Souven's POV
"Ehem.." Pag agaw ko ng atensyon ng hari. Busy kasi sa pakikipag daldalan sa iba.
"Bakit?" Tanong nya.
Hay. Kahit anong gawin ng iba, babalik at babalik parin ang atensyon nya.
"Um. Punta lang ako sa mga kaibigan ko. Babatiin ko lang sila"
"Good.." Pag singit ni queeny.
"Tss. Good? Eh kung ingudngod kita dyan" bulong ko na tanging ako lang ang nakarinig.
"Hindi pwede. Sa tabi lang kita" hindi nya pag payag.
Kita ko naman ang pag kadismaya ng queeny'ng espasol.
"Please..." Pagmamakaawa ko.
Hinawakan ko ang kanyang hinlalaki at nag pa cute. Tumingin ako sa kanya.
"S-sige n-na. Basta susunod ako." Pag payag nya.
Hay. Palagi talagang effective ang pag papacute ko.
Nabaling naman ang tingin ko kay queeny na halatang naiirita sa inakto ko. Nakangiwi ito.
Isang mapang asar na kindat lang ang tinugon ko sa kanya bago tuluyang pumunta sa mga kaibigan kong naka palibot sa isang lamesa na nababalutan ng kulay puting mantle. May hawak ang mga ito na alak.
"Hi guys" masiglang bati ko sa kanila.
Napakunot akong bigla ng mapansin kong kulang sila.
"Where is eitsy?" Nagtatakang tanong ko.
Umupo ako sa tabi ni dake na nakangiting naka tingin lang sa akin. Kinuha ko ang isang basong alak na nasa harap ko. Nilagok ko agad ito at medyo napapikit ako ng mariin, ang tapang kasi masyado.
"Nagpasama lang kay ate saysas" tugon sakin ni veany.
"Ahh. Ganun ba.."
"Kamusta kana souven?" Nanlalambing na tanong ni dake.
"I'm okay. Teka. Hanep ang suot mo ah" pag puri ko sa suot nya.
Pinag masdan ko mga suot nila grew at veany na talaga namang magara.
Kulay-lila na dress ang suot ni veany. Habang pormal naman ang suot nila grew at dake na talaga namang pinag mamayabang ang mga suot.
"Si ate saysas ang bumili samin neto." Pag mamayabang ni veany at umikot ikot pa para makita ko ang kabuuan ng suot nyang damit.
Syempre hindi naman ako papakabog.
Taas noo akong tumayo sa harap nila at nag paikot ikot.
"Iba ka talaga souven" pag puri sa akin ni grew. Mang hang mangha silang tatlo sa suot ko.
"Naka queen outfit ang ate mo!" Wika ni veany.
"Ang ganda mo" mahinang sabi ni dake, sapat para marinig ko.
"Alam mo kahit sabihin mong maganda sya o maganda yun. Alam kong sakin parin babagsak ang katagang 'ang ganda mo'. Wala eh maganda eh" pag mamayabang ko.
Minsan lang ako magyabang sakanila ng ganto kaya lulubos lubusin ko na. Madalas kasi akong walang maipag malaki sa kanila. Palibhasa mga mayayaman sila, siguro kung nasa lugar namin kami malamang hindi ko kayang bilhin ang ganitong damit kahit na nasa ukay ukay pa to.
"Teka lang. May nang yari na naman ba sayo kahapon?" Tanong ni veany.
Unti unting nag laho sa labi ko ang isang matamis na ngiti. Bumalik na ako sa pag kakaupo at muling nilagok ang bagong salin na alak.
Ayokong pag alalahanin ulit sila. Mabuting wag ko na lang ipaalam sa kanila.
"Tss. Walang kayang makipagbuno sa isang tulad ko noh. Subukan nilang kundi makakatikim sila ng bumubulusok na sampal"
Ngumiti ako ng pilit na ikinatawa nila.
"Mag iingat ka palagi ng hindi ka napapahamak. Alam mo namang isa kang sumpa sa lugar na to" pagbibiro ni grew.
"Sira ka talaga grew" pag sita ni dake.
"Nga pala. Kamusta na ang mga katawan nyo? Maayos na ba? O nasakit parin?" Nag aalala kong tanong.
Nilagok muna ni veany ang isang baso ng alak bago sumagot.
"Pwedeng pwede na nga kaming makipag digma. Effective talaga ang pina inom samin ni ate saysas" tugon nya.
"Ako masakit parin. Pwede mo ba ulit i massage ang balikat ko?" Pagsusumamo ni dake.
"Ano ka? Batas?" Pambabara ko.
"Please. Ibibigay ko na lang sayo yung kotse ko" pamimilit nya.
"Di na kailangan. Mag babike na lang ako. Sa bike, di ko na kailangang mag pagasulina eh sa kotse mo kulang pa ang isang baso"
Mukhang tinamaan na agad ako sa alak na ininom ko. Kung ano ano ng pinag sasabi ko.
"Ilayo nyo kay souven ang alak. Baka mag wala na naman yan gaya nung nangyari sa resto" utos ni grew na agad namang sinunod ni dake.
Inilayo nga nila ang alak sakin at dapat lang akong mag pasalamat. Ayoko na talagang maulit ang kahihiyang nagawa ko noon. Nag wala lang naman ako sa isang resto kung saan nag ce celebrate ng anniversary nila. Kaya hindi ko maiwasang mapainom lalo na't may pa libreng alak sila.
Umiling iling ako para mabalik sa katinuan. Ang tapang naman kasi masyado ng alak nila dito. Dinaig pa ang alak sa bar eh.
"Hello!"
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng biglang pag sulpot ni tic. Buti na lang at nasalo ako ni dake.
"Sino naman to?" Tanong ni veany. Halata sa mukha nya ang pag kairita.
"I'm souven's boy" pagpapakilala nito.
Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa walang hiyang sinabi nya. Ang lakas pa nyang ilahad ang kanyang kamay at talagang umaasang makikipag kamay ang mga kaibigan ko sa kanya.
Balak ko na sana syang tawanan kasi mukhang mapapahiya sya kaso mukhang ako ang mapapahiya. Merong nakipag kamay sakanya.
Si dake lang naman.
"Hi. Dake nga pala. Ako lang naman ang asawa ni souven"
Ano?
Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makisakay pa si dake.
Bahagyang natigilan ang lahat mulhang ang dalawa lang nag kakainitindihan. Pareho silang nag ngingitian.
Naku naman oh. Dalawang sira ulo nagsama.
"Haba ng hari ni souven ah" pagbibiro ni veany.
Iritang tingin ang ibinato ko sa kanya.
"Hoy! Ano walang balak bumitie sa pakikipag kamay?" Irita kong tanong sa kanila.
Lagpas sampung segundo na kasi silang nag kakamayan. At nag ngingitian ng pilit.
Ako na mismo ang nag tanggal ng pag kakapit ng kamay nila.
"Woa. Boyfriend nga naagaw husband pa kaya?" Pag paparinig ng mokong na tic.
Akma kong itutumba ang upuang bakante ng bigla itong upuan ni tic. Ako na ngayon ang nasa gitna ng dalawa.
Piling close naman kasi tong tic na to.
"I'm tic. At ikaw?" Tanong nito kay grew.
"Grew nalang dude" tugon nya.
Nabaling ang tingin nito kay veany.
"Ikaw?" Tanong nya.
"Veany. Alam mo pwede ka saking mag apply tutal wala pa naman akong employee" pagbibiro nito kasabay ng pag kindat.
Hay.
Isang virus talaga ang tic na to, pati si veany nahawa na sa kalokohan ng lalaking to.
"Umm. Pwede ko bang i date ang kaibigan nyo?" Tanong nito.
"No." Pagtutol ni dake.
Anong akala nya makikipag date ang isang tulad ko sa tulad nya?
"I don't need your opinion. Bro" sambit ni tic.
"Tandaan mo. Sa aming magkakaibigan. Ang opinyon ko ang laging final" nakangising sabi ni dake.
Actually tama naman si dake. Palaging opinyo nya ang final pag dating sa aming magkakaibigan.
"Hmm.. Nakakaamoy ako ng gera ah" pag singit ni grew.
"Well, kaya kong makipag gera para sa nararamdaman ko" wika ni tic na animo'y nag tutula.
Napa face palm nalang talaga ako.
Yung trip ni dake kaya ko pang sabayan pero etong kay tic? Mukhang hindi. Para syang baliw na nagtutula.
"Abot mo nga yung alak" utos ko kay grew. Agad itong umiling.
"Bawal daw sabi ni dake" pagdadahilan nya.
Ang gunggong talaga.
"Bawal. Bawal. Bawal" wika ni dake kasabay pa ng pag iling.
"Yap. It's bawal" pag singit pa ni tic.
ano bang prblema ng mga to? Piling mga boyfriend eh.
Halos mabaliktad ako sa ginawang pag hila ni dake sa aking upuan papalapit sa kanya.
"Mahirap na, baka manyakin ka" bulong nya.
Ang sira ulong tic. Hinila din ang upuan ko papunta sa kanya.
"Safe ka sakin" bulong nito.
Hinigit ulit ni dake ang upuan ko hanggang sa nag higitan sila. Sa mga oras na to, hinihiling ko na sana mataba nalang ako. Para hindi ako mahigit ng mga ito. Kakahilo kaya.
"Bro ano bang problema mo?" Maangas na tanong ni dake na sinabayan pa ng pag tayo.
"Wala naman baka ikaw may problema" tugon ni tic. Tumayo rin ito na parang nanghahamon.
"Hey? Ano bang trip nyo? Magsi tigil nga kayo- - "
Naudlot ang sinasabi ko ng makaramdam ako ng mainit sa aking kamay.
Shit. Ang unti unti ng nabubuhay ang dugo ko. Nag tatayuan na naman ang balahibo ko. Mukha alam ko na kung sino ito..
"Tapos na ang oras mo dito alipin ko"
Tama. Ang hari nga.
Wala sa sarili akong napatayo at hinarap sya. Wala kang makikitang ni anong reaksyon sa mukha nya. Diretso lang itong nakatingin sa akin.
"Teka teka. Isasama mo na nama- - "
"Shut up. Tic!" Singhal nya kay tic.
Nanlamig ang buo kong katawan. Ramdam ko sa tono ng pananalita nya na galit sya. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot ng ganito. Bakit nga ba ako natatakot.
"Aalis kami ng alipin ko dahil akin lang sya" wika nito kay tic bago ako higitin upang ilayo sa kanila.
Wala pang dalawang hakbang ang nalalakad ko ng makaramdam ako ng pag pigil. Ramdam ko ang isang kamay na nakahawak sa braso ko na syang naging dahilan ng pag hinto namin.
"She's mine"
Hanubanamanyan.
Napukaw ang tingin ko sa kanyang kamay. Dahn dahang umakyat ang tingin ko hanggang sa isang maangas na mukha ang bumulaga ng mga mata ko.
Diyos ko naman dake.
"No. She's mine" dagdag pa ni tic bago hawakan rin ang braso ko.
*glurp*
Tatlong tao ang ngayo'y naka hawak sa braso't kamay ko. Dinig ko ang mahinang pag tawa ni veany na syang ikinainis ko.
"H-hoy a-ano ba-ba kayo. B-bitiwan nyo nga ang braso ko" nauutal kong utos sa kanila.
Para naman silang istatwa na hindi man lang gumalaw. Mas lalo pang humigit ang pag kakapit ng mga ito sa braso ko habang nanatiling normal ang pagkakahawak ng hari sa kamay ko.
Ang hari ang nasa harap ko habang nakatalikod at si tic at dake naman ang nasa gilid ko habang hawak ang braso ko.
Pansin kong ilang beses huminga ng malalim ang hari bago bitiwan ang kamay ko na sya namang ikinadismaya ko.
Hinarap nya kami, nanatili paring walang reaksyon ang mukha. Nakatingin ito sa dalawang kamay na nakahawak sa braso ko. Dahna dahan nyang inangat ang kanyang dalawang kamay at akmang hahawakan ang kamay nilang dalawa.
