Chapter 43

51 3 0
                                    

  Souven's POV

Inilaan ko ang buong araw ko na kasama sya. Kung saan saan lang kami pumunta ni thirp. Inilibot nya ako sa buong lugar na pinamumunuan nya at talaga namang napaka ganda ng lugar nila.
Ngayon ko napag tanto na maari ka palang mabuhay kahit walang sasakyan sa paligid. Isa lang ang masasabi ko, napaka galing na pinuno ni thirp.
Medyo pagabi na rin kaya minabuti na naming umuwi. Sapat na sa akin na nakasama ko sya ng walang nangyayaring masama sa akin o sa kanya. Ayoko sanang matapos ito kaso naalala ko na may bukas pa pala. Masayang kasama si thirp, dahil marami syang mga banat sa bawat bagay. Tulad na lang don sa bulaklak na nakita namin. Hindi man daw ako kasing bango non atleast hot naman ako tignan. Oh diba walang konek. Minsan corny din ang lalaking yun. Nakakatuwa lang dahil ang nagiging bansag na nya sa akin ay hot kahit alam ko naman hindi ako ganon.
Ayos na rin yun, kahit papaano napapasaya ko sya. Kakaiba nga ang saya nya ngayon eh, parang hindi isang hari ang asal nya. Tuwang tuwa siguro sya kasi ako lang ang tanging kasama nya buong araw. Pati din ako natutuwa dahil nag laan sya ng oras para makasama ako.
"Yung tungkol sa parisukat na lagusan. Ang tanging alam ko lang ay bumabalik iyun kapag may mag tatangkang pumasok roon at kusang nawawala kapag wala ng nagtatangkang pumasok."
Nabuhay ang dugo ko ng mag salita rin sya about sa parisukat na lagusan.
"Ibig sabihin maari na kaming makauwi nun."
May naalala akong isang tao.
Ang pinsan ni veany. Sya lang ang pag asa namin kaso paano? Paano ko mapapapunta si summer sa loob ng kuweba kung isa rin namang duwag ang babaeng yun?
Pero nangako syang mananatili lang sya sa kotse.
"Makakauwi ka na rin." Malungkot nyang sabi na agad nakaagaw ng aking pansin.
Gumuho ang mundo ko.
Ilang araw na rin ang nakalipas kaya paniguradong umuwi na yun. Kung hindi lang talaga nawala-- i mean kung hindi lang sinira ni queeny ang cellphone ko malamang nakahingi na ako ng tulong sa kabilang lugar. Wala eh. Siguro nga mabubulok na kami rito.
"Teka." Napahawak ako sa braso ni thirp na agad napahinto.
Tanaw ko mula sa aming kinatatayuan ang isang babaeng nag pupumilit pumasok sa palasyo habang ang mga kawal ay pilit syang pinipigilan.
"Si veany ba yun?" Namilog ang mata ko at agad tumakbo kay veany na napaluhod.
Dinig ko ang kanyang hikbi mula rito.
"Bitiwan nyo ang babaeng yan!" Utos ni thirp.
Agad ko syang nilapitan at inalalayan para makatayo.
"B-bakit? Anong nangyari?"
"Sou... Kanina pa kita hinahanap." Wika nito habang umiiyak.
Hindi nya magawang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin dahil pinangungunahan sya ng hikbi.
Pinunasan ko ang kanyang pisngi at hinagod ang likod.
"Relax... Sige sabihin mo na."
"S-s-si *sob* eitsy kasi *sob* bigla nalang lumabas ang *sob* dugo sa bibig."
"ANO?"
Nangilabot ang katawan ko ng sabihin ni veany iyun.
Hinarap ko si thirp na wala man lang reaksyon.
"P-pwede bang puntahan ko ang kaibigan ko?" Tanong ko.
Tinanguan lang nya ako. "Nasa tabi tabi lang ako para bantayan ka." Mahina nyang sambit.
"S-salamat."
Hinawakan ko ang kamay ni veany bago tumakbo patungo sa bahay ni ate saysas.
Hingal na hingal na ako kakatakbo habang bingi na ang tainga ko sa mga hagulgol ni veany.
Nag aalala ako. Paano kung si eitsy naman ngayon ang biktima ni queeny? Paano kung sya naman ang pahirapan?
Ugh. Paano kung si queeny ang may gawa nun?
Ayokong manisi pero kapag may nangyayaring masama sya lang ang pumapasok sa isip ko.
Hingal na hingal kaming huminto sa tapat ng bahay ni ate saysas. Nakabukas na ito kaya agad na kaming pumasok.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si eitsy na nakahiga sa sahig habang nilalabasan ng dugo sa bunganga. Napakaraming dugo na halos palibutan na nito ang uluhan ni eitsy.
Lumuhod ako sa harapan nya at inalalayan ko syang makaupo. Napaliyad ako ng malagyan ng dugo ang suot kong shirt.
"S-souven. Tulungan mo si eitsy. Please."
Nabaling ang atensyon ko kay grew na lumuluha habang naka gabay kay eitsy. Puro dugo narin ang kanyang t-shirt.
"P-pano?"
Wala man lang nagtangkang sumagot sa tanong ko.
"Iha. Walang lunas na gamot para patigilin ang pag bulwak ng dugo mula sa bibig nya. May taong gumagawa nan sakanya. Kulam kung tawagin sa inyong lugar."
"What? Kulam? Sino naman gagawa kay eitsy ng ganun?"
Hindi alam ni ate saysas kung sino ang gumawa nun kay eitsy kaya umiling lang sya.
"Ang matandang manggagamot." Naagaw ang pansin ko sa isang babae na nakatayo habang nakahawak sa baba. Sa tansya ko malalim ang kanyang iniisip.
Teka bakit nandito ang babaeng yan? Bakit nandito si cat?
"Hindi ka ba nag tataka kung bakit biglang nawala ang matandang mangagamot? At kung bakit bigla itong nawala nung kailangan ng hari ang tulong nito? Tignan mo ang mga sugat na ginawa ni queeny sayo. Kayang kaya nyang tanggalin yan sa isang iglap lang pero mas pinili nyang huwag kang tulungan."
Naguguluhan ako sakanya.
"Diretsuhin mo nga kami cat!" Singhal ko.
Madami ng gumugulo sa isip ko tapos dadagdagan nya pa.
"Hindi nyo ba ako na ge-gets? Anak nya si queeny kaya malamang mas kinampihan nya yung anak nya. Ayaw ka nyang tulungan kasi sinaktan mo ang puso ng anak nya. Kilala ko yang matandang yan. Sya lang ang tanging nakagagawa ng mga bagay na ganyan, yang mga kulam kulam. Siguro ginagantihan ka nya at panigurado akong mas matindi pa ang gagawin sayo ng nanay ni queeny."
Natuliro ako ng marinig ko ang mga pinag sasabi ni cat. Ngayon alam ko na kung bakit, kung bakit nanatiling may sugat parin ako sa aking katawan.
Mali ito. Binangga ko ang kanyang anak at ngayon ang nanay nya ang gaganti. Bwiset. Ano ba itong pinasok ko.
"Saan ko makikita ang bahay ni tandang manggagamot." Madiin kong tanong.
Inis akong tumayo habang nakakuyom ang aking mga kamao.
Hindi ko magawang silayan man lang si eitsy. Naawa lang ako.
"Souven. Wag mong sabihing pupuntahan mo ang matandang yun?" Nanginginig ang bibig ni dake habang itinatanong iyun.
"Delikado ang pinapasok mo." Dagdag pa ni cat.
"Sa.an.ko.ma.ta.tag.pu.an.si.lola!"
Dinig ko ang buntong hiningang pinakawalan ni ate saysas.
"Sasamahan na kita. Sumunod ka sa akin." Pag prisinta nya.
Sumunod ako kay ate saysas na seryosong nag lalakad. Pinasok namin ang kanyang kwarto.
May kinuha ito sa ilalaim ng kanyang kama at isang asul na kahon ang lumabas mula roon.
"Lagyan mo ng langis ang braso mo kung ayaw mong maramdaman ng hari ang presensya mo."
Napakunot ako ng noo ng makita ang isang bote na ibinigay sa akin ni ate saysas.
"Isuot mo rin ito para hindi makita ng hari ang mukha mo. Mahirap kumilos kapag andyan sya. Alam kong hindi nya hahayaang pumunta ka ron."
Sinunod ko ang utos nya. Ipinahid ko ang langis sa aking braso na medyo mahapdi na mainit sa balat. Sinuot ko rin ang hindi ko malamang uri ng kasuotan. Basta may belo ito para matakpan ko ang aking mukha. Tagong tago ang aking katawan kaya sigurado akong hindi nya ako makikilala.
"Okay tara na po." Tugon ko.
Pareho na kaming nakasuot ng ganoong kasuotan kaya lumabas na kami ng kanyang kwarto. Mayroon akong kutsilyong nakatago sa aking tagiliran just in case na may mangyari.
"Sasama ako." Pag prisinta ni dake na agad kong tinutulan.
"I can handle this shits without you." Pagmamatigas ko.
Hindi ko na hinintay ang tugon nya. Naglakad na ako papalabas ng bahay kasunod si ate saysas.
"Relax lang." Bulong sakin ni ate saysas bago pinangunahan ang paglalakad.
Nagulantang ako ng makita ko ang hari na nasa labas kaya agad akong yumuko para hindi nya ako makita.
"Wait." Pagpapahinto nya sa amin pero nag patuloy lang ako sa paglalakad habang si ate saysas ay huminto para harapin ang hari.
Sorry thirp. Ayokong pigilan moko.
"Nasan ang alipin ko?" Rinig kong tanong nya.
"Nasa loob po. Pasensya na po may kailangan lang po kaming gawin ng pamangkin ko. Ritwal lang po." Pag papalusot ni ate saysas.
Nag tago ako sa isang sulok para hintayin ang pag dating ni ate saysas.
"Pst."
"Andyan kapala iha. Huwag ka ng mag alala. Hindi nya naramdaman ang presensya mo."
Nanguna ng maglakad si ate saysas habang ako ay tahimik na nakasunod lang.
Nanunuot parin talaga sa akin ang galit.
Lahi sila ng demonyo. Mga bwiset sila pati ba naman si eitsy idinamay pa nila.
Lahat ng galit ko ay ibinubuhos ko sa akong kamao.
Hindi ko na nasundan ang pasikot sikot na dinaraanan namin ni ate saysas. Medyo madilim at maputik ang daan kahit hindi naman umuulan. Wala man lang kailaw ilaw rito at mukhang walang naninirahan rito. Parang patungo itong gubat.
"Nandito na tayo."
Tinanggal ko ang belong nakatakip sa aking ulo at mukha.
Pinagmasdan ko ang isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Kulay dilaw na ilaw ang nag sisilbing liwanag roon. Medyo malayo layo ito sa bahay ni ate saysas at wala rin itong kapitbahay.
Humugot ako ng lakas bago lapitan ang nakakangilabot na bahay.
"Samahan na kita." Pag prisinta ni ate saysas.
"Hindi na po. Ako na lang."
"Oh sige. Hintayin na lang kita rito."
Dahan dahan kong inangat ang aking kamay. Itinapat ko iyun sa pintong kahoy. At kinatok ito ng marahan.
"Sandali." Sigaw ng tao sa loob na mukhang si lola.
Agad itong nag bukas at sinalubong ako ni lola na nakangiti pa.
"Oh. Ikaw pala alipin." Biglang ngisi nyang sabi.
Hindi na ako naka tugon ng hilahin nya ang kamay ko papasok.
Inilbot ko ang aking bilugang mata sa kabuuan ng bahay. Simple at maliit lang ito. May isang kama at isang lamesa.
Naalarma akong bigla ng makita ko ang nasa lamesa. Kakaibang materyales iyun. May kandila,tubig at langis.
"So ikaw nga ang may gawa sa kaibigan ko non?" Naiinis kong tanong.
Gusto kong manakit ngayon pero may respeto parin ako sa matatanda kahit na balutin pa ako ng inis.
"At pano mo naman na sabi?"
Nanlilisik ang mga mata ko ng lingunin ko sya.
Idinikit ko sya sa dingding.
"Bakit mo ginawa kay eitsy yun! Damn! bakit!" Nanggagalaiti kong tanong.
Pasensya. Hindi ko napigilang mag mura.
Mas lalong nag papainit ng ulo ko ang pananatili nyang tahimik at tanging ngisi lang ang isinasagot.
"Tigilan mo na ang kaibigan ko. Please. Tigilan nyo na po sya."
Humakbang ako ng tatlong beses para lumayo sakanya.
"Ititigil ko lang iyun kapag nilayuan mo ang hari!"
Namintig ang tainga ko ng marinig ang bulyaw nya.
Hindi agad ako nakakilos o nakapag salita man lang. Natulala lang ako.
Napatawa ako ng mahina.
"Isang kahibangan ang sumunod sayo."
"Pwes hindi ko ititigil ang ginagawa ko hanggang sa maubos ang dugo ng kaibigan mo, hanggang sa mamatay ito."
"Anong bang problema mo? Apektado kaba kung malapit ako sa hari? Pwede ba wag ka nalang mange alam dahil wala kang alam!"
Isang nakakabinging sampal ang natamo ko mula sakanya.
