Chapter 53

55 3 0
                                    

  Thirp's POV
Hindi ko nagawang ilagan ang espadang ibinato nya sa akin kaya nasugatan ng kaunti ang aking balikat. Ramdam ko ang dugong umaagos mula roon pero hindi yun ang magiging dahilan para lang itigil ang laban. Buhay na ng mahal ko ang punto rito kaya kailangan kong lumaban at mag pakatatag dahil ako ang tinaguriang hari sa lugar na ito. Isang hari na hindi sumusuko at matatag kung lumaban. Sisiguraduhin kong mabubuhay ako ayun sa aking pangako kahit pa sabihin ng iba na isang kahibangan ang pag tatanggol sa babaeng nag dala sakanila sa kapahamakan.
Nakakuha ako tyempo para damputin ang espadang ibinato nya sa akin.
"Eat my fucking sword!"
Bumwelo muna ako bago ibato pabalik sakanya ang espada.
Tumakbo ako agad para tumungo kay ty na nag tatago sa malapad na pader.
"Eto na ang lason." Nanginginig ang kamay nya nung ibigay nya sa akin ang bote na may laman at kulay berde iyun.
I just nodded.
Nilingon ko agad si chin na kasalukuyang nakikipag espadahan kay tic.
"Iligtas mo ang mag ina." Bulong ko kay ty na agad naman tumango.
Naglakad ako patungo sa kinaroroonan nila tic at chin habang inilalagay ang boteng ibinigay ni ty sa bulsa ng aking pantalon.
Kinuha ko ang mga kutsilyong nag kalat sa lupa.
"Ugh." Daing ni tic ng mabitawan nya ang espada at bumagsak sya sa sahig.
"Masyado ka kasing pakelamero kaya ayan, namamatay ka kahit hindi mo gusto." Nakangising sabi ni chin. Akmang tatagain nya si tic gamit ang kanyang espada ngunit napigilan ko iyun ng patamaan ko ang tagiliran nya ng isa sa mga kutsilyong napulot ko mula sa lupa.
Hindi nya inaasahan yun kaya nagtagumpay ang balak ko. Natamaan ko ang kanyang tagiliran na agad naman nyang ininda.
Namilog ang mga mata ko at naguluhang bigla.
"A-aray..."
"Imposible..." Miski si tic naguluhan rin. Kumaripas ng tayo si tic at tumungo sa kinatatayuan ko.
Hindi ako makagalaw na parang isang litrato habang pinapanood si chin.
"Bakit?" Wala sa sarili kong tanong.
Nakita ko ang unti unti nyang pagbagsak sa sahig.
iilang tanong ang gumugulo sa isipan ko.
Bakit sya dinudugo? Bakit sya nasasaktan? Ano ito? Anong nangyari sa dating chin?
Napangisi ako ng masagot ko ang mga tanong ko gamit ang sariling utak ko.
"Para ka nalang ngayong isang normal na tao. Dinudugo at nasasaktan ka na rin." Tumawa ako ng mahina. "Ang akala ko maliit na bagay lang ang kabawasan sa kapangyarihan mo pero nag kamali ako, hindi lang pala basta malaki. Dapat ang tawag roon ay isang napaka laking kabawasan. Ano? Swertehan nalang ba kapag hindi ka dinudugo minsan? At malasan naman kapag dinudugo ka gaya ng isang tao?"
Tumingin sa akin si tic na parang naguguluhan.
"Paano kung hindi sya ang chin?" Tanong ni tic na syang iki nangisi ko.
"Tignan mo ang kanyang batok at doon mo malalaman kung sya ba talaga ang chin. Isipin na lang natin na isang prebadong parte ng katawan natin ang batok, ikakamatay ng tulad natin kapag nagkaroon tayo ng tattoo roon."
"Pero imposible... Diba hindi nasasaktan o dinudugo ang chin?"
Nagalak ako ng makita ko ang maraming dugong lumabas sakanyang tagiliran ng hugutin nya ang kutsilyo. Normal ka nga ba talaga chin?
"Posible ang imposible. Hindi parin tayo dapat makampante dahil may natitira paring kademonyohan sakanyang katawan. Ang mabuti mo pang gawin ay kunin mo ang katawan nila queeny at queen. Tulungan mo si ty na pagalingin ang mga yun."
