Thirp's POV
Binalingan ko ng pansin ang tinutukoy ng aking kawal.
Halos mapanganga ako ng makita ko ang dahan dahang pag bukas ng pinto.
Pero imposible? Halos kulang ang dugo para mabuksan ito? Paanong nangyari iyun?
"Nakakasilaw." Pag rereklamo ng kung sino na agad napatakip ng mata.
Habang ako ay diretso lang ang tingin roon. Parang may kung anong elemento ang nagtutulak na pumasok ako roon.
May kung anong tumulak sa akin para mag lakad.
Masyadong nang aakit ang pintong ito sa mga mata ko. Nakakasilaw sya dahil sobra ang liwanag na inilalabas nito. Ang tunog ng unti unting pag bukas ng pinto ang syang nakaka-akit. Sa mga segundong ito, nawala ang pag mamatigas ko. Nanlambot ako ng mahawakan ko na ng malapitan ang pinto.
"Bukas na ang aking yaman."
Naagaw ang atensyon ko sa aking likuran.
"D-dad?"
Hawak hawak nya ang espadang kulay asul na syang collection ko. Siguro sya yung naroon sa loob ng kwartong yun nung pinasok ni souven yun. Matagal na siguro syang nag mamatyag ngunit hindi lang lumalabas. Pero anong dahilan? Bakit kailangan nyang mag tago at mag matyag?
Nabigla ako ng may kung anong tumulak sa akin papasok sa loob. Wala akong ibang makita kundi kulay dilaw na liwanag sa paligid. Nakakasilaw ito kung tutuusin.
"Lumabas ka riyan! Ako ang dapat makapasok riyan! Sa akin dapat ang kayamanan!"
Napa atras ako ng itutok sa akin ni dad ang dulo ng espada.
Nanunuot sa kanyang mata ang kasakiman. Parang hindi ko na sya kilala. Ama ko pa ba sya?
"D-dad. I-ibaba mo yang espada mo. A-anak mo t- - "
"Sumunod ka nalang. Alis na. Ibaubaya mo na sa akin ang kayamanan."
Inilibot ko ang mga mata.
"Wala namang kayamanan rito." Sambit ko.
"Mayroon yan! Umalis ka dyan at ako ang maghahanap."
Natahimik ako ng makarinig ako ng huni ng ibon. Ilang saglit lang iyun at biglang nawala rin.
"Ang iilang dugo at pinag halong pagmamahal ang syang makakapag bukas ng pinto. Tanging may hangad ng kaayusan lang ang maaring pumasok at ang may masamang hangad na nag pupumilit pumasok ay syang mamamatay."
Agad kong nilibot ang aking mga mata. Saan nanggagaling ang boses na yun?
"Sino ka?"
Paulit ulit ko ng inikot ikot ang aking mata ngunit wala akong makitang tao na nag sasalita. Boses babae iyun kaya imposibleng si dad ang mag salita.
"Walang kayamanan o kung ano man. Tanging kahilangan lang ang nilalaman. Pinapasok ka rito sapagkat malinis ang iyung hangad. Pag isipan ang kaisa isang kahilingan at huwag magsisi kung iyong pag sisisihan."
Napakunot ako ng noo. Naguguluhan ako.
Ano ba ang pinag sasabi nya?
"Pwede bang harapin mo ako."
"Walang sino man ang makakakita sa babaeng nagtatago sa liwanag. Puntahan mo ang bilog sa gitna nitong kalawakan."
"Hindi maari!!!!!!!!!!!"
Humarap ako sa aking likuran.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang matalim na espada na syang papalapit sa aking kinaroroonan. Naging yelo ang katawan ko at hindi ko nagawang iwasan ang espadang yun. Napapikit na lang ako at hinintay ang espadang tumama sa aking dibdib.
Sa mga oras na to si souven lang ang nag papatabo ng utak ko. Wala na akong silbi kung wala ang lakas ko. Ayokong mabuhay kung palagi lang may lungkot sa bawat oras. Mabuti pang samahan ko na lang sya sa hangganan pati sa kamatayan. Panatag na ako kung makakasama ko sya sa hukay.
Panandalian lang ang lahat pero sya ang pinaka tumatatak dito sa akin. Sya nalang ang gusto ko. Sya lang wala ng iba.
"Sasamahan kita aking alipin..."
Ngumiti ako kasabay ng pag patak ng luha sa aking mata.
Napatigil ako ang pag hinga ng maramdaman ko ang talim ng espada na kasalukuyan ng nakabaon sa aking dibdib. Dahan dahang gumuho ang mundo ko bago bumagsak sa maliwanag na sahig.
"Hindi maaring mamatay ang taong hihingi ng kahilingan. Kaparusahan sa iyung ama ang kanyang ginawa."
Ang kaninang matang bumabagsak ay biglang nag mulat. Ang kaninang katawang nakahiga ay biglang tumayo.
Pinagmasdan ko ang espadang nakabaon sa aking dibdib na unti unting nahuhugot pabalik.
Pinanlakihan ko ng mata ang espadang bumulusok sa kinaroroonan ni dad.
"Dad!!!!!"
Lumuwa ang mata ko. Tumama sakanyang dibdib ang talim ng espada gaya ng nangyari sa akin kanina.
Nabaling ang atensyon ko sa aking dibdib na wala man lang kagalos galos.
"Babalik ang talim kapag ibinato mo ito."
"Bakit mo ginawa yun? Ama ko parin yun!"
"Ang masamang hangad ang pumatay sakanya."
Napaluhod na ako.
Ngayon ko nalang muling nasilayan ang kanyang mukha tapos mawawala agad? Isa isa ba silang mawawala?
Bakit ba ako kinapitan ng malas?
Nakakapang lumo lang.
"Huwag kang magpaka-duwag. Isa kang hari na dapat matatag. Tumayo ka't humiling."
Nawawalan na ako ng pag asa. Pag asang mabuhay pa.
"Tumayo ka na riyan kung ayaw mong tuluyang malagutan ng hininga ang babaeng mahal mo."
Napa angat ang ulo ko at biglang nabuhayan.
Tama.
Agad akong tumayo.
Dahan dahan akong nag lakad upang puntahan ang tinutukoy na bilog nung babaeng nag sasalita.
Napaka lawak nitong lugar kaya hindi madaling lapitan ang bilog na malayo sa aking kinatatayuan.
Nang makatungtong ako sa harapan nitong bilog agad na akong huminto sa pag lakad.
"Isang kahilingan lang naman ang nilalaman nito. Isa itong uri ng pagsubok sa bawat hari. Ikaw ang napili. Sayo ang kahilingan dahil ikaw lang ang nakipag laban para maprotektahan ang susi sa iba. Tunay na pagmamahal ang iyung inalay kaya ikaw ang karapatdapat. At huwag kang mag alala. Alam kong buhay pa sya."
Napayuko ako.
"Bigkas ng yung bibig ang syang susundin."
Dahan dahan kong ipinikit ang aking mata. Ibinuka ko ang aking bibig na parang nagbabadyang mag salita.
Nag isip ako ng malalim.
"Ibalik mo ang lahat sa normal..." Salitang lumabas sa aking bibig na buong puso kong hinihiling.
Walang pag sisising matatamo sa aking mukha dahil yun ang tangi kong kahilingan. Ang bumalik ang lahat sa normal.
"Masusunod mahal na hari. Sa muling pagkikita... Paalam."
Dahan dahan kong iminulat ang aking mata.
Napatingin ako sa sahig na aking kitatayuan. Parang nag yayanig ang paligid. Nakaamoy ako ng kung dahilan para bumagsak ako sa sahig at tuluyang mawalan ng malay.
------
Souven's POV
"Tagumpay aking apo."
Napapangiti ako habang pinag mamasdan si grandpa na nakangiting nakatingin sa akin. Punong puno ako ng saya.
"Grandpa... I love you.."
Muling sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi.
Nilamon ng liwanag ang aking lolo at tuluyan na syang nawala sa liwanag.
"Souven? Hey guys gising na ata si souven!"
Nakadinig ako ng mga yabag na syang nag pamulat sa aking mga mata.
Paulit ulit kong kinurap ang aking mata ng marahan. Marami akong mukhang nakikita.
"Thank god. Gising kana."
Nakatanggap ako ng yakap sa kung sino.
Sumilay sakanila ang ngiti na ikinakunot ng aking noo.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko.
May kung sinong umalalay sa akin para makaupo. Agad kong inalalayan ang ulo na medyo kumikirot kirot.
Malinaw ko ng nakikita ang mga mukha ni eitsy,veany,dake at grew. Maayos ang mga suot nila na syang ipinag tataka ko.
"Nasaan tayo?" Pangalawa kong tanong.
Tanging ngiti lang ang isinasagot nila.
"Almost three two weeks bago ka magising yan tuloy masyado ka naming na miss. At akala pa nga ng mga doctor hindi kana magigising." Wika ni dake.
Kasabay ng pag kunot ng noo ang pag kagulat.
"Two weeks? Teka nasaan si thirp? Nasaan ang hari? Yung pinto? Yung babaeng baliw? Si chin? Si queeny? Nasaan na ang mga yun?"
Nagkatinginan silang apat na parang naguguluhan.
"Ano bang pinag sasabi mo?" Halos sabay nilang tanong.
Hindi.
Napasabunot ako sa aking buhok.
"Imposible."
Huwag nilang sabihing panaginip lang ang lahat ng nangyaring yun? Hindi. Hindi. Imposible. Alam kong totoo yun.
"Teka tatawag lang ako nurse." Pag prisinta ni grew bago lumabas sa puting pinto.
Inilibot ko ang aking paningin. Sa tansya ko nasa hospital ako pero paano ako napunta rito?
"Okay ka lang ba souven?" Tanong ni veany.
"Yung mga patay? Yung parisukat na lagusan? Nasaan na yun? Hindi nyo ba natatandaan ang mga yun?"
Nag mumukha na akong baliw rito maipaalala lang sa kanila ang mga nangyari. Ayokong isiping panaginip lang ang lahat ng yun. Ayokong isiping isang imagination ko lang pala si thirp. Hindi pwede yun.
"Sorry souven but we can't understand you." Wika ni eitsy.
"Yah." Dugtong ni veany.
"Siguro may mga amnesia kayo noh kaya hindi nyo ako maintindihan. Nakalimutan nyo na ang nangyari."
Napapakunot na lamang sila ng noo.
"Siguro kailangan mo munang mag pahinga." Suhestyon ni dake.
"Pero totoo ang mga sinasabi ko. Hindi ako nag sisinungaling. Naalala nyo ba yung murderous cave? Diba pinasok natin ang kuwebang yun tapos may nakita tayong portal and then pinasok natin yun."
"Ummmm..." Napahawak ng baba si veany. "Siguro nga na nanaginip ka lang. Walang murderous cave dito sa lugar natin at kahit saan pa mang bansa. Walang ganon."
Napanganga ako.
This is unbelievable. Ibig sabihin panaginip lang ang lahat ng yun? Imagination? Bangungot? Imposible namang mangyari ang lahat ng yun in just two weeks.
"Okay. Kung ganon bakit ako nandito sa hospital? Explain."
"Um. Hindi mo ba natatandaan?" Tanong ni veany.
"May bago tayong adventure nun kaya pinuntahan ka namin sa bahay mo tapos nakita ka nalang namin na nakahiga sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Madaming dugo ang nawala sayo kaya agad ka naming sinugod rito sa hospital. And thank god dahil may natitira pang dugo sayo. Grabe ano ba kasing nangyare?"
"Ano bang mga pinag sasabi nyo! Huwag nga kayong mang imbento! Hindi kapanikapaniwala! Hindi ako naliligo sa sarili kong dugo! Hindi ba't nasa digmaan tayo? Nakikipag away tayo sa mga patay? Diba si frince pa ang nakipag tulungan sainyo? Si tic? Hindi ba't may gusto kay veany yun at si cat? Yung babaeng mala queeny rin ang ugali? Hindi nyo ba natatandaan ang lahat ng yun."
"Para maniwala ka. Tumingin ka sa braso mo. Exact evidence nayan para maniwala kang naligo ka sa sarili mong dugo." Sambit ni dake.
Binalingan ko ng pansin ang aking braso na may band aid.
"Y-yung babaeng baliw ang may gawa nito. Yung babaeng yu- - "
"Kailangan na pong mag pahinga ng pasyente kaya kailangan nyo na rin pong lumabas."
Tumingin ako sa isang nurse na nakatingin sa akin. Iniluwa sya ng pintuan kasama si grew.
"No.no.no. kailangan ko pa silang kausapin! Wag mo silang paalisin! Ano ba!"
Inis akong nagpumiglas ng hawakan nya ang braso ko. May hawak hawak syang mahabang karayom at mukhang ituturok nya iyun sa akin.
"TIGIL!"
Nahinto ang pag pupumiglas ko ng marinig ko ang boses na yun.
"Wala kang karapatang hawakan o tusukan ng kung ano ano ang balat ng aking alipin. Kaya maari ka ng umalis."
"P-pero sir."
"Alis!"
Nangingilid ang luha ko habang dahan dahang nililingon ang pinanggagalingan ng boses na yun.
Sabi na nga ba eh. Totoo ang lahat ng yun.
"Sige po sir."
Tumalon ang puso sa sobrang saya ng makita ko ang seyoso nyang mukha.
Hindi sya imahinasyon. Totoo sya, sila veany ang nagkamali.
Dinig ko ang marahan nyang pag sara ng pinto bago ibaling ang kanyang pansin sa akin. Normal lang ang kasuotan nito. Isang t shirt na puti at isang pantalon habang ang mga kamay ay nasa gilid. Pero walang pinagbago, sya parin ang thirp ko.
"Kinaiinisan ko ang pag tulog mo ng dalawang linggo. Kaya pag pasensyahan mo kung magulo ang iyung bahay dahil doon muna ako nanatili ng ilang ar- - "
Hindi ko na nakayanan pa kaya sinalubong ko sya ng isang mahigpit na yakap. I really miss him.
Ang ilong nyang matangos at matang singkit ang syang sobrang miss na miss ko. Hindi parin ako makapaniwala na totoo pala ang lahat ng yun. Pero paanong naririto na sya? Paano nangyari yun?
"Huwag ka mag alala. Isang kahilingan lang ang kabayaran sa aking pangalawang pag aalala sayo."
Natatawa ako bago kumalas sa pag kakayakap.
"Hindi kana hari kaya wag ka ng mag hari harian." Natatawa kong sabi.
"Hindi na nga ngunit ikaw parin ang alipin ko at panghabang buhay na yun." Seryoso nyang sabi.
"Sus. O sige? Ano ang kaisa isang kahilingan ng mahal na hari?"
"Isang masahe lang kasi."
Nagitla ako sa bigla syang pag luhod na ikinalaki ng mata ko. Naka puppy eyes sya. Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan.
"Please. Please. Isang masahe lang. Parang awa mo na. Please. Nakakainis lang isipin na ang dake na yan ang unang nakatikim ng masahe mo!"
Halos mabaliw ako sa kakatawa ng mag simangot sya.
Hindi ko akalain na hindi pa rin sya maka move on sa masaheng yun. Talagang nakatatak sa utak nya yun noh.
"Surprise!"
Pareho kaming nagulat ni thirp ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga kaibigan ko na may dala dalang cake at naka hat pa.
"Mga bugok talaga kayo!" Bulyaw ko.
"Hello? Anong akala mo makakalimutan namin ang super super the best adventure na yun? No way. Actually, gumawa ako ng book at doon ko isinulat ang lahat ng nangyari satin." Nakangiting wika ni eitsy.
Loko ang mga to. Ang gagaling nilang mag si arte.
"Miss you asawa ko- - " akmang yayakapin ako ni dake ng humarang sa gitna namin si thirp na naka serious mode.
"Sinabihan nakita. No kissing or hugging. Lahat ng may 'ng'"
Napatawa nalang ako dahil sa inasal nya. Kahit kailan hindi parin talaga sya nagbabago.
"Ano ba talagang nangyari?" I asked.
YOU ARE READING
King's Key is Me
DobrodružnéAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel