Souven's POV
Dinala ako ni.... Teka ano nga bang pangalan nito? Kanina pa kami nito mag kasama pero hindi ko man lang alam ang kanyang pangalan.
"Anong pangalan mo?" Sarkastikong tanong ko.
"Walang nakaka alam ng pangalan ko maliban sa mga magulang ko" sagot nito na hindi naman konektado sa tanong ko.
"Wala akong pake sa personality mo. Ang gusto ko lang malaman eh yung pangalan mo lang, yung pangalan lang wala ng iba. Gets mo!" Pag mamataray ko rito.
Humarap naman ito sa akin at halatang galing.
"Respect me! I'm your king!" Sigaw nito.
"Your not my king!" Sigaw ko rin.
"Your fuckin' voice! Itigil mo ang pag taasan ako ng boses!" Sigaw rin nya.
"Why do i need to obey your fuckin' rules?" Pamimilosopo kong tanong.
"Because i am the king" Sagot nya.
"Your just a king" pang aasar ko.
"Wag mong binabasta basta ang pagiging hari. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang maging hari!" Wika nya.
"Do i care?" Pamimilosopo ko.
"Your such a stupid young lady!" Panlalait nito.
"Your such a stupid king!" Panlalait ko rin.
"Ahhhhh.... I don't wanna hear your fucking voice! Leave me alone!!" Sigaw nya kasabay ang pag takip sa kanyang tainga kaya medyo na hila ako ng kaunti.
"Then set me free"
Napangisi ako dahil sa tuwa. Bunganga ko lang pala ang katapat mo para palayain ako.
"Okay fine! I'll set you free" Sigaw nito. Tinanggal na nya ang tali sa kanyang kamay. "Run!" Sigaw nito ng matanggal ang tali.
So ganun nalang?
Ang bilis naman nya ata kausap.
"I said run!" Pag uulit nito.
Ayoko mang sundin ang utos nya pero kailangan dahil gugustuhin ko naman yun kaya. Humarap na ako sa likod at handa ng tumakbo.
"One, two, thre---"
*poinkkk*
Aray. Hilong hilo na ako, kanina pa ako nauuntog. Hindi ko naman ito gusto pero bakit madalas ibigay ng panginoon ang ganitong kapalpakan.
Teka? Bakit may dibdib sa harapan ko? Wag nyong sabihing...hayy. Ano bang problema ng haring to. Bakit ba ang hilig nya sa hilahan. Kanina pa kaya ako nasasaktan.
Padabog akong lumayo rito.
"Ano bang problema mo! Akala ko ba papalayain mo na ako! Pero bakit hinila mo nanaman ulit ako! Alam mo bang nakakasakit ka na ng noo at isama mo pa ang ulo ko pati narin ang mukha at paa ko isingit mo pa ang kamay ko dahil dyan sa kakahila mo! Wag mong sabihing ikaw si haring hila?" Pamimilosopo ko rito.
"Hindi ko ugaling mag palaya" sambit nito bago nag lakad ulit. Inilagay nanaman nya ulit ang tali sa kanyang kamay.
Heto, para nanaman akong kabayong hinihila ng amo. Sana pala nag dala ako ng itak para maitarak ko sa ulo nitong haring walang kwenta na to.
Saan ba ako dadalhin ng impaktong to?
Napaka laking pinto ang sumalubong sa amin. Kulay ginto ito at may desenyong hindi ko mawari. Kusa itong nag bukas ng tumapat si haring hila rito.
Wow.
Isang pag kalaki laking paliguan ang sumalubong sa amin. Astig. Swimming pool sa loob ng palasyo.
"Why we're here?" Irita kong tanong.
"Sasamahan mo akong maligo" sagot nya.
"Ano? Baliw kaba! Look babae ako at lalaki ka. Hindi pwedeng mag sama ang babae at lalaki sa iisang cr" pag rereklamo ko.
"Pwes sa utos ko pwede!"
Ano daw?
Grabe, Anong klaseng lalaking to? Ang bastos bastos.
Patungo na ito sa paliguan kaya agad ko itong pinigil.
Pero malakas sya kaya nagagawa nya parin akong hilahin. Halos mapaupo na nga ako mapigilan lang sya.
"Lord. Please help me. Hindi ko po ito ginusto. Wag nyo sana ako paparusahan once na makakita ako ng nakakahindik na pangangatawan. Lord. Please" pag dadasal ko habang nakapikit.
Minabuti ko nalang na pumikit, ayokong magkasala sa diyos. Maya maya lang ay huminto na sya sa pag higit pero ang aking mga mata ay nanatiling naka pikit parin ng madiin.
"We need privacy, king"
Another voice? At mukhang babae ang nag salita nun.
Ibig sabihin tatlo kaming naririto at hindi dalawa, ibig sabihin may iba pang tao rito.
Minulat ko agad ang aking mata at tama nga ang hinala ko. Tatlo kaming naririto at babae nga ang kausap nya. Nakita ko na ang babaeng to eh. Sya yung babaeng naka upo rin sa malaking upuan na katabi ni haring hila.
"Ano bang tawag mo dito?" Pamimilosopo ni haring hila.
Masama ang tingin sa akin nung babae. Para ako nitong lalamunin.
"It's not privacy. Kailangan nating mag usap, yung tayong dalawa lang" madiin nitong sabi.
Nagpaparinig ata sya sa akin eh. Bakit naman kasi dito pa sila nag uusap, dito sa paliguan? Wala ba silang meeting place para doon mag usap?
"A-ah aalis na lang ako" pag prisinta ko, nakakahiya naman kasi.
"No. Hindi ka pwedeng umalis. Ang personal alalay ay laging nasa tabi ng gwapo nyang amo" mayabang nyang sabi.
Pati ba naman sa lugar na to meron paring mayabang.
"ehem...I'm not your personal alalay" pag mamataray ko.
"Ano bang sasabihin mo?" Tanong nito.
"Wala akong sasabihin" sagot ko.
"Teka hindi naman ikaw ang tinatanong ko"
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya naman. Minabuti ko nalang na manahimik. Nakakahiya eh.
"Assuming kasi" bulong nung babaeng kausap ni haring hila sapat para marinig ko.
"Okay. Let's start. Cat" sambit ni haring hila.
Tumungo sila, i mean kami pala doon sa dalawang magandang upuan at doon umupo ang babae at ganun din si haring hila. Habang ako naka tayo lang.
"Are you sure na pwede nyang marinig ang sasabihin ko?" Pag aalinlangan pa nung cat.
"Kung wala kang sasabihin, aalis na kami" pagbabanta ni haring hila.
Para namang hindi seryoso ang haring to na makinig sa sasabihin ni cat. Bakas pa man din sa magandang mukha ni cat na importante ang kanyang sasabihin.
Mala prinsesa ang awra nitong si cat, may pa kulot kulot pa daw ito sa kanyang buhok. Infairness, maganda sya at maputi.
"Wait" pag pigil nito. Akmang tatayo na si haring hila nun kaya pinigilan nya. "Nagpadala si chin ng ispya. Nagpadala ulit sya ng konehong mapanganib" panimula nya ng kanyang sasabihin.
"Yun lang ba?" Tanong nito.
"What? Ang gusto kong iparating dapat maging aware tayo. Dapat laging naka handa ang mga kawal. Ayokong mang yari ulit yung dati"
Hindi ko maiwasang makinig. Kahit alam ko naman na hindi ko maiintindihan ang kanilang pinag uusapan. Pero ano kayang tinutukoy ni cat?
"Pwede ba cat. Hindi bobo si chin. Alam nyang wala rito ang kanyang hinanap---"
"So kung wala rito bakit kailangan nyang mag padala ng konehong yun? King natatakot ako" medyo naluluha na ito.
"Wala ka na bang ibang sasabihin?" Tanong nito.
Tikom na ang bibig ngayon ni cat kaya tumayo na si haring hila para sana umalis kaso biglang umimik si cat.
"Dalawang koneho ang kanyang pinadala. Ang isa ay iyung napatay mo at ang pangalawang koneho ay nakausap ko kanina lamang. Sinabi nito na naririto ang susi. Binilin nito sa akin na mag ingat tayo bago ko sya pinatay." Pag kukuwento nito.
"Wala dito ang susi. Wala. Dahil pinatapon ko na ang lahat ng susi sa bunganga ng bulkan kaya wala rito ang susi. Wala." Sigaw nito bago tuluyan akong higitin para lumabas.
Ano ba yung susing pinag sasabi nito? Ang gulo. Hindi ko maintindihan. Teka. Ano kaya kung magtanong ako? Wala namang mawawala kung magtatanong diba.
"Umm. Pwede ba akong mag tanong?" Tanong ko rito.
"Hindi kana pwedeng mag tanong kung nakapag tanong kana" seryoso nyang sabi habang higit higit ako.
Ano daw?
"Gusto ko lang itanong kung ano yung pinag uusapan ny---"
"Tumahimik ka!" Sigaw nito na ikinagulat ko.
Biglang nag taasan ang balahibo ko dahil sa lakas ng kanyang sigaw. Anong klaseng boses meron sya? Bakit nag tayuan ang balahibo ko ng sumigaw sya?
Kadalasan hindi naman nangyayare sa akin ang ganito. Nakakakilabot kang lalaking ka.
----
King's POV
Hindi ko alam kung bakit nasabi ni cat ang tungkol dun gayong kasama naman sya ng ipatapon lahat ng susing meron kami pati na rin ang ibang alipin doon sa bunganga ng bulkan.
Anong ibig ipahiwatig ng konehong iyun? Pero ramdam ko din ang kanyang sinasabi. Ramdam kong nasa malapit lang ang susing gustong gustong makamtan ng lalaking napadpad rito.
Ang kakaibang susi na hindi basta basta materyal.
Ang susing kailangan upang mabuksan ang pintong hindi alam ng lahat kung ano ang nilalaman. Sa totoo lang hindi ako interesado kung anong laman noon pero kailangan kong mangealam dahil ako na ngayon ang haring po-protekta sa mamamayan.
Ayoko ding maulit ang lahat.
Noong si dad pa ang hari ay isa rin sya sa naghahanap ng susi. Kaya ginawa nya ang lahat mahanap lang ang susing iyun para malaman kung ano ang nilalaman ng loob nun. Pero hindi nag tagumpay si dad dahil ang mamamayan ang kanyang kalaban. Interesado din ang mga ito sa susi kaya nag kanya kanya sila upang mahanap ang susi hanggang sa malaman ito ni chin, ang dating chin. Ang chin ay uri ng kakaibang kalaban.
Kakaibang tao ang dating chin. Halos pati sya ay nababaliw na rin dahil sa susi. Gustong gusto nilang mabuksan ang mahiwagang pinto. Pintong hindi mabubuksan ng kung anong mahika, bagay at kung ano pa. Tanging susi lang ang kailangan para mabuksan ito. Dumating ang araw na nahanap ng dating chin ang susi at binalak na nya itong buksan kaso hindi sya nag tagumpay dahil si dad ang kanyang kalaban kasama ang mamamayan. Gusto nilang solohin ang laman ng pintong iyun, kesho kayamanan ang laman nito. Hanggang sa nag agawan ang lahat at nagkaroon ng digmaan pero sa huli wala paring nanalo dahil pare pareho silang nalaglag sa kumukulong putik sa bulkan kasama ang susi. Susi na uri ng materyal. Kaya dumating ang panahon ng kapayapaan nung ako na ang nanungkulan. Pero na ulit ulit ang lahat. May dalawang lalaki ang pumasok sa parisukat na lagusan. Itinuring ng mamamayan na kaibigan ang mga lalaking pumasok sa parisukat na lagusan ng mapadpad ang mga ito sa aming lugar. Hanggang sa nag desisyon silang dito nalang manirahan kaya hindi maiiwasang mag karoon ang mga ito ng kaibigan. Si saysas ang isa sa naging kaibigan ng mga ito, si saysas ang nakakaalam ng buong istoryang nangyare noong nanunugkulan pa si dad. Kaya hindi maiwasan ni saysas na ikwento ang lahat ng yun sa dalawang lalaki. At dumating ang hindi namin inaasahang panahon. Nagkasundo ang mga ito na hanapin ang susi. Pinag kaloob ng mga ito ang kanilang sarili sa mga patay na ngayon ay nabubuhay dahil sa dugong inalay ng dalawang lalaking iyun.
Lumisan sila sa aming lugar at nag paalam na babalik na sa kanilang pinang galingan kaya pinayagan ko silang bumalik sa itaas. Sa itaas, doon naninirahan ang mga patay na dating alagad ni chin. Tahimik na ang mga ito kaso dumating lang ang dalawa ay nabuhayan sila ng loob na hanapin ang susi. Lumipas ang ilang buwan muli silang nag balik at winasak ang buong paligid. At ngayon isa sakanila ang bagong chin na interesado rin sa susing iyun.
Naadik din pala sila sa susing iyun. Ngayon pinag kalooban sila ng mga patay ng kakaibang kapang yarihan, mas mataas na kapang yarihan kaysa sa dating chin.
Nakumbinsi ko naman sila na wala ang susi kaya lumipat sila ng ibang lugar at doon hinahanap ang susi pero nagbanta ang mga ito na babalik sila once na naririto ang susi.
*blagggg*
Nahinto akong bigla ng makarinig ako ng pagbagsak. Nilingon ko agad ang aking alalay at nakaupo na ito sa sahig.
"Pwede bang mag pahinga? Kanina pa kasi ngalay ang paa ko sa kakalakad" nanghihina nitong sabi.
Reklamador pala ang aking alipin.
"Tumayo ka riyan!" Utos ko rito kaya agad naman itong napa tayo.
"Grabe magpapahinga lang. Damot damot talaga ng bwiset na to" bulong nito na halos rinig ko dahil tahimik ang buong paligid.
Papaakyat kami sa itaas upang ihatid sya sa kanyang kwarto.
"Manahimik at sumunod ka sa mas nakaka taas sayo!" Utos ko rito.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang hila hila sya.
"Ugh. Pagod na talaga ako" pag rereklamo nya.
Hinila ko ang tali ng pwersahan dahil nagpapabigat ang aliping ito. Masyado pang mataas ang aakyatin namin.
"Uhaw na rin ako at gutom" dagdag pa nito.
Minabuti kong ipag patuloy ang pag akyat at huwag na lamang syang pansinin.
"Hoy! Gusto ko na ng pag kain!" Sigaw nito sa akin.
Nilingon ko ito.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na bawal pag taasan ng boses ang har---"
"Gutom na nga ako eh ano bang magagawa mo!!!"
Bahagya akong natigilan. Sya lamang ang kaisa isang babaeng pinag tataasan ako ng boses. Hindi ba nya alam kung anong ibig sabihin ng hari?
Napaka walang modo nitong babaeng to.
Tinitigan ko ito kasabay ang pag hawak sa tainga ko.
"Padalhan mo ako ng maraming pag kain sa kwarto ng bagong alipin" utos ko.
Matapos kong mag salita ay binitiwan ko na rin ang aking tainga.
Hindi nga ako nag kamaling kunin sya bilang alalay. Sigurado akong kayang kaya nya akong ipagtanggol sa mga kalaban.
Hinigit ko na ulit sya at nag patuloy sa paglalakad.
Ilang minuto ang lumipas.
Nakarating na rin kami sa itaas at tumungo na agad ako sa kwarto.
Nakakarindi din ang kanyang boses dahil palagi syang nag rereklamo.
"Magpahinga kana aking alipin" utos ko rito.
Napaupo naman agad ito sa sahig, tila'y pagod na pagod.
"Gusto kong kumain" sambit nito habang hinihingal.
"Thirp Kniff ang aking ngalan" pagpapakilala ko rito.
"Nakakain ba yun?" Nakakaloko nitong tanong.
Anong pinagsasabi nito?
"Isang kagalakan ang malaman ang aking pangalan!" Sigaw ko rito.
"Ano naman kung nalaman ko?" Pamimilosopo pa nya.
Anong klaseng babae to at bakit hindi sya nagagalak malaman ang aking pangalan?
"Magalak ka dapat!"
"Magagalak lang ako kapag meroong daang daang pagkain sa aking harapan"
bakit hindi sya nagagalak?
Kakaiba itong babaeng ito. Sya lamang ang pinag sabihan ko ng aking pangalan ngunit bakit hindi ito nagagalak.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel