Chapter 25

52 3 0
                                    

  Souven's POV
Sinabi na nga ba eh. Sa mga tingin palang nya halatang type ako.
"Hoy! Hindi kita gusto! Ang gusto ko lang ay yung pag kaing inorder mo! Teka nasan na ba? Kanina pa tayo nag hihintay sa pag kain na yan ah" pag rereklamo ko.
Napailing na lang ako ng mapagtanto kong naloko lang ako. Kakaiba din ang ugali ng pinsan ng hari eh noh. Bakit kaya nag pauto ako rito.
"Souven. I like you" muli na namang nyang banggit.
Inis kong kinamot ang ulo ko dahil sa inis.
"Tigilan mo nga ako! Ang mabuti pa umalis na ako- - "
Hindi na natuloy ang akamang pag tayo ko ng hawakan nya ang kamay ko na naka patong sa mesa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko ng dahil sa inis.
"Na love at first sight ako sayo souven. Unang kita ko palang sayo ay nakikita ko na ikaw ang magiging asawa ko. Ikawng future ko souven" mga katagang kalokohang sinasabi nya ng patula at may pa aksyon aksyon pang nalalaman.
"Hay. Alam mo napaka landi mo. Ang landi landi mo. Baka akala mo hindi ko nakita ang ginawa mo sa mga babae sa cr. Hoy! Kitang kita ko ang ginagawa mong pangungulit sa kanila kaya pwede ba. Wag mo akong itulad sa kanila. Bitiwan mo nga ako!"
"Teka lang..."
Pinigil ko ang galit ko bago tabigin ang kanyang kamay.
"Dalhin mo na lang sa kwarto ko yung pag kain. Gutom na rin kasi ako- - "
"Ehemmm.."
Namilog ang mga mata ko at nag tayuan ang balahibo ko. Boses nyang nag papatayo ng balahibo ko. Hindi ako maaring mag kamali. Mukha alam ko na kung sino ngayon ang nasa likuran ko.
Nabaling ang atensyon ko kay tic na nakangiting tumayo habang nasa bulsa ang mga kamay. Ngayon. Isang tic ang nasa harapan ko at isang thirp naman ang nasa likuran ko.
Bwiset nagugutom ako!
"Tara na.." Mahina nyang bulong sa akin bago hawakan ang kamay ko.
Akma ako nitong hihigitin ng mahinto sya.
"Teka..." Pag pigil sa amin ni tic.
Ramdam ko ang malambot nitong kamay na naka hawak sa pulso ko.
Dama ko ang malalim na pag hinga ni thirp bago lingunin si tic na nakangiti lang.
Walang emosyon at tanging mata lang ang nag papahiwatig ng nararamdaman nya.
"Bitiwan mo sya" may diin nyang utos.
Hindi pa rin nag patinag si tic. Maslalo lang humigpit ang pag hawak nito sa akin na iki nalalamig ng kamay ko. Naiipon na ang dugo ko at parang mawawalan ng hininga ang kamay ko.
"May date pa kami oh. Hindi mo ba nakikita?" Pilyong sambit ni tic.
Napapabilis ang pag hinga ko. Hindi ko malaman kung bakit. Para ako ngayong stuff toy na pinag aagawan ng dalawang bata. Para tuloy akong mapupunit ng dahil sa dalawang to.
"Tic. Bitiwan mo sya" pag babanta ni thirp.
Woa. Tumatayo talaga ang balahibo ko.
"Mamaya na. May date pa nga kami eh" pagsusumamo ng pinsan ni thirp.
Pinipilit kong tanggalin ang kanilang kamay sa pag kakahawak sa isa sa mga parte ng katawan ko. Kaso pareho silang malakas kaya wala akong magawa kundi ang mang hina at mapagod.
"Ang mabuti pa. Pareho kayong bumitiw kasi ako yung nasasaktan oh. Pag talaga pumasa yan humanda kayong dalawa sakin"
Unti unti namang lumuwag ang pagkakasakal sa bandang pulso ko si tic. Hanggang sa bitiwan na nya ito. Buti naman at nakakaintindi sya sana manahin din iyun ni thirp. Eh kasi naman. Hindi parin nya binibitiwan ang ang kamay ko.
"I am sorry... Babe" pilosopo nyang sambit na ngunit seryoso.
"Hindi babe ang ngalan nya. Kaya ayokong marinig mula sa bibig mo ang salitang babe" wika ni thirp.
Hindi alintana sa tono nya ang pag kainis pero dama ko yun dahil sa sobrang higpit ng pag kakahawak nya sa kamay ko. Nanlalamig ito.
"Edi soon to be babe ko na lang sya para soon yun ang magiging palayaw nya" may ngiti sa labi nitong bulyaw.
"Okay. I don't care. Kailangan na naming umalis. Alam mo siguro ang trabaho nya? Alipin ko sya kaya akin sya. Bye" mga katagang binanggit nito bago tuluyang hilahin ang kamay ko.
Sinulyapan ko naman si tic na nakatayo at nakangiti lang. Saglit ako nitong kinindatan. Buti na lang at hindi sya pikon. Mahirap talagang makisama sa lalaking kasama ko.
"Um. San tayo pupunta?" Walang alam kong tanong.
"Sa susunod bawal na ang date. Alipin kita kaya wag kang mag reklamo. Sumunod ka na lang. At chaka bakit hindi mo ako sinundan? Kahit na hindi ko hawak ang kamay mo kailangan mo paring sumunod sakin dahil ako ang hari mo. Tandaan mo ako lang wala ng iba"
Tss.
Aliping hindi sinuswelduhan.
"Hoy chinitong hindi nag susuklay. Sagutin mo muna ang tanong ko bago mo ko sermonan"
"Basta!"
Hindi na ako muling sumagot pa. Ano pang magagawa ko? Eh sya naman lagi ang nasusunod.
Huminto ito at hinarap ako. Isang saglit na ngiti ang itinapon nito sa akin na nag patayo ng sampung hibla ng buhok ko sa braso. May kinuha ito sa kanyang bulsa at bigla ng nag dilim ang paningin ko. Binalot na ang mga mata ko ng panyo.
"Ano naman to? Piring piringan?"
"Shh... Okay lang kahit walang natawa sa joke mo"
What?
Hindi naman ako nag papatawa ah.
Muli ng humakbang ang kanyang paa habang ako ay kakapa kapa lang na nakasunod. Binalak kong tanggalin ang takip sa aking mata ngunit agad nya akong pinigilan.
"Manahimik at sumunod ka nalang aking alipin" mga kataga nyang nakakairita sa tainga ko.
Ramdam ko naman ang pag alalay nya sa akin. Hawak hawak nya ang kamay ko habang ang isang kamay naman ay nakaalalay sa kabilang balikat ko. Kahit hindi nya ipadama alam kong nag aalala sya. Duh. Kahit hindi nya ipadama, alam kong damang dama ng bituka at atay ko yan.
"Iwasan mo si tic" sambit nito na may malamig na tono.
"Bakit naman?"
Hindi agad ito naka sagot. Patuloy lang kami sa pag lalakad.
"Dahil yun ang utos ko" muli nitong tugon.
'Iwasan mo din si queeny'
Grabe gustong gusto iutos sayo yun kaso wala akong lakas ng loob para iutos sayo yun dahil wala naman akong karapatan.
Unti unti ng nag liwanag ang paligid. Tinaggal na nya ang piring sa aking mata at...
"Ang ganda..." Bulong ko sa aking sarili.
Simple pero para sakin napaka ganda nito. Parang isang simpleng dinner with him ganon ang tema.
Isang table at dalawang upuan sa gitna ng damuhan.
Ang hari ang naunang mag lakad patungo roon at naupo.
"Itigil mo ang pag nganga. Makakasama yan kapag napasukan ng bubuyog yan!" bilin nito.
Agad kong tinikom ang bibig ko at dahan dahan tumungo sa kinaroroonan nya.
Halos tumulo ang laway ko ng malapitan kong makita ang madaming pag kain sa lamesa na naka hain para samin. Umupo agad ako at sabik na sabik. Pero umakto naman akong normal. Mahirap na baka masabihan ng pg.
"Ehem. Akala ko ba bawal ang date?" Nakataas ang kilay kong pag papaalala nya.
"Pag sakin pwede dahil ako ang masusunod at ikaw ang taga sunod" pagmamalaki nya. Bago kumuha ng isang ubas.
"Unfair.. Hmm. Sayang tuloy yung mga pag kain don." Pang hihinayang ko.
Sayang naman talaga.
Mabuti pang kainin ko na lang ang nasa harapan ko kesa naman mang hinayang sa pag kaing walang naman sa harapan ko.
Para akong baboy na takam na takam sa mga pag kain.
Agad kong nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko at kumuha ng kutsara para gamitin sa pag kain. Grabe napaka sarap neto.
"Humingi ka ng tawad!"
Nahinto ako sa pag kain ng mag salita sya. Tumingin ako sa kanayng mga mata na agd namang umiwas.
"Sorry? Para san?"
"Tss. Alalahanin mo!"
Napaisip naman ako. Bakit ako mag sosorry?
Ilang segundo kong inisip kung bakit ako mag sososrry hanggang sa biglang nag sigalawan ang ugat ko at napunta ito sa utak ko.
"Ahah. Um. Sorry taoaga ha. Soery kung tinawanan ko ang pag kanta mo. Sorry talaga hindi ko kasi alam na mommy mo pala ang may gawa nun. Sorry talaga peri wag ka mag alala" sumubo muna ulit ako ng isang kutsarang kanin bago dugsungan ang sasabihin ko. "Na appreciate ko talaga"
"Hindi sapat ang sorry lang. Gusto kong dagdagan ng apat na taon ang pananatili mo bilang isang alipin"
Halos maibuga ko ang lahat ng laman ng bibig ko ng sabihin nya yun.
Agaran naman nyang inabot sakin ang isang basong tubig na gad kong ininom.
*glurp*
"Anong pinagsasabi mo? Isang pagkakamali lang tapos ang katumbas apat na taon? Wow. Unfair mo din eh noh"
"Wala ka ng magagawa. Inutos ko na ng hari mo at ang kailangan mo na lang gawin ay sundin ito"
Masisiraan ako ng ilong duto kung makikipag sagutan pa ako sa kanya.
Minabuti ko na lang na ipag patuloy ang pag kain ko.
"Ah nga pala" pag agaw nya sa atensyon ko.
"Hmmm?"
"Bukas na ang pagdiriwang. Kaya gusto kong ibigay sayo ito. Ayan ang suotin mo bukas"
Napa angat ang ulo ko at tinignan ang kanyang ibibigay. Isang malaking kahon at hindi ko mawari kung ano ang nilalaman. Inabot ko agad ito. Akmang bubuksan ko na ito ng pigilin nya ako.
"Sa palasyo mo na lang iyan buksan at pasasalamat mo lang ang aking hangad"
Awwww.
Matamis na ngiti ang sinagot ko sa kanya.
"Maraming salamat" isang matamis na kataga ang aking binanggit na syang nag paiwas ng tingin ng hari.
Hindi ko na hinintay ang tugon nya muli na lang akong nag pakasasa sa pagkain.
Ilang minuto ang nag tagal. Halos pahapon ng nakaramdam ako ng sakit ng tyan.
Parang sinuntok ito.
Napahawak ako sa tyan ko at dinadaing ito. Pilit ko mang hindi ipakita nasasaktan ako, wala eh. Talagang masakit na.
"Anong nangyayari?" Nag aalalang tanong ng hari.
Tumayo pa ito. Tumingin ito sa paligid na parang may sinisiyasat.
"I-i'm oka- - ouch. Aray."
Sobra ang sakit. Ang sakit sakit na talaga.
Parang pinipilipit ito. Halos mapapikit na lang ako sa sobrang sakit.
*bogshhh*
Isang malakas na impak ang nag padama sa akin ng sakit. Pati ang likod ko ay sumakit na rin. Parang binabalian ako ng buto.
Unti unti kong minulat ang mata ko. Teka? Bakit ang layo ng hari sa akin?
Ngayon ko lang napag tanto na parang tumalsik ako sa isang puno na ngayon ay nasa likuran ko na.
Para akong lumulutang. Actually lumulutang na nga ako.
Pataas ng pataas hanggang sa makita ko na lang nasa langit na ako at nasa lupa ang hari. Tinatawag ako nito.
"Ahhhhh" isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan ko ng biglang bumulusok ako paibaba.
Diyos ko mamatay na ata ako.
Pinikit ko ng pariin ang mga mata ko.
"Aray!"
Parang may humihila ng buhok ko. Parang may pumipilipit ng braso ko. Parang sinusuntok ang tiyan ko at parang sinisipa ang baywang ko.
Para akong binugbog. Ang sakit na talaga. Naiiyak na ako. Parang akong binubully.
"Nag kasundo tayo! Ibaba nyo sya! Wag kayong tumiwalag sa kasunduan!" Mga sigaw na paulit ulit na sinasabi ng hari.
Ano bang nangyayari sa akin?
Isa na naman batong kapahamakan? Limang tao na naman ba ang mag aalala sakin?
*bogshh*
"Aray?!"
Isang malakas na suntok ang natamo ko sa aking likuran.
Ramdam ko ang paulit ulit na sumasabunot sa akin.
Hanggang ngayon hindi ko parin nararamdaman ang lupa. Para akong nakalutang lang habang binubugbog ng kung sino.
Parang may kumukontrol ng buo kong katawan. Pakiramdam ko ay nasa roller coaster ako. Roller coaster na hindi humihinto.
Sunod sunuran ako na parang isang puppet. Hindi ko alam kung ano ang iindahin ko. Buo kong katawan ay binubugbog. Miski kuko ko nagkakarion ng pakiramdam. Ano ba ito?
"Rina! Itigil mo yan!!!!!!!!!!!!!!!" Nakakabunging sigaw na halos pabulong lang para sa akin. Hinang hina na ako.
Unti unti na akong bumababa at wala narin akong sakit na iniinda. Ramdam ko parin iyun. Para ako kaninang pinapatay.
"Dapat lang na mamatay ang babaeng yan. Bandang huli mamamatay din ang babaeng yan kaya dapat ako na ang pumatay para mapabilis. Dapat syang mamata- - "
"Tumigil ka na rina. Hindi mo gugustuhing magalit ang isang tulad ko" pagbabanta ng hari sa kanyang kausap.
Binuhat nya ako. Kitang kita ko ang kanyang mga mata na napupuno ng galit. Nakatingin ito sa isang direksyon kung saan nakatayo ang isang tao na naka all black. Hindi ko matanaw ang kanyang mukha, medyo nanlalabo ang mata ko. Mata lang ang tanging kita sa taong yun. May hawak hawak itong tali na agad nyang itinago sa kanyang likod.
Tanaw ko sa malayo ang pag ngisi nya.
"Mas makakabuti na kung napatay ko na sya ngayon. Mas hindi mo gugustuhin kapag si chin ang gumawa non. Pag sisisihan mo ito mahal na hari. Maaga palang dapat namatay na sya. Dapat napatay ko na sya ngayon, kaso dahil sa bwiset na utos at sigaw mo! Nahihinto ang lahat! Hindi karapat dapat sayo ang iginawad na kakayahan ng iyong ama! Bilin ko lang sayo mahal na hari. Patayin mo na yan hanggat maaga pa..." Huling katagang sinambit nya bago tuluyang nag laho sa dilim.
Hindi ko mapigilang mapaiyak. Naiiyak ako kasi.. Napahamak na naman ako. Naiiyak ako kasi ang malas malas ko. Naiiyak ako dahil.. Niligtas na naman nya ako.
Kelan ba ako magiging ligtas?
Kelan ko ba maililigtas ang sarili ko? Kelan ko ba masasabing hindi ko na kailangan ng isang tulong mo? Kelan.
Palagi nalang bang ganito? Ano bang meron sakin? Bakit ba gusto nila akong patayin! Ano bang meron sakin! Eh dayuhan lang naman ako dito! Bakit parang ako ang target ng lahat! Bakit!
"Wag kang mag alala. Kaya ako naririto para iligtas ka. Sinabi ko naman sayo, nasusunod lahat ng utos ko sa pamamagitan ng pag utos ko kaya wag kang mag aalala hanggat kasama mo ako" pagpapakalma nya.
Bwiset na lalaking to.
Sakanya lang ako laging naiyak ng ganito. Sinumpa ata tong lalaking to eh.
"I-ibaba mo na ko. Kaya ko na ang sarili ko"
Tumikhim muna ito bago ako dahan dahang ibinababa.
Dahan dahan kong tinuwid ang nanginginig kong binti. Papatunayan kong kaya ko, kahit ngayon lang.
"Hindi ka okay kaya- - "
"No thanks. I'm fine" pagputol ko sa kanyang sasabihin.
Nanginginig talaga ito at nanghihina. Mukhang hindi ko kayang mag lakad.
"Ayokong pinuputol mo ang sasabihin ko at ayokong magsisinungaling ka. Ayokong isasagot mo ang okay ka kahit hindi naman. Ayoko ng ganon." Sermon nya sa akin habang binubuhat ako.
Iba ang dating ng concern nya sa akin. Piling ko concern iyun ng oag kagusto kaso.. Mahirap na ang mag assume lalo na't hindi ko kayang maglakad sa mga oras na to.
"Pwede ko bang sabihin sayo ang mga gusto ko?"
Kinuha muna nito ang malaking box bago sinagot ang tanong ko.
"Pwede..."
Naglakad na ito papalayo sa lugar na yun. Mukhang ibabalik na nya ako sa palasyo.
Huminga muna ako ng malalim bago mag salita.
"Pwede bang buhatin mo ako kapag hindi ako nakakalakad? Pwede bang bigyan mo ako ng tubig kapag ako'y nabubulunan? Pwedeng pakainin mo ako kapag nagugutom ako? Pwede bang sa tabi lang kita? Pwedeng ikaw na lang ang bahalang iligtas ako? Pwede... Sa tabi mo na lang ako?.. Pasensya na kung ang daming pwede sa mundong puro bawal. Gusto ko sanang, wag mong ipagbawal ang pwede"
Huminto ito sa pag lalakad ng marinig ang mga sinabi ko. Tanaw ko ang saglit nyang oag tingin sa akin bago muling nag lakad.
"Pangako. Ako ang gagawa para sayo. Basta ba ako lang ang hari para sayo at ikaw lang ang alipin para sakin."  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now