Chapter 48

43 3 0
                                    

  Thirp's POV
Nang makita kong matumba ang aking alipin agad ko itong pinuntahan.
"Ahhhhhhh!!!!"
Agad kong pinatamaan ng hawak kong kutsilyo ang limang patay na sinubukang dumugin ang aking alipin.
Hinarap ko ang mga kalaban ni souven habang nasa likuran ko sya. Limang kutsilyo ang pinabulusok ko sa hangin para patamaan ang mga patay. Napapaatras ako ng kaunti dahil masyado na silang dumarami.
Patuloy lang ako sa aking ginagawa.
Natutuwa akong panoorin sila habang naglalaho sa tuwing matatamaan ng aking sandata.
Naalarma ako ng maramdaman ko ang enerhiya ni chin kaya agad kong kinuha si souven.
"Masyado ka ng nangenge alam rito." Seyosong sabi ni chin.
Hindi ako nag patinag.
Agad kong hinigit si souven palayo roon. Pero wala pa kami sa kalagitnaan ng...
"Bogsh*
"Shit." Daing ko.
Naiangat ko ang likod ko na tumama ito sa kung saang semento. Ginagamit na nya ang mahika nya.
Tumayo agad ako at agad nag paikot ikot sa lugar para lituhin sya.
Dahil alam kong wala syang kakayahang masundan ang bilis ko. Isa lamang syang chin.
Kapag hindi nya ako makita, hindi nya rin kayang gumamit ng mahika para saktan ako. Mas pinabilis ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa bumilis pa ito ng bumilis. Dumating sa point na nabubungkal ko na ang alikabok ng sahig.
Dinig ko ang pag ubo ng iilan sa nakikipag laban. Dito na ako humanap ng tyempo. Agad kong binalikan si souven.
"Let's go!" Sambit ko.
Hinawi hawi ko ang alikabok para hanapin si souven pero wala na sya sakanyang pwesto.
Namilog ang aking mata.
Hinanap ko si chin ngunit wala na rin ito.
"Bwiset talaga! Rina kayo ng bahala riyan!" Sigaw ko bago tumakbo papalayo sa lugar na iyun.
Hindi ko akalain na ganito pala karami ang mga alagad nya. Agad akong dinumog ng alagad ni chin.
Nahinto ang pag takbo ko ng palibutan ako ng mga patay.
"Sinusubukan nyo ba talaga ako?"
"Patayin!!" Sigaw nila.
Inikot ikot ko muna ang aking ulo bago dumapa. Umikot ako ng bilis at sabay sabay na pinatikim sa mga patay ang kamandag ng isang espada. Marami akong nakabangga sa daan kaya hindi ko magawang hanapin si souven at chin.
Natatakot ako sa kayang gawin ni chin. Ayokong saktan nya ang alipin ko, pero once na mangyari yun ako mismo ang magpapatikim sakanya kung gaano kasarap ang maging isang patay.
Namumuo na ang pawis sa aking noo at kinakapos na rin ako ng hininga.
"Ugh." Daing ko.
Nag karoon ako ng daplis sa aking braso. Hindi ko napansin na mayroon palang kalaban sa likod. Isinaksak ko agad sa kanyang tagiliran ang kutsilyong hawak hawak ko.
Nakakaramdam ako ng hapdi pero balewala lang ito. Simpleng sugat lang ito.
"Mukhang kailangan mo ng tulong ng isang gwapo mong pinsan ah." Hindi ko pinagka-abalahang tignan si tic. Tanging nasa patay lang ang atensyon ko. Marami sila. Kahit saan ako tumingi ay merong kalaban kaya wala akong panahon para makipag asaran rito kay tic.
Biglang nag blangko ang utak ko kaya muntik na akong mataga ng isang patay buti na lang at agad kong nasalag ang kanyang espada.
Nakipag espadahan ko sakanya.
"Damn it! Mamatay kana!"
Napapa atras ako dahil sa tindi ng pag hampas nya sa espada ko.
Nahinto ang pag atras ko ng maramdaman ko ang isang malapad na bagay. Likod ata ito ni tic.
"Uh oh." Bulong nito. "Team work ata to ah." Dagdag pa nya.
