Chapter 31

74 3 0
                                    

  Dake's POV
Buong gabi akong hindi nakatulog. Buong gabi ko binantayan ang bahay ni tandang kalbo pero wala akong napala. Walang ingay na nagaganap sa loob ng bahay nya at wala ring kakaiba roon.
Pero alam kong may tinatago sya.
Muling sumagi sa aking isip ang nakita ko kahapon.
Nasa kalagitnaan kami ng pagiging alerto ng mapansin ko si tandang kalbo at ang kanyang batang dala dala na parehong naka ngisi habang papadating ang bagong chin. Saglit na tinapunan ng tingin ni chin ang dalawa na mas lalong nagpalawak ng ngisi ni tandang kalbo.
Pati ang bata naiimpluwensyahan sa kanya.
I shook my head. Gusto kong mag relax kaya nag gala gala ako. Umalis ako ng bahay kahit alam kong tulog pa sila. Hindi parin talaga ako makatulog kahit na ano pang gawin ko.
May bumabagabag sa isipan ko.
"Mukhang malalim ang iniisip natin ah"
Saglit na tingin lang ang ibinato ko sa lalaking sumasabay sa aking lakad.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Wala. Nakita kasi kitang nag iisa tutal wala naman akong ginagawa kaya minabuti kong samahan na lang kita." Nakangiti nyang sambit.
Nakakatuwa lang isipin na sya ang pinag seselosan ni grew. May something daw kasi sa kanya. Pero ang tingin ko lang naman sakanya ay isang frince na masiyahin.
"Marami ka bang alam sa lugar na ito?"
"Syempre naman. Dito na ako lumaki eh." Pagmamalaki nya.
"So alam mo ang tungkol sa pinto?"
"Pinto? Baka ang ibig mong sabihin ang mapanuksong pinto?" Pag uulit nya.
"Pano mo nasabing mapanukso?"
"Marami narin ang natutukso ng pintong yun. May napakalaking kandado ang pintong yun na kahit anong susi ay hindi kayang buksan. Kaya naging mapanukso iyun dahil natutukso ang iba sa tuwing makikita iyun. Papatay at papatay ang lahat makuha lang ang susi nun sa tiyak ko ay wala naman."
Nahinto ako.
"Pwede mo ba akong dalhin don?"
Tumingin sya ng seryoso sa akin.
"Basta ba wag kang matutukso."
"No way. Di ko ugali yun"
"Okay. Sundan mo ako, nasa mababang bundok lang iyun"
Muli na itong nag lakad habang ako ay naka sunod lang sa kanya.
Hindi ko sinadyang mapatingin sa batom nya. May tattoo ito.
Isang maliit na kutsilyo ang naka tattoo roon. Ano naman kayang ibig sabihin nun?
Natatanaw ko na agad ang mababang bundok. Sinimulan na naming umakyat roon. Hanggang sa ilang hakbang nalang ay makakarating na kami sa tutok ng pareho kaming natigilan.
Agad kong hinigit si frince para dumapa.
May isang lalaki at isang bata ang nakatayo roon. Dito palang ay kitang kita ko na ang pinto.
"Tandang kalbo?"
Namilog ang mata ko ng masaksihan ko ang kanya ginawa.
Hinawa nito ang braso ng batang kasama nya at sinubukang palabasin ang dugo mula roon. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makitang ni isang patak ay wala. Walang dugong lumabas.
Hindi ako maaring magkamali. Si siro ang batang yun. Bakit ginawa yun ni tandang kalbo?
Pareho lang kaming nakasilip ni frince habang sinusubaybayan ang susunod na mangyayari.
Nakatalikod sila kaya hindi namin alam kung anong nangyayari basta ang alam lang namin ay nakatingin lang sila sa pinto.
Tumingin tingin sa paligid si tandang kalbo kaya kaming dalawa ni frince ay napababa ng kaunti upang hindi kami makita. Ilang segundong ganoon ang posisyon namin at napagpasyahan ko ng silipin sila.
"Nasan na sila?"
Tumayo ako at tinungo ang tuktok. Nilingon lingo ko ang paligid para hanapin sila pero ni anino nila hindi ko makita.
Tama nga. May kakaiba nga talaga sa matandang yun. Siguro magdamag sila rito kaya wala man lang akong narinig ni gatiting na ingay sa loob ng bahay nya. Ano naman kayang ginagawa nya rito? Isa rin kaya sya sa interesado sa susi?
"Investigator ka din pala"
"No. I'm just curious"
Silip ko na rin ang paanan ng mababang bundok ngunit walang matanda o sirong nag pakita.
"Matagal ko naring hinahanapan ng butas ang matandang yan."
Bahagya ako ng gitla ng sumulpot sya sa aking tabi na muntik ko ng ikahulog. Diretso ang kanyang tingin sa pinto na agad ko ding tignan.
Wow.
Kakaiba ang pintong ito. Napaka laki ng kandado. Eh ano nga namang susi ang mag kakasya dyan? Pag kalaki laki eh.
"Tagal ko naring minamatyagan ang matandang yan. Kahit hindi nya ipahalata, halata ko parin na interesado din sya sa susi. Katulad ng amoy nya ang amoy ng mga patay. Ewan ko ba kung bakit hindi napapansin ng iba yun, akala nila hindi ugali ni tanda ang maligo. Pero para sakin, isa sya sa mga patay na itinakwil din."
Mukhang madaming alam si frince tungkol kay tanda. Pero hindi halata sa kanya ang pagiging masiyasat.
"Napansin ko din iyun. Magkapareho ng amoy ng mga patay ang amoy ni tanda pero binalewala ko lang iyun."
"Hay. Wala kang makukuha dyan kay tanda. Pero dun sa bata?" Ngumisi ito. Unang pag kakataon kong nakita syang ngumisi. "May kakaiba sa batang yun. Hindi isang bata ang pag uugali nya. Para itong matanda, parang bihasa sa mga bagay bagay."
Natawa ako ng mahina.
"Bata talaga?" Natatawang tanong ko.
"Hindi kapa kasi nag tatagal dito" nanatili ang kanyang atensyon aa pinto. "Biruin mo. Ilang buwan, araw, oras at taon kong minatyagan ang batang yan. Kung mapapansin mo. Hindi ito lumalaki o tumatanda man lang. Oo na't kauri namin sya pero malay ba natin. Baka balat-kayu lang yan"
Mas lalong pinapagulo ng lalaking ito ang mga haka-haka sa isipan ko. Nag sisimula akong maging curious sa bata.
"Sa katunayan ang batang yan ay hindi kabilang sa aming uri. Sumulpot lang ang batang yan ng sumulpot din si ginoong kalbo. Nung una palang kaduda duda na ang hangari ng mga iyan. Alam kong pati ang hari ay nagdududa din." Dagdag nya sa pag kukuwento nya.
"Anong tingin mo sa bata? Isa rin ba syang tinakwil na alagad ni chin?" Tanong ko.
"Para syang si chin. Minsan ko ng napansin ang biglaang pangingitim ng labi ng batang iyun. Kung anong nakita ko na kulay ng labi ng chin ganoong ganoon din ang kulay sa labi ng bata."
Napansin ko rin iyun nung mahuli nya kaming nakikinig sa kanilang usapan. Pero sinabi nitong pinainom lang nya ng kumukulong uling ang kanyang bata para sa sa isang uri ng sakit.
"Baka naman idol lang si chin kaya ganon. Kaya ginagaya ang style ni chin." Wika ko.
"Wala pa ako masyadong alam. Ngayon ko alng din napansin ang pangingitim ng kanyang labi. Panigurado akong mga alagad sya ni chin na itinakwil kaya napadpad sa lugar namin" Bigla nyang binaling ang ulo sa kabilang direksyon. "Makakasama sa akin ang pag titig ng ilang minuto sa pinto. Kaya maari na ba tayong umalis tutal nakita mo na ang pinto?"
Sinulyapan ko muna ang pinto bago tumango.
Pinangunahan ko na ang pagbaba ng bundok. Hindi naman ako nahirapan dahil mababa lang ang bundok na ito kumpara sa ibang bundok.
"Maari mo bang ilihim ang nalaman mo galing sa akin?" Tanong nya.
"Bakit? Ayaw mo bang ipaalam sa iba?" Pagbalik ko ng tanong.
"Mahirap na baka makagulo pa sila"
Naiinitindihan ko ang ibig nyang sabihin kaya..
"Sige. Secret na lang natin yun"
Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang iniisip parin ang pinagsasabi nya sa akin..
------
Souven's POV
Nagising ako ng dahil sa ginawang ingay ng hari. Basagin ba naman ang mga pinggan sa sahig para lang magising ako. Ayan. Tag walis ka tuloy.
"Nagiging baliktad ang nangyayari. Ako ang dapat nakaupo at nakain riyan at ikaw dapat naririto at winawalis ang mga bugbog rito" pagrereklamo nya.
Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
Sira ulo ka din pala minsa eh.
Kung hindi mo ginawa, wala kang sanang trabaho ngayon.
"Si gina na nga lang pag lilinisin ko dito!"
"Hep. Hep. Hep. Anong gina. Kasalan mo tapos utos sa iba? Unfair yun. KAYA IKAW ANG MAG WALIS!" Singhal ko sa kanya.
Nakanguso ang mukha nito.
"Ikaw ang alipin ko kaya dapat IKAW ANG GUMAGAWA NETO!"
"Yes. Alipin mo nga ako. Pero ibang usapan na kapag ikaw yung nambulabog tapos ako parin ang magpapasensya."
Padabog kong kinagat ang patatas na pinirito ng kung sino.
Nakaka walang utak din talaga minsa ang haring to.
Magbasag ng pinggan para magising ako? Sinong loko ang gagawa non?
Hay.
Kakaistres.
Pinanood ko lang syang mag walis gamit ang tambo at dustpan. Nakabusangot ang mukha nito habang nag wawalis na nakakapag dagdag cutie points para sakin. Panigurado akong ngayon lang nya ito ginawa. Spoiled ang bwiset na yan eh.
"Magalak ka! Dahil nag sisilbi ang hari para sayo. Magalak ka dahil ngayon ko lang ginawa ito!" Panunumbat pa nya.
Ininom ko na lang ang isang basong gatas na nakapatong sa tray.
Napaka sarap ng breakfast ko ngayon ah.
Nakakagalak nga na nagiging baliktad ang lahat. Salamat din sa pa breakfast nya at sa pambubulabog nya.
Bakit kasi walang lock ang mga pinto dito kaya ayan. Nakakapasok ang masasamang elemento gaya ng isang to.
"Wag ka mag alala. Hindi ka pa pumapasok nagagalak na ako." Pampa good vibes ko sakanya.
Pero mukhang hindi tumalab. Isang masamang tingin lang ibinato nya sa akin na agad ko namang iniwasan.
Hay. Hirap nyang pakiligin. Buti pa si dake kahit simpleng mga ganunan lang kinikilig na eh ang isang to? Nevermind.
"Um. Pwede ba akong pumunta mamaya- - "
"No. I hate dake!"
Nabigla ako sa biglaan nyang oag putol sa sinasabi ko at dinamay nya pa si dake na walang malay. Ramdam ko na ang inis sa kanyang mukha dahil padabog na itong mag walis.
Bakit naman kaya hate nya si dake? Nag away kaya sila o nag asaran. Hindi eh. Hindi naman magagawa ng hari yun. Hindi na nya kailangang mag aksaya pa ng laway o lakas para lang makipag away. Tanging mga mata lang ang kanayng sandata, paniguradong talo na ang kalaban.
"Bakit mo naman hate si dake?" Tanong ko.
"Igalang mo nga ako! Sundin mo nga ang mga utos ko! Tandaan mo hari mo parin ako at hindi magbabago yun. Nakakainis ka. Dadag isang taon pa nga!"
Napapaliyad na lang ako sa mga inaasta nya.
Woa.
Baka may kakaibang sakit ang lalaking to na hindi ko man lang alam. Baka abnormal sya at hindi normal.
Biruin mo, nag tanong ako pero ang isinagot. Weird.
"Another one year?"
"No. Nagbago na isip ko. Limang taon na pala"
Hindi ko alam kung bakit natutuwa pa ako imbis na magalit ako. Nakakatuwang ilang taon ko syang kasama at pinag sisilbihan. Paniguradong kaiinggitan ako nila eitsy kapag sinabi kong kasama ko ng ilang taong ang taong gusto ko.
"Walang nakakatuwa sa sinabi ko. Itigil mo ang pag ngiti lalo na't si dake ang nagiging dahilan ng pag ngiti mo. Gusto ako lang ang magpapasaya sayo. Ako lang."
Tapos na pala syang mag walis kaya siguro nakita nya ang oag ngiti ko na parang isang baliw.
Wait. Dake? Nadamay na naman si dake? Mag ka away siguro ang dalawang yun.
"Hindi..natutuwa lang kasi ako na madadagdagan ng ilang taon ang pananatili ko bilang alipin." Pagpapakalma ko sa nagliliyab na liyon.
"Hindi nakakatuwa yun!" Singhal nya.
Grabe. Dinaig pa nya ang babaeng nag liliyab sa sakit ng puson.
"Pwes para sakin nakakatuwa yun"
"Nakakatuwa yun?" Pabara nyang tanong.
"Yes. Ilang taon din kasi kitang makakasama. Masaya kaya yun"
Mala anghel na ngiti ang ibinato ko sakanya.
Kinuha nya ang isang basong tubig na nakapatong sa tray at nilagok agad ito.
"Woo" wika nito ng maubos nya ang tubig.
Hmm.. Nakakapagod ba ang pagwawalis ng iilang bubog?
Napaka weirdo nya. Kanina nagliliyab sa inis ngayon nagliliyab sa tuwa. Ano ba talaga.
"Ehem. Three hundred thousand year na dagdag. Ininis mo kasi ako"
Wala namansigurong masamang manatili sa tabi nya ng ilang taon. Okay ngayon sakin eh. Ano pa kaya kapag nakulong kami sa sirang elevator tapos walang nagbalak na ayusin iyun. Ang saya siguro non.
"Ugh."
Napabalikwas ako ng upo ng makitang nag dudugo ang hintuturo ni thirp. Agad akong tumayo at lumapit sakanya.
"Nabubog kaba?" Nag aalala kong tanong.
"Don't worry maliit lang nam- - "
Pinunsan ko ang dugo sa kanyang hintuturo bago ito i kiss. Tatlong beses ko itong hinalikan.
"Sa pamamagitan ng three times kiss ko gagaling na yan"
"B-bakit mo ginawa yun?" Nauutal nyang tanong. Tikom ang kanyang bibig at gulat ang kanyang mga mata.
"I miss my lolo. Sya kasi ang nagturo sakin ng three times kiss kapag nasusugatan. Sakanya nag umpisa ang bagay na yun. Sabi nya gagaling daw ang sugat ko kapag kiniss nya yun kaya ginawa ko sayo para gumaling na din ito." Nalulungkot kong sambit. Naalala ko na naman kasi si lolo.
Nilapitan ko ang mga bubog na malalaki na syang nakasugat sa hintuturo ng hari. Hindi kasi kayang walisin ito kaya kailangang gamitan ng kamay para mapunta sa dustpan.
Dinala ko ang mga bubog na nasa dustpan doon sa bintana. Doon ko tinapon ang mga bubog.
Pabalik na ako sa kama pero hindi parin sya tumatayo. Naka upo padin sya sa sahig habang nakatulala sakanyang hintuturo.
Itinabi ko na ang walis at dustpan sa isang tabi.
"Tumayo ka na nga dyan!"
Para lang itong kawaling hindi nakikinig. Nakatitig lang ito sakanyang hintuturo kaya napilitang akong hawakan iyun para itayo sya kaso iniwas nya agad iyun.
Napatayo ito at agad itinago ang kanyang kamay sakanyang likuran.
"Matuto kang pahalagahan ang mga bagay bagay lalo na't Ito ang kauna unahang nagawa ng taong mahal gusto mo. Kaya maswerte ang hintuturo ko dahil nakanakaw sya ng halik mula sayo"
Iniwan ako nitong nakanganga.
Hindi ko alam kong hahanga ako o matatawa. Pati ba naman yun mahalaga sakanya. Pero infairness, nakakatuwa ang pagiging mapag halaga nya sa mga bagay bagay.
Wag lang sana nyang pag selosan ang sarili nyang hintuturo. Kasi kapag nangyari yun? Talagang mababaliw ako.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now