Tumango lang si tic bago kumaripas ng takbo para tumungo sa dalawang babaeng nakahiga. Agad naagaw nila ang atensyon ni chin kaya nag pakawala si chin ng matigas na hangin para patamaan si tic at ty ngunit naiwasan nila ito at kumaripas na sila ng takbo palayo rito.
Nabaling ang atensyon ko kay queeny. Hindi nila nagawang buhatin si queeny, tanging si queen lang ang binuhat nila.
"Hindi!!!! Ang anak ko!!!!" Nakakabinging sigaw ni chin habang pinipilit tumayo para tumungo sakanyang mahal na nakahiga at wala paring malay.
"Mahal ko... Bubuhayin kita at papatayin ko naman sila..."
Apat na kutsliyo ang pinakawalan ko. Nagsi tusok lahat ng kutsilyong hinagis ko sakanyang likuran.
"A-ahray!" Daing nya.
Dahan dahan akong lumapit sakanya habang todo liyad naman sya.
"Sinabi ko naman sayo na ikaw ang uunahin ko." Nakangisi kong bulong sakanya.
"Huwag kang masyadong pakampante. Baka mamaya lamunin mo ang mga binibitawan mong mga salita." Tugon nya.
Humakbang ako ng tatlong beses palayo sakanya. Medyo bumuka aking bibig at nanlaki ang mata.
"Dinudugo nga ako pero kayang kaya kong maibalik muli ito sa dati gamit ang kakayahan ko."
Napahakbang akong muli ng isang beses.
Ganoon nya na lang kabilis tanggalin ang apat na kutsilyong nakatusok sakanyang likuran. Nawala ang ngisi sa aking labi ng dahan dahan humilom ang mga sugat nya. Dahan dahang nawala ang mga dugong lumalabas kanina.
Mukhang nagkamali ako sa aking hinala. Pero paanong dinugo sya. Wala akong eksantong paliwanag tungkol roon.
"Walang papantay sa kaya kong gawin, inutil na hari."
Ilang beses akong napahakbang patalikod. Unti unti syang tumatayo habang dahan dahang lumilingon sa akin habang nakangisi ang mga labi. Napukaw ang atensyon ko sakanya tagiliran na wala naring bakas ng sugat o kung ano man.
"Kaya mong gawin ang mga bagay na iyan ngunit hindi mo na kayang buhayin ang mahal mo! Hindi mo na kayang bumuhay ng patay- - -"
Ganon nalang kabilis nabihag ang aking leeg. Ramdam kong ang matigas na pader at ramdam ko rin ang pag angat ko ng kaunti. Mas lalo pa nyang idinidiin ang kanyang mga kamay sa aking leeg.
"Pwes kaya ko naman pumatay ng mga taong buhay gaya na lamang ng iyung mahal. Kayang kaya kong patumbahin ang alipin mong ka'y tagal kong hinihintay. Uubusin ko ang kanyang dugo hanggang sa maging isang bangkay na lamang sya. Papatayin ko sya para mabaliw ka!!"
Binalak ko ulit sipain ang kanyang kaharian ngunit napigilan nya agad ito gamit ang kanyang libreng kamay. Sinubukan ko rin syang patamaan ng suntok ngunit mabilis nya rin itong napigilan.
Hindi ko magawang makapag salita. Namumula na ang aking mukha at kinakapos na rin ako ng hininga. Sakalin ka ba naman.
"Ang alipin mong tinaguriang kirida ang syang papatayin ko."
Namintig bigla ang aking tainga.
Nanginginig ang aking katawan sa sobrang galit. Wala syang karapatang makihalubi sa tawagan ng kababaihan! Wala syang karapatang tawaging kirida ang aking mahal!
"Gusto mo talaga ng totoong laban. Pwes pagbibigyan kita."
Dahan dahan kong ikinuyom ang aking kamao bago marahang ipinikit ang aking mata.
"A-anong ginagawa mo?"
Ramdam ko ang pag iinit ng aking kamay at pagbabagong anyo ng aking mata.
Heto na ang hinihintay ko.
Ilang saglit akong ganon hanggang sa mapagtanto kong okay na. Unti unti kong iminulat ang aking mata kasabay ng pag ngisi.
"P-paanong? H-hindi.."
Nanlalaki ang kanyang mata. Hindi nya siguro inaasahan ito.
Bumababa ang tingin nya sa aking kamay na nag iinit. Mas lalo pa syang nabigla ng makita nya ito.
"Gusto mong matikman?" Nakakaloko kong tanong.
"Papatayin kita!!"
Mas lalo pa nyang idiniin ang kanyang kamay sa aking leeg dahilan para mapaangat akong muli ng kaunti. Pero para lang akong isang bulak na hindi man lang nasasaktan.
Minasahe ko muna ang aking kamay.
"Ipapasubok ko sayo."
Galit na galit na kamay ang humawak sa may bandang pulso ng kamay ni chin.
Nanginginig sa galit kong inihiwalay ito sa aking leeg. Halos mag labasan ang mga ugat dahil sa tindi ng galit na nagagawa ng kamay ko.
Walang sinuman ang maaring tumawag sa aking alipin ng kirida. Para syang isang duwag na babae na nakikihalubilo sa salita ng kababaihan. Namimintas sya kahit alam nyang hindi ganoon ang alipin ko.
Kitang kita ko ang kulubot nyang mukha na napapangiwi.
Dahan dahan kong nakamtan ang lupa. Bahagyang inikot ikot ko ang aking ulo bilang ehersisyo.
Nang mapagtanto kong nangangamoy sunog na ang kanyang pulsuhan, inis na binitiwan ko yun.
"Subukan mo pa ulit na tawagin na kirida ang pag mamay ari ko, hindi lang yan ang matatamo mo!"
Tatlong beses akong huminga bago pitikin ang kanyang tiyan dahilan para tumalsik sya palayo sa akin.
"Paanong naisalin sayo ng iyung lolo ang ganyang uri ng kakayahan gayung hindi naman nasalinan ang iyung ama? Imposibleng mang yari iyun?"
Bakas sakanyang mukha ang pag tataka at kalituhan. Naguguluhan ang tinaguriang pinaka malakas sa lahat at paniguradong pag tatawanan sya ng kanyang alagad kapag nakita nila ang reaksyon ng kanilang pinuno.
Hindi ko binalak na mag paliwanag sakanya. Bahala syang mabaliw sa kakaisip kung paano iyun nangyari. Miski ako hindi ko alam kung paano pero wala akong balak na mag isip pa basta ang alam ko ginawad sa akin ito ni dad.
Huwag sana ako biguin ng kapangayarihang ito. Dahil kung panandalian lang ito, paniguradong patay ako.
Kahit papaano ay nakayanan kong kontrolin ito. Kagalakgalak para sa akin yun.
"Sapat nabang ebidensya ito para maniwala kang may mas nakakataas pa sa iyo?" Nakangisi kong tanong bago pagpagin ang kasuotan kong nag karoon ng iilang alikabok.
Ngayon ko lang nakitaan si chin ng takot. Isang himala para sa akin yun. Kinatatakutan nya ba ang isang haring may anyong dragon? Sa bagay, ni hindi nya nga kayang tumingin sa aking mata dahil alam kong gaya rin sya ng kanyang alagad na takot makakita ng mata ng dragon na nasa katawan ng tao.
Palibhasa ang dragon ang muntik ng makapatay sa pinuno nila ngunit muntik lang iyun.
"Hindi sapat yan para ako'y pantayan." Nagmamatapang nyang tugon bago dahan dahang tumayo. Ngumisi ito. Sinusubukan nyang takpan ang kanyang takot.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo? Hindi tayo magkapantay, mas lamang ako at kita naman siguro na mas bata at gwapo ako kaysa sa uugod ugod na tulad mo." Pang aasar ko pa na syang nag painit ng kamay nya. Lumabas na ang nakakasulasok na amoy ng galit.
"Yun na nga, bata ka lang at wala ka pang alam."
"Kung ganon inisip mo ba kung bakit una palang ay alam ko ng ikaw ang chin? Masasabi mo bang walang alam yun?"
Agad kong nailagan ang malaking batong hinagis nya sa direksyon ko. Sinundan pa iyun ng dalawa na agad ko ring naiwasan.