"Manahimik ka!" Patuloy ang pakikipag espadahan ko sa kalaban ko. "Palit nga tayo! Dito ka sa kalaban ko at ako naman dyan sa kalaban mo." Utos ko kay tic.
Bumilang ako ng tatlong beses bago kami nag palitan ng pwesto.
Wala pang isang segundo ay napabagsak ko na ang kaninang kalaban ni tic. Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi.
"Easy lang to pero hindi mo kayang talunin?" Halos sabay naming tanong.
Dinig ko naman ang pag tawa nya na hindi ko ginatungan.
"What so funny?" Iritable kong tanong.
Hingal na hingal ako. Sa wakas naubos rin namin ang mga patay na nakapalibot sa amin kanina.
"Ngayon ko lang kasi nakitang pag pawisan ka." Natatawa nyang sabi.
"Ewan ko sayo."
Inirapan ko sya bago tumakbong muli. Sinabayan nya ako sa pag takbo.
"Nasan si souven?" Tanong nya.
Hindi ko binalak na sagutin ito. Basta diretso lang ang tingin ko sa mga patay na nakikipag laban sa mga alagad ng bawat pinuno at sa aking mga kawal patin narin sa mga mamamayan.
"Wag mong sabihing..."
"Ang batang si siro ang dating chin."
"Ano?" Gulat nyang tanong.
"Kaya tumakbo kana at pumunta sa lab para sabihan si ty na pumunta sa mababang bundok."
"O-okay."
Lumihis sya ng daan para sundin ang utos ko.
Unti unting nahinto ang pag takbo ko hanggang sa mauwi na ito sa lakad na sinundan ng pag hinto. Nakaawang ng kaunti ang bibig ko.
Tanaw na tanaw ko ang mga kawal kong mga nakikipag laban parin kahit na ang iilan sa kanila ay nakahiga na sa lupa habang naliligo sa kani-kanilang dugo. Nag liparan rin sa kalangitan ang mga palaso na gawa ng mga alagad ni masd. Kitang kita ko rin ang mga alagad ni rick na may dala dalang itak. Pati ang alagad ni rose na tuwang tuwa habang hinahagis sa mga patay ang mga rosas na matulis ang dulo.
Napangiti ako ng makita ko rin ang mga mamamayan kong nakikipag laban rin kahit ang iilan sa kanila ay nakahiga na rin gaya ng mga kawal. Gusto kong humingi sakanila ng tawad. Ako ang may gawa ng lahat ng ito kaya maraming na mamamatay, pero hindi ito ang oras para mawalan ng lakas ng loob.
Pinunasan ko ang pawis ko sa aking noo bago tumakbong muli. Ito ang oras ng pag tutulungan kaya dapat wala akong aksayahing oras. Ito ang oras na itinataya nila ang kanilang buhay para lang sa kanilang hari kaya dapat ako ang maging matatag.
"Souven?"
Nag karoon ako ng pag asa ng makita ko ang maikling buhok ni souven. Agad itong lumiko sa kung saan kaya ko agad itong sinundan. Pamilyar ang lupang aking dinadaanan. Patungo itong mababang budok at paniguradong dadalhin ni chin ang alipin ko roon. Hindi maari.
"K-kuya... Tulungan nyo po ako..." Nahinto ako sa pag takbo at binalingan ko ng pansin ang musmos na bata.
Lumaki ang mata ko ng makita ang kanyang braso na binabalot ng dugo. Umupo ako sa lupa para buhatin sya.
Ng i-angat ko na ang aking ulo, wala na si souven. Nawala na sya sa aking paningin. Kailangan ko syang sundan pero kailangan rin bata ang tulong ko.
Hayy.
Agad kong itinakbo ang bata papunta ng palasyo. Wala man lang itong sandata o proteksyon sa katawan at mukhang marami na syang daplis ng patalim.
"Buksan nyo ang pinto!" Malakas kong sigaw.
Doon ako dumaan sa likod ng palasyo kung saan ito ang nag sisilbing pangalawang daan. Naka sarado ito kaya inutusan ko ang mga kawal na buksan ito na agad naman nilang sinunod.
Ibinigay ko agad sa isa sa mga kawal ang bata.
"Wag nyong hahayaang may makapasok na patay rito sa loob. Oo nga't usok lang sila tignan pero para rin silang tao na hindi kayang tumagos sa mga pader."
"Masusunod po."
"Bigyan nyo agad ng lunas ang mga natamo ng batang yan." Huli kong utos bago tumakbo papalabas ng bahay.
Hinanda ko na ang mga sandata ko at nilagyan ko na rin ng mga dugo ang bala ng mga baril ko. Pati rin ang espada at kutsilyo ay nilagyan ko.
"Nasaan si souven?"
Bumungad sa aking harapan ang isang lalaking humahangos. Ang karibal ko kay souven.
"Kinuha sya ni chin." Sagot ko.
"Ha? Anong kinuha eh nasa court parin si chin? Nakikipag laban sya kay matandang giro. Natalo na kasi ni tandang giro si ginoong kalbo gamit ang tungkod."
"Imposible.."
"Namalik mata ka lang siguro. Si souven lang ang nawawala at ang akala ko naman ay kasama mo."
Pinaandar ko na agad ang mga paa ko pero bago yun.
"Wag ka na ulit mag papamasahe kay souven ha." Bulong ko sakanya bago kumaripas ng takbo para hanapin si souven.
Kung hindi si chin ang kumuha? Edi sino?
Dumaan ako sa makipot at madilim na daan kung saan walang mga patay. Kailangan kong umiwas sakanila para mapabilis ang pag hahanap ko kay souven.
Unang pinuntahan ang mababang budok. Hingal na hingal akong umakyat roon pero wala paring souven ang nagpapakita.
Nilibot ko parin ang kabuuan ng bundok, nagbabakasakaling pinag tataguan nya lang ako. Kaso inabot na ako ng ilang minuto pero wala paring souven, kaya napag pasyahan ko ng Bumababa upang puntahan ang batis.
Tulad sa mababang bundok, wala ring souven ang nag pakita roon.
"Nakita nyo ba ang alipin ko?" Tanong ko kagubatan.
Ilang segundo muna ang lumipas bago nila sagutin ang tanong ko.
"Hindi namin nakita ang susi." Tugon ni mira na isang uri ng puno na namumuno sa buong kagubatan. Sya ang nag tangkang putulin ang paa ni souven.
"Sigurado ba kayo?" Paninigurado ko.
"Siguradong sigurado."
"Okay kung ganon... Sana tulungan nyo kaming mapatay ang chin."
"Imposible ang gusto mong mangyari. Hindi kami tutulong dahil ang usapan ay usapan."
"Kung ganon.. Mag ingat na lang kayo." Huli kong bilin bago lisanin ang lugar.
Alam ko naman ang kanilang dahilan kung bakit ayaw nilang makitulong. Siguro'y ayaw na na nilang maulit ulit ang nangyari sakanila nung nakisawsaw sila sa labanan.
Miski ako hindi ko gustong makalbo sila.
"Mahal na hari!"
Isang babae ang napaupo dahil sa sobrang hingal.
"Anong kailangan mo cat?"
"Nakita ko kung saan papunta ang kabayong sinasakyan nila souven." Kinakapos ang hininga nyang sambit.
Napakunot ako ng noo.
"Anong ibig mong sabihin sa salitang 'nila'?" I asked.
"May kasama si souven. Hindi ko natanaw ang kanyang mukha pero sa tingin ko babae sya. Halata sakanyang galaw." Her opinion.
Isa lang ang pinag hihinalaan kong kumuha sakanya. Si queeny yun at wala ng iba pa.
Ano na naman ang binabalak nya.
"Nasaan ang kabayo?"
"Yun na nga eh. Nagsi takbuhan ng takutin ng mga patay."
Bwiset.
Wala akong pag pipilian kaya tatakbo na lang ako.
"Sa tingin mo. Saan nya dadalhin ang alipin ko?"
"Patungo ang kanilang direksyon sa silangan kung saan doon ang daan patungo sa palasyo ni queeny."
Hindi na ako nag aksaya pa. Tumakbo na agad ako at tinungo ang silangan.
Malayo layo ang tatakbuhin ko neto.
"Queeny. Ano nanaman ang namuong plano sa utak mo."
------
Chin's POV
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ko sa aking bibig.
"Walang makakapantay sa kapangyarihan ko! Tandaan nyo yan!" Isang malakas kong sigaw.
Inilibot ko ang aking tingin sa mga taong aking nakalaban.
Ang babaeng nakaitim ay ngayo'y nakahandusay sa aking harapan at ang matandang sinubukan akong saktan ay nag hihingalo na lang.
Patay na rin ang nanay ng aking mahal.
"Pinatay mo ang mama ng mahal ko!"
Pinalutang ko ang lahat ng sandata sa paligid at pinag tutusok iyun sa babaeng naka itim.
"Para ka na ngayong isang tela na pinuno ng karayom ang katawan." Nakangisi kong sabi.
Hmmm.
Nasaan na kaya ang aking susi?
"Isang kahibangan ang pag subok na kalabanin ang bagong hari. Hindi mo alam kung anong kakaibang alay ang iginawad sakanya ng kanyang mga magulan- - "
"Masyado kang madaming dada!"
Itinarak ko sakanyang bibig ang hawak hawak nyang tungkod.
Nakakatuwang makita ang dugong lumabalabas sakanyang bibig at ang biglaan nyang pag bagsak habang mulat ang mata.
Napa-halakhak akong muli dahil sa tuwa.
Isang kalokohan ang sinasabi ng haring iyun? Walang sino man ang kayang lumamang ng aking kapangyarihan. Walang sinuman!
Hinding hindi ako kayang talunin ng isa lamang baguhang hari. Isa lamang syang hamak na hari na nag mahal sa aking susi.
"M-mahal na chin..."
Nilingon ko ang alagad kong si kalbo na unti unti ng naglalaho ang katawan. Nilapitan ko iyun.
"Napaka hina mong bobo ka!" Sumbat ko bago saksakin ng isang kutsilyong may bahid pa ng dugo.
Pinag masdan ko ang patalim na ito.
"Matalino ang dating hari. Nakahanp pa ng paraan kung paano mapatay ang aking alagad pero hindi uubra sa akin ang ganitong mga bagay. Walang mga sandata ang kayang tumalo sa akin! *evil laugh*"
Nag lakad na ako para lisanin ang court.
"Kay babango ng aking alagad." Sambit ko.
Natatanaw ko ang mga alagad ng bawat pinuno na nakikipag laban sa aking alagad.
"Kahit anong gawin nyong pag ubos sa alagad ko. Hinding hindi nyo parin kayang patayin ang tunay na chin na ito."
May ngisi sa labi kong inilibot ang aking paningin.
Kahit saan pa mag tago ang susi at ang hari hinding hindi parin sila makakatakas sa bagsik ng isang chin.
Ang bagong haring iyun. Pinag iinit nya ang ulo ko. Hindi sya tulad ng kanyang amang bobo. Naisip nya pa bagay na iyun na huwag lumaban sa akin habang wala pa akong kapangyarihan dahil ilang libong lakas ang balik ng kapangyarihan sa akin once na saktan nya ako. Bwiset na yun. Edi sana triple ang lakas ko ngayon kung sinubukan nya akong saktan nung wala akong kapangyarihan. Sa bagay, hindi nga naman sya tulad ng kanyang ama na bobo.
Ang ama nyang hindi kayang lumaban ng patas.
"Mahal na chin. Nakita ko pong sa silangan dumaan ang susi."
Pinag aksayahan kong ng oras na tignan ang aking isang alagad na nakaluhod sa aking harapan.
"Patungo sya sa aking mahal."
Mukhang ito na ang pinaka magandang regalong matatanggap ni queeny mula sa akin.
Sige. Pag bibigyan kong saktan o kung ano mang gawin nya sa susi basta ibalik lang nya ito na walang nababawas na dugo.
"Ihahanda ko na po ang kabayo- - "
"Hindi na kailangan. Bumalik kana ron at patayin ang mga walang kwentang taong yun." Utos ko sakanya.
Humikab muna ako bago nag lakad. Boring talaga kapag walang napapatay.
Sa isang iglap. Mawawal ang lahat.
Sa bandang huli mamamatay ang lahat.
"Katapusan mo na mahal na hari."
Isang demonyong tawa ang pinakawalan ko.
Kahibangan ang pag agaw sa aking susi.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now