Chapter 54

47 3 0
                                    

  Eitsy's POV
Sumapit na ang liwanag at bakas sa aming mga ngiti ang saya. Pawis man ay masaya parin. Tanaw namin ni grew ang mga tao na nag papahinga sa kung saan. Nakakalungkot lang isipin na maraming nasawi pero mas marami paring nag wagi. Ilan sa kanila ay bakas ang kalungkutan. Kalungkutan dahil nasawi ang mahal nila.
"Hayy. Ano ba naman! Napakabigat naman ng lalaking to!"
Inis kong nilingon si grew na napapangiwi.
"Wag ka ngang mag pakabakla dyan!"
"Eh bakit kasi ako pa? Bakit hindi itong si donald?"
"Aba! Aba! Nakita mo naman siguro na kumakain ako kaya wala akong lakas para buhatin ang bangkay na yan."
"Hoy! Wala kang karapatang sabihang bangkay si frince! Baka gusto mong pag hiwalayin ko kayo ng katawang yan!"
Kanina pa ako rinding rindi sa reklamo ng dalawang to. Kung may dala lang talaga akong sinulid at karayom malamang isa na akong bihasa sa pag tahi ng bibig ng mga taong madaldal. Like them.
"Kung hindi lang talaga kita mahal malamang iniwan ko na tong lalaking to ron."
I just shrugged.
Palihim akong kinilig sakanyang sinabi kahit halos pabulong lang yun.
Naagaw ang atensyon ko sa babaeng papalapit sa amin habang lumuluha. Nakahawak ito sakanyang bibig habang nakatingin sa direksyon ni grew. Napakunot ako ng noo.
"A-anak ko.."
Natahimik akong bigla ng yakapin nya si frince.
Napayuko na lang ako sa kawalan. Kahit anong tagumpay mayroon parin talagang lungkot.
Wala ng pulso si frince ng madatnan namin sya. Maputla narin ang labi nya habang pinapaligo nya ang sarili nyang dugo.
Gusto ko mang mabuhay si frince pero paano? Gusto ko syang pasalamatan pero paano?
Wala akong kakayahang bumuhay ng patay.
Pero bayani ang tingin naming lahat sakanya.
"M-maari ko bang malaman kung bakit n-namatay ang aking anak?"
Bumagsak ang balikat ko ng magtanong ang babae.
Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti kahit na pilit lang.
"I'm eitsy cruz. Ako po ang kaibigan ni frince at ito naman po si grew at si mr. Donald."
Unti unting nawala ang mapait na ngiti sa aking lips. Isang hagulgol ang itinugon nya sa akin na syang dumudurog sa aking pag katao.
"A-ako naman si press. A-ako ang kanyang i-ina- - "
"Itinuturing naming isang bayani ang anak nyo. Alam nyo, matalino po ang anak nyo dahil sya ang naka isip kung paano mauubos ang mga patay na nakalaban natin. Isa syang dalubhasa."
Agad kong niyakap ang mama ni frince na sya namang tumugon. Hinahagod ko ang kanyang likuran habang umiiyak naman sya sa aking balikat.
Miski ako nasasaktan sa sinapit ni frince. Itinuring ko na syang kaibigan kahit na nung unang meet namin ay nasungitan ko sya.
"Maaari nyo bang ihatid ang aking anak sa aking tahanan?" Tanong ni tita press na agad namang kumalas. Hindi nya magawang pigilin ang kanyang luha na nag pupumilit na lumabas.
"Maari naman po." Tugon ko.
Inakbayan ko na si tita press at akmang lalakad na ako ng mapukaw ang atensyon ko sa isang babae.
What the heck! Teka si veany yun ah!
"Umm. Tita si grew at mr. Donald nalang po ang sasama sainyo. May kailangan lang po akong gawin." Pag papaalam ko bago sya yakapin.
"Salamat iha." Wika nya.
Mapait na ngiti ang itinugon ko bago tumakbo patungo sa dikalayuan.
Tanaw na tanaw ko ang babaeng nakahiga kasama ang mga walang malay na kawal.
Agad ko syang inalog alog.
"Hey? Vean, wake up!" Sumbat ko.
Paulit ulit kong sinasabi ang katagang yun hanggang sa umabot ng sampu at doon lang sya natauhan.
Hindi klaro ang pag mulat ng mata nya at batok nya ang una nyang ininda. Hinawakan nya yun.
"Mom nasan ang gamot? May hang over ata ako."
Agad kong hinampas ang kanyang balikat. Parang tange.
"Hoy vean! Nasa digmaan tayo wala tayo sa bahay nyo!"
Natauhan naman syang bigla. Napaupo sya habang iniinda parin ang batok nya.
"The hell! Nasaan na si souven! Ugh. Napaka tanga ko talaga! Ano ba yan!"
Kumunot ang aking noo.
Wag nyang sabihing nawawala na naman si souven aba matinding malas ata ang sumanib sa babaeng yun.
"What do you mean vean?" Naguguluhan kong tanong.
"Eitsy... Ang babaeng yun. Nawala na naman. Hindi ko alam kung anong nangyari, masyadong madilim nun kaya hindi ko man lang na aninag kung sinong bwiset ang humampas sa aking batok. Wait? Where is dake?"
Napa face palm nalang ako sa kawalan.
Pinag aalala na naman kami ng babaeng yun. Bakit ba palagi nalang syang nawawala? May balat ba yun.
Paniguradong takot na takot na ang babaeng yun. Ang souven na yun talaga.
"Nasaan naman ang hari?"
"I don't know basta iniwan namin sya habang nakikipag laban kay chin."
Huminga na lang ako sa kawalan.
Nawawalan na ako ng pag asa, pagod na rin ako.
Ang akala ko tapos na yun pala isang akala lang yun.
Inis akong tumayo at nagpakatatag.
Tinungo ko ang mga pinuno ng iba't ibang grupo na masarap ang pag kakaupo sa hagdan.
"Eitsy anong gagawin!"
"Just follow me!"
Maangas na mukha ang nagawa ng mukha ko.
Tumayo ako sa harap nilang tatlo. Naagaw ko ang atensyon nila.
Wala silang reaksyon na syang ikinaiinis ko.
"ANO!" Paunang sigaw ko palang yun ay nagulat na agad sila. "ABA TUMAYO NA KAYO RIYAN AT ILIGTAS ANG SUSI NA NAWAWALA NA NAMAN! PARA KAYONG HINDI MGA PINUNO! ABA PAGALAWIN NYO NA ANG MGA ALAGAD NYO NA KAYA PANG LUMABAN! HINDI NYO BA ALAM NA HIRAP NA HIRAP NA ANG HARI SA PAKIKIPAG LABAN DOON SA....."
teka san nga ba yun.
Tumikhim ako bago umatras sa kanila ng kaunti.
Lumapit ako ng bahagya kay vean.
"San nyo nga ulit iniwan ang hari?"
"Tss. Ang yabang yabang mong mag speech dyan tapos hindi mo naman pala alam ang lugar- - "
"Sabihin mo na kasi kung ayaw mo akong mapahiya sa mga to!"
"Hay. Don sa palasyo ni queeny."
Muli kong inayos ang sarili at lumapit muli sakanila.
"DOON SA PALASYO NI QUEENY!" Sigaw ko.
Inis kong ikinuyom ang aking kamao. Napahiya na ako't lahat lahat hindi parin sila gumagalaw.
"HOY! MAGSI KILOS NA NGA KAYO! KAILANGAN NG HARI ANG TULONG NYO!!!!!!!"
Halos matanggalan ako ng lalamunan dahil sa malakas na sigaw na pinakawalan ko. Pero worth it naman dahil napatayo sila.
Pinamaywangan ko sila at taas noo akong tumingin sakanila.
"Pasensya na po."
Agad silang yumuko sa harapan ko.
Wow, ang tapang ko.
"Kumilos na kayo at hanapin ang aking alipin."
Para akong binuhusan ng yelo ng marinig ko ang tinig ng hari mula sa aking likuran.
Shit, worst feeling ever.
Napapikit na lang ako dahil sa hiya at nakigaya na rin sa kanila.
Hinarap ko ang hari at yumuko sa harapan nya.
Nakakahiya talaga to, masyado akong naging bida bida yun pala ang hari ang dahilan kung bakit napatayo sila at napayuko. Tss. Nakakapahamak talaga ang pagiging mayabang, iiwasan ko na ngang maging mayabang. Ayoko na talagang maranasan ang ganitong kahihiyan.
"Natagpuan ko ang iyung kaibigan doon sa putikan. Hindi ko binalak na gisingin o galawin man lang ang lalaking yun dahil ayokong makita ang mukha nya. Ang lalaking yun ang unang nakakuha ng masahe ng aking alipin at talagang nakakainis yun kaya kayo na ang kumuha ng bangkay nya."
"What?!"
Nanlaki ang mata ko ng sabihin nya ang huling word.
"Nakakatuwa lang na tawagin kong bangkay ang lalaking yun."
Hay. Sira din ang ulo ng haring ito.
Agad na akong tumayo.
"Saan ko makikita ang putikang sinasabi mo?" Tanong ko.
"Alam iyun ng isa mong kaibigang babae. Panigurado akong nadaanan iyun ng kaibigan mo."
Balak ko pa sanang mag tanong kaso umalis na sya at kumaripas ng takbo sa kung saan.
Hayy.
Nasaan na ba ang babaeng iyun? Pagod na ang hari sa kakahanap sakanya sa tuwing nawawala sya. Panigurado akong nag aalala na ang hari sakanya.
"Let's go."
Hinigit na ni veany ang kamay ko at dinala nya ako sa kung saan. Natatanaw ko ang malaking palasyo.
"Ito ang daanang dinaanan namin ni dake. Ugh. Nakakainis. Natakot ako nun kaya iniwan ko sya rito at kumaripas ng takbo kaso wala eh, nahawaan ako ng kamalasan ni souven. Kaya heto masakit ang batok ko."
"Tss. Ingatan nyo kasi ang babaeng yun. Alam nyo naman madaming gustong kumuha sakanya. Siguro si queeny ang kumuha kay souven o kaya yung chin."
"None of the above."
"Anong ibig mong sabihin?"
"P-patay na si queeny while si chin panigurado na din akong napatay na ng hari yun."
Nahinto ako sa paglalakad.
"Patay? Si queeny? Chaka chin? What a nice moment."
Agad nyang binatukan ang ginto kong ulo.
"The hell! I'm just kidding! Masyado ng bumibigat ang kamay mo ha!" Reklamo ko.
Kinamot ko na lang ang aking ulo.
"Ow it's fucking hurt. Masaya sana kung si chin lang pero kung si queeny gosh. Ayoko na!"
Agad kong niyakap si vean at humagulgol sakanyang balikat kahit alam kong wala namang lumalabas na luha.
"Actually hindi lang si queeny ang namatay pati rin ang kanyang anak."
Kumalas ako sa pagkakayakap at nag seryoso mode na.
"As in si queen?"
Hindi ko inaasahan na pati si queen ay madadamay sa kawalang hiyaan ni chin.
"G-guys..."
Naagaw ang atensyon namin sa putikang halos malapit lang sa aming kinatatayuan.
Agad kaming lumapit roon.
"Dake? anong nangyari?" Agarang tanong ni vean.
"Yah what happened?" Pag uulit ko.
Dahan dahan namin syang inalalayang maka upo. Nakahawak rin sya sakanyang batok.
"Nasan si souven?" Pauna nyang tanong.
"Hey dapat ikaw ang tinatanong namin? Nasan si souven?"
Kinusot kusot nya ang kanyang mata para maimulat ng maayos.
"Babae. Sa tansya ko babae ang kumuha kay souven nakita ko ang kanyang buhok kahit madilim. Mahaba yun."
"Babae? Imposible namang si queeny yun." Wika ni vean.
Naguluhan akong bigla.
Hinilot ko ang aking sintido. Kung patay na ang lahat ng bwiset sa aming buhay?
Sino naman ang kukuha kay souven? Sino?  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now