Chapter 15

52 3 0
                                    


Souven's POV
Maganda ang lugar na aming pinuntahan. Para itong restaurant. Ang mga upuan at lamesa nito ay gawa sa punong pinutol. Para lang itong malaking kubo na dinadayo ng iba't ibang tao. Tinungo namin ang isang bakanteng upuan at may lamesa sa harap. Doon kami umupo nang mag kaharap. May lumapit sa aming isang lalaki na may hawak hawak na menu.
"Good morning ma'am at mahal na hari" pag bati nito kasabay ang pag yuko bilang pag galang sa hari.
Ibinigay nya sa akin ang papel na mayroong naka sulat na iba't ibang pag kain. Pinili ko lang roon ang sa tingin kong masarap. Medyo marami rami ang inorder ko dahil hindi naman ako yung mag babayad nito.
"Kayo po mahal na hari ano pong gusto nyong ihain namin sa inyo"
"Kung ano ang kanyang inorder ganun na din ang akin"
"Sige po..."
Yumuko ulit ito bago umalis. Iginalagang talaga ng lahat ang hari. Pati ang mga taong nag sisikain sa aming paligid ay napapayuko kapag napapatingin sakanila ang hari. Sarap siguro sa pakiramdam ang maging isang hari.
"Bawas isang araw dahil ako'y natuwa sa iyong ginawa"
Napatingin agad ako sa hari. Walang pinag bago, wala paring reaksyon ang mukha.
"Um... Okay"
Ahad ko ring iniwas ang aking tingin sakanya. Mahirap na baka tanungin pa ako kung bakit hindi ako tumakas. Mabuti ng makisama kaysa kumontra.
"Hayy. I want to see her. Gusto ko ng makita si souven. Kamusta na kaya sya? Ano ba kasing nangyari kahapon?"
Natigilan ako ng bahagya ng marinig ko ang pamilyar na boses sa bandang likuran. Nilingon ko agad ang aking likuran at doon ko nakita si eitsy,veany,grew,ate saysas at dake. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita kong maayos lang sila. Wala silang mga galos o kung ano man pero bakas sa kanilang ekspresyon ang mag ka bored.
"Hey guys?" Pag tawag ko sa kanila.
"Sino yun?" Tanong ni eitsy kina dake.
Sabay sabay naman nila akong nilingon at napawi sa kanila ang pag ka bored ng makita nila akong naka ngiti.
"My gosh... Ahhhhh finally..." Sigaw ni eitsy na naka agaw ng atensyon ng lahat.
Nag sorry naman agad ito sa ginawa nyang ingay at agad lumapit sa akin para yakapin ako.
"Okay ka lang ba? Sorry souven.. Nawalan ako ng lakas ng loob na lumusong sa tubig para iligtas ka. Pinangunahan kasi ako ng kaba.. Kasalanan ko to eh. Dapat hindi na kita nyayang lumusong sa tubig.. Sorry talaga" ramdam kong sincere ang pag hingi nya ng tawad.
Si eitsy talaga ang pinaka ma alalahanin sa aming mag kakaibigan at sya rin ang pinaka o.a.
Hinagod ko ang likod nya bilang pag papakalma.
"It's okay eitsy. Don't blame yourself. Walang may kasalanan, pare pareho lang tayong walang alam sa kapaligiran. Kaya walang may kasalanan sa nangyari okay"
"Ehem..."
Napakalas agad si eitsy sa pag kakayakap at niyukuran ang hari. Teka kailan pa sila naging magalang sa isang mayabang?
"Pasensya na po mahal na hari kung nakakaistorbo kami sa inyong date ng aking kaibigan"
What? Pinag sasabi ng babaeng to?
"A-ah no eitsy. Hindi kami nag da-date. Kakain- - - "
"Buti naman at alam mo"
Gulat akong napalingon sa hari na kasalukuyang naka halukipkip.
"Pasensya na po ulit.." Pag papaumanhin ulit ni eitsy bago bumalik sa kina uupuan nya kanina.
Sumasakit ang hibla ng buhok sa pinag sasabi ng haring to.
"Eitsy. Mali ang iniisip- - "
"Shhhh... Focus on him" wika nya. Kinindatan pa ako nito bago ako talikuran.
Nabaling naman ang tingin ko kay veany,grew at dake na kumakaway sa akin. Kinawayan ko rin sila at nginitian.
"Okay ka na?" Tanong ni dake na pabulong.
Parang nagiging weird sila sa araw na to.
"Eheemm... Walang kamay at paa ang pag kain para tumungo dyan sa nag wawala mong tyan."
Hindi ko nasagot ang tanong ni dake ng umepal ang haring paepal.
Naka hain na pala ang mga pag kaing inorder ko kanina. Unang tingin palang, nakakatakam na. Ano pa kaya kapag dumaloy na ito sa esophagus ko.
*glurp*
Kinuha ko muna ang kutsara at tinidor bago lantakan ang pag kain. Hinawa ko muna ang karne bago unti unting ipasok ito sa aking bibig ang karne at nginuya ito. Grabe napaka sarap, mapapapikit ka na lang talaga sa sobrang sarap ng karneng ito.
Isa isa kong kinain ang lahat ng pagkaing nakahain sa amin. Kakaiba ang lasa nito kumpara sa karne sa aming lugar pati ang mga gulay nito ay napaka sarap at malasa. Pansin ko namang naagaw ko ang atensyon ng lahat, well mandiri na sila kung mandidiri sila basta ako kakain lang ako dahil gutom na ang alaga ko.
"Pst. Souven. Hinay hinay lang" bulong sa akin ni eitsy.
Hindi ko nagawang tumugon sa kanya dahil punong puno na ang bibig ko.
"Grabe naman yan"
"Parang hindi nakakakain"
"Ang takaw nya masyado"
Mga bulong bulungan sa aking paligid na ikinahinto ko sa aking pag kain. Bakit ba sila nagbubulungan ng ganyan? Affected ba sila kung kumain ako ng ganito? Hindi naman diba? Hay. Mga tao nga naman.
Mag papatuloy nalang sana ako sa pag kain ng mahinto ito. Nakakabigla ang pag tayong ginawa ng hari. May papukpok effect pa kasi syang nalalaman sa lamesa.
Naagaw tuloy nya ang atensyon ng lahat.
"Hindi sya palabas para panoorin ng ganyan at lalong hindi kayo judge para husgahan nyo ng ganyan. Hindi ko gustong nag init ang ulo ngayon pero dahil sa ginawa ng tatlong babaeng yan" itinuro nya ang tatlong babaeng madaming apparatus sa katawan. "Maari na kayong magsi alis... MAGSI-ALIS NA KAYO!!!!"
Heto na naman ang mga balahibo kong nag tatayuan. Sa tuwing sisigaw sya ng ganyan, tumatayo ang mga balahibo ko.
Nilibot ko naman ang aking paningin at doon ko nakita ang iba't ibang mukha ng mga tao na tila'y takot na takot. Halos kumaripas sila ng takbo makalabas lang sa lugar na to.
"H-hindi m-mo naman kailangang gawin iyun"
"Kailangan dahil gusto ko ng katahimikan"
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang itsura. Assuming na kung assuming pero piling ko ginawa nya yun dahil sakin.
"Hoy dake halika ka na nga!"
Naagaw ang pansin ko kay eitsy na kasalukuyang hinihila si dake na naka upo parin habang sila veany,grew at saysas ay nasa labas na.
"Why? Bakit kailangan kong umalis?" Tanong ni dake bago inumin ang isang basong tubig na nasa harapan nya.
"Dake naman! Mukhang nakakalimutan mo ata yung pinag usapan natin!" Bulong ni eitsy na may diin sapat para marinig ko.
Anong pinag usapan ang ibig nyang sabihin? Bakit parang hindi ko ata alam ang tungkol dun.
"Mukhang gustong matikman ng iyong mga kaibigan ang buhay sa kulungan ah" pag singit ni thirp.
"A-ah sige ihahatid ko lang sila- - - "
Natigil ako sa pag sasalita ng madiin nyang hawakan ang tali upang hindi matuloy ang pag tayo ko.
"Kumain.ka.lang" madiin nyang utos sa akin.
Nabaling ang tingin ko kay dake na nag-i-inarte pa.
"Dake... Please. Umalis na kayo. Don't worry i'm fine. Kaya kong iligtas ang sarili if may mang yari man" bulong ko sa kanya.
Tumayo naman sya at mulhang sasama na sya.
"I'm always here sou." Malambing nyang wika bago ako yakapin ng mahigpit na ikinabigla ko.
Anong nangyayari? Bat ang o.a ng mga nasa paligid ko?
Baka naman pinapakilig lang ako ng gungong na to tapos wala namang balak saluhin ang puso kong unti unting nahuhulog.
"Enough!!" Hindi gaanong pasigaw na utos ng hari.
Unti unti namang kumalas ng pag kakayakap si dake.
"Ingat ka sou" bilin nya bago tuluyang sumama kay eitsy papalabas.
Naagaw naman ng hari ang atensyon ko. Walang reaksyong makikita sa kanyang mukha pero kung titignan mo ang mata nya doon mo makikita ang totoo. Inis ang ipinapahayag nito sa akin.
"A-ahh. Siguro kina ate saysas nalang ako makikikain- - "
"Dinadagdagan ko ng isang taon ang pananatili mo bilang isang alipin" pag putol nya sa sasabihin ko.
"Bakit? Anong ginawa ko na hindi mo ikinatuwa? Ang harsh mo naman!"
"Next time ayoko ng makakakita ng bwiset na yakapan sa aking harapan! Tutal alipin kita, gusto kong ipag bawal sayo na bawal kang makipag yakapan sa iba!"
"Ano? B-bakit? Anong klaseng batas yun?"
"Para igalang ka ng iba. Nakakahiya kung masasabihan ako na yung alipin ko naroon sa sulok nakikipag yakapan sa iba"
Wow. Ngayon ko lang na laman na may hiya karin pala.
"Hindi mo naman ako alipin- - "
"Kumain ka na lang!"
Nagitla ako sa bigla nyang pag sigaw. Ano bang problema nya! Bakit ba sya nagagalit sakin!
Inirapan ko na lang sya bago kumain ng padabog. Inis kong sinubo ang isang kutsarang kanin at inis kong nginuya ang karne. Inis ko ring hinigop ang sabaw. Inis ko ring pina ikot ikot ang spaghetti sa tinidor. Inis ko ring tinikman ang pang himagas.
At inis na inis ako sa kanya ngayon. Aba ikaw ba naman ang sigaw sigawan ng walang dahilan. Hindi ba't nakakainis yun.
"Ayusin mo nga pag kain" malumanay nitong utos.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Intindihin mo ang pag kain wag ako!"
"Mas gusto kong intindihin ka!!" Sigaw nya.
Natigilan ako sa pag kain at napatingin sa kanya.
"Para hindi ako mapahiya. Baka sabihin ng iba dugyot yung alipin ko" dagdag pa nya.
Tss. Puro kapakanan nya lang ang iniisip nya.
Minabuti ko na lang na ipag pa tuloy ang pag kain ng tahimik.
Ilang minuto lang ang lumipas ay naubos ko ng lahat ang naka hain sa aming harapan. Malaki na rin ang tyan ko, sa sobrang busog.
"Uminom ka ng tubig bilang panulak" utos nya.
"Alam ko! Hindi mo kailangang iutos dahil gagawin ko naman yun! Wag mong ipamukha sa akin na isa lang akong alipin!" Sumbat ko sa kanya bago padabog na ininom ang isang basong tubig.
"Gusto mo pa?" Tanong nya.
"No need. Baka wala kang maibayad"
"Libre ang lahat kapag ako ang kakain"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. So ibig sabihin libre pala ang lahat ng kinain ko? Kaka amaze naman. Sa lugar namin wala ng libre libre basta mag bayad ayos na.
"Kung ganon pwede akong mag take out para sa mga kaibigan ko?"
"Hindi!"
------
Thirp's POV
Ramdam ko ang inis sa akin ng aking alipin ng hindi ko sya pinayagan sa kanyang balak. Siguro na pupuno na ito at gusto ng sumabog.
"Hoy! San naman ngayon ang punta natin!" Sigaw sa akin ng aking alipin habang naka sunod sa akin.
Kung naiinis sya na kasama ako eh bakit hindi sya tumakas kanina gayung may pag kakataon na sya. Tama nga siguro ako na sya ang ginawa kong alipin. Bugnutin man pero alam kong mapag kakatiwalaan.
"Uuwi"
Patuloy ako lang ako sa pag lalakad ng biglang sumagi sa aking isipan ang sinabi ni tandang giro. Hindi ko gustong malaman ang mang yayari sa kasalukuyan pero kailangan dahil ako ang pinuno at iginagalang ng lahat ng aking na sasakupan.
Flashback
"Ipikit mo ang iyong mga mata at ipahiram mo sa akin ang iyong palad" utos ni tandang giro.
Ginawa ko naman ang sinabi nya at ipinahiram ko sa kanya ang aking palad. Wala akong nakikita sa kanyang ginagawa dahil ako nga'y nakapikit. Pandama at pandinig ko lang ang tanging gumagana sa mga oras na ito.
Naririnig ko ang iba't ibang lenggwahe na kanyang sinasabi. Hindi ko ito maintindihan. Nag sasalita ito ng kung ano ano habang hawak hawak ang palad ko. Para lang itong minamasahe na nag papaginhawa ng kamay ko.
Ilang minuto nyang ginawa yun at sa wakas natapos rin.
"Maari mo ng imulat ang mata mo"
Sinunod ko naman ang utos nya. Iminulat ko nga ang aking mata at tumingin sa kanya. Binitiwan na rin nya ang palad ko.
"Ano hong mang yayari sa kasalukuyan?"
Tumingin sa akin ng diretso si tandang giro.
"Gulo. Labanan. Patayan. Ilan sa mangyayari sa kasalukuyan.. Muling magbabalik ang susi at muling makikita. Susubukang pigilan upang hindi magulo ang lugar. Protektahan mo ang susi kung ayaw mo itong mawala. Mag ingat ka kay chin at huwag mong hahayaang makuha ang susi. May mangyayaring hindi kanais nais sa kasalukuyan. Matatagpuan ni chin ang susi at susubukang agawin yun sayo. Pero kung gusto mo ng kapayapaan maaring ibigay mo ang susi at kung gusto mo ang susi maari mo itong ipag laban. Ang ipapayo ko lang saiyo mahal na hari... Huwag mong mahalin ang susi kung ayaw mo ng kaguluhan.."
Hindi ko maunawaan ang ibig nyang sabihin.
"At bakit ko naman mamahalin ang susi gayung isa lang naman itong materyal na bagay"
"Hindi ko po alam mahal na hari. Yun ang ipinapahayag ng kasalukuyan. Ako'y nag papayo lamang"
Hindi ko maiwasang maguluhan. Pero mabuti ng alam ko ang mang yayari sa kasalukuyan. Makapag handa pa kami.
"Salamat tandang giro"
"Maari na po kayong umalis mahal na hari"
End of flashback.
Tiyak na hindi ako mapapamahal sa isang uri ng materyal na bagay. Alam ko sa sarili ko na kaya kong ipaubaya kay chin ang susi kapalit ang kapayapaan sa aming lugar.
"Aray" pag daing ng aking alipin.
Nilingon ko agad sya at nilapitan. Kinukusot nito ang kanyang mata.
"Y-yung mga buhangin" sambit nito.
Hindi nya magawang imulat ang kanyang mata. Napa tingin naman ako sa aking ibaba at tanaw ko ang mga buhangin na nag sisilipad katulong ang mga hangin.
Heto nanaman. Padating na naman ang kapahamakan.
Agad kong niyakap ang aking alipin at isinubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib.
"Anong kailangan nyo? Bakit nyo sya pinag iinitan?" Pag kausap ko sa buhangin at hangin.
Patuloy lang sila sa pag lapit kay souven na agad ko naman pinipigilan.
"Dapat mamatay. Patayin ang babaeng yan. Mamatay. Mamatay. Patayin. Patayin ang babaeng. Ayaw naming masira ayaw namin ng gulo kaya dapat mamatay mamatay ang babae mamatay....."
"Layuan nyo kami!!!!" Malakas kong sigaw.
Nagsi-hinito sila sa kanilang ginawa at nabalik ang paligid sa normal.
Nakakapag taka. Bakit gusto nilang patayin ang aking alipin. Bakit?
Ano na lang ang mangyayari kapag wala ako sa tabi nya. Sino nalang ang mag liligtas sakanya. Gayung ako lang ang may kakayahang patigil ang lahat sa kanilang ginagawa.
Nang mapagtanto ko ng tahimik na ang paligid ay agad na rin akong kumalas sa pagkakayakap.
"Ayos ka lang?"
"O-oo..." Sagot nya.
Pansin ko ang pamumula ng mata nya pati narin ang pisngi. Yung sa mata kaya namumula iyun dahil sa buhangin. Eh yung sa pisngin anong dahilan? Bakit namumula iyun?
"Namumula ang iyong pisngi"
"A-ah Heto ba. A-ah tanghali na kasi oh kaya mainit." Tugon nya.
Ganun ba.
Kailangan na siguro naming tumungo sa palasyo para hindi na kami mainitan.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now