Chapter 28

61 3 0
                                    

  Souven's POV
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa malaking puno kung san may kakaibang nakatago.
Kinukuha nito ang loob ko. Hinihila ang buo kong katawan para lumapit rito. Kusang gumagalaw ang paa ko para humakbang patungo roon.
Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin ang hari. Pero wala akong haring nakita. Para akong isang kaluluwa na walang pumapansin hanggang sa namalayan ko na lang na naglalakad na ang mga paa ko. Paulit ulit akong lumilingon para hanapin sya pero.. Wala. Pati si queeny at rick ay wala. Nasaan sila?
Para na namang kinokontrol ang buo kong katawan. Ayokong isipin na kinokontrol na naman ako ng babaeng naka itim ang katawan ko. Ayoko na ulit mapahamak.
Pilit kong ibinubuka ang bibig ko para sumigaw kaso. Wala talaga. Namanhid ang buo kong katawan. Ibig bang sabihin nito na... Mararanasan ko na naman ba ulit mabugbog?
Sinusubukan kong kontrolin ang mga kamay ko. Sinusubukan kong pigilan ang pag hakbang ng mga paa ko. Para akong nakikipagbuno sa isang pader.
Wala na.
Malayo na ako sa lugar kung saan nag diriwang. Konting hakabang nalang ay nasa puno na ako.
"Kamusta? Aliping mag papahamak sa aming lahat" unang bungad sa akin ng babaeng naka itim. Nanatili sa kanyang bibig ang isang itim na mask. Tanging mata lang nito ang nakikita ko. Nanlalamig ang buo kong katawan sa tuwing papalapit ako ng papalapit sa kanya.
"Ow. Actually, maari ka ng mag salita hindi ko na kontrol ang bibig mo"
"Bubugbogin mo na naman ba ako?"
Isang ngisi ang tinugon.
"Ouch" daing ko ng tumama ang likod ko sa malaking puno.
Ang bilis. Ang bilis nyang mag kontrol.
"Alam mo bang kailangan kang mamatay? Dahil ikaw ang mag dadala sa amin sa kapahamakan" may diin nitong sumbat sa akin habang hawak hawak ang leeg ko.
Unti unting humihigpit ang pag kakahawak nya sa leeg ko. Para na ako nitong sinasakal.
"A-ano b-bang p-pinag s-sasabi m-mo" nahihirapan kong tanong sa kanya.
Hindi nag tagal, tinanggal nya rin ang kanyang kamay sa aking leeg. Agad ko namang nilasap ang hangin. Hingal na hingal ako sa kanyang ginawa.
"Ang susi. Ang susi na pinag aagawan ng lahat. Ang susing magbabalik at manggugulo sa lugar. Susing gusto kong mawala. Susing gusto kong maglaho. Hindi ko gusto ng gulo. Ang gusto lang ay mawala ang susi kaya dapat kang mamatay!"
Muling napa angat ang ulo ng sakalin nya akong ulit.
"W-wala s-sakin a-ang s-susi.... W-wala a-akong a-alam s-sa s-susi"
Nararamdaman ko ang pamumula ng buo kong mukha dahil sa ginagawa nyang pag sakal sa akin.
"Ugh!!! Bakit hindi ko magawa!" Nakakabinging sigaw nya bago unti unting tanggalin ang kanyang kamay sa aking leeg. "Hindi ko magawang patayin ka! Bakit ginagawa ng hari ito sa akin! Bakit"
Halos kapusin ako ng hininga.
Baliw na ata ang babaeng ito. Bigla bigla na lamang umiiyak.
"Wala akong magawa kundi hayaan kang mabuhay kahit gustong gusto na kitang patayin. Ayokong suwayin ang utos ng hari dahil kapag nasuway iyun. Babalik lahat ng ginawa ko sa akin. Ipapaubaya ko na lang sa tadhana ang buhay mo...." Mga katagang iniwan nito sa akin bago tuluyang nag laho.
Hingal.na hingal akong napaupo sa ugat ng puno. Napabalikwas ako ng tayo ng mapagtanto kong ugat pala ang naupuan ko. Kumaripas agad ako ng takbo papalayo sa puno, baka kasi gumalaw ulit ito at tangkaing putulan na naman ako ng paa.
Kinuha ko agad ang isang basong tubig na naka balandra sa aking harap. Nilagok ko agad ito upang maibsan ang pag kauhaw.
Pinunasan ko ang noo kong tagaktak na sa pawis.
"Your safe.."
Nilingon ko ang hari na nasa aking harapan. Inabutan ako nito ng isa pang baso ng tubig. Inabot ko ito at ininom.
"What the hell is going on? Bakit gusto nya akong patayin? Damn it!" Inis kong wika.
"Wag mo na lang isipin yun. Basta't utos ko ang gagana magiging safe ka" malambing nitong sambit.
Alam nya siguro ang nangyari kanina, pero hindi man lang nya ako tinulungan.
Inilahad nito ang kanyang kamay.
"let's play a game" pag aya nya.
"Ayoko- - "
Hindi pa man nya nakukuha ang opinyon ko ay bigla nalang nyang kinuha ang kamay ko at hinigit ito. Hindi na ako nag reklamo dahil mabagal lang naman ang paglakad namin.
Naagaw ang atesnyon ko sa mga taong nag kukumpulan sa gitna.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Naglalaro sila. Ayaw mong makisali kaya, panoorin na lang natin sila" tugon ng hari sa akin.
Umaakyat kami ng stage at inupuan ang bakanteng upuan. Wala sila masd,rose,rick at queeny rito. Tanging kami lang ng hari ang naka upo rito.
"Nasan sila?" I whispered.
"Don't know" walang gana nyang tugon habang ang mga mata ay nakatuon sa mga taong naglalaro. Ewan ko kung nilalaro nila. Basta pang adult yun di ko lang mawari ang gulo kasi.
Nakakawalang gana sumali dahil hindi ko naman alam ang larong yan. Basta masaya sila. Yuna na yun.
Hindilang naman kami ng hari ang hindi sumali. Marami ding iba kasama na roon si tandang kalbo. Nabaling ang atensyon ko sa kanya. Nakatingin pala ito sa akin kaya agad syang umiwas ng tingin. Kasama na naman nya ulit ang batang si siro.
"Mag iingat ka palagi"
Nawala na ang tingin ko kay ginoong kalbo. Nabaling ang aking pansin sa hari na nakatingin sa mga taong naglalaro. Parang balisa ang mga mata nito dahil paulit ulit itong kumukurap.
"Pang ilang beses mo ng sinabi yan?" Tanong ko.
"Basta. Makinig at sumunod ka nalang sa mga utos ko!" Sumbat nya sa akin.
Huminga ako ng malalim at inilagay ang isa kong kamay sa akong noo bilang pag saludo.
"Yes. Sir. Yes. Sir. Utos lang ni thirp ang susundin ni souven" mala sundalo kong sabi.
"Oh ayan. Inangkin mo na ako kaya sana makahinga ka na ng maluwag" dagdag ko.
"Hoy hindi kita inangkin" singhal nito. Dahan dahan kong naagaw ang kanyang pansin. "Hindi kita inangkin dahil... Akin kana" dagdag pa nya.
Bahagya naman akong napatungo at ngumiti ng palihim.
"Tandaan mo. Akin ka lang" dagdag pa nyang muli.
Ayokong mag assume. Malay natin baka iba pala ang tinutukoy nya.
"Itigil mo nga ang pag ngiti mo ng ganyan!"
Agad napa angat ang ulo ko at inayos ang sarili. Nawala ang ngiti sa aking labi.
Hindi nya kasi alam kung gaano kahirap ang mag pigil ng kilig para sa aming mga babae. Palibhasa kayang kaya nilang itago ang kilig sa kanilang mga mukha. Lalaki eh.
Pinanood ko na lang ang mga taong masayang nag tatawanan habang nag babatukan.
Ilang minuto ang nakalipas.
Hindi ko magawang humalakhak dahil ang sabi ng hari tumahimik lang daw ako. Gusto daw nyang damhin ang magandang view samantalang sakin naman nakatingin.
Isang kawal ang lumapit sa amin at may ibinulong ito sa hari.
"Alipin ko. Dyan ka lang.." Utos nito bago tumayo.
"Teka sama ako" pagsusumamo ko.
"Wag na." Tipid nyang sambut bago ayusin ang damit.
Naglakad na ito palayo.
Wala akong nagawa kundi ang magpakawala ng hininga.
"Bulaga"
Hindi na ako nagulat sa ginawang pang gugulat ni eitsy. Naka smile lang ito.
"Can i hug you?" Maamo kong tanong.
Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Agad ko syang niyakap ng sobrang higpit.
Para akong naulila sa kanya.
"Souven... I wanna go home" she whispered.
Bahagya akong natigilan ng sabihin nya ang katagang yun. Sabi na nga ba. May problema ang babaeng ito kaya gaanoon nalang ang walang ganang pang gugulat nya sa akin.
"Ako din naman. Gusto ko naring umuwi" bulong ko sakanaya bago hagodin ang kanyang likod.
Para syang isang bata na humihikbi sa balikat ng kanyang ina. Kawawa naman sya. Alam kong tutol syang pumunta sa lugar pero ako lang naman talaga ang nag matigas na pasukin ang kakaibang lugar na ito. Dapat lang na isisi nilang lahat sa akin kapag hindi na kami nakalabas rito.
"I want my mama. I miss my mama. I love my mama. I- - "
"Shhhh... Relax lang eitsy. Makakabalik din tayo sa lugar natin." Pagpapakalma ko.
Mas lalong nagiging emosyonal sya kapag binabanggit nya ang kanyang mama.
Ilang araw narin nyang hindi nakikita ang kanyang ina. And i'm really sure na miss na miss na nila ang isa't isa. Lalo na't may sakit si tita.
Ang babaeng bibo ay babagsak pag ang ina na nya ang pinag uusapan.
"I'm so sorry eitsy. You can blame me. Tutal ako naman talaga ang dapat sisihin kung bakit tayo naririto. It's all my fault."
"No. Walang may kasalanan. Pare pareho tayong nasilaw sa kakaibang adventure na to. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Alam ko namann na kahit papaano ay masaya ka rito. May isang taong pinapahalagahan ka. Tanging pag papahalaga lang naman ang hiling ko na sya ang tumutupad. Don't worry Makakaalis din tayo dito. Konting kembot lang"
Kumalas ako sa pagkakayakap upang punasan ang pisngi nyang basang basa.
"Someone who hold my hand and he make feel safe? I like that kind of shit"
Parehong natawa sa aking sinabi. Buti naman at kahit papaano ay napapatawa ko sya.
"Alam mo nakakainis ka. Bakit ba kasi wala sa vocabulary mo ang umiyak! Ang tibay tibay mo! Bakit hindi ka mahawaan ng virus ko? Maging mahina ka naman kahit ngayon lang" pagbibiro nya.
Ngiti lang ang itinugon ko sakanya.
Matapang lang naman ako sa harap nila. Tanging hari lang naman ang nakakasaksi ng lahat, sya lang ang nakakakitang umiiyak ang isang souven. Hindi naman talaga ako matapang. Nakakaramdam din ako ng takot araw araw. Hindi ko nga lang pinapahalata dahil ayoko silang mag alala.
"Ipinapatawag ka ng hari"
Nahinto ako sa aking ginagawa at nilingon ang isang kawal na nakatayo ng tuwid. Puno ng cover ang katawan nya ang tanging mata lang ang kita.
"Bakit daw?" Tanong ni eitsy.
"Hindi ko alam. Basta dumiretso ka don at lumiko" utos ng kawal habang tinuturo ang daan.
"Sige susunod sya"
Niyukuran kami ng kawal bago umalis.
"Oh pano ba yan. Tinawatawa ka na ng hari mo" natatawang wika ni eitsy.
"Syempre. Malakas ata ang alindog ko" pagbibiro ko na ikinatawa nya.
"Assuming na to. Sige na puntahan mo na ang baby boy mo" pagbibiro nya.
Isang masaganang tawa ang iniwan ko sa kanya bago tuluyang lumayo sa kanya. Tinahak ko ang daan na tinutukoy ng kawal.
Buti na lang at napapatawa ko si eitsy. Isa sya sa mga iyakin sa amin. Baby girl namin ang babaeng yun.
Hindi naman ako dapat mag alala sakanya dahil nandyan naman si grew para ingatan sya. Ipinaubaya ko kay grew ang lahat dahil hindi kami madalas magkasama sama at si grew lang ang matino sa amin. Si dake? Hindi maasahan yun. Dadalhin lang nun sila eitsy sa kapahamakan kapag pinaubaya ko sakanya sila. Mas okay pa si grew. Maginoong tao.
Inayos ayos ko muna ang sarili ko bago muling magpatuloy sa pag lalakad. Medyo madilim sa bandang paliko na itinuro ng kawal. Unfamiliar place.
Napapakunot ako ng noo habang tinatahak ang daan. Lumiko na nga ako gaya ng sinabi ng kawal.
"Thirp?" Mahinang pag tawag ko.
Patuloy ako sa paglakad.
Something is not right.
Nilinga linga ko ang aking ulo. Nakakarinig ako na parang mga daga. Tunog ng mga daga.
"Thir- - "
Napako ang atensyo ko sa babae't lalaki. Nanlamig ang buo kong katawan. Napapa atras ang mga paa ko. Nakakaramdam ako ng sakit.
Queeny and thirp. N-naghahalikan sila. Ulit.
"O my gosh"
Dinudurog ang puso ko. Naninikip ito.
Ayoko na silang tignan kaso nagpupumilit ang mga mata ko. Nanginginig ang bibig ko.
Para akong pinapakuluan.
"This kind of shit? I really hate it"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at biglang napangisi ako.
Napagtanto ko na ang ibig sabihin ng mahaderang queeny nayan. Eto ba ang gusto nyang ibig sabihin. Ito ba ang good luck para sakin?
So. Pakana nya to. Ang tingin nya aatras ako palayo at tatakbo ng luhaan? Ganon ba?
Tss. Luha na ang mga eksenang ganon. Subukan naman natin ang bago.
Minasahe ko muna ang mga palad ko bago naglakad papalapit sa kanila.
May pag pikit pa ang queeny. Bruha akala ba nya ginagantihan sya? Iws.
Hinawakan ko ang tela ng kapa ni thirp at hinigit ito papalayo sa babaeng nagpapakulo ng urine ko.
Hingal na hingal ang hari ng makalas ko ang pag hahalikan nila.
"Teka. A-anong nangyari?" Tanong nito.
Ow. Mukhang... Nagayuma effect ang hari ko.
Bahagya kong inilayo ang hari sa amin ni queeny. Hay. Painosente pa ang puta eh pasimple namang nangisi.
"Tingin mo maagaw mo ang isang tao ng dahil lang sa naghahalikan kayo? Tingin mo ba sakin mababaw ako? Queeny queeny. Ang babaeng desperadang maibalik ang nawala sa kanya"
"What do you mean? Sya humalik sa akin and pareho naming ginusto yun. Diba king?"
Nilingon ko ang hari na napapaupo habang nakahawak sa noo.
"Gayuma gayuma. Ginagamit ng mga desperada. Maganda nga pero desperada naman. Ano pang silbi non"
"King. Ipag tanggol mo nga ako- - "
*pakkkk*
Nakakamanhid na sampal ang natamo nya sa kanang pisngi nya.
"It was my dos dos pak" nakangisi kong sabi. "How about my dos four dos pak? Do you want to try it?"
Hinalikan ko muna ang kaliwang palad ko bago ipabulusok sa kaliwang pisngi nya.
"Um. Ang dos dos pak at dos four dos pak? Gusto mong matikman ng sabay?" Nakakaloko kong tanong. "Okay. Ten times pak. Ihanda mo ang pisngi mo mahal na reyna"
Salit salitan kong pinag sasampal ang pisngi nya. Inis na inis ang mga palad ko. Kating kati.
Malalakas na sampal ang ginawad ko sa kanya.
Halos matanggalan sya ng ulo ng dahil sa magkakasunod na sampal ang ginawa ko.
Patuloy lang ako sa pag sampal sa bwiset nyang pisngi. Hindi nya magawang makaganti. Palibhasa pinapairal nya ang kanyang personality.
Halos lahat ng lakas ko ay napupunta sa kamay. Hindi ako napapagod na pag sasampalin sya. Napaka landi nya.
"Itigil mo na yan. Alipin ko!"
Nahinto ang akma kong pag sampal muli sakanyang pisngi ng marinig ko ang utos nya.
Ang palad ko naka lahad ay unti unti kong naikuyom ang mga kamay ko. Tinigil ko ang pag sampal sakanya.
Tuluyan ng bumigay ang kanyang tuhod. Napaupo na sya habang hawak hawak ang namumulang pisngi.
"Tandaan mo to. Normal akong tao pero kaya kong pumatay maipag laban lang ang nararamdaman ko!" Galit na bulong ko sa kanya.
Tumungo ako sa haring iniinda parin ang sakit ng ulo. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinigit papalayo sa kanya.
Napaka sama ko.
Hindi ko sinasadyang makagawa ng ganong bagay. Sa kanya ko lang nagawa iyun. Pero imbis na makaramdam ako ng awa, Galit ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito. Basta ang alam ko lang galit ako. Galit sa babaeng yun.
Dinala ko ang hari sa hindi mataong lugar. Padabog kong inalis ang pag kakahawak ng kamay ko sa kanya.
"Bakit mo ginawa yun?" Pauna nyang tanong.
Medyo lumayo layo ako sakanya para pakalmahin ang aking kumukulong kalamnan. Paulit ulit akong huminga ng malalim bago sya harapin.
"Sabihin mo? Bakit mo ginawa yun?" Pag uulit nya.
"Pinag tanggol ko lang naman tong nararamdaman ko! Ano bang masama don!"
Tuluyan ng bumagsak ang luhang kaninang nagbabadya. Hindi ko alam! Bakit! Bakit ba pag dating sa kanya ang hina hina ko. Bakit!
"What do you mean? Ano bang nangyari?" Tanong nya habang may mahinahong tono. Humakbang ito ng dalawang beses palapit sa akin.
"May isang babae. Pinatawag ng hari upang masaksihan ng babae ang kanyang hari na nakikipag halikan sa isa pang babae" tugon ko sakanya.
Natigilan sya ng bahagya. Nakatitig sya sa mga mata ko na ikinaiilang ko. Unti unti syang humakbang hanggang sa tuluyang makalapit na sya sa akin.
Pinipilit kong pigilan ang pag bagsak ng luha kaso.. Mas lalo itong bumabagsak sa ginagawa nyang pag titig.
Bakit ba kasi kailangan pa nya akong ipatawag. Ano? para makita ko na naghahalikan sila? Para saktan ako?
Bakit parang mas masakit ang pangalawang beses kaysa sa una?
"S-sorry..." He whispered.
Then he hug me so tight.
"S-sorry.. I'm so sorry. S-sorry.." Paulit ulit nyang pagpapaumanhin.
"Bwiset ka! Nasaktan na naman ako. Bwiset ka talaga! Dapat lang na mag sorry. Bwiset ka kasi!" Masasakit na salitang sinabi ko sa kanya bago sumiksik sa kanyang dibdib.
Ramdam ko ang kanyang kamay na hinahagod akong aking likod. Dinig nya kasi ang mahinang pag hikbi ko.
Paulit ulit nyang binubulong sa akin ang katagang 'sorry'. Hindi ko magawang tugunan yun. Para akong pamintang dinurog ng makita ko ang ginawa nila. Hindi sapat sa akin na sampalin ko lang sya. Hindi nun mapapantayan ang inis na nararamdaman ko ng dahil sa kanya.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now