Chapter 36

49 3 0
                                    

  Souven's POV
Isang pag amin ang pinaka mahirap na gawin.
Nakagagalak lang na nagawa ni dake yun, dahil ako hindi ko kayang gawin yun sakanya noon. Natatakot lang kasi ako na magbago ang pakikitungo nya sa akin. Pero nag kamali ako. Ang pag amin nya ay hindi makakaapekto sa aming magkakaibigan.
Si dake ang uri ng kaibigan na mapag paraya. Mabait na tao si dake kaya ilang taon ko din syang nagustuhan.
Nagpapasalamat ako sa pang unawa nya kahit alam kong sya ang pinaka na aapektuhan.
"Anong nangyari sainyo ni veany?" Tanong nya sa akin.
Yakap yakap ko ang sarili kong katawan at nasa bulsa ko naman ang kutsilyo pati narin ang dugo. Napaka lamig na hangin ang nag pupumilit bumalot sa aming katawan. Basa pa man din kami kaya matinding lamig ang aming nararanasan.
Pauwi na rin kami dahil gabi na at alam kong may nag aalala sa akin sa loob ng palasyo.
Sinabi ko na kay dake na ako na lang ang uuwi mag isa patungong palasyo at sya ay umuwi narin patungo sa bahay ni ate saysas. Kaso nag pumilit syang ihahatid nalang daw ako baka daw kasi mapahamak ako, mahirap na lalo na't hindi ko kasama ang savior ko.
"Hayy. Wala akong oras pag usapan ang tungkol sa amin." Pag tanggi ko.
"Umm. Okay kay veany ko na lang itatanong." Pag sang ayon nya sa akin.
Ayoko lang naman masira ang masayang araw ko kaya ayokong pag usapan ang tungkol samin ni veany. Alam kong lilipas din yun.
Huminto ako sa paglalakad upang mapahinto rin si dake. Medyo malapit lapit na kami sa palasyo.
"Ahh. Sige dake, mauna ka ng umuwi."
"Ihahatid na kita."
"Hindi na. Ilang hakbang nalang oh malapit na ako sa palasyo."
"Umm. Sige. Tatanawin na lang kita dito. Sige maglakad kana."
Tinignan ko muna sya.
Napaka gwapo nya kahit nasa dilim kami at tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag. Sana maka hanap sya ng babaeng mas lalamang pa sa akin. Ayoko kasi syang nasasaktan.
"Ingat ka.." Bulong ko sakanya bago nag lakad patungong palasyo.
Sinulyapan ko muna si dake bago tuluyang pumasok sa loob ng palasyo.
I sigh.
Ang daming bad and good na nangyari ngayon araw.
Pasensya na talaga dake...
Hahakbang na sana ako para umakyat ng hagdan ng makaramdam ako ng init sa aking likuran at mainit na hiningang sumasagi sa aking tainga.
Tinignan ko ang braso ko na niyapos na kung sino.
Nagtatayuan ang balahibo ko hindi dahil sa lamig kundi dahil sa kuryenteng biglang bumuhay ng inaantok kong mata.
"Bakit ngayon ka lang?"
halos manlambot ang tuhod ko ng marinig ang malambing na boses.
Nanginginig ang balikat ko ng patungan nya iyun ng kanyang mukha.
Ang presensya nya.
Napaka sarap sa pakiramdam ang ginagawang pag yapos sa akin ng lalaking ito. Ang tuyo nyang damit ay unti unti ng nababasa gawa ng damit kong basa.
"B-basa ako."
"I don't care." Bulong nya.
Para syang kama, gusto kong manatili sakanya. I just want to sleep and never woke up. Gusto ko syang makasamang matulog.
Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang tahimik na palagid na tanging kami lang dalawa ang mag kasama.
"I love you my queen souven."
Isang malumanay na ngiti ang nagawa ng labi ko.
Alam kong alam nya na napaka lakas na ng tibok ng puso ko ng dahil sakanya. Ang haring ito, ngayon lang ako tinawag sa totoo kong pangalan.
Naramdaman ko ang unti unti nyang pag kalas sa pagkakayakap. Dahan dahan nya akong iniharap sakanya.
Hay. Hindi ko parin talaga maiwasang magwapuhan sa itusra nya. Para syang isang beauty queen na hindi kumukupas ang beauty.
Tipid na ngiti ang nasa kanyang labi.
Tinanggal nya ang kanyang kapa na nasa likuran nya.
Hmm. Nag kakapa na pala sya ngayon. Dati kasi hindi.
Ipinulupot nya sa basa kong katawan ang mabalahibo nyang kapa.
I bit my lowe lip.
Ayoko kasing maiyak dahil sa pinapakita nyang pag aalala sa kanyang mga mata. Sobra sobra ang ibinigay sa akin ng diyos. Dati ang hiling ko lang naman ay isang pagpapahalaga ng tao. Hindi ko naman hiniling na ipag sabay ang pag papahalaga at pagmamahal na ngayon ay aking nakakamtan.
Nagpapasalamat talaga ako kay god. At syempre pati kay..
"King... Thanks for being there when I feel alone." Halos pabulong kong sabi sakanya.
"Hindi ko naman kailangan ng pag papasalamat mo, ang kailangan ko ay yung pag mamahal mo." Wika nya.
Isa syang hindi ko maipaliwanag na tao.
Hinawakan ko ang buhok nya at inayos iyun ng kaunti.
"Let's sleep?" Pag aya ko sakanya.
Hinawakan nya ang kamay ko. Hindi lang basta hawak ang kinawa nya. Nag form ang aming kamay into holding hands.
"Akala ko ba bawal ang holding hands?"
"Tss. Pag sakin pwede pero pag sa iba bawal."
Magkahawak ang aming kamay habang papaitaas ng hagdan. Kahit sa simpleng paghawak nya sa aking kamay ay sasabog na ako sa kilig. Tagal ko ding hindi binalak na mag mahal ng tunay, hanggang crush lang naman talaga ako. Hindi ko akaling aabot ako sa ganito. Siguro nga pampaswerte ang lugar na ito para sa akin.
Isang hakbang nalang ay makakarating na ako sa kwarto ko. Hahakbang na sana ako ng pigilin ng hari ang gagawin ko.
"Why?" Tanong ko.
Mukhang alam ko na kung bakit.
Mas lalong napapahigpit ang pag hawak nya sa aking kamay at siguro ayun ang dahilan. Ayaw nyang mag hiwalay ang mga ito.
Tanaw ko ang manipis nyang labi na nalulungkot. Parang batang naiiyak ang peg.
Hinayaan ko na lang sya. Binuksan ko ang pinto habang sya ay naka sunod lang. Tinungo ko ang cabinet na puno ng damit.
Ipinamili nga pala ako ni cat ng damit dahil wala na akong masuot na damit.
Kinuha ko ang damit pantulog.
Tinignan ko si thirp na hindi pa rin binibitiwan ang aking kamay.
"Umm. P-pupunta ako sa cr." Sambit ko.
Napilitan nyang tanggalin ang kanyang kamay.
Nginitian ko sya bago tumungo sa cr.
"Mag ingat ka. Dahil... Masyado kang mahalaga." Bilin nito sa akin.
Nilingon ko sya pero nawala na ito habang gumagalaw ang pinto. Siguro'y kumaripas sya ng takbo papalabas.
Nakangiti akong pumasok sa cr. Hinubad ko ang basa kong saplot at binuksan ang shower.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakatingin sa labasan ng tubig.
-----
Grew's POV
Tulog na sila eitsy, veany at ate saysas ng dumating si dake. Basang basa ito kaya agad syang tumungo sa cr para mag palit.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nya sa akin habang pinapatuyo ang kanyang buhok gamit ang kulay asul na tuwalya.
Umupo ako sa high chair at ipinatong ang kamay sa lamesa.
"Hindi ako maka tulog."
"May iniisip kaba?" Tanong nya.
Napaisip ako.
Hindi kasi mawala sa aking isip at tainga ang narinig ko kanina. Alam kong kapag sinabi ko ang narinig ko mula sa bahay ni ginoong kalbo kay dake, maaring makadagdag yun sa ginagawa nyang pag iimbistiga.
"Anong balita?" Pangalawang tanong nya bago umupo sa aking tapat.
Amoy na amoy ko ang shampoo nyang ginamit na binili ni ate saysas para sa amin.
"Ikaw ang dapat tanungin ko. Bakit nawala ka kanina at gabi kana umuwi?"
"Ah kasama ko kasi kanina si souven." Nakangiti nyang sabi.
Hmm. May kakaiba sakanyang ngiti, may itinatago ito sa akin.
"Ano namang ginawa nyo at bakit basa ka?"
"Wala ka na don. Teka mabalik tayo sa tanong ko. Ano bang balita?"
Tumahimik ng ilang saglit ang paligid.
"Kasi. Parang may kakaiba na naman sa bahay ni tandang kalbo. Kasi ganito yun, papalabas na ako ng bahay para hanapin ka sana eh sakto namang kakarating lang ni kalbo kasama yung bata. Edi syempre umasta akong normal. Nang maglalakad na ako ay biglang nag ka interes akong makinig sa usapan nila at ayun meron nga akong narinig."
"Ano yung narinig mo?"
Tumingin ako sa mga mata nya ng diretso.
"Parang may kakaibang kasama si tandang kalbo sa bahay nya. May kausap ito at narinig ko pa ang tungkol sa hari. At isa pa, nag aaksaya lang daw tayo ng oras para matyagan ang hindi naman dapat. Mukhang nakahahalata si tandang kalbo na iniimbistigahan mo sya. Kaya mag ingat ka sakanya."
Bumuga ito ng hangin.
"Sino ba talaga ang kalbong yan. Anong meron sakanya."
Tumayo at tinalikuran ako ni dake.
"Pero wag mong isipin ang pag katao ni tandang kalbo, tulad nga ng sinabi ni frince. Wala tayong mapapala kung pag tutunan natin ng pansin ang matandang yun kaya halika na matulog na tayo."
Wala naman akong nagawa kundi ang tumayo at sundan sya. Iisa lang ang aming kwarto at natural lang na matulog kami ng mag kasama.
Hindi ko parin talaga maialis ang lahat.
Humiga na lang ako at ipinikit ang mga mata. Pinilit kong matulog hanggang sa dalawin ako ng antok.
-----
Souven's POV
Napaka sarap ng tulog ko kaya hindi ko magawang harapin ang hari na kanina pa sinubukang gisingin ako.
"Hey?" Tawag nya.
"Hmmm?"
Daig pa nya ang alarm clock dahil palagi syang on time mambwiset. Diba dapat ang isang alipin ang gumagawa ng ginagawa nya? Pero bakit ako na yung nagiging amo at sya na ang nagiging alipin.
Ewan ko pero nakakatuwa rin pala na pinag sisilbihan ka ng taong gusto mo.
Sinusob ko ang aking mukha sa malambot na unan.
"Okay. Tatawagin ko lang si dake para sya na ang gumising sayo." Wika nya na agad nag pamulat ng mata ko.
Agad akong napatayo ng sabihin nya yun. Dali dali kong tinakbo ang pintuan kung saan papalabas ang hari. Hinigit ko ang kanyang kamay para wag gawin ang kanyang gagawin.
Tinanong nga pala nya kagabi kung bakit daw basang basa ang damit ko. Well, loyal ako kaya nag sabi ako ng totoo. Wala namang malisya ron pero kung sakanya meron, aba hindi ko na problema yun.
"Bakit mo pa tatawagin? Ako na lang ang pupunta sa kanya para mag pagising." Pamimilosopo ko.
At kunwaring lalabasa ako ng pinto ng sya naman ngayon ang humigit sa kamay ko.
"Ako ang padaanin mo. Masakit kasi ang likuran ko kaya kailangan ko ng hilot mula kay queeny. Kaya alis."
Ano?
Hindi ko naiwasang mapamura gamit ang isip ko ng sabihin nya ang katagang yun gamit ang seryosong tono.
Hinigit ko ang laylayan ng damit nya para hindi nya ituloy ang pag hakbang.
Gusto nya kong subukan, well sige. Game ako.
"Lady's first nga diba. Kaya excuse dadaan ang reyna. Makikipag date lang ako kay dake ha."
Kinindatan ko sya bilang pang aasar.
"Ako na muna. Baka ma-late ako sa honeymoon namin ni...."
Inis kong nilingon ang lalaking sinusubukang painitin ang ulo ko. Pinandilatan ko sya ng mata.
'Subukan mong sabihin ang pangalan ni queeny kundi. Pareho ko kayong ililibing sa matigas na lupa.'
Ngumisi ito ng nakakaloko na sya namang hindi ko gusto. Tinaasan ko sya ng kilay at humalukipkip sakanyang harapan.
"Honeymoon namin ng alipin ko." Malanding sabi nito.
Hindi ako ngumiti sa harap nya dahil baka mahalata ang puso kong nagtatatalon sa kilig.
Marunong din naman pala syang mag pakilig sa ibang paraan.
Tinalikuran ko na sya bilang pag papakipot.
"Sige na. Liligo na ako- - "
"Sama ako."
May gulat sa mata akong napatingin sa kanyang mukha.
Para syang isang tutang nag hahanap ng gatas. Ang cute nya kaso hindi ako mag papadala sa ka cutetan nya.
"Wag kang kiligin dyan. Nagbibiro lang ako." Pag iiba ng mood ekspresyon nya.
Nag init ang ulo ko ng dahil sa ginawa nyang pag mamasungit sa akin. Teka anong akala nya kinilig ako?
Hay.
Kung hindi lang talaga ikaw ang bumubuhay sa kalamnan ko malamang naihagis na kita sa bintana ng mag kalas kalas na yang buto mo.
"Maligo kana. Wag ka ng mag tampo dyan." Dagdag pa nya habang nilagay ang parehong kamay sa bulsa ng kanyang pants.
Tsk. Kainis.
Nag martya ako patungong cr ng hindi man lang sya nililingon.
Masyado syang paasa. Ang gulo gulo ng mood nya. Kagabi sweet tapos ngayon strict.
Sinimulan ko ng maligo habang may inis sa aking mukha. Padabog kong kinuskos ang balat ko gamit ang sabon.
Nakaka disappoint din palang kiligin. Alam ko namang hindi mawawala yun kapag nag mamahal ka. Hindi din mawawala na masaktan ka. Pero ang tanong? Kaya ko kaya?
Wala akong alam sa pag ibig. Ang tanging alam ko lang ay mag ka gusto ng palihim. Pero matured na ako kaya dapat alam ko na yun. Kaso ayaw kong pag aralan ang tungkol dun. Bahala na lang. Ma disappoint na kung ma disappoint. Basta ang pahahalagahan ko lang yung mga bagay na may halaga. Kumbaga yung mga kilig moments lang ang pahahalagahan ko hindi yung mga sakit moment. Ayoko mang masaktan pero dadating at dadating naman ako sa puntong yun. Wala akong magagawa dahil ang tadhana ang master sa lahat.
Basta mag mamahal ako dahil gusto ko.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now