"Ow. Shit" bulong ni tic bago agad na tinanggal ang kanyang kamay sa braso ko.
Nahinto ang hari sa kanyang balak. Naagaw ni tic ang atensyon ko. Napapa atras ito habang naka tingin ng diretso sa mata ng hari. Nahihiwagan ako, bakit parang natakot bigla si tic ng akmang hahawakan ang kamay nya. Anong kakaiba sa titig ng hari.
"Ow. God. Bro tanggalin mo yang kamay mo kung ayaw mong mag sisisi ng sampung taon" huling sigaw nito bago tuluyang kumaripas ng takbo.
Sumilay sa hari ang isang mapaglarong ngisi.
Pano nya natakot ng ganon si tic?
Kinakabahan ako. Anong gagawin nya?
"Dake. Bitiwan mo si souven" utos ni grew kay dake na kasalukuyang walang balak bitiwan ang braso ko.
Pinilit ko namang tanggalin ang kanayang kamay kaso. Masyado syang malakas.
"Hey? Dake? Listen to him!" Singhal ni vean.
Miski sila kinakabahan din sa kung anong mangyayari.
"D-dake. Bitiwan mo na ang braso ko"
Madilim ang kanyang mata. Nakatungo habang naka ngisi.
"Hoy dake!"
"Bro. Bitiw na!"
Napako ang tingin ko sa kamay ni thirp na unti unting tinatahak ang kamay ng aking kaibigan na nanatiling nakahawak parin. Habang palapit ng palapit ito ay pabilis rin ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Parang may mangyayaring iba kapag nahawakan nya ito.
"Shit"
Nakahinga ako ng maluwag ng bumitiw si dake. Nagmura pa ito bago bumitiw eh.
Kita sa kanyang mata ang pag kabigla. Tulad ng reaksyon ni tic ganun din ang naging reaksyon ni dake. Nakahawak sya sakanyang kamay habang umaatras. Titig na titig ito sa kamay ni thirp, para syang nakakita ng multo.
"Tara na"
Hindi ko na nasubaybayan ang sumunod na nangyari kay dake ng higitin na ako ng hari papalayo sa kinaroroonan nila.
Hindi ko parin talaga maiwasang mahiwagaan sa lalaking nakahawak sa kamay ko.
Anong ginawa nya't biglang napa bitiw ang matikas na si dake. Si dake ang uri ng lalaking walang kinatatakutan kahit principal payan. Pero this time, ibang dake ang nakita ko. Napaurong ito. Napaurong sya ng hari ng hindi man lang nakikipag away o kung ano.
Hindi din nakipag sagutan ang hari sa kanya, miski nakipag suntukan o di kaya'y nagbanta. Akala ko pa naman kilalang kilala ko na sya yun pala akala ko lang.
-----
Dake's POV
Sunod sunod na lagok ang ginawa ko. Halos naubos ko na ang isang boteng alak pero hindi parin ako nababalik sa reyalidad. Nakakapag taka.
Ano yung nakita ko?
May kakaiba sa kanyang mata at sa kanyang kamay.
Nakaramdam ako ng init ng ilapit nya ang kanyang kamay. Para itong bulalakaw na dahan dahang babagsak. Ganon ang epekto sa akin ng kanyang kamay. Parang nabablutan iyun ng lava. Parang matutunaw ang kamay ko once na hawakan nya ito.
Ang mata nya. Nakakakilabot ang mga iyun. Parang isang mata ng dragon.
Ano bang klase ang haring yun? Dapat kong pagkatiwalaan yun? O dapat bang ilayo ko sa kanya si souven.
Baka mapahamak ang asawa ko ng dahil sa kanya.
"Hay. Wag mo ng takutin ang sarili mo dake. Wag kang magbibiro ng ganyan okay"
Diretso akong tumingin sa mga mata ni veany.
"Look. I'm serious"
Tinapunan ko sya ng seryosong tingin upang mapatunayang nag sasabi ako ng totoo at hindi nag bibiro.
"Okay fine. I'm lost" pagsuko nya.
Muli kong nilagok ang isang baso ng alak.
"Ano bang klase ang nakita mo sa mga mata nya?" Seryosong tanong sa akin ni grew.
"Parang isang mata ng dragon ang nakita ko. Hindi ko alam. Basta once na makita mo yun talaga tatayo at tatayo ang balahibo mo. Teka hindi nyo ba napansin yun?"
"Wala akong napansin sa kanya basta ang alam ko may kakaiba"
"Kakaiba ang mga tao sa lugar na ito. Kakaiba talaga.."
Muli ko na sanang iinumin ang bagong saling alak ng mapukaw ang atensyon ko sa isang tao na hindi kalayuan sa amin. Isang taong ang suot ay puro itim. Agad itong nawala sa paningin ko.
Tumayo ako para san sundan yun ng pigilin ako ni grew.
"San ka pupunta?" Tanong nya.
Hindi ko na lang ito tinugon at minabuting maupo na lang.
Ang dami kong nakikita na hindi ko naman pwedeng tignan. Iba't iba ang katangian ng mga tao rito. Hindi sila normal kaya wala kaming laban. Takot lang namamayani rito at hindi kapayapaan. Kahit anong gawing pag ngiti ng lahat kita parin sa mga mata nila ang takot. Tanging mata lang ang hindi nag sisinungaling. Mata lang.
Tanging mata rin ang nagbibigay takot.
"Kamusta na kayo riyan"
Nabaling ang pansin ko kay ms. Saysas na kasalukuyang naglalakad papalapit sa amin. Kasama nito si eitsy. Malungkot ito tignan.
"Umm. Okay lang naman po" tugon ni veany.
Napakunot ako ng noo kay eitsy. May tinago ito sa kanyang likod.
"Um.. H-hi guys" bati nya sa amin.
Mukhang walang energy si eitsy. Hindi man lang nito kayang ngumiti kahit pilit lang.
Tahimik itong umupo sa tabi eitsy habang si ms. saysas ay umupo sa bakanteng upuan.
"San kayo galing?" Naka taas ang kilay na tanong ni veany.
"Somewhere" tipid nitong tugon.
Hmm. Hindi ako sanay sa pagiging malungkot ng bibong babaeng ito. Sya ang itinuturing naming baby girl sa aming magkakaibigan. Kaya hindi ako sanay na makita syang nalulungkot.
"It's okay eitsy" pagpapakalma ko sa kanya bago muling inumin ang alak.
Muli akong napapikit ng dumaloy ang alak sa lalamunan ko. Para nitong sinusunog ang esophagus ko. Kakaiba ang alak nila dito.
"Um. Si souven?" Tanong ni eitsy.
"Hayun. Kasama na naman ang hari nya. Gawain nya kasi eh" tugon ni veany.
Muli na namang sumagi sa aking isipan ang mga mata at kamay ng hari.
Wag sana nyang saktan si souven lalo na't sya ang madalas nitong kasama.
-----
Souven's POV
Nakaupo lang habang ang haring kasama ko ay nakikipag usap sa iba.
Mabuti pang nadon ako kanina sa mga kabigan para kahit papaano may kausap ako.
Napasalong baba na lang ako habang tinatanw ang mga kaibigan kong nakaupo sa malayo. Ang boring. Bawal uminom bawal umalis bawal syang iwan. Grabe ang daming bawal sa kanya.
Inis kong tinignan si queeny na kausap nya peri hindi lang silang dalawa ang mag kausap noh may kasama pa silang lalaki yung pandak na lalaki kausap rin nila.
Aba kung silang dalawa lang ang mag uusap mag e-eskandalo talaga ako.
"So boring"
Nakanguso akong nakatingin sa kanila habang ang queeny ay pasimpleng hinaharot ang hari. Kunwaring nag tatawanan pero gusto lang talagang mahawakan ang balikat ng hari na ka'y lapad.
Hay. Napaka desperada nya. Sarap nyang bigyan ng barya para matahimik na.
Kainis.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel