Chapter 32

54 3 0
                                    

  Souven's POV
Nakakasira ulo ang pagiging sensitive nya sakanyang hintuturo.
Ugh.
Ayoko man pero walang magagawa ang puso ko kung pati ako nag seselos na sa hintuturo nya.
Nakakalungkot lang isipin na ako na ngayon ang nagiging immature at nagiging sira ang ulo. Hindi kasi ako sanay sa ikinikilos nya. Ang atensyon kasi nito ay nasa hintuturo nya habang mag kasama kaming naglalakad. Kahit anong gawin kong pag ipon ng lakas, hinding hindi ko magagawang umamin sakanya na nagseselos ako sa hintuturo nya.
Wala namang pinipili ang pag seselos. Kapag hindi babae ang pinagseselosan malamang yung mga bagay na nagiging paborito nya na nakaka agaw ng oras ng taong mahal mo.
Alam ko namang wala akong karapatan mag selos pero tulad nga ng sinabi ko, ipinagtatanggol ko lang naman ang nararamdaman ko. Wala naman siguro sa batas na hindi pwedeng mag selos ng palihim.
Hay. Love is not easy.
"Silence are slowly killing me." Pag basag ko ng katahimikan.
Itinago nya agad ang kanyang kamay at hinarap ako habang ako ay pakipot lang. Hindi ko sya nililingon. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakahalukipkip.
"Salamat sa souvenir. Aking alipin."
Ha?
Salamat? Bat naman sya nagpapasalamat?
"Souvenir?"
"Hay. Nevermind."
Pinagpag nito ang kanyang suot bago naglakad ng tuwid at umastang hari. Buti naman at nabalik na sya sa reyalidad.
Ginaya ko naman sya. Umakto na akong alipin pero yung kagalang galang na alipin.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng maagaw ang atensyon ko kay ginoong kalbo na may dala dalang dalawang basket. Nilapitan ko agad ito.
"Let me help you."
Akmang kukunin ko na sakanya ang isang basket ng biglang higitin ako ng hari palayo kay ginoong kalbo.
Mag rereklamo sana ako kaso minabuti ng bibig kong manahimik. Masyadong seryoso ang tinginan nilang dalawa habang ako ay naiilang. Nakadikit lang naman ang likuran ko sa dibdib nya at tanging pag tingala lang ang nagagawa ko para makita ang ekspresyon ng mukha nya.
Ewan pero nakakakilabot ang mga tinginan nila.
"Ayokong lumalapit ka sa iba. Lalo na't hindi mo naman ito lubusang kilala" seryoso nyang wika bago ako higitin papalayo kay ginoong kalbo.
Nilingon ko si ginoong kalbo para sana mag sorry kaso ng nakita ko ang pag ngising ginawa nito kaya biglang umurong ang dila ko.
"Bakit m- - "
"I'm just worried."
Worried?
Hay. Salamat naman at naramdaman ko na ang totoong sya.
Hindi ko na sya binara pa dahil alam kong bawal barahin ang taong seryoso sa mga katagang binibitawan. Tulad ng haring ito.
Padabog nyang kinatok ang pintuan ng bahay ni ate saysas.
Agaran namang tinugunan ni ate saysas yun at walang ano ano ay biglang pumasok ang hari na syang nagpabagsak ng pagkatao ko. Nakakahiya lang kasi na hindi pa man kami inaalok na pumasok ay nanghimasok na agad kami.
"Sorry po.." I murmured.
Isang ngiti at tango lang ang isinagot ni ate saysas.
"Sa labas lang ako. Hihintayin kita kaya sana dumating ka" bilin nya sa akin bago tuluyang lumabas na hindi man lang nilingon ang paligid.
So. Pumasok lang sya para ihatid ako?
Wow.
"Clap. Clap. Clap"
Nabaling ang atensyon ko sa dalawang babaeng pumapalakpak in slow motion move.
"Stop teasing me guys." Walang gana kong sambit.
Isang yakap mula kay veany ang ginawad nya sa akin na sinundan naman ni eitsy.
"Nasan sila grew at dake?" Tanong ko ng makalas ako sa pagkakayakap.
"Ikukuha ko lang kayo ng meryenda mga iha." Pagpapaalam ni ate saysas bago tumungo sakanyang kusina.
Tinungo namin ang salas at umupo sa sofa.
"Hmm. Ewan. Basta si dake, pag gising namin wala na" tugon ni veany.
"At si grew naman nagpaalam na hahanapin lang si dake but until now, wala parin sila" dagdag naman ni eitsy.
Hindi na ako nag alala pa sakanila. Tutal lalaki naman sila at marunong ng i-defence ang kani-kanilang sarili.
"Hayy. Bakit pa nawala ang dake na yan, kung kelan may mahalagang pag uusapan tyaka pa nawawala." Nabubugnot kong sabi.
"Ano ba yung pag uusapan nyo?" Tanong ni veany.
"Di ko nga alam sa bwiset na yun. Ang sabi nya may mahalaga kaming pag uusapan. Hay. Tapos wala naman pala sya."
"Nitong nakaraang araw nga nagiging iba sya. Yung bang palaging balisa at palagi syang nakatingin sa bahay ni ginoong kalbo. Ewan ko kung napapansin nyo, pero ganon ang napapansin ko." Wika ni veany.
"But anyway. Napansin nyo bang may kakaiba sa chin?" Pag singit ni eitsy.
"Um. Meron akong napansing kakaiba." Suhestyon ko.
"Ako din meron. Hmm. Nakakapag taka lang na bakit ang mga kamay nya ay pang normal na tao lang. Look yung mukha nya diba kulubot kulubot tapos pag dating sa kamay parang naka botox." Nagtatakang sambit ni veany.
"May kutob akong hindi tunay na chin si taler. Nararamdaman ko parin sa kanya ang dugo ng isang tao. Normal na tao. Pero.."
"Pero what?" Dugsong ni eitsy.
"Pero maaring ganon lang talaga ang isang chin. Well, hindi pa naman natin nakikita ang totoong itsura ng chin- - "
"Maitim ang labi. Kulubot ang buong katawan. Parang isang nabubulok na matanda. Mabaho ang amoy. ilag sa liwanag. At maiitim ang kuko"
Nabaling ang aming atensyon kay ate saysas na syang sumingit sa aming usapan. Nilapag nito sa maliit na mesa ang dala dala nyang pag kain kasabay ng pag upo sa tabi ni veany.
Ngayon, kaharap namin silang dalawa habang si eitsy naman ang katabi ko na agad ininom ang juice na dala dala ni ate saysas.
"Nakita nyo na po ang itsura ng totoong chin?" Tanong ni veany kay ate saysas na nakangiti lang.
"Sa tagal kong naninirahan dito. Malamang nakita ko na ang kauna unahang chin na nabuhay sa mundong ito." Tugon nito.
"Itim ang kuko? Wait. Kung itim ang kuko ng chin bakit kapareha natin ng kuko ang bagong chin?" Tanong ni eitsy.
"Isa lang ang ibig sabihin nan. Maaring nanantili sa kanya ang sarili nyang kaluluwa dahil kapag nawala ang kaluluwa mo sa katawan mo at sinaniban ng ibang spirito. Malamang magiging kamukha mo na si chin." Tugon ni ate saysas.
"Ibig sabihin? Tao si chin? Tao si taler?" Namimilog na matang tanong ni eitsy.
"Tao man o hindi, makapangyarihan parin sya na dapat katakutan ng lahat" wika ni ate saysas habang naka serious mode.
May point si ate saysas.
Hindi na mahalaga kung tao o hindi sya dahil makapangyarihan parin sya. Pero bakit hindi ako nakakaramdam ng takot lalo na nung tinignan ako nito sa mata. Eye to eye kumbaga. Dapat nag tayuan na ang balahibo ng tignan nya ako pero wala akong naramdamang kahit na ano.
May kakaiba don, hindi ko lang mawari kung ano ito.
Muling sumagi sa aking isipan ang sulat na natanggap ko kagabi. Isa yung uri ng sulat babala at sinasabi nitong mag iingat daw ako mahirap daw kalaban ang pinaka makapangyarihang chin.
Alam kong spesyal ako. Nararamdaman ko yun kahit na hindi nila ipaalam sa akin kung bakit sinusubukan nilang akong patayin at paulit ulit na nililigtas ng hari.
Hindi normal ang mga nasa paligid ko. Miski si tic o si ate saysas. Hindi dapat kami mag tiwala sa mga taong mahilig ngumiti, maitago lang ang kakaiba nitong mga katauhan.
Wala pa nga sa kalahati ang nalalaman ko sa lugar na ito. Ang sumpang lugar na ito.
"Nakita nyo na ba ang kanilang tinitirhan?" Tanong ko kay ate saysas na agad napa tingin ng diretso sa akin.
"Isa iyung palasyo. Napakalaking palasyo. Kulay pula ang kulay ng buong palasyo. Mahirap iyun puntahan kapag wala kang gabay."
What if?
Puntahan ko kaya yun. Baka dun mas madami akong makuhang information about sa susi.
May nabanggit kasi ang chin na yun na konti nalang daw ay mailalarawan na ang itsura ng susi.
Siguro isa yung bagay na nag naglalarawan ng itsura ng susi.
And then kapag nalaman ko ang itsura nun pwede kong sabihin sa hari para mahanap nya na agad at maibigay iyun kay chin. Edi walang gulong magaganap.
"Maari ko kaya yung- - "
"Wag mo ng balaking puntahan yun. Dahil hinding hindi kana makakabalik dito kapag nangyari yun. Maliban nalang kung may isang alagad ang tutulong sayo."
Mukhang alam ni ate saysas ang balak ko.
Gusto ko din kasing mag siyasat. Alam kong nag sisiyasat ang dake na yan kahit hindi nya sabihin sa akin. Alam ko ang galawan nya dahil bata palang kilalang kilala ko na sya.
Hindi naman ata tama na sosolohin nya lang yun. Dapat tulungan ko din sya. Ako ang pinaka malapit sa hari pero ako tong walang silbi. Wala man lang akong maibigay na impormasyon sa kanila. Tulad ng paano maibabalik ang lagusan? San ito matatagpuan? Bakit nawala ito?
Paano kung ang mga tanong ko ay masagot kapag pumunta ako roon. Paano kung naroon ang lagusan. Kapag nandoon yun edi maari na kaming maka---- no. Sila lang pala.
"Wag kayong mag alala... Hindi ko binabalak na puntahan ang lugar na yun."
"Teka change topic. Ano souven? Nasabi mo na ba sa hari ang tungkol sa lagusan?" Pag iiba ng topic ni veany.
Umiwas muna ako ng tingin bago umiling.
"What? Nanaman? Grabe, halos araw araw kayong mag kasama tapos hindi mo man lang nababanggit ang usapang yun? Souven naman! Uwing uwi na ako. Palibhasa napapalapit kana dyan kaya ayaw mo ng bumalik sa lugar natin. Palibhasa masaya ang buhay mo dito samantalang kami, nag hihirap. Ikaw naka higa sa malaki at magarang kama. Ikaw mayroong taga pagligtas. Ikaw madaming kinakain pero kami? Kabaliktaran. Sarili mo lang kasi ang iniisip mo!" Panunumbat sa akin ni veany bago mag walk out.
Isang matinding irap ang ipinukol nya sa akin bago pumasok sa kanyang kwarto.
Hindi naman ako agad naka pag salita. Para akong binuhusan ng ice tube. Hindi ko akalain na ganon pala ang iniisip nila tungkol sa akin.
"Umm. Sorry sa inasal ni veany. Hindi nya gustong sabihin yun. Nadala lang sya ng galit." Pagpapaumahin ni eitsy.
Tinatagan ko ang loob ko. Pinigil ko ang luhang nagbabadya at ang bibig na nanginginig.
"Ganon pala ang iniisip nya. Well, okay. Fine. Wala nga naman akong silbi. Ako tong malapit sa hari pero ako tong walang silbi. Sensya na ha, mayaman kasi kayo sa kabilang lugar at mahirap ako dun. Sensya na kung masaya ako dito at malungkot kayo. Minsan lang kasi ako naging mayaman. Minsan lang ako naging espesyal. Pasensya na talaga."
Tumayo na ako at naglakad papalabas ng bahay.
Wala akong haring naabutan sa labas kaya binalak ko ng umalis ng makaramdam ako ng isang mahigpit na pag kakahawak sa aking kamay. Isang hingal na hingal lalaki ang nakahawak sa kamay ko.
"Tara na." Sambit nya na halos pabulong nalang dahil pinangungunahan sya ng kanyang hininga.
"Anong nangyari- - "
"Tara na."
Naglakad na ito kaya wala akong nagawa kundi ang mapalakad din. Napukaw ang atensyon ko sa laylayan ng damit nyang may dugo.
Mahirap naman kasing mag tanong sa kanya dahil alam ko namang hindi nya sasagutin iyun. Tumingin ako sa likod.
Hindi man lang ako nakaramdam ng takot ng makita ko ang dugong umaagos don sa pinanggalingan nya kanina. Siguro'y naka kita na naman sya kuneho at pinatay ito.
Hay.
Nawawalan ako ng gana sa oras na ito. Nakakapang hina ang ginawang panunumbat sa akin ni veany.
Dapat naman na talaga akong kumilos, wag puro sarap kailangan din ng pait.
Huminga ako ng malalim bago mag tanong.
"May alam kaba tungkol sa parisukat na lagusan?"
Nakaramdam ako ng pag hinto at malalim na pag hinga bago nya ako lingunin.
Namilog ang mga mata ko ng makita ang kanyang itsura.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now