Chapter 38

56 3 0
                                    

  Thirp's POV
Nabaling ang atensyon ko kay tandang giro na inilingan lang ako bago mag laho. Tanaw ko rin si rina na nag laho sa gitna ng dilim. Mukhang alam nila ang tungkol rito. Mukhang alam nila na ang alipin ko ang susi, pero hindi man lang nila ako sinabihan. Kaya ba ayaw nilang mahalin ko ang babaeng ito kasi alam nilang hindi ko kayang ipaubaya ang alipin ko?
Hinawakan kong mabuti ang kamay ng aking alipin at bahagya ko syang itinago sa aking likuran.
Pasensyahan, hindi ko kayang ipaubaya ang susi sa kanila.
"Ibigay mo na ang susi. Ibigay mo na ang babaeng yan!"
Matalim na tingin ang ibinato ko kay queeny. Wala syang karapatan para utusan ako at wala syang karapatang mag desisyon.
"Wala akong dapat ibigay!" Sigaw ko.
"Pero ang sabi mo ipapaubaya mo ang susi kapag nakita mo ito." Pag papaalala ni queeny.
Naagaw ang aming atensyon kay chin na kasalukuyang tumatawa.
"Tama na ang satsat. Ibigay mo na ang babaeng yan kung ayaw mo ng gulo dito sa iyong lugar." Sambit ni chin.
Ngumisi ako ng nakaka demonyo at tumingin sakanya.
"Sa tingin mo kaya kong ipaubaya ang isang bagay na may halaga? Pwes mali ka. Kung gusto mo ng gulo edi gulo ang ibibigay ko." Umatras ako ng tatlong beses bago muling mag salita. "Huwag nyong hahayaang makalapit ang mga yan sa susi! Patayin ang mga yan!" Nakakabinging sigaw ko sa lahat.
Alam kong tutol sila pero wala silang magagawa dahil ang utos ko nga ang masusunod. Kahit pa ayaw nila mapipilitan silang gawin ang inuutos ko.
"Bwiset ka talaga! Kunin nyo ang susi!" Malakas na sigaw ni chin sa kanyang mga alagad na agad namang nag sisigaw bago tumakbo patungo sa amin.
"Kayo na ang bahala riyan." Bulong ko sa mga pinunong nakangisi at nag hihintay ng laban.
"Masusunod mahal na hari." Nakangising pag sunod ng tatlo maliban kay queeny na tutol.
Agad kong binuhat ang aking alipin at tumakbo papalayo.
"Ahhhhhh!!!! Ibigay mo ang susi!!!!!" Malakas na sigaw ni chin bago mag lagay ng napalaking bato sa aming harapan at pinagulong gulong ito. Agad ko naman itong iniwasan.
Tumakbo ako papaloob ng palasyo.
Dama ko parin ang mahikang ginagawa ni chin. Sinusubukan nyang saktan ang isa sa amin pero wala syang laban sa akin kahit sya pa ang pinaka makapangyarihan.
"Ibaba mo na ako, kaya kong tumakbo." Utos ng aking alipin.
Hindi ko sya pinansin. I just shrugged.
Ang mga yabag ni chin ay ramdam na ramdam ko. Hinahabol nya kami pero bakit hindi nya gamitin ang kanyang kapangyarihan. Hindi ganyan ang chin. Nakakapanibago. Ang chin hindi na kami kailangang habulin pa para lang kunin ang susi. Kayang kaya nitong mag patumba ng isang kastilyo para lang makuha ang gusto, pero ang isang to? Bakit hindi nya gawin?
Hindi sya bihasa sa pag gamit ng kanyang kapangyarihan. Mayroong kakaiba sa bagong chin. Iba ang ikinikilos nya.
"Kami na po ang bahala sakanya." Pag papaubaya ng mga kawal na sumalubong sa amin.
Nakahanda rin sila at may mga dugo na ang kani-kanilang sandata.
"Wag nyo syang hahayaang makasunod sa amin. Itumba nyo sya!"
Dali dali kong inakyat ang hagdan at lumiko sa gawing kaliwa.
"Shit! Ibaba mo na ako! What the--- ingat ka!" Natatarantang sabi ng aking alipin.
Napangisi ako ng biglang sumulpot ang limang patay sa aming harapan. Unti unting huminto ang aking pag takbo.
Mga patay ang nasa aming harapan. Nakahanda ang mga ito. May mga hawak na kulay itim na espada.
Dahan dahan kong binababa ang aking alipin. Agad syang tumungo at may kinuha sakanyang hita. Kinuha nya rin ang dugo at nilagyan ng kaunti ang hawak nyang kutsliyo.
"Relax Lang sanay ako sa ganito." Bulong sa akin ng aking alipin.
Nag dikit ang aming likod at umikot ikot ng dahan dahan habang tinatansya ang mga patay na naka paligid na ngayon sa aming paligid.
"Ako na bahala sa dalawa, basta ikaw na bahala sa tatlo." Huling bulong sa akin ng aking alipin bago ihagis ang hawak nyang kutsilyo sa isa sa mga patay.
Agad ko namang sinipa ang isa sa mga espada ng patay na nag tangkang saktan ang aking alipin.
"Ahhhhhh!!!!" Malakas na sigaw ng isang patay na nag tangkang sugudin ako.
Isang ngisi ang pinakawakalan ko bago ihagis ang kutsilyong may dugo sa kanilang tagiliran.
Naka focus lang ang tingin ko sa aking alipin.
Mapatay ko na ang lahat wag lang magka galos ang babaeng yan.
Bakas sa alipin ko ang tuwa habang isa isang sinasaksak ang mga patay na kanyang kalaban.
Nakipag patentero naman ako sa dalawang patay na gusto akong saktan. Pero ng mag sawa ako, kumilos na ako para padaain ang kutsilyo ko sa mga dibdib nila.
Pinaubaya ko naman sa alipin ko ang kahuli hulihang patay na nag hihingalo na.
Kinindatan nya muna ako bago isaksak sa patay ang kutsilyo nyang hawak hawak.
Nakakatawa lang na ginamit nya ang tinuro ko sakanya. Mukhang bihasang bihasa sya sa pag gamit ng kutsliyo.
"Ayos ba?" Nakakaloko nyang tanong.
Natawa lang ako ng mahina bilang sagot.
Pinanood lang namin ang patay na unti unting nagsi-laho at tanging kutsilyo lang ng aking alipin ang natira.
Kinuha naman nya agad ito.
Dahan dahang humakbang ang paa ko palapit sakanya.
"Pilya ka ha. Pati mga patay tini-trip mo."
"Tss. Sabi nga diba, buhay ang katakutan hindi patay." Pamimilosopo nya pero tama rin naman.
Namilog ang mata ko at agad kong hinigit ang alipin ko patungo sa aking likod. Pinakawalan ko sa aking kamay ang kutsilyong bumubulusok papunta sa patay na tinangkang saktan ang aking mahal.
"Wow." She whispered.
Taas noo akong ngumisi.
Hinintay ko munang mag laho ang patay bago ko kunin ang kutsilyo.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras.
Tumakbo na agad ako habang higit higit sya. Tinungo namin ang gawing kaliwa. Hanggang sa makarating kami sa dalawang direksyon na pag pipilian. Lumiko kami sa gawing kanan at sa dulo ng daang ito. Doon makikita ang isang kwarto, madilim sa daang ito dahil isa itong lihim na silid na tanging ako lang ang nakakapasok.
Nilamon kami ng dilim ng tumapat kami sa napa laking pinto nito.
Ligtas ang sino mang dalhin ko rito sapagkat tanging boses ko lang nag papasunod rito.
"Papasukin mo kami!"
Kusang nag bukas ang pinto ng isigaw ko ang katagang yun. Pumasok kami sa napaka dilim na kwarto kung saan wala kang makikitang liwanag.
Pero kahit hindi ko makita ang mukha ng alipin ko, alam ko paring nag tataka sya kung bakit kami naririto.
Hindi ko gustong mapasali sya sa gulo sa labas. Lalo na't sya ang target ng lahat.
Heto pala ang ibig sabihin ni tandang giro at ni rina. Dapat mamatay ang babaeng ito para ano? Para hindi magulo ang lugar? Dahil alam naman nilang hindi ko sya kayang ipaubaya?
Bakit ngayon lang nila sinabi ang bagay na ito. Kung kelan napamahal ako? Bakit hindi nila agad ako sinabihan, para naman napigilan ko ito.
"Bigyan mo ng liwanag ang buong kwarto." Utos ko.
Lumiwanag ang buong paligid matapos kong pakawalan ang mga katagang yun.
Inilibot ng alipin ko ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto.
"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong nyo habang nakakunot ang noo.
Hindi ako tumugon. I just shrugged.
Dinala ko sya sa kulay puting upuan at doon sya pinaupo.
"Stay here." I whispered.
"What? But why?" Naguguluhan nyang tanong.
"Mas safe ka dito."
"Pero gusto ko ring tumulong- - "
"Hindi mo kailangang tumulong dahil ikaw nga yung pinoprotektahan namin."
"Thirp.."
"Please. Ayokong mabalitaang naka handusay ka nalang sa kung saan. Ayoko yun kaya please. Hayaan mong protektahan kita. I'm your king; i'm always right. So, trust me."
Ginagawa ko to hindi dahil gusto ko. Ginagawa ko lang to dahil ayokong sya ang mapatay. Alam kong sya ang puntirya ng lahat. Miski ang iilan sa mga mamamayan, alam kong gusto din nilang makuha ang aking alipin dahil sa pansarili nilang dahilan. Ayokong maiwan na naman akong nag aalala. Ayokong mag isa na naman sa buhay. Minsan, kailangan din ng hari ng isang reyna.
"You know what? I'm fucking crazy inlove with you!" Agad nya akong niyakap ng sabihin nya ang salitang iyun.
Hindi agad ako nakagalaw. Para akong kakapusin ng hininga. Napak higpit ng yakap nya na sya naman talagang nag papagaan ng loob ko. Nag bibigay lakas at tapang sakin. I like this kind of shit.
Tinugunan ko ng isang napaka higpit na yakap ang ginawa nyang pag yakap sa akin.
"That's why, i need to trust you!" Dugsong pa nya habang humihikbi.
"P-pangako. Babawi ako. Pupunta tayo sa magandang lugar gaya ng ginawa nyo ni dake."
Sinuntok nya ako ng mahina ng madinig nya ang pang aasar ko. Habang ako ay natawa lang.
Baliktad ang nangyayari. Hindi ba dapat ako yung nagagalit at hindi sya? Pero bakit sya ang nagagalit at ako ang natutuwa?
"At least loyal ako. Sinabi ko naman sayo na ang abs mo lang ang nag papabusog ng mata ko ah. Kahit na nakita ko pa ang nakakatakam na abs ni dake, sayo parin yung gusto ko."
Fuck.
Hindi ba nya alam na sa simpleng salitang binibitiwan nya ay nag papakilig sa haring ito?
Pero talaga bang abs ko lang gusto nya? What the-- hoy thirp hindi yun ang mahalaga rito.
"Wag ka mag alala, babawi talaga ako." Pangangako ko.
"You don't have to, i understand." Bulong nya.
"Basta. Mag tiwala ka lang, babawi talaga ako. Gagawa tayo ng bagay na syang mag papaligaya sayo." I whispered in a sexy voice.
"Sira ka talaga!" Tugon nya sa akin na sinundan ng pag kalas nya sa pag kakayakap. Narinig ko ang pag tawa nya ng mahina.
Kahit papaano napapatawa ko sya kahit ang corny.
"Sige na. Umalis kana, kailangan ka na ni queeny don." Nagtatampo nyang pag papalayas sa akin.
Akmang iikot ako para sana umalis ng pigilan nya ako.
"Oh sige umalis ka!" Pang tataboy nya.
Ang gulo nya. Ang sabi nya umalis na ako pero hawak hawak nya parin ang damit ko. Ano ba talaga.
"Hindi ko naman kailangan ng queeny dahil may souven naman dyan na ako ang kailangan." Pang pakalmang katagang ipinukol ko sakanya.
Lumapit pa ako ng kaunti sakanya.
"M-masyado ka ng malapit." Nauutal nyang sabi.
Nginitian ko muna sya bago idampi ang malambot kong labi sakanyang noo.
"I love you." Huling katagang binitawan ko.
Nag lakad na ako palabas ng kwarto.
Sinulyapan ko muna ang pintong nag sara ng kusa bago tumakbo dala dala ang kutsilyo at dugo.
Binalikan ko ang daang kanina'y aming dinaanan. Nahinto ako ng matungo ko na ang tapat ng kwarto ko.
Isa isa kong sinuri ang mga kawal kong naka handusay sa sahig. Kakaunti lang sila pero para sa akin napaka rami nila. Hindi ko sinasadyang makapatay ng tao lalo na't wala naman silang ginagawang mali. Sinusunod lang nila ang utos ko na syang nakakapag pahamak sa kanila.
Humugot ako ng hininga bago muling nag lakad.
Kahit kelan hinding hindi ako pang hihinaan ng loob ng dahil sa nakikita ko. May souven ako na nag papalakas ng loob ko at wala si chin non. Hindi ako basta basta matatalo sapagkat ako ang hari sa lugar na ito.
Tinakbo ko ang hagdan paibaba at agad lumabas ng palasyo.
Unti unting bumagal ang pag takbo ko hanggang sa nauwi na ito sa pag lakad.
"Ano ng nangyari?"
Medyo napa nganga ako sa nakikita ko.
Nakatingin lang ang mga pinuno sa akin. Pati ang mga taong naka kalat na parang hindi man lang nagalusan. Wala akong nakikitang patay at mga duguan man lang.
Nag liwanag na ang kalangitan na kanina'y nag wawala sa dilim. Wala na rin ang hanging nag papatayo ng balahibo ng iilan sa mga tao.
Hindi ko maiwasang mag taka. Nasaan na ang mga patay?
"Walang hiya sila. H-hindi sila mapag kakatiwalaan. Iniwan nila ako!" Naagaw ang atensyon ko sa isang lalaking nag sisisigaw sa aking harap.
"Chin?"
Nakaluhod ito habang nasa likod ang kamay. Hawak hawak naman ni rose ang damit nito na animo'y sinasakal.
"Teka anong nangyari?" Nagtataka kong tanong.
"Bwiset. Balak ko pa naman sanang tawagin ang mga alagad ko para makipag laban kaso nabitin lang kami." Pag rereklamo ni rick.
"Eh pano kasi mahal na hari. Binitin kami ng mga mababahong patay na yun. Aba. Eh iwan ba namang mag isa yung pinuno nila. May isa kasing sira ulong alagad nitong chin na sumigaw na bumalik na daw sila." Tugon ni rose.
Bigla akong nahiwagaan.
Naningkit ang aking mata habang nakatingin kay chin na nakaluhod. Nilapitan ko ito at hinawakan ang baba habang nilingon lingon.
"Ang totoong chin ay hindi dinudugo."
"Tama kayo mahal na hari. Tignan nyo ito."
Tinungo ko ang bandang likuran ni chin.
Ang kamay nito.
Isang katawan ng rosas ang nakatusok sakanyang pulso na tumagos sa isa pa nyang kamay. Umaagos ang dugo rito na hindi naman dapat.
Hindi dapat nag durugo iyun.
Mas lalong naningkit ang mata ko ng makita ang kanyang kamay. Batang bata ang kamay nito.
"Kakaunti ang kakayahan mo. Halos wala pa sa kalahati ang kapang yarihan mo. Pang isang buwan lang ang kapangyarihang kaya mo." Panunuri ko sakanya.
Dinampi ko ang dugong tumulo sa lupa gamit ang aking hinlalaki. Bahagya ko itong tinikma.
"Tama nga, isang tao ang lalaking yan. Bwiset. Hindi yan ang totoong chin. Isang taong ginamit lang yan."
"Hindi. Mali ang sinasabi mo. Hindi ako tao. Ako ang chin. Ako ang makapang yarihang chin. Ako ang pinuno ng mga patay. Ako daw yun sabi nila. Papatunayan ko sayo yan." Pag mamatigas nya.
"Kawawa. Hindi kaba nakahalata? Kung ikaw ang chin? Edi sana nakawala ka na dyan." Pang aasar pa ni rick.
Napaisip ako.
Hindi nga sya ang chin pero sino ang bagong chin?
Tama.
Mukhang ginamit lang sya. Ginamit lang ang katawan nya para sya ang pag tuunan namin ng pansin. Nasan ba talaga ang totoong chin? Bakit hindi ito nag papakita?
Alam ko namang loyal ang alagad nya kaya sakanya lang ito susunod.
Ang pekeng chin na ito. Isa lang pala syang tao. Nag kamali kami. Natatakot ang lahat sa mali at duwag na tao. Naloko kaming lahat. Bakit hindi ko naisip ito. Isa syang tao at taler ang pangalan. Kaya ba siguro namatay ang kaibigan nito ay dahil yung kaluluwa ng kaibigan nya ang ibenenta nya sa patay?
Bakit ba hindi ko agad ito napansin.
"Ingatan nyo ang susi ko. Kailangan ko ang susi ko. Ilayo nyo ang susi ko. Papatayin sya. Papatayin sya ng isang babae----"
Tumalsik sa akin ang ilang dugo nito.
"Hate ko ang maiingay na pekeng tao." Sambit ni rose.
Kitang kita ko ang espadang naka tarak sakanyang bibig pati na rin ang dugo nitong tumalsik sa maskara ni rose.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Nasaan si queeny?"
"Si queeny nandito lan- - - teka nasan na si queeny?"
Putek.
Agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto kung saan naroon ang aking alipin.
Hindi sya delikado sa patay, kundi delikado sya sa buhay.
Shit.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now