Veany's POV
Paulit ulit akong napapalunok habang inaalala ang mga mata ng hari na syang nag pa atras sa akin sa kinatatayuan ko.
Mas nakakatakot pa ata yun kaysa sa mga patay.
"Grrrrr. Babalian ko talaga ng buto ang queeny na yan. Look, pinag tripan ba naman si souven. It's fucking hurt bilang kaibigan. Tama lang ang ginawa ng hari sakanya, actually kulang pa yun. Kung kaya ko lang lapitan yang babaeng yun malamang napatay ko na ang bwiset na yun. Souven is in danger. At dahil yun sa queeny na yun. Pati si dake balak pa nyang idamay. Hay. Nakaka inis talaga ang babaeng yun." Nagagalit na sabi ni eitsy habang pabalik balik ng lakad. Paulit ulit nya ring sinasabunutan ng marahan ang kanyang buhok, dahil sa sobrang inis.
Nilapitan naman sya ni grew para pakalmahin.
"Wala tayong laban sakanya kahit pa lima tayong makipag sabunutan sakanya, alam kong alam mo yun eitsy." I commented.
"Yeah, i know. But we can protect souven, with or without power."
"Hmmm. I think n- - "
"Hindi naman basehan ang kapangyarihan para mag protekta ng isang tao. Alam kong kaya nating syang protektahan kahit kakaunti lang ang ating kakayahan. She needs me. Kailangan nya ako at pati kayo."
"But we can't. Mahirap makipag sabayan sa iba- -"
"Yes we can. Hindi naman tayo makikipag sabayan. Kailangan lang natin syang protektahan. Yun lang wala ng iba. Kaibigan nya tayo kaya dapat tulungan natin sya, tulad ng ginawa nyang pag damay sakin kapag mabigat ang pakiramdam ko. She's here, beside me. Hindi ko din naman inexpect na si souven pala ang susi."
Hinawakan ko ang aking baba at napaisip ng kaunti.
"Yah, tama si eitsy. Protektahan lang natin si souven. Alam kong pag iinitan sya ng lahat." Pag singit ni dake habang naka upo sa sahig. Iniinda nito ang kanyang likuran.
"Tama kayong dalawa, iha at iho. Kahit na mahina kayo kailangan pa rin ng proteksyon ng kaibigan nyo." Dagdag pa ni ate saysas habang ginagamot ang lalaking nakahiga sa sofa na walang iba kundi si tic na tulog.
Nag aalala rin ako sa lalaking ito. Mukhang madaming dugo ang humiwalay sakanyang katawan at malalim rin ang ang pag kakabaon ng kutsilyo sakanyang tiyan kanina. Kahit na makulit si tic, concern parin ako.
"You're right ate saysas." Wika ni eitsy.
"Okay. Fine." Itinaas ko ang dalawa kong kamay bilang pag suko. "I'm lost."
Naglakad na ako papalabas para mag palamig.
Hindi parin talaga maka move on ang utak ko sa nangyari. Pati ang mga mata ko, parang bulag parin sa mga nakita.
Umupo ako sa tapat ng pintuan at hinilot ang sintido. I wanna go home na. Stress na stress na talaga ako sa lugar na to.
Pati si souven nadamay pa sa kalokohan ng chin na yun. Imposibleng si souven ang susi, if sya nga? How? Paanong sya ang susi?
Hindi kaya konektado si tito grandpa sa mga nangyayari kay souven. Hindi kaya may past ang lolo ni souven na tungkol rito?
Pwede rin kasi, noon paman mahilig na sa susi si tito grandpa. Ang kwarto nga nun ay puro susi ang nasa wall at hindi nawawala ang desinyong susi sa mga isinusuot nito. May posibilidad na meron silang ugnayan.
"Just relax okay."
Naramdaman ko ang kamay ni eitsy na nakahawak sa aking balikat. Umupo sya sa aking tabi.
"I can't." Tipid kong pag tanggi. Marahan kong sinabunutan ang aking buhok.
Ramdam ko ang pag buntong hininga ni eitsy.
"Alam kong nasa mabuting kamay si souven. Kaya hindi ako nag aalala para sakanya pero kay queeny? Hindi dapat tayo mag pasawalang bahala lang."
"Iba pala ang babaeng yun noh. Kaya nyang pumatay para lang sa hari."
"Desperada ang tawag don noh pero infairness hindi man lang nya tayo sinaktan nung iwan tayo ng hari kasama si souven."
"Hindi nga tayo sinaktan eh paano naman si souven? Kitang kita ko sakanyang braso,hita,leeg at pisngi ang mga sugat na gawa ng kutsilyo. Baka kung anong gawin pa nun kay souven, diba sinundan pa nya sila souven."
"Tss. No match kay king yun noh. May savior kaya si souven. Pero nakakaawa rin ang nararanasan ni souven." Nagpakawala sya ng isang malungkot na buntong hininga.
"I'm just worried. She is important. I can't live without souven."
Nakakunot ang noo ko syang tinignan.
"O.a mo naman." Pagbasag ko sa kadramahan nya.
"No. I'm fucking serious."
"Whatever."
Napaka halaga naman talaga ni souven. Pati sakin mahalaga sya. Since bata pa kami sya lagi ang savior ko. Sya lang naman kasi ang babaeng kayang ubusin ang mga baon ko na hindi ko type na kapag hindi ko naubos malalagot ako kay mom. Kahit sa simpleng bagay matatawag ko parin syang savior. Kaya dapat hindi mawala o ma-dead ang babaeng yun. Importante sya saming lahat noh kahit na medyo may tampuhan kami.
"Wait. Maiba tayo, nakita mo ba ang ginawa nung babaeng naka maskara sa pinuno ng mga patay?" Pag iiba ng topic ni eitsy.
"Yah at astig yun para sakin." Nakangisi kong tugon.
Swak na swak ang ginawa nyang mag saksak ng espada sa bibig ni chin.
Hinampas naman nya ng mahina ang balikat ko.
"Sira ka talaga. It's nakakadiri kaya. I'm just curious, bakit na-kayang gawin yun nung babaeng nakamaskara? Ang akala ko pa naman makapangyarihan ang isang chin. He disappoint me." Pag tatampo ni eitsy na parang isang batang nabitin sakanyang pinapanood.
"Hindi mo ba narinig. Fake nga yung chin eh. Uulitin ko, fake ang chin na yun okay. So dapat hindi na tayo mag worry dahil wala ng chin na nabubuhay sa mundong ibabaw." Masagana kong sambit.
"Sorry pero hindi ko kayang maging kampante. Takot parin ako kahit na wala na ang chin. Hindi kaba nag tataka? Bakit ganon kabilis ang lahat? Hindi ba dapat madugo ang laban at mapapatay tayo ng lahat ng patay?"
Tama si eitsy.
Masyadong mabilis ang lahat at alam kong hindi naging duwag ang mga patay kasi kung tutuusin dapat kami ang tumakbo sa takot. Parang planado ang lahat. Planadong iwan nila ang kanilang pinuno at bumalik sa itaas.
Siguro, nung una palang talagang gagawin na nila ito. Iiwan ang pekeng chin at gagawa ng bagong chin. Hindi basta basta nag tataksil ang isang alagad kaya, nakakapagtaka ang ginawa nila sakanilang amo.
Para silang tanga, ano yun isang batang ihahatid lang sa school tapos iiwan din naman?
"Ugh." Umastang naduduwal si eitsy. "Kadiri ang amoy. Mukhang...."
"Ow. Hello ginoong kalbo at batang siro." Nakangiti kong pag bati.
"Ayan ang sinasabi ko." Bulong pa sa akin ni eitsy bago takpan ang ilong.
Pinalo ko lang ang kanyang kamay bilang pag saway.
"San ang punta nyo?" Tanong ni eitsy. It's sounds ngongo.
Tinignan ko ang hawak hawak na kahon ni ginoong kalbo na agad naman nyang itinago sakanyang likuran.
"Mag sasaya lang kami ng alaga ko." Sagot nito sa amin bago nag lakad ng mabilis papalayo.
Napaka weirdo din talaga ng isang yun.
"Wait." Bulong ko. Napahawak ako sa braso ni eitsy.
"Why?"
Naningkit ang aking mata habang nakaturo ang hintuturo ko sa kinaroroonan nilang ginoong kalbo.
"Look, may sugat sya. Hindi yun nagdurugo."
"Duh. Hindi na siguro nilalabasan ng dugo ang matandang yan. Miski ang dugo nya ayaw ng lumabas para hindi maamoy ang ugh. Nevermind."
"Hindi si ginoong kalbo. Yung bata."
Naningkit din ang mata ni eitsy. Sinusuri nya rin sa malayo ang braso nung bata.
Hindi nga talaga iyun nagdurugo.
"Veany. Wag mong pag hinalaan ang bata. Nakita ko na yang nag dugo at matagal na ang sugat na yan noh."
Nabaling ang tingin ko kay eitsy na hindi manlang nababahala.
"Are you sure?" Paniniguro ko.
"Yah, i'm really sure."
Pinukpok ko ang ulo ko dahil sa mga hinalang namumuo rito.
"Veany bata yun. Pati ba naman bata pag hihinalaan mong chin? Duh. Bata nga eh."
"Hey? Are you talking to me?"
"Nah." Tipid kong sagot.
Tumayo na ako.
"Wait." Pag pigil sakin ni eitsy.
"What?" Irita kong tanong.
"When you focus on the good, the good gets better." Sambit nito na sinundan ng kindat.
Hindi ko sya gets kaya isang noong kunot ang tinugon ko.
"Nabasa ko lang yun sa isang book. Sinabi ko lang sayo yun kasi, alam kong pupunta ka sa kwarto at mahihiga and then mag fo-focus ka nanaman sa bad. Imbis na sa bad ka mag focus, bat hindi na lang sa good."
Inirapan ko na lang sya bago pumasok sa loob. Nahinto naman ako ng makitang gising na si tic.
"Buti naman at gising kana. Kating kati na kaya ang pang upo ko na umupo dyan kaso hindi ko magawa kasi may nakahigang asungot." Pagmamasungit ko but kunwari lang. Gusto kong mag sungit ngayon para naman maibuhos ko lahat ng gumugulo sa utak ko
"Aray!"
Lumapit agad ako sakanya at inalalayan sya.
"What happened?" Nag aalala kong tanong.
"Eto kasing puso ko. Parang gustong tumakbo papunta sayo."
"What?!"
Agad akong lumayo sakanya at hinampas ang balikat.
"Your such a dick!"
Inis ko syang iniwan at nag lakad patungo sa kwarto.
"Bad ka!" Sigaw nito.
Padabog na pag sara ng pinto lang ang itinugon ko sakanya.
Minsan talaga nakakairita ang mga lalaki. Like lumang the moves nila, it's nakakairita. Duh. Wala bang bago.
Sorry to say pero totoo naman yun. Killjoy na kung killjoy basta yun ang totoo.
Pabagsak akong humiga sa kama at tumingin sa kulay puting kisame. I'm tired.
"Bwiset ka talaga souven. Palagi mo na lang kaming pinag aalala..."
-----
Queeny's POV
"How many times do i have to tell you na wag nyong ituloy? Ang tigas kasi ng ulo nyo kaya ayan. Ayan ang napala nyo!"
Isang masamang tingin ang ipinukol ko kay queen habang ginagamot ang palad ko. Binawi ko ang palad ko sakanya.
"Go away. I don't need your help." Pag mamatigas ko.
"Mom. Can you stop pretending na ayaw nyo sakin?"
"I'm not pretending. Damn! Just go!"
Itinuro ko ang nakasarang pinto ng aking kwarto.
"Alis na. Hindi kita kailangan!" Sigaw ko pa.
Nag matigas pa rin sya. Hindi parin sya umaalis at pilit na kinuha ang kamay ko. Diniinan nya ang pag kakahawak rito para hindi makawala.
"Don't hold me like that!" Pag rereklamo ko.
"Kailangan to. Para ka kasing bata na ayaw mag pa turok." Pag papahiwatig pa nito bago linisin sa tubig ang palad ko na natuyuan ng dugo.
Hindi na ako nag pumiglas pa. Hinayaan ko na lang sya at hindi nalang sya tinignan.
Nakatinging lang ako sa puting pader at pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadya.
Hindi ko parin talaga akalain na kayang gawin sa akin ng hari yun. Ang daking nayun. He hurts me and its fucking hurt.
Nagawa nyang gawin yun para lang sa alipin nya. Gaano ba nya kamahal ang imortal na babaeng yun? Ano bang meron sa babaeng yun na hindi nahanap sakin ni daking?
Mas maganda naman ako dun ah at mas sexy. Kagalang galang ang awra ko while his drudge, nakakasuklam.
Alam nyang maaring mawala ang kapangyarihan ko ng dahil sa ginawa nya. Sugatan na nya ang lahat wag lang ang aking palad. Dahil nasa palad ko ang lahat ng kapangyarihang matagal kong inipon. Sa palad ko lahat nag sisismula ang lahat kaya ang palad ko ang pinaka iingat ingatan ko pero sa isang iglap, nagawang sugatan iyun ni daking just because of his fucking drudge.
Bwiset ang babaeng yun sa buhay ko. Pero wag silang pakampante dahil patikim ko palang yun.
Malayo pa bago ko sya lagutan ng hininga.
Napangisi ako ng maalala ko ang maganda kong plano.
Tookk.. Tookk.. Tookk..
"Itigil mo na yan at buksan mo ang pinto." Walang gana kong utos kay queen.
"Geez." Bulong nya bago ihinto ang kanyang ginagawa. Naglakad sya para buksan ang pinto.
Kahit anong gawin ko. Hindi parin talaga matanggap ng buo kong katawan na nag karoon ako ng anak. Sa bata kong to. Isang kahihiyan yun para sa akin kaya ilang beses ko ring hiniling na mamatay na ang queen na yan pero kung patuloy kong hihilingin yun at biglang matupad. Paano na ako? Wala na akong kasama? Tanging sya lang ang kasama ko wala ng iba except sa mga katulong at mga kawal rito sa aking palasyo.
"Mom. May gustong makipag kita sayo." Sigaw ni queen.
"Who?" Walang gana kong tugon habang nananatili ang tuliro kong isip sa kulay puting pader.
"Ginoong kalbo daw."
Pabalikwas akong napatayo ng marinig ang ngalang iyun.
The hell. Ano bang ginagawa ng bwiset na yun dito. Ilang ulit ko ipupukol sakanyang panot na ulo na ayoko syang makita.
"Wag mong papasu- - ghadness."
Wala akong nagawa kundi ang mapa irap. Wala na, nakapasok na.
I hate this man. Ang baho nya.
Pang limang beses na nyang pag bisita sa akin kasama ang isang bata na talaga din namang nakakairita.
"Ano bang kailangan mo?" Iritable kong tanong.
"Nabalitaan kong napuruhan ang iyung palad kaya mayroon akong dala para mapagaling iyan ng hindi man lang naapektuhan ang iyung kapangyarihan."
"Hi. Ang cute cute mo naman."
"Hey queeny! Layuan mo nga batang yan!"
Hindi ko maiwasang mapangiwi. Nakakabwiset ang matandang ito.
Palagi syang nandyan kapag may nangyayari saking masama tulad nung pinag sasampal ako ng alipin ni daking, he's here at binigyan nya ako nang gamot tapos ngayon heto na naman sya para bigyan ulit ako ng gamot?
"Gave it to her!" Utos ko sakanya na agad naman nyang ibinigay kay queen ang dala dala nyang kahon. "Now. Alis na." Pag papalayas ko.
Ayokong magka issue tungkol sa matandang ito.
Naagaw ang atensyon ko sa batang biglang hinawakan ang kamay ko. Binawi ko naman agad ito.
"Duh. Don't touch nga!" Bulyaw ko.
Agad namang kinalong ni tanda ang kanyang alagang asungot na bata.
Sino ba sila?
"Tandaan mo. May nagmamahal pa sa inyo." Huling sabi nito bago tuluyang umalis. Tinignan nya ang anak ko at ako. Daig pa nya ang isang asawa sa sobrang pag aalala.
Bwiset.
Palagi nyang iniiwan ang katagang yun bago umalis.
Hindi ko alam kung ano ba sila? Siguro lolo ko ang matandang yun. Nakakabwiset sila.
"They are weird." Sambit ni queen.
Humiga na lang ulit ako at pinag isipan ang susunod na hakba na gagawin ko para makuha ang haring minamahal ko.
Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha si daking. I want his charm. Na dapat ay akin lang. Masyadong nakikihati ang aliping yan. Wag syang mag alala, hindi lang yan ang matatamo nya. Marami akong planong gagawin para pahirapan sya.
*evil laugh*
YOU ARE READING
King's Key is Me
MaceraAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel