Souven's POV
Ewan ko kung dapat ba akong mag reklamo kasi hindi nya ako sinama sa kanyang lakad? Pinosas nya rin ang isa kong kamay at pinosas rin doon sa tabi ng kama.
Sabi nya kasi dapat ang alipin laging kasama ng hari. So anyare? Bat nya ako iniwan dito? Wait. Hindi nga pala ako alipin nya. Kaya dapat wag na akong mag reklamo pero ang unfair parin sabi nya kasi dapat laging kasama pero bat ganun? Hay. Nakaka stress.
Maganda namang ang hangarin nya kung bakit nya ako pinosas dito. Malapit daw kasi ako sa kapahamakan kaya mas mabuti na lang daw na iposas nya na lang ako. Dapat daw na mag pasalamat pa daw ako kasi daw hindi na daw ako maiinitan dito sa kwarto. Speaking of naiinitan. Grabe muntik na akong mapag halataan kanina ah. Buti nalang at nakapag palusot ako na mainit lang kaya namumula ang pisngi ko.
Eh grabe naman kasi. Bakit kasi bigla bigla nalang nang-yayakap. Yan tuloy namumula ng wala sa oras ang pisngi ko pero wala namang malisya don, natural lang naman na kiligin kapag nangyari sa iba yun. Kaya normal lang ako.
Yung mga buhangin.
Yung mga buhangin kanina, parang may kakaiba sa kanila. Napuwing ako dahil sa buhanging pumasok sa aking mata kanina. Parang sinadya ang pag pasok noon sa mata ko. Parang mga buhay na buhangin ang pumasok sa mata ko. Kakaibang hapdi ang ginawa ng buhanging yun sa mga mata ko. Buti nalang at nawala rin agad dahil kung hindi, malamang bulag na ako sa mga oras na to.
Nakakapag taka lang na sa tuwing sumisigaw ang hari eh napapatigil nya ang lahat. Siguro nga, makapang yarihan talaga sya. I want to be hari tuloy.
"Pst."
Nabaling ang aking atensyon sa may pinto. Parang may tao roon na nagtatago.
"Lumabas ka kung ayaw mong mabalian ng kaliwang paa!"
"Masyado kang serious ha! Anyway one more hug!"
Eitsy?
Veany?
Grew?
Paano sila naka pasok dito at bakit wala si dake?
Sinalubong agad ako ng yakap ni eitsy. Napaka higpit ng yakap na para bang hindi kami nag kita kanina.
"Finally masosolo ka din namin" masayang sambit ni eitsy at may pag alog alog pang nalalaman.
"Wait. Stop. Nakakahilo eitsy" pag sita ko sa kanya.
Inihinto naman nya agad ang ginagawa nyang pag alog at kumalas narin sa pag kakayakap.
"Where's dake?" Tanong ko sa kanila.
"Actually, hindi sya pinapasok dito" tugon ni grew.
"Bakit?"
"Utos kasi ng MAHAL NA HARI na kami lang ang pwedeng pumasok at wala ng iba. Nakakapag taka nga kung bakit hindi nya pinayagan si dake." Sagot naman ni veany.
"Well sinubukan ni dake na pumasok dito pero hindi sya tagumpay. Mga kawal ang kalaban nya sa labas" dagdag pa ni grew.
Hmm.
Bakit kaya hindi nya pinayagan si dake.
"Hoy babae! Anong nangyari sayo sa batis kahapon? Hindi kasi kami naka bisita dito dahil sa bwiset na haring yan. Kesho wag daw namin istorbohin ang kaibigan namin kasi daw nag papahinga" wika ni veany.
Pare pareho ko silang pina upo sa kama para makapag kwento ako. Hindi ko naman kayang mag adjust para sa kanila kaya sila nalang ang mag a-adjust para sakin.
"Ewan ko kung maniniwala kayo sa sasabihin ko.... May ugat na nag tangkang putulin ang paa ko sa ilalim ng tubig"
"Tama lang na maniwala kami. Marami pa kasi tayong hindi alam sa lugar na to" sambit ni grew.
"Kayo? Okay lang kayo? Wala bang nangyari sainyo? Diba naiwan kayo sa batis non?"
"Okay lang kami kaso si dake hindi masyado. Inatake kasi sya ng ugat na katabi alng namin noon. Kaya ayun nadaplisan sa kaliwang dibdib. Pero don't worry, ginamot na yun ni ate saysas" tugon ni veany.
"And alam mo ba. Natakot talaga ako nun. Tumaas kasi yung tubig at ikaw nalang ang hindi na kakaalis. Buti nalang at nandyan si mr. Masungit na king para iligtas ka." Naka ngusong sabi ni eitsy.
"Wait eitsy. Baka akala mo hindi ko narinig ang binulong mo kay dake kanina ha. Ano yung pinag usapan nyo na hindi ko alam ha?"
Hindi naman agad nasagot ni eitsy ang tanong ko. Nag katinginan mo silang tatlo bago ibuka ang bibig.
"Souven. May request kami sayo. Pwede bang sakyan mo nalang ang trip ng hari?" Tanong ni eitsy na ikinatawa ko.
"Ha? Ayoko ngang mag pa alipin sa gunggong na yun"
"Pero yun lang ang tanging paraan para maka alis tayo sa lugar na to" dagdag pa ni veany.
"Sinabi kasi ni aling saysas na ang hari lang ang may kayang magpabalik nung parisukat na lagusan at kung makukuha natin ang loob ng hari maari nya tayong tulungan para maka alis na sa lugar na to" dagdag ni grew.
"Oh edi mag request kayo sa kanya"
"Sinubukan na namin kanina habang papunta kami rito pero ang sinabi lang nya.. Wala syang kakayahang magawang ibalik ang parisukat.." Malungkot na sabi ni veany.
"Yah. But hindi ako naniniwala sa kanya. Alam kong kaya nyang ibalik yun. Kung kaya nyang patigilin ang mga sanga at ugat. For sure kaya nya ring ibalik ang parisukat na lagusan." Pag singit ni eitsy.
"So.. Gusto nyong maging kaibigan ko ang hari para mapag bigyan nya ang hihilingin kong ibalik ang parisukat? Ganon?"
"Ganun na nga. Pero wag ka mag alala hindi lang ikaw ang gagawa nun, mag tutulungan tayo. Susubukan naming makipag kaibigan sa kanya. Kaya kailangan naming galangin sya kahit alam naman naming labag iyun sa aming loob" ani veany.
Humalakhak ako na parang nababaliw dahil sa sinabi ni veany.
"No. Ayoko nga. Kahit kelan hindi ako makikipag kaibigan sa mayabang at sa puro kapakanan lang ng sarili ang iniisip"
*blagggg*
Sabay sabay kaming napalingon sa pinang-galingan ng tunog.
"Isang bote?"
Lumabas ang boteng yun mula sa bukas na bintana. Pamilyar sa akin ang boteng iyun. Katulad lang iyun ng boteng bumasag sa bintana sa isang kwarto. May laman din itong sulat sa loob at mukhang hindi madaling mabasag ang bote. Tatayo na sana ako para kunin ang bote ng maalala kong naka posas pala ako.
"Ugh. Eitsy paki kuha nga nung boteng yun" utos ko kay eitsy na kasalukuyang papalapit na roon.
Bigla namang tumayo at lumapit si grew sa bintana na parang may tinitignan.
"Anong tinitignan mo dyan?" Tanong ni eitsy kay grew.
"Ahh.. Wala" tipid na sagot ni grew. Bumalik na ito sa amin.
"Parang boteng hinahagis sa dagat ang boteng ito" wika ni veany habang kinikilatis ang bote.
Kinuha ko naman agad ang bote kay eitsy at pinag masdan ito.
"Para sa hari ang boteng ito"
"Bubuksan mo ba o hihintayin mo pa si haring sungit para mabuksan yan?" Tanong ni eitsy sakin.
Hmm.
Mabuti sigurong sya na ang magbukas nitong bote tutal para naman sa kanya ito at hindi para sa amin.
"Hindi naman para satin to kaya dapat hindi natin pake-alaman"
"Wow. Kailan ka pa hindi naging pakelamera?" Pamimilosopo ni grew.
"Sira! Anyway.. Kamusta ang pananatili nyo sa bahay ni ate saysas?"
"Wag mo kaming alalahanin.. Okay lang kami. Eh ikaw kamusta pagiging alipin ng isang hari?" Tanong ni veany.
"Ayos lang pero hindi naman ako alipin"
"Ah nga pala sou pinapasabi ni dake, mag ingat ka daw sa haring sungit na yun. Wala kasi kami sa tabi mo para protektahan ka at isa pa gusto ka man naming itakas kaso wala kaming lakas lalo na't isang hari ang kakalabanin namin" malungkot na sabi ni eitsy.
"Hayy. Kaya ko na nga ang sarili ko"
"If ever na may mang yari sayo tumakas ka agad ha at puntahan mo rin sa bahay ni ate saysas" bilin sa akin ni veany.
Ang concern nila masyado sa akin. Bakit hindi nalang nila intindihin ang kanilang mga sarili. Sa bagay, ganyan naman sila lagi sakin. Palagi silang nag aalala sa akin kesho ako na lang daw mag isa sa bahay at baka daw may mang yari hindi maganda. Sa totoo lang yakang yaka ko na ang mga masasamang tao na mag tatangka ng buhay ko noh except sa kalikasan.
"Souven ano kaya kung mag- - "
Nahinto si eitsy sa kanyang sinasabi ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga kawal.
"Tapos na ang pag bisita nyo sa kanyang alipin kaya umalis na kayo" mala robot na sabi ng kawal.
"Wait. One minute nalang please..." Pag mamakaawa ni eitsy.
"Ang utos ng hari ay palaging nasusunod. Kung sakaling hindi man iyun masusunod, ipapadala sa kulungan" wika ng kawal.
"Ugh. Fine.. Souven. Ingat ka ha. Muahh i love you" malambing na sambit ni eitsy kasabay ang pag yakap sa akin ng mahigpit.
Kumalas rin ito at sumunod na kina grew para lumabas ng kwarto. Habang ang mga kawal ay naka sunod sa aking mga kaibigan upang ma secure na aalis na talaga sila.
"Ang boring"
Halos mapabalikwas ako sa kama ng makarinig ako ng kalabog mula sa pinto. Sinong bwiset ang pabagsak na binuksan ang pinto?
"Thirp..."
Iniluwa nito ang isang hari na duguan ang kamay.
Parang bumalik lahat ng hininga ko sa baga ng makita ko ang isang malaking hiwa sa kanyang palad habang tumutulo ang dugo sa sahig. Gusto ko man syang lapitan at tignan ang kanyang kamay ngunit wala akong magagawa dahil naka posas ang aking kamay.
Palapit ito ng palapit sa akin. Hindi man lang nito iniinda ang kayang hiwa sa kamay.
"A-anong n-nangyari sa kamay mo?"
------
Thirp's POV
Nakatitig lang ako sa babaeng nakatingin sa akin ngayon. Bakas sa kanyang mga mata ang pag aalala.
Napatingin ako sa kanan kong kamay na binabalot ng dugo. Nabalik ang pansin ko sa aking alipin. Tinitigan ko lang ito habang naka tingin sya sa kamay ko. Sumilay sa akin ang isang matipid na ngiti na alam kong hindi nya nasulyapan.
"A-anong nangyari? Mag salita ka nga!" Singhal nya sa akin na may halong pag aalala sa kanyang tono.
Tama lang na hindi kita isinama sa aking lakad. Hindi ka na muling masasaktan ng sanga at ugat pati ang bato,buhangin at hangin.
"Sumagot ka nga dyan!!" Sigaw nya.
Minabuti kong tumititig lang sa kanya. Ninamnam ko ang pag aalala nyang inaalay sa akin. Hinihintay ko ang kanyang pag kilos pero hindi man lang ito gumagalaw sa kanyang kinauupuan. Ngayon ko lang na alala na naka posas pala ang kamay nya. Kinuha ko ang kaisa isang susi na hindi ko binalak na itapon sa bunganga ng bulkan. Ang kaisa isang susi na nag ligtas sa aking buhay. Inihagis ko iyun sa aking alipin.
"A-anong gagawin ko dito?" Tanong nya.
"Pwede mong subukan yan sa posas mo"
Kinuha nya ang susing hinagis ko na nahawaan narin ng dugo. Tinanggal nya rin ang posas na naka kabit sa kanyang kamay gamit ang susing inihagis ko. Agad naman syang tumayo at lumapit sa akin.
"What happened?....please thirp.. Tell me..." Pag susumamo nya.
Pinapanood ko lang sya na hawakan ang aking kamay na para bang may kinikilatis.
"Wag kang mag alala.. Malayo yan sa bituka"
Tumingin ito sa akin bago tumakbo palabas ng pinto. Mukhang tinakasan nya ako. Hay.
Ano pa nga ba ang magagawa ko, eh lahat naman ng tao iniiwan ako.
Ibinagsak ko na lang ang aking katawan sa isang malaki at malambot kong kama. Ramdam ko parin ang pag labas ng dugo mula sa aking sugat sa aking palad. Unti unting na mamantyahan ng dugo ang kumot na nakabalot sa aking kama. Ang iniingat ingat kong kama, ngayo'y namantyahan na.
Tama lang ang ginawa ko. Tama lang na nakipag sundo ako sa kalikasan na huwag na nilang tangkaing patayin pa ang aking alipin. Unang beses kong ginawa ang pakikipag sundo sa mga yun at unang beses ko ring hiniwa ang sarili kong palad mapatunayan lang sa mga kalikasan na humihiling ako. Mahapdi ngunit ayos lang dahil kapalit naman nun ang kaligtasan
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel