Souven's POV
Buong gabi lang akong iyak ng iyak habang yakap yakap ko ang sarili kong tuhod. Tanging ihip ng hangin at kulay dilaw na sikat ng araw ang nakakasaksi ng lahat. Nanatili lang akong nakaupo rito sa malaking puno.
Naalala ko ang hari. Dito nga pala kami nag pahinga non nung dumudugo ang mata nya. Masaya lang kami nun habang sya'y natutulog.
Muli akong napahagulgol ng maalala ko na naman sya. Dinaig ko pa ang babaeng broken sa lagay kong ito.
"Ayoko na! Hindi ko kaya!"
Isang gabi ko palang hindi nasisilayan ang kanyang itsura ay sumusuko na ako. Paano pa kaya kapag umabot na ng linggo? Buwan o di kaya taon? Baka ikamatay ko na yun.
Para akong isang batang cow. Napaka ingay ng bibig kong nilalabasan ng kakaibang ingay na hinahaluan ng hikbi.
Napaka bigat ng pakiramdam ko.
"When you love someone don't give up on them and don't let them go."
Unti unting umangat ang aking ulo at tumambad si mr. Donald. No, katawan lang pala ni mr. Donald. Ang lakas nyang mag pangaral akala mo naman may experience na.
"Umalis ka nga! Di naman kita tinawag ah!" Pagpapalayas ko.
"Gusto kong magpakita kaya wala kang magagawa- - "
"Bala ka sa buhay mo!"
Niyuko ko na lang ulit ang aking ulo at umiyak na lang ulit na parang isang baka.
"Narinig ko ang pinag usapan nyo ni tanda."
"Wala ka na don. Manahimik ka nalang!"
Gusto kong mapag isa pero paano kung may taong umaaligid aligid sa akin.
Thirp...
Kailangan ko ng thirp. Kailangan ko sya. Thirp. Ang thirp ko..
"Mahal mo ang hari pero bakit hindi sya ang pinili mo. Kung ako sayo malamang ang hari ang pipiliin."
"Mahal ko din ang kaibigan ko! Sabihin mo nga kung sino ang dapat kong piliin!"
"Syempre yung mahal mo."
Tanga din nitong kausap ko eh.
Pareho ko ngang mahal eh tapos sasabihin nyan na yung mahal ko ang piliin.
"Lumayas ka na nga lang rito!" Bulyaw ko.
"Bahala ka. Ako na nga itong nagmamalasakit ako pa itong pinapalaya- - "
"MANAHIMIK AT SUMUNOD KA NALANG!"
Umatungal na naman ako ng maalala ko ang linya na yun. Bwiset, na aalala ko na naman ang hari.
"Bahala ka nga riyan!"
Inangat ko ang aking ulo para matiyak na aalis na nga sya.
Nalulungkot ako. Nalulungkot ako kasi wala man lang akong matinong karamaya. Hindi naman pwede sila veany dahil may problema rin sila kay eitsy.
Hay.
Okay na rin yun at least nailigtas ko ang buhay ng aking kaibigan.
Sumilay sa aking labi ang isang simpleng ngiti na nag papahiwatig na okay lang ako.
Tumayo ako para hubarin ang damit na pinasuot ni ate saysas sa akin pati ang belo tinanggal ko na rin pero ang kutsilyo hindi ko binalak na itapon.
Naglakad ako habang nakatungo.
Gutom at mabaho na ako.
Paano ako neto? Eh sabi ni lola lumayo ako sa hari pero hindi naman maiiwasang mag kita kami lalo na't ako ang alipin nya.
*poink*
"Tumingin ka nga sa binabangga mo!"
Hindi ba dapat 'tumingin ka sa dinaraanan mo'
Hindi ko pinag aksayahan ng oras ang nag tangkang sigawan ako. Lumihis ako ng daan.
Nag lakad na lang akong muli habang nakatungo parin.
Hindi ko maipagkakaila na namimiss ko na ang hari. Kahapon mag kasama lang kami tapos ngayon hindi na.
Nagulat ako ng may biglang humigit ng kamay ko dahilan para ma out of balance ako.
Isang nakakahilong untog ang natamo ng ulo ko.
"I miss you."
Nangilabot ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki na syang nag patayo ng balahibo ko at nag pasigla sa lantutay kong pangangatawan.
Nanlambot ang tuhod ko ng makatanggap ako ng isang mahigpit na yakap mula sa kanya.
Isang napaka higpit na yakap ang itinugon ko rito.
Napapaiyak na naman akong muli.
Palagi syang nandyan kapag kailangan ko kaya ayoko syang saktan. Ayokong iwan sya at muli na namang kamuhian ang mga babae. Espesyal ako sakanya, alam ko yun kasi mahalaga ako sakanya at ganun din sya para sa akin.
Para akong isang tutang uhaw na uhaw sa pag mamahal nya.
"Thirp. I-i'm sorry.. Di ko sinasadya." Humihikbi kong pag papaumanhin sakanya.
"I like you, i miss you, i love you, yun ang tatlong katagang paulit ulit na sinasabi ng bibig ko nung wala ka sa tabi ko."
Mas lalo akong nanlumo.
Naaawa ako sakanya at nagagalit naman ako sa sarili ko. Wala akong karapatang saktan ang isang tulad nya na nagmamahal lang naman at wala akong karapatang ipagkait yun kasi ginusto ko din naman.
"Buong magdamag kitang pinanood habang umiiyak ka. Alam mo bang gustong gusto kitang lapitan at yakapin para naman mabawasan ang luhang lumabalabas mula sa iyung mata. Kaso minabuti kong hayaan ka. Napaka tanga ko dahil ang akala ko, magiging mabuti yun. Ngayon ko lang napagtanto na mas kailangan mo ng kasama kaysa sa mag isa." Bulong nya sa aking tainga.
Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilin ang nagbabadyang hikbi. Ako yung nasasaktan sa mga oras na to. Sa tuwing iniisip ko palang na iiwan ko sya ay nanlulumo na ako.
Humugot ako ng lakas ng loob na kumalas sa pag kakayakap.
Matapang akong humarap sakanya habang pinupunasan ang luhang kanina pa nag wawala.
"Gawin mo na lang palagi yun."
Napakunot sya ng noo na tila'y naguguluhan.
"A-ang alin?"
"Ang palaging hayaan ako. Sorry thirp pero... Hindi na kita gusto."
Napatungo ako ng banggitin ko ang huling katagang binitiwan ko. Nag sisisi akong binitiwan ko yun pero kailangan. Ayoko man syang saktan pero kailangan. Kasi nga kailangan.
"So?"
Pinunasan kong muli ang ang mga mata ko na nilabasan na naman ng luha bago ko iangat ang aking ulo.
"Tumigil ka sa kaka so mo. Ngayong hindi na kita gusto, dapat layuan mo na ako. Pareho nating iisipin na wala tayong pinag samahan- -"
Muli nya akong niyakap ng napaka higpit.
Nanginginig ang kamay ko at bibig ko sa tuwing gagawin ko ang maling desisyon na ito.
Hindi pa nga nag uumpisa sumusuko na agad ako. Napaka hina kong tao.
Mariin kong ipinikit ang aking mata.
"Wala akong pake, alam kung wala ka ng gusto sa akin. Hangga't may gusto parin ako sayo. Wala paring mag babago kasi ako ang nasusunod sa lahat ng aking inuutos."
Mabuti ng gawin ko ito para tigilan na rin ako ni queeny at huwag na idamay ng nanay nya ang mga kaibigan ko.
Mahirap man pero mas okay na ito kaysa naman mapahamak sila.
Naglakas loob akong kumalas sa pag kakayakap. Nanginginig ang kamay ko.
Pinilit kong isinampal ang palad ko sa kanyang pisngi.
'Sorry. Hindi ko gustong gawin yun. Sorry talaga' bulong ko sa aking utak.
"Isang sampal dahil sa ginawa mong pambabastos. Simula ngayon, isa na lang akong simpleng tao na walang connection sayo."
Taas noo ko syang tinaasan ng kilay.
"Wag mo na ako kakausapin,pipilitin,lalapitan at mamahalin."
"Alipin kita kaya natural lang kausapin,pipilitin,lalapitan at mamahalin kita."
"Subukan mong tumiwalag sa usapan at ako mismo ang makakalaban mo!"
Isang pilit na irap ang ipinukol ko sakanya bago nag lakad.
Ramdam ko ang kanyang mainit na kamay na nakahawak sa aking kamay.
Tinabig ko agad ito.
"Sira ulo ka noh! Subukan mo pang bastusin ako. Malalagot ka sa.... B-b-b-b-boy- - basta. Lagot kasa boyfriend ko!"
Naglakad ako ng mabilis para hindi nya ako masundan.
Kainis. Lubayan mo na ako thirp. Please naman makisama ka.
Narinig ko ang pagtawa nya habang nakasunod parin sa akin.
"Wala naman tayo sa palabas para umakto ka ng ganyan." Natatawa nyang sambit.
Mas binilisan ko pa ang pag lakad ko hanggang sa maging takbo na ito.
"Ugh. Just leave me alone!" Singhal ko habang tumatakbo.
"Kung ayaw mong mauwi sa kasalan edi umpisahan ulit natin sa simula. Tawagin mo na lang ulit akong haring supot kung yun ang gusto mo." Tugon nya.
Paano ko lalayuan ang lalaking ito? Kung makulit pa sya sa mas makulit?
Sya na nga mismo ang lumalapit.
Pare pareho kami nitong mapapahamak kung hindi nya ako lulubayan.
"Wag mo na ko sundan! Pupunta ako sa bangin para makipag date sa aking boyfriend kaya umalis kana!" Bulyaw ko.
"Pwes ako mismo ang magiging dahilan ng break up nyo!" Nakakaloko nyang tugon.
Diyos ko.
Ako ang mapapahamak neto eh.
Hingal na hingal akong huminto habang nakahawak sa aking tuhod.
Pwede na siguro akong maging runner dahil sa sobrang bilis ng pag takbo ko para lang lumayo sa lalaking yun.
"Alipin ko..."
Nanlaki ang mata ko ng banggitin nya ang salitang yun habang ang tono ay parang nang aakit na pa cute.
"H-hoy! Tigilan mo ko ha! Hindi mo ko alipin! Wala naman akong pinirmahang kontrata para maging alipin mo! Kaya walang patunay na alipin mo ako!"
"Diba tayo yung cute couple? Diba ikaw pa nga ang pretty drudge at ako naman ang bombastic king?"
What the hell! Pinapaalala nya ang- - ugh. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko.
Mahirap talagang takbuhan at kalimutan ang nakaraan.
"Kelan ko sinabi yun? Hala. Pa imbento!"
"Bakit namumula ang pisngi mo? Ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit?" Dahan dahan syang humakbang papalapit sa akin kaya naman napapa atras ako. "Kung hindi mo na ako gusto... Bakit ka parin kinilig sa gwapong nasa harapan mo?"
Nakita ko ang simple nyang pag ngisi.
Agad ko namang tinakpan ang aking pisngi na puputok na sa sobrang init.
"Assuming!" Agad ko syang tinulak at tumakbo na agad ng mabilis.
"Baka nakakalimutan mo na ako! Ako si thirp kniff yung taong nag pa-ibig sayo!"
Grabe.
Hindi ko na kaya. Hindi ko kayang tiisin to. Pero dapat kayanin ko.
"Ako ang hari mo! Ako yung partner mo! Ako ang bombastic king! Ako yung tinawag mong haring supot! Ako to! Yung taong minahal mo!"
Bumuga ako ng hanging bago huminto at harapin sya.
Nakangiti sya sa akin.
Napaka gwapo mo. Sana nababasa mo ang utak ko.
"Hoy! Hindi ako nagka amnesia kaya hindi mo kailangang ipaalala ang lahat! Pwede ba! Shu shu! Alis na! Baka magalit pa sakin ang boyfriend ko kapag nakita ka pa nya!"
Kumunot bigla ang kanyang noo. Tinignan nya ako ng masama.
"T--teka. Bakit ganyang ka makatingin! Ha!"
"Sabi mo magagalit sayo ang boyfriend mo sayo kaya heto. Nagagalit na ko."
Aba naman talaga oh.
"Putek! Thirp. I love you!"
Napahawak ako sa aking bibig ng sabihin ko yun.
Hindi ko na kasi kaya. Mahal ko sya kaya kailangang ilabas yun.
Nakita ko naman ang matamis nyang ngiti.
"Wala kang matatanggap na i love you too mula sa akin. Pag katapos mo akong patakbuhin at hingalin. Ano ka? Sinuswerte?"
Tumingin tingin ako sa paligid bago humakbang palapit sakanya.
Saglit ko syang niyakap bago muling lumayo sakanya.
"Hayy. Ang tipid mo naman sa yakap. Magkano ba yang yakap mo? Masyado akong naaadik kaya pwedeng pabili ako?" Pagrereklamo pa nya.
"Shhh.. Wag ka maingay baka makita nya tayo." Bulong ko.
Pwede kong gawing dahilan ang pagiging alipin ko para makasama sya.
Tumingin akong muli sa paligid. Kinuha ko ang mahabang baging sa di kalayuan gamit ang kutsilyong ibinigay sa akin ni ate saysas. Pinutol ko yun.
"At ano namang gagawin mo sa baging na iyan?" Tanong nya.
Kinuha ko ang kanyang kamay at itinali ang baging sa isa sakanyang kamay habang ako itinali ko rin sa dalawa kong kamay ang kadugsong na baging.
"This is shit!" Pag rereklamo nya na animo'y naiinip sa isang pila.
"Lakad na!" Utos ko.
"Maglalakad lang? Tapos kailangan pa ng ganito?"
"Ipapaliwanag ko sayo basta umasta kang hari at aasta akong alipin okay."
"Ayoko neto- - "
"Subukan mong tanggalin. Sige ka tapos ang love story'ng ito!"
"Sino bang may sabing tatanggalin ko? I che-check ko lang matibay ang pagkakatali."
"Tss. Palusot."
Naglakad naman na agad sya gaya ng inutos ko.
Natatawa na lang ako sa sarili ko. Masyado kong sineryoso ang sinabi ni lola ayan tuloy nakalimutan kong alipin nga pala ako ng hari kaya natural lang na mag sama kami sa kahit saang lugar.
"Sabihin mo sa akin kung anong meron? Kailangan kong malaman ang lahat sapagkat ako ang dakilang pinaka gwapo at pinaka magaling na pinuno ng lugar na ito. Sa madaling salita, ako ang gwapong hari."
Hay.
Mayabang lang sya kapag ako ang kasama nya. Palibhasa hindi ko magagawang umangal kasi nag sasabi naman sya ng totoo.
"Ang isa kasi sa mga kaibigan ko ay bigla nalang nilabasan ng maraming dugo sa bibig dahilan para maguluhan ang utak naming lahat."
"Teka." Nahinto kami. "Walang lunas?"
"Oo."
"Ang manggagamot ang may gawa noon."
"Alam ko. Kaya nga pinuntah- - "
"Ano? Pinuntahan mo ang matandang yun?" Gulat nyang sigaw. Naglakad na kaming muli.
Mahirap din talagang makipag kwentuhan sa mga taong napaka o.a.
"Ganun na nga. At doon na nag simula ang katangahang nagawa ko. Sorry ha, kasi nagmukha akong shunga sa harap mo."
Dapat ko bang sabihin sakanya? Okay. Wag ng mag isip pa. Kailangan nyang malaman kasi hari sya.
"Binantaan ka nya at pinapili kung sino sa amin ang pipiliin mo. Ang kaibigan mo ba o ako at ang pinili mo ay kaibigan mo kaya tumungo ka sa puno at doon nag palipas ng gabi habang umiiyak."
Napanganga ako ng sunod sunod nyang sabihin ang mga ginawa ko.
Alam nya naman pala ang nangyari tapos gusto pa nyang malaman ulit?
"Alam mo naman pala eh!" Singhal ko.
"Gusto ko lang makasiguro at isa pa. Hindi ko papalagpasin ang ginawa mo!" Sigaw nya sa akin.
"Alin don? Marami kasi akong nagawang hindi maganda sayo."
"Yung... Pag balewala mo sa akin. Pinahinto ko kayo sa paglakad pero ikaw! Naglakad ka parin!"
"A-ah. Hehehe yun ba? Um. Sige sorry."
Ayos na ang ganito. Mag panggap na isa lang akong alipin at isa lang syang hari. Sa ganitong sitwasyon walang makakaalam na may lihim kaming pag tingin sa isa't isa.
"Hindi sapat ang sorry mo." Pagmamatigas nya.
"Ano pang kulang para maging sapat?"
Ang cute nya kapag nagiging bata ang asta nya.
"Paulit ulit ko ng ni re-requet sayo yun! Isang masahe lang naman gaya ng ginawa mo kay dake!"
Halos sumabog ang bibig ko sa biglang pag bulwak ng tawa ko.
Hanggang dito ba naman, dala dala nya parin si dake? Siguro mag ama sila.
"Oo na. Mamaya na lang okay."
"Dalawa ang request para sa isang pagkakasala."
"So ano pa yung isa?"
"Isang..."
Tanaw ko ang gwapo nyang mukha na medyo namumula pa ang pisngi.
"Isang ano?" Tanong ko.
"Isang kiss lang sa noo."
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel