Chapter 14

57 3 0
                                    

  Souven's POV
*yawn*
Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa bintana na salamin lang ang tanging harang.
"Grabe ang sarap ng tulog ko *yawn*"
Paulit ulit akong humikab ng humikab at umunat ng umunat. Napaka sarap kasi ng tulog ko. Para bang napawi lahat ng pagod ko dahil dito sa napaka lambot na kama at sa napaka lambot na kumot na sa akin ay nakapulupot. Parang ayoko na tuloy bumangon sa pag kakahiga.
"Buti naman at gising kana"
Napaupo agad ako ng wala sa oras ng makarinig ako ng isang boses, boses ng isang lalaki.
"T-thirp? Teka kanina mo pa ba ako pinag mamasdan?"
Haring hari ang porma nya ngayon kahit wala paring korona. Mala boss din sa isang kompanya ang kanyang pag kakaupo sa napaka garang upuan na naka pwesto sa aking harapan.
"Dadag isang taon para sa pag tawag sa akin ng thirp" salungat nitong sagot.
Inirapan ko nalang ito dahil sa salungat nyang sagot sa matino kong tanong.
"Ano namang ginagawa mo dito!" Mataray kong sumbat sa kanya.
Wait. Nasaan nga pala ako?
Agad kong inilibot ang aking paningin sa kabuoan ng kwarto. Purong pink ang kwarto ang kulay ng kwarto at talaga namang napaka laki espasyo.
"Pag mamay ari ko ang kwarto ko, kaya kahit anong oras ko gustuhing pumasok dito, papasok ako" tugon nya sa aking tanong.
"Eh sino naman ang natutulog dito?"
"Sino pa edi ikaw" sagot nya.
"Ano?" Gulat kong tanong. May pa effect laki mata pa.
"Natural lang na bigyan ng hari ang kanyang alipin ng isang matutulugan... Huwag ka mag alala ilang taon ka lang naman mananatili sa kwartong ito"
Kailangan ko ng umalis rito. Baka mag karoon pa ako ng utang na loob sa siraulong to.
"Aalis na ako"
Tinanggal ko na ang nakapulupot ng kumot sa aking katawan. Ilalapat ko na sana ang aking paa sa sahig upang mag lakad papalabas ng kwarto ng mapansin kong may benda ang aking mga paa.
Yung ugat, yung ugat nga pala ang may gawa nito sa akin pero bakit parang naigagalaw ko na ito. Ginamot nanaman ba ito ni lola. Grabe ilang beses ako nag pag gamot sa kanya. Kailangan kong mag pasalamat kay lola mamaya.
"Hindi ka maaring umalis" pag pigil ni thirp kasabay ang pag hawak sa aking braso.
Binalingan ko sya ng pansin at tinapunan ng masamang tingin.
"At bakit hindi ako pwedeng umalis?" Mataray kong tanong.
"Ibalik mo muna ang damit ko na suot suot mo"
What?
O_O
Tinignan ko agad ang suot suot kong damit. O my god. Panlalaking damit ang suot suot ko. Malaking t- shirt at mukhang naka underwear lang ako.
"Don't worry damit lang yung ibabalik mo. Hindi mo na kailangang ibalik ang panty at bra mo dahil sayo naman yun. Nakita ko iyun sa bag mo kaya ibinigay ko kay gina para ipasuot sayo. Nakakahiya naman kasi kung wala kang isususot na ganon"
Hindi ko maiwasang mapanganga sa harap nya. Walang preno na ang bibig nya. Grr. Pinapahiya nya ako.
Hinigit ko agad ang kumot na kanina ay naka pulupit sa akin. Ipinulupot ko ito sa aking katawan upang matakpan ang hita ko. Tumayp ako para lumayo sa kanya.
Sumagi sa akin ang pangamba ng mapagtanto kong naka benda pala ang mga paa ko pero napawi rin ito ng wala akong naramdamng sakit na nagmumula sa aking paa, para lang naman itong normal. Kaya pinag patuloy ko na lang ang hakbang pa atras upang makalayo sa lalaking itinuturing kong manyak sa mga oras na ito.
"Lumabas ka nga ng kwarto ko!!" Sigaw ko sa kanya.
"At bakit ako lalabas sa kwarto ng alipin ko?" Pamimilosopo nyang tanong.
"Pwede ba... Get out! Mag bigay ka naman kahit konting privacy oh!"
Hindi naman agad ito naka imik. Mistulang natauhan ang lalaking kaharap ko.
"Privacy para sa aking alipin.. Bilisan mo lang dahil kapag ako na inip. Baka magbalak akong pasukin ka" pag babanta nya bago tuluyang nag lakad patungo sa pintuan.
Nang makalabas na sya agad kong sinara ang pinto. Ilo-lock ko sana ito kaso walang lock.
"Ugh. Ano na bang nangyayari sayo souven ley!"
Agad kong tinungo ang aking bag.
May nilagay kasi akong damit roon bago kami umalis ng mga kaibigan ko.
"Bwiset na lalaking yun! Heto naman pala ang mga damit ko pero bakit itong damit nya ang suot suot ko! Akala nya siguro mag kakaron ako ng utang na loob sa kanya! Iws"
Kinuha ko ang leggings at t-shirt ko sa bag. Tumungo narin ako sa cr ng kwartong to para mag palit ng damit. Pati ang pinto ng cr na pinasukan ko ay wala ring lock. Pano nalang kung masilipan ako rito.
"Nong meron sa lugar na to? Bakit walang mga lock ang bawat pinto?"
Napa irap na lang ako sa hangin bago tinuunan ng pansin ang aking paa. Tinaggal ko na ang benda roon para makakilos na ako ng maayos. Hinubad ko na rin ang t-shirt ni thirp at isinuot ang damit mula sa akin. Hindi naman ako nag tagal sa cr at kalunan, lumabas rin ako.
Hindi ako nag atubiling buksan ang pinto ng kwarto para papasukin si thirp. Balak kong ibalik sa kanya ang t-shirt nya kahit alam kong hindi pa ito laba.
"Here.. Thank you." Tipid kong pag papasalamat kasabay ng pag abot ko sa kanya nung t shirt nyang bulok.
"Tingin mo tatanggapin ko yan?... Paki labhan muna bago ibalik sakin ha.. Baka kung anong germs pa ang makuha ko dyan" maarte nitong sabi.
"Grabe, dinaig pa nya ang babaeng lumagpas ang lipstick sa sobrang arte" bulong ko sa aking sarili sapat para hindi nya marinig.
"Kung ano man yang binulong mo, wala na akong pake alam. Ang gusto ko lang ibalik mo ang shirt ko ng malinis. Take note... Ibabad mo muna sa kumukulong tubig yan bago mo sabunin okay" pang aasar pa nya.
"Don't worry. Ibababad ko to sa kumukulong putik para dagdag germs. Tss."
Tinalikuran ko sya kasabay ang pag hawi ko ng buhok bilang pang aasar.
"Teka lang..."
Napalingon agad ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.
What the...
"Nakakaputakte! Posas na naman?"
Damang dama ko ang oagiging bilanggo dahil sa ginagawa sakin ng lalaking to. Oo nga't isang kamay lang ang pinosasan nya pero pang bilibid parin ang dating nito sakin.
"Baka ma-infection ang kabila mong braso kaya ito na munang isa ang nilagyan ko. May pupuntahan kasi tayo"
Mapapamura ka nalang talaga sa inis eh.
"Ano bang dahilan at kailangang posasan mo ako ng ganito! Ano hihigitin mo nanaman ba ako na parang kabayo ha? Ha!"
As usual gagawin na naman nya ulit. Matali na naman ang posas na konektado sakanya. Itinali na naman nya ang tali sa kamay at hihigitin na naman ako mamaya na parang aso. Tss.
Hindi ko kaya to lalo na't kumukulo na ang tyan ko.
"Natural lang na posasan ang tulad mong isang alipin. Madalas ka kasing mapahamak kaya mas makabubuti sayo ang dumikit nalang palagi sa akin." Wika nya bago ako hilahin papalabas ng kwarto.
Mapapapikit ka lang sa inis eh noh. Sino ba namang matinong lalaki ang hahayaang pag lakarin ako sa mabatong daan ng nakayapak lang. Geez.
"Ehem.. Bigyan mo kaya ako ng sapin sa paa!"
"Wala pa tayo sa batuhan kaya manahimik ka na lang muna dyan!"
Babarahin ko sana sya kaso biglang umepal ang tyan kong kumulo ng pagka lakas lakas na ikinahinto nya sa pag lalakad.
"Ow. S-sorry.." Pag hingi ko ng tawad.
Sumilay sa kanyang labi ang ngiti bago muling nag lakad. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa nyang pag ngiti. Kahit alam kong patago nyang ginawa yun. Teka ano bang issue tungkol dun? Duh. Ngiti lang naman yun.
"Narinig mo yun? Ibig sabihin nun pakawalan moko kasi nagugutom na ko!"
Hindi lang ako nito inimikan. Nag patuloy lang ito sa pag lalakad hanggang sa maka baba na kami ng hagdan. Ngayon, patungo na kami sa labas ng palasyo. Hindi pa man kami nakakalabas ng huminto sya.
"Cat. Ibigay mo ang suot mong sapin sa paa sa aking alipin"
Natigilan akong bigla ng makita ko kung sino ang kausap nya. Masama ang tingin nito sa akin na para bang lalamunin ako nito.
"Opo mahal na hari" pag sang ayon nya kasabay ng pag lapit sa akin.
Medyo lumapit ito sa bandang tainga ko.
"Ingatan mo ang doll shoes na yan! Mahal ang bili ko dyan!" Bulong nito na may halong diin.
Nakita ko naman ang magandang sapatos na ngayon ay naka balandra sa harap ko.
"Maari ka ng umalis"
"Opo mahal na hari"
Pinanood ko munang umalis si cat bago suotin ang doll shoes na ipinahiram nya. Actually mas type ko pa ang mag tsinelas kaysa mag suot ng ganitong sapatos. Pero in fairness, mag ka size lang pala kami ni cat ng paa.
"Sapat na yan upang mag lakad" sambit ng haring mahilig sa hilahan.
Hinila na naman nya akong muli. Gustong gusto kong sipain ang lalaking to kaso mayroong pumipigiln. Gustong gusto kong tumakas pero bakit parang ayaw kilos ng katawan ko para maka takas. Sa bagay, tama naman sya. Tama sya na medyo nalapit sa akin ang kapahamakan. Mabuting dumikit na lang ako sa kanya, baka sakaling ligtas ako kapag sya ang kasama ko.
"Umm.. Matanong ko lang. Diba nung nasukahan ako ng kuneho may kakaibang epekto ang nangyari sa akin. Napansin ko lang kasi na bakit hindi ka na lason o kung ano man nung tinikman mo ang dugo ng kuneho?" Pag basag ko sa katahimikan.
"Magkaiba ang suka ng kuneho sa dugo nito" tugon nya.
"Ahh... Edi hindi nakakalason ang dugo ng kuneho?" Tanong ko pa.
"Ganun na nga" sagot nya.
"Ahh... Eh bakit mo naman tinikman ang dugo ng kuneho?" Pangatlong beses kong tanong.
"Doon ko kayang tukuyin kung bakit naparito ang kunehong iyun" pangatlong beses din nyang sagot.
"Ahh kung ganon anong ipinunta ng kuneho nung mga oras na yun dito?"
"Malabo ang ipinapahayag noon. Hindi ko agad natukoy kung bakit sya naparito. Unang beses na nangyari sa akin yun"
"So ibig sabihin hindi mo natukoy kung bakit naparito ang kunehong yun?"
"Ang pagiging makulit mo ay syang nakakarindi sa aking tainga. Kaya pwede ba manahimik ka!"
Ang yabang neto. Makulit ba yun eh nag tatanong lang naman ako. Pft.
"Last na. Saan ba tayo pupunta?"
"Manahimik at sumunod ka nalang aking alipin"
Naku nakakasawa na yan.
Manahimik? Para saan pa't nabuo ang bibig kung mananahimik?
Ang corny neto kasama mabuti pa sila veany, masayang kasama. Teka, baka nag aalala na sakin ang mga yun.
"Um pinaka last na. Pwede bang puntah- - "
"Manahimik ka!!!"
Gosh. Nakakatakot ang tono ng boses nya. Boses lang yun pero napatayo na agad nito ang mga balahibo ko. Weird.
Minabuti ko na lang na manahimik at inilibot ko na lang ang paningin ko. Sa hindi kalayuan tanaw ko ang isang punong hindi kalakihan pero ka'y lalaki ng ugat.
U-ugat?
Bahagya akong tumabi sa hari ng makakita ako ng ugat. Kakaiba ang lugar na ito, kaya kailangan kong mag ingat ngayong alam ko na, na pati ang mga nasa paligid ko ay buhay rin. Fo sure, nasaksihan din ito ni mr. Donald at taler. Nasaan na kaya ang dalawang yun. Tama kaya ang sabi ng babaeng baliw sa kulungan na pinatay sila? Kung ganon kawawa naman sila.
Iniwas ko na lang ang aking tingin sa ugat at tumingin na lang ng diretso. Mukhang patungo kami sa isang kuweba. Wala na ring mga tao sa aming paligid maliban sa mga buhay na puno.
"Arf.. Arf.. Arf.."
Napukaw ang aking pansin sa asong puti na naka tali malapit sa kuweba. Tinatahulan kami nito. Mabalahibo ang ang aso na syang nagiging dahilan upang maging cute.
"Awwww ang cute naman ng isang yun"
Lalapitan ko sana ang aso upang haplusin ang balahibo ng higitin ng hari ang tali dahilan para mapigilan ako.
"What the heck!" Bwiset kong sambit.
"Hindi lahat ng iyong nakikita ay totoo" wika nito bago nag lakad papalayo sa aso.
Hindi nalang ako umimik. Baka kasi umabot lang sa sagutan kapag umimik pa ako at saka naka hawak na naman din ako ng aso kaya hindi ko na kailangang mag pumilit para lang mahawakan ang aso.
"Teka? Papasok sa kuwebang yan?"
"Oo" sagot nya.
"Wait baka kapag pumasok tayo dyan, meron na namang sasalubong na parisukat na lagusan. Naku ayoko na. Out ako dyan. Um. Dito nalang ako sa labas. Ikaw nalang ang pumasok"
"Mayroong kakaibang bagay roon sa loob na ikaw lamang ang kauna unahang makakakita"
"Ano pang hinihintay mo? Tara na pumasok na tayo!"
Pinangunahan ko na ang pag lalakad papasok sa kuweba. Ang bagal nya kasing mag lakad.
"Hoy lapitin ng kapahamakan huwag kang manguna dahil baka mapahamak ka na naman!"
Hinigit na naman nya ulit ang tali at sya ang nanguna sa pag lalakad.
Sobra ang dilim sa loob nitong kuweba pero merong liwanag sa bandang unahan. Malaki ang loob ng kuweba at hindi lubak lubak ang daan.
"Anong kailangan mo mahal na hari?"
Halos mapatalon ako dahil sa pag sulpot ng isang matanda na may hawak hawak na tungkod.
Saka ko napag tanto na isang bahay para ang nilalaman ng kuwebang ito. Malaking bahay na merong higaan at upuan.
Tumungo kami sa isang upuan na gawa sa kahoy at doon umupo. Pati ang mantadang kaninang nanggulat sa amin ay umupo rin. Bale katapat namin sya.
"May kailangan akong malaman sa kasalukuyan" paunang sambit ni thirp sa matanda.
"Kung ganon samahan mo ako sa silid.. Sundan mo nalang ako"
Tumayo na ang matanda at tumungo sa isang silid.
Ano ba naman tong mga taong to. Ano pang silbi ng pag uupo kung tatayo din naman!
Tumayo na din ang ang hari.
"Dito ka na muna pansamantala"
Tinanggal nya ang tali sa kanyang kamay at bahagya akong pinatayo para tumungo sa isang maliit na puno na halos sa paso lang naka tayo. Itinali nya doon ang tali.
Mukhang tanga naman ata to si thirp. Bakit kaya sa isang maliit na puno tinali ang tali. Hindi ba nya na isip na kayang kaya kong makatakas dyan. Haha.
"Subukan mong tanggalin ang pag kakatali dyan.. Papalayain na kita" bulong nito sa aking tainga na nakapag patayo ng balahibo ko.
Wow.
"O-okay"
Hindi agad ako naka galaw sa kinatatayuan ko. Pinag masdan ko lang syang talikuran ako at kasabay nun ang pag pasok sa silid na pinasukan nung matanda.
"Ano meron sa kanya? Bakit napapatayo ang balahibo kapag sumisigaw o bumubulong sya? Hindi naman ako dating ganto ah. Ang weird lang talaga"
Nabaling naman ang atensyon ko sa maliit na puno na naka tayo sa isang maliit na paso. Pag kakataon ko na para makatakas.
Ginamit ko ang isa kong kamay para sana tanggalin ang maluwag na pag kakatali ni thirp kaso... Parang ayokong gawin. Kung tutuusin kayang kaya kong makatakas pero, hindi sumasang ayon ang katawan kong gawin yun.
"Souven! Tumakas ka na please!"
Sinubukan ko ulit na tanggalin ang tali kaso ayaw talagang gumalaw ng kamay ko. Parang may pumipigil na gawin ko yun.
"Ugh. fine! Oo na! Mag s-stay na! Paepal ka namang konsensya ka! Nanggugulo ka ng may buhay ng may buhay! Bwiset!"
Napabusangot nalang ako ng walang dahilan. Ewan ko pero nakakapang hinayang lang na ewan. Ewan ang gulo.
Hinintay ko na lang na lumabas si thirp mula sa silid na pinasukan kanina nila.
Ang gulo gulo, dapat naka takas na ako ngayon eh. Pero heto naka tunganga lang ako habang hinihintay ang haring mahilig sa hilahan.
Ilang minuto na ang nakalipas pero parang nilalamok na ako rito kakahintay sa haring yun. Ugh. Kumukulo na din ang tyan ko.
"Maraming salamat sayo tandang giro"
Napatingin agad ako sa silid at thank dahil lumabas na rin sila. Agad ng lumapit sa akin ang hari at tinanggal ang tali. Bahagya sya lumapiy sa aking tainga para siguro bumulong...
"Good job aking alipin..."
Awwww. Na good job pa- - teka? Dapat ba akong matuwa? Okay na sana na ma good job ang kaso hindi naman ako alipin para sabihan ng ganon.
"Gutom kana ba?" Tanong nya.
Tumango lang ako.
"Okay. Kakain tayo..."  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now