit ako nitng sinulyapan bago kumaripas ng takbo.
Anong ginagawa ng batang yun dito?
Pamilyar ang batang yun. Sya kung laging kasama ni tandang kalbo. Hmm. Ano kayang ginawa nun dito sa kwarto ni tic.
Ipanawalang bahala ko na lang iyun. Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa aking bulsa bago nag patuloy muli sa pag lalakad.
Minabuti ko munang lumabas ng palasyo at mag panhangin. Walang tao sa paligid. Tulog na siguro sila.
"Fine! Kasalanan ko na lahat! Ako naman lagi right?"
Nahinto ako sa pag lalakad ng makarinig ako ng sigawan malapit sa garden. Balak ko na sanang umalis ngunit ang malilikot kong paa ang syang nag lakad patungo sa garden upang makinig.
"Can we stop? I hate it mom"
"Kasalanan mo ang lahat!"
"I know! Palagi naman!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may sumulpot sa harap ko na isang babaeng umiiyak. Pangalawang beses ko na namang nakita sya. Umiiyak na naman sya at mukhang nag talo na naman sya ng nanay nya.
"Hi.. Pwede bang itanong mo sa kanya kung bakit lagi kong kasalanan? I hope. Matanggap na nya ako" huling bilin sa akin ni queen bago tuluyang umalis.
Ano na naman kayang pinag awayan nila. Kahit kailan talaga hindi na sila nag kasundo.
"Hey don't- - Ow. I:m sorr- - "
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya. Nagpatuloy na ako sa pag lalakad at umaktong walang pake alam sa kanila.
Nahinto ako ng makaramdam ako ng pag hawak sa aking braso.
"I'm sorry daking.." Malungkot nyang wika.
"For what?" Iritable kong tanong.
"You know what i mean" Sagot nya.
Tss.
Ipapaalala na naman nya ba ang nakaraan? Sorry but i already forgot the past.
"Stop. Tumigil ka na. Ang mabuti mo pang gawin, dun ka sa anak mo humingi ng tawad. Wag sakin" katagang sinabi ko bago tabigin ang kanya kamay.
"Can we start again?" Pag susumamo nyang tanong na ikinahinto ko sa muling pag hakbang.
Ginugulo na naman nyang muli ang isipan ko. Tapos na, at ayoko ng simulan pa ulit dahil sawa na sawa na akong makatikim ng sakit mula sakanya.
Hinarap ko sya ng walang reaksyon sa mukha.
"End is end. Itigil mo na ang ginagawa mo. Intindihin mo muna ang anak mo bago sabihin ang mga ganyang bagay sakin. Just forget the past- - "
Namilog ang mga mata ko sa ginawa nyang pag hila ng aking batok papalapit sa kanyang labi. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang labi na syang nakalapat sa akin.
Agad ko naman itong pinigilan. Inilayo at itinulak ko sya.
"Daking.. Please bumalik na tayo sa dati. I still love you."
Sunod sunod ang pag patak ng luha nya na nanggagaling sa maganda nyang mata.
Sayang sya.. Minahal ko pa naman sya kaso sinayang lang nya yun. Ugali nya siguro ang manloko ng ibang tao at isa ako sa nabiktima nya. Akala ko totoo ang pag mamahal nya pero yun pala, ako lang ang nagsasabing totoo. Dalawa pala kami sa buhay nya at hindi ko na binalak na kilalanin kung sino ang nakabuntis sa kanya. Alam ko namang darating yung panahon na makakalimutan kita at kaya na kitang harapin ng walang luhang pumapatak sa aking mata. Tulad na lang ngayon.
"Hindi na kita mahal queeny. Nakalimutan ko na ang lahat at hinding hindi ako mag sisising ginawa ko yun. Dahil ayoko na. Ayoko ng bumalik ang lahat kaya queeny, humanap ka na lang ng iba. Dahil.. Meron na kong iba"
Isang matatag na tingin ang ibinato ko sa kanya bago muling nag lakad papalayo sa kanya at iniwan syang nag iisa habang lumuluha.
I let a heavy sigh.
Isa lang yun sa nag papatunay na naka move on na nga talaga ako. I'm so proud of myself.
Well, hindi ko naman sya masisisi. Mahirap naman talaga kalimutan ang gwapo kong mukha.
Miski ako hindi ko makalimutan ito sa tuwing iiwan ko ito sa harap ng salamin. Gwapo kasi.
-----
Souven's POV
Nang hihina akong tumakbo patungo sa kwarto ko at nagmumok roon. Isinandal ko ang likod ko sa headboard at tinakluban ko ang katawan ko ng isang malaki at malambot na kumot. Unti unting bumagsak ang balikat ko. Para akong nanghihina.
Dapat pala natulog na lang ako at hindi na sinundan sya. Hay. Queeny kissed him.
Ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang iniipit ang dibdib ko dahil sa sobrang sikip. Pinang hihinaan din ako ng loob at paulit ulit akong humihinga ng malalim mapigilan lang ang luhang gustong pumatak.
"Your not affected okay"
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero waepek eh. Still ganon parin ang nararamdaman ko.
Damn it!
Ayoko ng ganitong pakiramdam. Anong bang big deal don? Hindi ko naman sya gusto o kung ano kaya dapat hindi ako apektado sa halik na yun! Oo nag halikan sila at isa ka lang sa nakakita. Taong nakakita na hindi na dapat nag papaapekto pa.
"I hate you thirp!"
Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa sobrang inis.
Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang inis na hinahaluan ng pag sikip ng aking dibdib.
Ayoko ng ganito. Ugh.
Humiga na lang ako sa kama at tumingin sa ceiling.
"I hate you. I hate you. I hate you!" Mga katagang isinisigaw ko.
I am drudge.
Hanggang don lang yun kaya wag apektado ha. Masyado kang assuming. Alipin ka lang at hindi espesyal.
Tookkk tookkk tookk.
Naalarma ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Nag ayos agad ako ng sarili. Baka si thirp yan.
"May nag hahanap sa iyo alipin"
Gumuho ang mundo ko ng marinig ang boses ng isang kawal. I expect. Bwiset.
Bugnot kong binuksan ang pinto at wow. Anong ginagaw nya rito at bakit umiiyak sya.
"Anong ginagawa- - "
*pakkkk*
Isang nakakamanhid na sampal ang ginawad ni queeny sa aking pisngi. Sandali akong natigilan at hindi agad naibalik ang mukha ko sa pagkakaayos.
"I want him. At kung ikaw ang dahilan para hindi kami mag katuluyan well.....I kill you ms. Souven ley wert." Pagbabanta nya sa akin na may diin.
Kinurap ko ng isang beses ang aking mata bago sya lingunin. Tinaasan ko sya ng kilay.
"At bakit mo ko sinampal? Sorry ha hindi ko maintindihan ang sinasabi mo"
"Bobo ka ba? Alam ko kung sino ang tinutukoy nya. Alam kong ikaw ang gusto nya at alam mo bang lahat ng ginugusto nya ay pinapatay ko? Kaya simulan mo ng mag ingat sakin ha hindi lang ako basta mabait sa iba dahil pinipili ko lang mga taong pag lalabasan ng kademonyohan na naka paloob sa kalamnan ko"
Napatawa ako ng mahina.
Humalukipkip ako sa harap nya at sumilay sa aking labi ang isang ngisi.
"Pathetic. Tulad ka din ng iba. Diyos sa labas demonyo sa loob. Alam mo, hindi ko alam kong matutuwa ba ako o matatakot sa pag babanta mo. Actually, natutuwa na nga ako eh. Ow, well. Gusto kong mag pasalamat sayo. Why? Kasi napasaya mo ko, salamat sa pag sabi na ako ang gusto nya ha. Nakakagaan kasi ng loob. Anyway. Gusto kong ipaalam sayo na wala akong balak na matakot sa isang tulad mo. Hello? Ilang beses na kaya akong napahamak pero wag ka. Here oh. Nakatayo parin ako sa harap mo kasi nga matibay ako. You can chupi chupi now. Ah wait. May huli akong..."
*pakkkk*
Isang mala dos four dos na sampal ang iginanti ko sa kanya.
"Ops. Pasensya na ha. Hindi ko siansandyang madungisan ang maganda mong mukha. Tsk. Nadumihan din pala ang kamay ko. Hay. Mag a-alcohol na lang ako. Maari ka ng umalis, hindi bagay dito ang mga hindi ginugusto."
Mapang asar na ngiti ang ibinato ko sa kanya. Bago padabog na isinara ang pinto.
Agad agad kong kinuha ang isang maliit na cabinet para ipang harang sa pinto. Baka kasi pilitin nyang buksan, edi nalagutan na.
Nag tatalon ako sa kama na parang ewan.
Ang saya saya ko ngayon. Salamat sa kanya dahil pinawi nya ang pang hihina ko kanina. Dalawang dahilan kung bakit ako masama. Una na dos four dos slap ko sya at pangalawa.. May gusto daw sakin ang hari.
Unti unting huminto ang pag talon ko ng may isang masamang bagay ang pumasok sa isipan ko.
"Hindi kaya.. Niloloko lang ako ng queeny na yun?"
Napaisip akong bigla at napahawak sa aking baba.
Tama.
Baka nga pinag ti-tripan nya lang ako at pinapasakay na ako tapos saka ako pag tatawanan kapag nag assume na ako.
Hmm. That's bad.
Dapat hindi muna ako mag assume. Dapat sa kanya ko mismo malaman hindi yung sa sabi sabi lang. Pano ko nagpag nag assume ako tapos wala naman palang nararamdaman edi nga nga ako. Kailangan kong puntahan si grew. Sya ang madaming alam pag dating sa mga ganito.
Tinanggal ko ang cabinet na naka harang sa pinto at tiniyak ko munang wala na si queeny bago buksan ang pinto.
Dahan dahan kong tinahak ang hagdan.
Mukhang pagod ang mga tao sa paligid ah. Himala lang na walang mga kawal sa paligid na pumipigil sa aking lumabas ng palasyo. Kakainip na kaya sa kwarto ka lang naka upo at walang ginagawa. Ang puti ko na nga ngayon eh. Ilang araw ba naman akong naka sa kwarto lang. Maliban sa oras ng pag sasanay.
"At san ka naman pupunta?"
"Ay kabayo"
Napatalon ako dahil sa biglang pag sulpot ni cat sa harapan ko. Kakainis naman tong babaeng to. Ilang hakbang nalang makakalabas na ako ng palasyo kaso may asungot na biglang humarang sa aking dadaanan.
"Cat. Gusto kong makita ang mga kaibigan kaya please payag- - "
Hindi ko naituloy ang sunod na katagang sasabihin ko ng ilagay nya ang isang daliri sa manipis kong labi na nag patahimik sa akin.
"Make sure na hindi ka mapapahamak. Dahil kung mapahamak ka malalagutan tayong lahat!" Bilin nya sa akin.
Agad agad naman akong tumango.
Kumaripas na ako ng takbo palabas ng palasyo ng tumango sya sa akin.
Kinatok ko agad ang pinto ng bahay ni ate saysas at sa wakas binuksan nya din ito.
"Papasok pwede?"
"O sige. Pasok ka"
Agaran akong pumasok sa loob parang hingal na hingal. Ewan ko ba kung bakit kumakaripas ako ng takbo siguro ay para makaiwas sa hari. Alam ko naman kasi na once na makita nyang nasa labas ako. Papasukin nya ulit ako sa palasyo.
Tch. Ang boring boring kaya sa kwarto lalo na't wala akong kausap.
"Ugh. Ang sakit ng likod ko"
"Ngalay ang mga binti ko"
"Ouchy. Para akong nabalian ng turuan kami ni veany ng Riesling"
Ilan sa mga reklamo nila na naririnig ko. Napangiti naman ako at agad ginulat sila.
"Wahhh"
Halos mamatay matay naman sila sa sobrang gulat.
Nakakabanibago ang mga itsura nila para silang napalaban sa isang digmaan. Napaka hagard nila diba dapat natutulog sila ngayon? Eh bakit mga nag rereklamo ang mga to.
"Lika nga dito souven. Massage mo tong likod ko. Pagod ako eh" utos ni dake habang hawak hawak ang braso.
"Hard?"
Lumapit naman ako sa kanya at lumuhod sa bandang likuran nya. Inilapat ko naman ang aking kamay sa balikat ni dake at sinimulan itong masahihen.
"Sorry souven. Wala akong lakas na yakapin ka. Sobrang naghihina ako. At ang sakit pa ng katawan ko" paumanhin sa akin ni eitsy habang iniinda ang kanyang braso.
Pare pareho silang dumadaing habang naka upo sa sahig.
"Hay. Wag kayong mag alala mga bata. Kapag ininom nyo na itong kape siguradong tanggal yang mga sakit nyo sa katawan" pag singit ni ate saysas.
"Nasan po ang kape?" Tanong ko.
"Ititimpla ko pa nga lang hehehe. Sige hintayin ako riyan at ipag titimpla ko kayo ng kape" pag papaalam nya bago tuluyang umalis sa aming kinaroroonan.
"Napaka sarap talagang mag masahe ng asawa ko" pamimilosopo ni dake at umaktong nasasarapan nga.
Hindi ko naman maikakailang magaling akong mag masahe dahil totoo naman yun.
"Sira ka talaga!" Pag sita ko sakanya.
Kahit kailan talaga palagi nya akong pinapaasa. Hay.
"Tss. Hindi man lang magawa sakin ni eitsy yan" nag tatampong wika ni grew.
Tinignan naman ito ni eitsy at tinapunan ng masamang tingin.
"Sarili ko nga hindi mamasahe ng maayos ikaw pa kaya!" Pag susungit nya kay grew.
Napanguso na lang si grew at napa irap na lang si eitsy. Loko talaga tong dalawa. Isang bully at isang nag papa bully, bagay na bagay talaga.
"Ugh sobrang sakit talaga ng katawan ko. Hoy babae. Mukhang wala ka pang alam sa pag hawak ng sandata, pag talaga nawala ang sakit ng katawan ako na ang mag tuturo- - "
Pinutol ko na agad ang sasabihin ni veany.
"No thanks. Tinuruan na ako ng hari"
"Ano?" Gulat na tanong sakin ni dake na bigla naman akong hinarap. "Ibig sabihin hindi mo kasama sina eitsy at veany sa pag sasanay. Edi ibig sabihin kayong dalawa lang ng hari ang nag sasanay? What the hell!"
Nakakatuwa ang pagiging o.a nya.
"Yep. Ganun na nga. Tumalikod ka na nga! Duba gusto mo ng massage! Kaya tumalikod ka!"
Nag pa cute pa ito sa akin bago sumunod sa utos ko.
"Wai wait wait. Baka naman may something na sainyo ng hari na yan. Alam mo souven wag kang maiinlove sa kanya. Ang sungit sungit nya kaya. Di ko sya gusto" wika eitsy.
"Sira ka ba. Okay nga yun eh. The more na malapit kayo sa isa't isa the more na may chance tayong maka alis sa sinumpang lugar na to" pambabara ni veany kay eitsy.
"Tama si eitsy. Subukan mong mainlove sa gunggong na yun kundi malilintikan ka sakin" pag babanta sakin ni dake.
Binatukan naman na ito.
"Hayy. Mga sira talaga kayo. Buti pa si grew walang kinakampihan. Pwede bang gayahin nyo si grew? Mabait lang"
Taas noo namang ngumiti si grew na ikinairap ni eitsy.
"Gaya kayo sakin" pagmamayabang nya.
Tss.
Porket na puri akala mo kung sino na.
"Anyway. Souven napag usapan nyo na ba ng hari ang tungkol sa parisukat na lagusan?" Pag iiba ng topic ni veany.
Naku patay.
Ugh. Ilang araw kaming mag kasama pero hindi ko man lang nasabi sa kanya ang tungkol don. Tss. ano ba naman yan.
"Ummm.. Hindi eh"
Napayuko na alng ako ng dahil sa reaksyon nya.
"What! Ilang araw kayong mag kasama pero hindi mo man lang naipasok sa usapan nyo ang tungkol sa lagusan? Ow. God. Souven naman! Mahalagang isama mo yun sa usapan. Dahil yun lang tanging paraan para maka alis tayo dito. Hay. Souven!" Sermon sakin ni vean.
"Shhh.. Tama na nga ang sermon. Masyado nyong pini-pressure ang asawa ko eh" pag papatigil ni dake kay vean.
Palihim ko namang kinurot si dake sa kanyang likod.
"I swear. Isasama ko sa usapan yun. Mag tiwala kayo sakin"
"Fine! Basta isama mo para maka alis na tayo dito!"
Tookk tookkk tookk.
Sabay sabay kaming napatingin sa pinto kung saan may kumakatok.
"Ako- - "
"Sige na mga bata ako na ang magbubukas" pag prisinta ni ate saysas kasabay ng pag patong ng limang tasa ng kape sa lamesa.
Namilog bigla ang mga mata ko ng makita ang hari. Madilim ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Ow god. Patay"
YOU ARE READING
King's Key is Me
AventuraAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel