Thirp's POV
Tirik na ang araw ngunit wala parin silang naibabalita tungkol sa aking alipin, sa madaling salita hindi pa nila nahahanap ang aking alipin.
Minabuti ko na munang mag palit ng damit bago muling hanapin sya.
"Kumain muna kayo mahal na hari. Ang mga kawal na muna ang bahalang mag hanap sakanya."
Tinanggihan ko ang alok ni cat.
"Wala akong lakas para kumain kailangan ko ang mga kamay nya para subuan nya ako." Wika ko bago naglakad palayo sakanya.
Tumayo ako sa gitna ng palasyo kung saan tanaw na tanaw ko ang aking mga pinamumunuan na umiiyak samantalang ang iba ay masaya. Habang ang iba naman ay nililinis ang paligid at ang iilan sa kanila ay dinadala ang kanilang mga kamag anak na nasawi sa kanilang tahanan.
Nakakalungkot lang dahil maraming nasawi sa labanang ito.
Napukaw ang aking pansin sa mga kawal na may dala dalang kung sinong tao. Natanaw ko rin dad na taas noong naglalakad habang ang iba naman ay gulat na gulat ng makitang buo at buhay si dad. Miski ako hindi ko inaasahang buhay pala ang ama ko, parang hindi nga tumanda eh.
Nasisisiyahan at naguguluhan ako kung paano sila nabuhay gayung nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano sila nahulog sa bulkan.
"Kamusta aking anak."
Isang mahigpit na yakap ang itinugon ko sa aking ama na medyo amoy lupa pa. Tinapik tapik nya ang aking likuran bago kumalas.
Nabaling ang tingin ko kay chin na.
"Ugh. Dad anong ginawa nyo sakanya."
Halos mandiri ako ng makita ko ang sinapit ni chin.
Binalatan nya ang mukha ni chin.
"Pag pasensyahan mo na. Sinulit ko lang." Natatawa nyang sabi.
Hindi naman na talaga kailangang gawin pa yan. Sapat na ang espadang may lason ang tumapos sa buhay nya. Ilang taon naming pinag aralan ni ty kung paano mapapatay si chin. Hindi lang basta lason ang nilalaman ng boteng yun, kakaibang lason iyun. Ka'y tagal ng pag hihirap namin dahil alam naming hinding hindi nya kayang labanan ang lasong iyun na mabilis na makakapatay sa lahat ng natitira nyang kapangyarihan. Kung sakaling mabuhay man syang ulit, wala na syang kapangyarihan pa dahil pinatay na iyun ng laso pero panigurado akong hindi na ito mabubuhay pa.
"Dalhin nyo na yan sa kwartong inihanda ko." Utos ko sa mga kawal.
"Masusunod po."
Ang kwartong yun ay napupuno ng liwanag. Para iyung isang kulungan na hinding hindi nya kayang lusutan.
Binalingan ko ng atensyo si dad.
"Mag paliwanag kayo kung bakit buhay kayong pareho?" Utos ko.
Tumawa muna ito ng mahina.
"Isipin mo na lang na peke pala ang bulkang iyun." Nakangiti nyang sabi bago tapikin ang balikat ko at iwan akong mag isa.
Kahit kailan talaga hindi sya nag sasabi sa akin. Pero matanda na ako kaya inalis ko na sa bokabularyo ko ang salitang pangungulit pag dating sakanya.
Bumababa ang tingin ko sa aking kamay.
Napangiti ako ng makita kong nabalik na ito sa normal. Tinignan ko naman ang repleksyon ng aking mukha sa tubig na nasa aking paanan. Wala narin ang mata ng dragon.
Natutuwa ako. Bumalik na ako sa normal at ganun din ang aking alipin. Natakot talaga ako ng magkaganon si souven.
"Mahal na hari!"
Tumingin ako sa kawal na hingal na hingal habang papunta sa akin.
"Ano yun?"
"Yung kulungan po. Nasira ang rehas kaya nakatakas ang iilang preso."
Naalarma ako.
Yun ang nawala sa aking isipan. Delikado ang mga nakakulong roon.
"Paano?"
"Ang mga patay po ang may gawa non."
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pakiramdam ko mayroong hindi maganda.
"Puntahan natin."Souven's POV
Dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Paulit ulit kong kinurap ang mga ito para makakita liwanag.
Napangiwi ako ng makaramdam ako ng sakit sa ibabaw ng aking siko. Parang may nakatusok roon na syang nag papangiwi sa akin.
"Nasan bako?"
Pakiramdam ko nakahiga ako sa isang matigas na kama na pinalilibutan ng dilim sa paligid.
Inilibot ko ang aking paningin. Hindi pamilyar ang kwartong ito sa akin. Maliit lang ito. Napapalibutan ito ng kung ano anong gamit sa hospital.
Biglang nanlaki ang mata ko at tinignan ko ang braso ko.
Pinagmasdan ko ang hindi katabaang tubo na nakatusok roon habang dinadaluyan dugo. Sinundan ko kung saan iyun lalabas at.
"What the heck!"
Mas lalo lang lumaki ang mata ko ng makita ko ang kulay puting timba. Doon lumalabas ang dugo ko.
Sinubukan kong tumayo pero nahinto iyun. Nabaling ang atensyon ko sa aking kamay na nakatali sa bakal nitong kama habang ang mga paa ko naman ay nakatali rin. Sino na naman ba ang may gawa nito sa akin?
Tumingala ako at pumikit.
"Alalahanin mo ang nangyari sou. Alalahanin mo."
Tatlong beses kong kinalma ang aking sarili bago inisip ang nangyari kagabi.
Ang natatandaan ko lang ay nasa kalagitnaan kami ng dilim habang tumatakbo ng biglang madapa si dake. Tinulungan naman sya ni veany pero ng makita namin sya, wala na syang malay hanggang sa may bigla nalang humampas ng kung ano sa aking batok dahilan para mawalan ako ng malay.
"Yayaman na rin ako. Yayaman na ako, konting tiis na lang. Hahahaha."
Nawala ang concentration ko ng makarinig ako ng isang tinig ng isang babae.
Iminulat ko ang mata ko at tumingin ako sa aking paanan kung saan doon nanggagaling ang boses. Pinaningkitan ko ang taong yun na tawa ng tawa habang nagtatago sa dilim.
"What so funny? May nakakatawa ba?" Irita kong tanong.
Muli akong napangiwi ng makaramdam na naman ako ng sakit sa may bandang braso ko kung saan may nakatusok na kung ano.
Nararamdaman ko ang unti unting pagbagal ng tibok ng puso ko. Para akong kinakapos ng hininga at medyo nakakapanlabo iyun ng mata.
Umiling iling ako para maibalik sa katinuan ang nanlalabo kong mata.
"Gising napala ang aking susi."
Humalakhak ito.
Pamilyar sa akin ang kanyang bungisngis.
Nangintab ang ngisi nito sa dilim.
Parang narinig ko na ito dati hindi ko lang matandaan kung saan o kung kanino ko ito narinig.
"Tss. Sino kaba!" Bulyaw ko.
Medyo nahihilo na ako ng kaunti. Nawawala ang lakas ko. Dahil siguro sa unti unting pag kawala ng dugo ko.
"Ang bilis mo namang makalimot. Ako ito, ang babaeng nakasama mo sa kulungan."
Napanganga ako ng kaunti.
Dahan dahan syang humakbang palapit sa akin.
Namilog ang mata ko ng lubusan ko ng makita ko ang itsura nya.
"I-ikaw?"
Ang babaeng nakahalubilo namin sa kalungan. Sya yung babaeng tinatawag ko ng baliw, yung babaeng mala alambre ang buhok at madungis.
Pero paanong nakatakas sya sa kulungan?
"Ako ba'y hinintay mo?" Nakakaloko nyang tanong.
Tuluyan na akong nanghina ng maamoy ko ang hininga nya. Gustong gusto kong takpan ang aking ilong. Hindi naman sa mabaho ang hininga nya pero parang may kakaiba. Nakakahilo ang amoy na yun at nakakapang hina.
Nanunuot sa akin ang kaba sa tuwing tatanawin ko ang itsura nya. Para syang isang aswang sa dilim. Baliw na nga talaga ang babaeng ito.
"Pwede ba pakawalan mo ako." Halos pabulong kong sabi. Nanlalamig ang kamay ko at nanakit ang braso ko.
"Ayoko nga. Pagkakataon ko na tong yumaman tapos sasayangin ko pa."
Halos maduwal ako ng makita ko ang hawak hawak nyang patay na buhay. Kinagat nya yun na talaga namang nagpabaliktad ng bituka ko. Kaya pala ang baho ng hininga nya dahil kumakain sya ng buhay na hayop.
Nginuya nguya nya iyun. Dinilaan pa nya ang dagang yun.
"Ow shit. This is fucking ewww."
Pinilit kong iwasan ang kadiri nyang ginagawa.
"Naiinggit kaba? Hahahahaha."
Eto ba ang epekto ng pagiging baliw? Eto ba ang epekto ng yaman sa lahat? Ganoon nalang sila kasama. Papatay sila para lang yumaman at ako naman yung naiipit.
"Please. Pakawalan mo- - "
"Hindi kita papakawalan! Hinding hindi! Hindi ko sasayangin ang pagkakataon! Alam mo bang kapag yumaman na ako? Hindi ko na kailangang kumain pa nito! Kayang kaya ko ng ipasawalang bisa ang kaso ko! kayang kaya ko ng gawin ang lahat kapag naging mayaman ako kaya hindi na kita papakawalan pa. Ka'y tagal kong nag hintay ang oras na ito at ngayong nandyan kana, hindi ko na babalaking makatakas ka pa." Nanggagalaiti nitong sabi na sinundan ng nakakademonyong tawa.
"P-pakawalan m-mo na ako."
Hinang hina na ang katawan ko. Dama ko na din ang pamumutla ng labi ko.
Diyos ko. Iligtas mo ako.
Sinubukan ko ulit tanggalin ang tali sa aking kamay pero hindi ko na kaya. Bakit kanina? Nagawa ko namang tanggalin ang tali nung tinali ako ni queeny? Nasaan na ang lakas ko kanina?
"Humanda ka ng mamamatay. Hahahaha."
Nangilid ang luha ko.
Mamatay na ba ako?
Unti unti ng nagiging lantang gulay ang katawan ko. Tanging halakhak nalang ng babaeng baliw ang naririnig ko habang nilalamon naman ng dilim ang mata ko.
Muli na akong nawalan ng malay...
-----
Thirp's POV
Dinapuan ako ng kaba.
"Nasaan na yung babaeng nakapatay? Yung babaeng baliw?"
"Isa rin po yun sa nakatakas."
"Bwiset. Magpadala kayo ng mga kawal para gabayan ako!"
Agad akong tumakbo pabalik ng palasyo.
Kilala ko ang babaeng yun. Isa rin yun sa uhaw sa yaman at paniguradong bihag nya ang alipin ko. Ang babaeng yun talaga.
Nasalubong ko ang tatlong kaibigan ng aking alipin. Hindi ko sana sila papansin ngunit tinawag nila ako.
"Mahal na hari- - "
"Hanapin nyo ang kaibigan nyo!"
Nagpatuloy na akong muli sa pag takbo.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras kinuha ko lang ang espadang nakita ko sa tagiliran ng isa sa mga kawal kong nakahandusay. Hindi na ako nag ayos pa ng damit. Tumakbo ako patungo sa bahay ni tandang kalbo, nagbabakasakaling naroon sila ngunit wala akong naabutan roon.
Masyado ng matagal. Mas lalo akong kinakabahan sa mangyayari. Nanggagalaiti ako sa galit. Hayup talaga.
Muli akong tumakbo para hanapin sya dahil alam kong may nangyayari ng iba.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel