Chapter 60

90 4 0
                                    

  Thirp's POV
Nakaupo kami sa hindi ko mawaring uri ng upuan habang pinagmamasdan ang maganda at malawak na hardin. Gusto kong kami lang dalawa ang naririto kaya pinaalis ko ang lahat ng taong kumukuha ng litrato.
"Isang munting paruparo ang tingin ko sayo."
Ramdam ko ang pag lingon nya habang ako ay nasa hardin lang ang pansin.
"Bakit?" Seryoso nyang tanong.
"Wala lang."
"Tse."
Umusog sya ng kaunti palayo sa akin. Mukhang nagalit sya sa sinabi ko. Ano bang masama sa 'wala lang'. Kailangan ba dapat makahulugan ang tingin ko sakanya.
"Isang uri ba yan ng pag tatampo?" Tanong ko.
Tanging katahimikan lang ang itinugon nya.
"Hindi ko gusto ang inaakto mo." Banayad kong sabi pero na nanatili parin ang katahimikan na syang pumapatay sa akin. Pinilig ko ang aking ulo para tanawin ang maganda nyang mukha na nakabusangot.
"Alipin ko!"
Tumingin nga sya sa akin ngunit masama naman ang tinging yun. Isang nakakunot na noo ang ginawa ko.
"Dapat kasi kung para akong paruparo dapat merong magandang kahulugan yun. Like for example, para akong hininga dahil kung wala ako paniguradong hindi ka makakahinga. Eto pa, para akong puso dahil once na mawala ako sigurong patay ka. Yung mga ganon hindi yung 'wala lang'? Ano yun? Kasi hindi mo maintindihan. Samin kasing mga girls kailangan ng mga meaningful moment. Nakaka ano lang kasi na ang sinagot mo ay wala lang? Well, kasi nag expec- - "
Hinigit ko ang braso nya para muling ibalik ang kanyang katawan na kanina ay nakadikit lang sa akin.
"Masyado kang madaldal kapag ganyan. Baka matahimik ka kapag sinabi ko ang tunay na dahilan kung bakit naiikumpara kita sa paruparo."
Napilitan akong sulyapan sya. Hindi na kasi ito muling nag salita pa nung higitin ako ang braso nya. Pinagmasdan ko ang talukap ng mata nya na akyat baba. Kurap sya ng kurap na para bang hindi sanay sa kung anong bagay.
"Masyado ka namang tahimik ngayon? Pero kanina ang daldal mo."
"K-kasi naman. P-para akong isang pet na alagang alaga ng isang amo."
"Mahirap kasing mawalan ng alaga. Minsan ikinanamatay iyun ng mga amo."
Muli ko syang sinilayan.
"Isang paruparo dahil angat ang ganda mo sa lahat." Sambit ko bago dahan dahang bumababa upang sandalan ang kanyang balikat.
Ipinikit ko ang aking mata.
"Ikaw ang uri ng paruparo na kahit walang pakpak ay maganda parin." Dagdag ko pa. "Ako ang bulaklak at ikaw ang paruparo dahil silang dalawa lang ang bagay sa mundo." Dugsong ko pang ulit. "Kahit na anong gawin mo, lalapit at lalapit parin ang paruparo sa mahal nyang bulaklak." Dugsong ko ulit.
"Huwag lang sanang maghanap ng iba ang bulaklak na tinutukoy mo dahil tandaan mo. Mahirap mag move on ang isang paruparo." Wika nya habang may diin ang tono sa dulo.
"Para kitang utak dahil hindi ko kayang mag isip humanap ng iba kung ikaw parin ang nananatili sa aking bungo."
Dinig ko ang pag tawa nya.
"Kahit ipag kumpara mo pa ako sa lahat mananatili parin ang souven na ito. Hello, unique ata to." Sarkastiko nyang sambit.
Napa angat ako ng ulo ng may bigla akong maalala.
"Bakit?" She asked.
I hold her beautiful hands.
"Nasan na yung....." Pambibitin ko.
"Your massage?"
"Yap. My massage? Nasan na yun? Minu-minuto akong naghihintay."
"Fine."
Bumuntong hininga muna sya bago tumayo. Tinungo nya ang likuran ko.
"I want prize." Tipid nyang sabi bago ilapat ang kanyang dalawang malambot na kamay sa aking malapad na balikat.
"Damn. Ang sarap." Wika ko.
"Sira! Hindi pa nga nag uumpisa."
Natawa na lang ako ng punahin nya ang sinabi ko. Hindi pa naman talaga nag sisimula pero ilapat palang nya ang kanyang kamay para ka ng nakahiga sa ulap.
"Bilis. Simulan mo na, ayoko ng maudlot pa please." Pagmamakaawa ko.
Nahihibang nalang ako sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko ang ganitong mga bagay kapag sya na ang kausap ko. Nawawala ang pormal kong pananalita kapag sya ang kausap ko. Ginayuma na ata ako ng babaeng ito.
"After this kailangan may prize ah." Pag uulit nya.
Napapikit ako ng simulan nyang paganahin ang kanyang malambot na kamay sa aking balikat.
"Pagkatapos nito mapapasabi kita ng i do." Wika ko.
Naramdaman ko ang paghinto nya sa pag masahe.
"Talaga?"
"Oo, not now but soon."
Saglit na nahimik ang bibig nya. Hindi ko man nakikita ay alam kong namumula ang pisngi nya. Palagi namang ganon kapag ako na ang kasama nya.
Hindi ito ang oras para magmadali. Naikwento kasi sa akin ni dake na gusto daw maging isang designer ni souven. Mas pipiliin ko na munang tuparin yun bago kami mauwi sa kasalan. Alam ko namang ako lang nasa tiyan nya at nakabara na ako doon.
Napakagaan ng kamay nya. Ang sarap nito at para ako nitong dinadala sa malambot na bulak. Nakakainlove din talaga.
Ilang minutong ganon ang aking saya.
Inaalala ko lang ang nangyayari sa amin ni souven. Ang aking alipin. Nung una palang talaga gusto ko na sya. Sa totoo lang, hindi naman ako nainsulto ng tawagin nya akong haring supot. Yun nga ang nag painlove sa lalaking ito. Kaya hinding hindi ko magawang kalimutan ang salitang yun na ipinukol sa akin ng aking alipin.
"Pang ilang beses ko na ba sinabing mahal kita?" Natutuwa kong tanong.
She just giggled.
Tanging ngiti nalang ang inilalabas ng bibig ko.
"Pasensya na. Nababaliw kana ata sa masaheng iginagawad ko." Pamimilyo nya pa.
"Shit. Ang saya siguro na palaging ganito na lang."
Nabitin ako ng ihinto nya ang kanyang mga kamay. Iminulat ko ang aking mata at agad tumayo upang lingunin sya.
"Bakit? Anong ginawa kong masama? Anong kasalanan ko? Bakit mo inihinto? Anong nagawa ko? Ano? Sabihin mo!"
Masyado akong nagiging seryoso sa mga oras na ito.
"I want to eat." Wika nya.
Kinuha nya ang kamay ko at hinigit.
"Tutal hindi naman gaano kalayo rito ang restl, mabuti pang mag lakad nalang tayo." Sambit nya.
Wala na akong nagawa kundi ang mag padala sa daloy ng hangin.
Tumingin tingin ako sa paligid dahil pansin kong pinag titinginan kami ng iilang mga tao.
Naga-gwapuhan siguro sila.
"Hi miss."
Nahinto ang aming pag lakad ng may kung sinong humarang sa aming daan. Sinubukan namang iwasan ng aking alipin ang lalaking nakaharang pero humaharang parin ito.
"Pwede ba umalis ka! Sige subukan mong initin ang ulo ko at ang ulo ng boyfriend magkakamatayan tayo rito!"
Sumilip ako ng kaunti at taas noong ngumisi.
"Pakipot pa. Halika na nga, tara sa condo."
Pinanlakihan ko ng mata ang ginawa nyang pag hawak sa kamay ng aking alipin.
"Condo-kutin ko yang mata mo?" Wika ko bago higitin si souven palapit sa akin.
Dinig ko ang pag buntong hininga ng lalaking nasa harapan ko ngayon. May kinuha ito sakanyang bulsa at may ibibigay sa akin.
"Heto. Sampung libo, sapat na siguro yan para mahiram ko ang babaeng kasama mo."
Agad kong tinanggap ang papel na ibinigay nya sa akin. Binilang ko pa yun bago punitin sa harap nya.
Agad akong nagpakawala ng suntok sa mukha nya na hindi na nasundan pa. Nilingon ko ang aking alipin.
"Sige na. Ikaw na ang bahala sakanya." Sambit ko.
Ngumisi naman sya bago paulanan ng sipa ang bastos na lalaking yun. Umalis naman kami na parang walang nangyari.
"I love it." Nakangiti kong sabi bago sya yakapin ng patalikod habang nag lalakad.
"Umayos ka nga. Baka mapagkamalan ka ng iba na nakasabit na unggoy." Pang aasar nya.
"Okay lang. Baka ikaw. Mapagakamalang puno kasi masyadong tuwid." Pang aasar ko rin.
"Sira ka! Ang bastos neto!"
Bahagya nyang pinalo ang aking balikat na syang ikinatawa ko.
"Huwag ka mag alala. Hindi naman mahalaga sakin yan. Ang gusto ko lang ay magkaron ng baby yang tiyan mo." Nakakaloko kong sabi na syang ikinaiinis nya pero natawa naman.
"Kumain na nga lang tayo!"
"Ikaw kainin ko dyan eh."
Nakatanggap na naman ako ng palo ng sabihin ko yun.
Hinalikan ko naman ang makinis nyang pisngi.
"Sorry na. Nag bibiro lang naman ako." Pag hingi ko ng tawad kahit alam ko namang hindi sya galit.
"Baliw kana!"
"Oo. Baliw pero hindi sayo."
"Tanggalin mo yang braso mong nakayakap sakin! Hanapin mo na lang si queeny at yun nalang ang yakapin mo! Masyado ka!"
Humalakhak lang ako sa tawa. Hindi ko sinunod ang gusto nya. Mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap ko sakanya patalikod.
Alam kong mukhang sira ako sa ginagawa ko pero wala na silang pake alam. Masyado akong masaya rito habang naka patong ang baba ko sa balikat nya. Huwag nalang silang mange alam kung ayaw nilang matikman ang nag iinit naming ulo.
"Salamat."
"Para san?" Tanong nya.
"Basta salamat."
"Hay. Nalunok mo ba ang utak mo? Para ka ng baliw."
Sinong hindi magkakaganito kung sya yung kausap ko? Nahihibang lang naman ako dahil sakanya.
"I love you." Malambing ko sabi.
"Back to you."
"Ano! Ayoko ng back to you! Ah ah naman eh! Ano daw yun, back to you? Dapat i love you too. Bahala ka nga dyan?" Pag tatampo ko bago padabog na mag martya pabalik.
"Bala ka dyan. Maghahanap ako ng bagong thirp dito."
Tss.
Agad akong bumalik at muli syang niyakap ng patalikod.
"Nag iisa lang ang thirp sa mundo kaya mag aaksaya ka lang ng oras para maghanap ng tulad ko. Ako lang naman ang pinaka gwapo sa mundo at doon palang mahihirapan ka ng maghanap."
Sinalubong kami ng isang kawal sa harapan ng kainan.
"Good morning ma'am, sir."
Huminto ako para harapin sya.
Tinapik tapik ko ang balikat ng kawal.
"Salamat." Nakangiti kong sabi na nagpakunot ng noo nya.
Hindi ko na nasulyapan ang mukha nya ng higitin na ako ng aking alipin para pumasok sa loob.
"Kamusta na kaya ang mga kawal ko?" Tanong ko sa aking sarili bago upuan ang upuang bakal.
"Syempre okay lang sila at masaya na ang iba sa langit."
"Kamusta na kaya si queeny?"
Tanaw ko ang masama nyang tingin.
"Okay na din sya. At nagpapahinga na sya sa langit! Waiter nga!" May diin nyang tugon.
Tumingin ako sa labas habang natatawa.
"Eh si souven kaya? Kailan ka nya mapagtatanto na ako naman talaga ang pinaka gwapo sa lahat."
"Assuming." Tipid nyang panlalait sa akin bago ako irapan.
"Teka. Galit kaba?"
"Hindi! Waiter isa ngang chicken and rice dyan! Samahan mo na ng vanilla ice cream!"
Hindi daw galit pero sumisigaw.
"Wait a minute ma'am."
Binalingan ko ng pansin ang aking tiyan na tumutunog.
"Pahintuin mo ang pag tunog ng tiyan mo! Makakatikim yan sakin!"
Nagitla ako ng bigla syang sumigaw.
"Inaano kaba ng tiyan ko?"
"He!"  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now