"Bastos ka. Oo hindi ako apektado ako dahil anak ko ang nasasaktan. Ayokong nakikitang nasasaktan ang aking anak ng dahil sa isang lalaki. Ayokong nakikita syang desperada kaya ko ginagawa ito. Para tigilan mo na ang hari, lumayo kana sakanya, wag mo na syang mahalin. Ipaubaya mo na lang sya kay queeny. Mahal ko ang anak ko, ayoko syang nagiging baliw. Ayoko syang nakakapatay. Kaya lumayo ka na sa hari."
Nanikip bigla ang dibdib ko.
Bakit ganito?
Ang gusto nya bang mangyari ay gawing pain si eitsy? At kapag naging pain na nya si eitsy ako naman ngayon ang tatakutin nya?
Gusto nyang pagpilian ko sila?
"Mamili ka. Ang kaibigan mo o ang hari. Ilang oras na lang ay mauubos na ng tuluyan ang dugo ng pinakamamahal mong kaibigan."
Isang luha ang tumugon sakanya mula sa aking mata.
Sumasakit ang ulo sa mga pinag sasabi nya. Ayokong dumating sa puntong pag pipilian ko kung sino sa dalawa. Ang hari ba o ang kaibigan ko. Bwiset na buhay naman ito.
Mamamatay si eitsy kapag ang hari ang pinili ko at masasaktan ko naman ang hari kapag ang kaibigan ko ang pinili ko.
Bakit ba napunta sa akin ang pinaka mahirap na desisyon.
"Bilisan mo na."
Basang basa na pisngi ko at nanlalabo na ang mata ko.
Kahit sino pa ang piliin ko, masasaktan at masasaktan parin ako. Sorry. Pero kailangan kong mamili.
"Itigil nyo na po ang ginagawa nyo sa aking kaibigan."
Halos manlumo ako ng bigkasin ko iyun. Hindi ko alam kung kakayanin kong mapalayo sa hari pero hindi ko din kakayanin kapag namatay ang isa sa mga kaibigan ko. Sorry talaga. Ayoko ng ganito.. kaso kailangan ko din ito.
"Pinipili mo ba ang mga kaibigan mo?"
Ramdam ko ang malamig nyang kamay na nakahawak sa aking kamay. Bakas din sakanyang mata ang tuwa.
Tinignan ko ang aking braso na unti unting nawawala ang mga sugat.
"Wala akong pinipili pero pakawalan nyo na sa mahika nyo ang kaibigan ko. Para nyo ng awa. Ayokong mamamatay sya. Please lola. Itigil nyo na."
Pinunasan ko ang aking pisngi.
Pinanood ko lang ang ginawang pag sira ni lola sa mga gamit nya na ginamit nya para gawin kay eitsy yun.
Parang dinudurog ako. Nangangatog ang tuhod ko at bumabagsak ang balikat ko. Parang pinasan ko ang isang kilong bigas dahil sa nararamdaman kong pagod.
"Ipangako mo yan. Lalayuan mo na ang hari pero kung titiwalag ka sa pangako, ibabalik kong muli ang paghihirap sa iyung kaibigan." Pagbabanta nya. "Salamat. Magiging masaya na ang anak ko. Hindi na sya mababaliw. Mag kakaroon na sya ng katuwang sa buhay. Maraming salamat talaga."
Umiiyak akong tumakbo palabas at agad niyakap si ate saysas.
"B-bakit iha."
Hagulgol lang ang naisagot ko sakanya.
Tang ina ang sakit lang kasi.
Sobra. Pero alam kong mas masakit sakanya ang gagawin ko. Mas masakit pa ito kay thirp.
Kumalas na ako sa pagkakayakap.
"Tara na po." Masigla kong sabi kay ate saysas. Ayokong mahalata nyang nalulungkot ako.
"Wala bang ginawang masama sayo ang matandang yun?"
"Wala po. Okay na po ang lahat."
Agad na kaming nag lakad palayo sa bahay ni ate saysas at hindi na i muling nilingon ang bahay ni lola.
Wala si thirp sa labas kaya libreng libre akong sumilip man lang sa bahay ni ate saysas.
Bukas ang bahay ni ate saysas kaya sumilip lang ako roon at.
"Thank god." Bulong ko ng makita kong maayos na si eitsy. Nakayakap sya kay grew at mukhang nanghihina sya.
"Hindi ka ba papasok?" Tanong ni ate saysas.
Ngumiti ako ng tipid.
"Paki sabi sa kanila na nasa ligtas ako." I whispered.
Isinuot ko na ang belo.
Bago tumakbo sa kung saan.

Aayusin ko lahat ng ito pag nakapag isip na ako. 

King's Key is MeWhere stories live. Discover now