"Wala ka ng laban kapag ang kahinaan mo na ang aking sinaktan."
Bahagya akong natigilan.
Souven..
Lumabas ang apoy sa hintuturo ko na agad kong itinapata sa kinaroronan ni chin.
Ikinabigla nya ang bagay na yun, dahil sobrang bilis dumapo ng apoy sakanyang damit dahilan para masunog ito na agad naman nyang nasulusyunan. Tinungo nya ang fountain sa gitna ng palasyo ni queeny.
Napangisi ako.
Talagang may trauma sya sa apoy. Minsan na syang nahulog sa bulkan kaya nanunuot ang takot nya sa apoy. Hindi na nya narin kayang pigilan ito gamit lang ang daliri nya tulad ng dati.
"Pano ba yan, simpleng apoy lang kinatatakutan mo na eh pano pa kaya kung sa bibig ko lumabas ang apoy na kinatatakutan mo? Maninigas ka kaya sa takot o magiging abo ka dahil- - "
Tumalsik ako sa kung saan ng mag pakawala sya ng hangin. Hindi ko inaasahan yun kaya kailangan kong maging alerto.
Tinayo ko ang tagumpay ko at agad pinalamon sya ng sandamakmak na apoy gamit lang ang aking hintuturo.
Hindi nya magawang kumilos dahil natataranta sya sa maliliit na apoy na unti unting kumakain sakanya.
"Para ka talagang isang tao. Takot na rin sa pinsalang kayang gawin ng apoy." Pang iinsulto ko pa.
Itinigil ko ang pag papatama sakanya ng apoy ng ma-corner ko na sya. Nakadikit na ang kanyang likuran sa malaking pituan ng palasyo ni queeny.
Pinatamaan ko ang rebulto ni queeny sa uluhan ni chin.
Gulat na tumingin sa itaas si chin, bumulusok paibaba ang rebulto na agad naman nyang naiwasan.
"San ang punta mo?" May halong biro kong tanong.
Pinulot ko ang baril sa aking paanan at itinutok sa direksyon nya. Kinalibit ko ang baril at agad kong nalagyan ng apoy ang bala na tumama sa dibdib nya.
Muling nagdugo ito at tulad kanina, natumba rin sya.
Ito na ang pag kakataon.
Agad kong kinuha ang bote sa aking bulsa at naghanap ng espada. Mabilis naman akong nakahanap ng espada at ibinuhos ko ang lahat ng laman ng bote sa espada bago lapitan si chin.
"Any message?" Mapang asar kong tanong.
Hindi ko man gusto tong gagawin ko pero kailangan.
Itinapat ko ang espada sakanyang bunbunan.
Huminga muna ako ng malalim bago iyun ibaba ngunit hindi ako nag tagumpay. Agad syang gumulong sa gilid dahilan para hindi sya tamaan ng espada.
Hinabol ko sya ngunit huli na, may hawak na syang espada kaya nakipag espadahan sya sa akin.
"Hindi mo ako kaya!"
Ang lakas pa ng loob nyang ngumisi.
Hindi naman nag tagal yun. Sinalag ko iyun gamit ang apoy na lumalabas sa hintuturo ko.
"Ugh."
Muli na naman syang natumba dahil nadaplisan ko ang tiyan nya. Inapakan ko ang kanyang mga paa dahilan para humiyaw sya sa sobrang sakit.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras.
"Goodbye."
Lakas loob kong itinarak sakanyang bunbunan ang espada na halos kalahati ang naibaon ko. Lumabas ang umaapaw na dugo sakanyang ulo na syang pinandirihan ko.
Mas lalo ko pa itong ibinaon hanggang sa tuluyan ko na itong pabayaan. Kusa syang tumumba habang mulat ang mata.
"Anak!"
Lumingon ako sa aking likuran.
Namilog ang mga mata ko ng makita ko ang aking ama na nasisinagan ng araw.
Kinusot ko ang aking mata.
"Dad?"
"Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat. Basta ako ng bahala rito kay chin ng makaganti man lang ako."
Hindi ako makapag salita. Totoo nga, buhay si dad.
"Yung kasama ng susi nadatnat kong walang malay roon sa putikan."
"What?"  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now