Chapter 11

49 3 0
                                    

  "Another one year aking alipin" nakangisi nitong sambit.
"Wala akong pake okay!" Pagmamataray ko.
Pamartya akong tumungo sa pinto upang lumabas habang sya nananatiling naka-upo. Wala sigurong balak pigilan ako.
Itinulak ko ang pinto ngunit parang bato ito na ayaw gumalaw.
"Wait. Dapat tatapat lang ako sa pinto para mag bukas ito"
Minabuti kong tumayo sa tapat ng pinto at nag hintay na mag bukas ito.
Pero wala man lang nangyari. Nananatiling naka sara lang ito.
"Ugh. Bakit ayaw mag bukas nitong pinto" Nakakabingi kong sigaw kasabay ang pag sipa sa pinto ng pag kalakas lakas.
Aray.
Halos mapatalon ako sa sobrang sakit ng paa ko. Mukhang nabali ata ang mga daliri ko sa paa. Bakit kasi ta-tanga-tanga ka kung sumipa, hay sisipa na nga lang namamali pa.
"Ang pagiging matigas mo ang syang mag dadala sayo sa kapahamakan, aking alipin"
Takte.
Nang aasar ba sya.
"Pwede. Maupo at manahimik ka na lang dyan." Sumbat ko.
"Hmm. Baka nakakalimutan mo, mayroon kang utang na loob sa haring kausap mo" pag papa-alala nya sa akin.
Tinapunan ko naman ito ng masamang tingin.
"Alam ko, hindi mo naman kailangang ipa-alala pa"
Halos umabot ang kilay ko sa hairline ng buhok dahil sa sobrang taas.
Pinag patuloy ko na lang ang pag tulak sa pinto upang mag bukas na ito.
"Hay. Gusto ko lang ipaalam sayo aking alipin, na utos ko lang ang gagana sa buong lugar at utos ko lang din ang masusunod saan mang sulok ng palasyo" wika nya.
Tss. Madaldal din pala ang lalaking to.
"Wala akong oras para makipag usap kay mr. Bean okay" pang aasar ko sakanya.
Hmm. Hindi nya siguro kilala yun dahil naman sya nag react.
"Samadaling sabi. Utos mula sa bibig ko lang ang mag papabukas sa pintong iyan"
Ha?
Sinong niloko nito? Eh yung kawal nga kanina tumapat lang sya, bigla ng bumukas. Tss. Kung balak nyang mag loko wag sakin.
Teka.
Mukhang kailangan kong maniwala at mang loko ngayon ah. *evil laugh*
"Ikaw? Kayang buksan ang pinto gamit ang bibig lang? Hahaha. Imposible"
"Kapag sinabi kong kaya ko means kaya ko" medyo madiin nyang sabi na sinabayan pa ng pag tayo.
"We? Kung kaya mo, buksan mo itong pinto. Sabihin mo nga, binubuksan ko ang pinto. Alam mo wag na lang kaya baka kasi mag mukhang tanga ka lang kapag ginawa mo pa- - "
"Magbukas ka ngayon din" malakas nyang sigaw.
Napatingin naman agad ako sa pintong biglang nag bukas.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi, akalain nyo na uto ko ang hari ng lugar na to. Ang swerte ko nga naman.
"Oh ngayon, naniniwala kana" nakangisi nyang tanong.
"Alam mahal na hari, ang pagiging uto-uto ang syang mag dadala sayo sa kapahamakan. Kaya babush"
Agad naman na akong kumaripas ng takbo papalabas ng kwartong iyun.
Ramdam ko naman ang yabag na dumadagundong sa aking likuran. Pft. Mulhang hinahabol nya ako.
Kaya mas pinag buti ko pa ang pag takbo.
"Aking alipin!!!!!" Nakakabingi syang sigaw na halos tumagos sa kabila kong tainga.
*blagggg*
Aray.
Halos mapa-angat ang aking likod dahil sa sobrang sakit. Ngayon napag tanto na bumagsak na pala ako sa sahig.
Nakakahilo ang pag bagsak na nangyari sa akin kaya hindi ako agad naka tayo.
"Sana mas pinag buti mo pa ang pag takbo para hindi ka naabutan ng hari mo" pang aasar pa nito habang naka tayo sa aking harapan.
Bwiset, sobra na ang sakit ng katawan ko. Sobra sobra na!
"Tayo na riyan" utos pa nya.
Para nanaman akong hinigit.
Teka?
Bakit may posas nanaman ulit ang kamay ko? Wag nyong sabihing... Ugh. Nakakainis.
"Tumayo kana"
Wala naman akong nagawa kundi ang mapatayo dahil hinigit na nya ang tali.
What?
May tali na naman. Teka pano naman nya inilagay ng ganoon kabilis sa kamay ko. Chaka bakit bumagsak? Paano? Eh wala namang kung anong bagay ang naka harang sa daan ko.
"Teka dahan dahan nga!"
Pabilis ng pabilis ang lakad nya na para bang na nanadya.
Ewan ko pero normal naman ang lakad nya kaso parang ambilis bilis.
Patuloy lang naman ang bwsiey sa pag lalakad, hindi man lang nya inisip yung braso kong ginalusan nya.
Teka, bakit kaya ganoon nalang ang naging epekto ng ginawa nya. Para bang nawala lahat ng sakit sa katawan ko ng maglabasan ang dugo na may halong kulay berde. Parang nakita ko na yun eh. Tama, yun ang kulay ng suka na ginawa sakin nung kuneho.
Grabe, nasukahan lang pero ganoon na agad ang epekto.
Thank god dahil buhay pa ako.
Nabalik ang aking atensyon kay thirp na tahimik na nag lalakad habang ang parehong kamay ay naka pasok sa kanyang bulsa. Para syang nag iisip ng malalim.
Hindi ko maiwasang kilatisin sya. Hindi naman halata sa kanya ang nag karoon ng girlfriend. Mukha nga syang hindi hari sa kanyang lagay. Mukha nga lang syang walang alam pero alam ko namang matalino sya. Syempre magiging hari ba yan kung walang alam sa mundo.
"Teka san ba tayo pupunta?" Pag basag ko sa katahimikan.
Papalabas na kasi kami ng palasyo.
"Manahimik at sumunod ka nalang" masungit nyang tugon.
Sarap sapakin eh. Minabuti ko nalang na manahimik.
Nang makalabas kami sa palasyo. Doon ko nakita ang mga taong malalaki ang tainga at may mga buntot. Nakatingin ang mga ito, halos lahat sila nakatingin yung para bang mapapatigil sila sa kanilang ginagawa kasi nakakita sila ng dyosa. Pansin ko naman na nahalata iyun ng hari kaya hinigit nya ang tali upang mapalapit sa kanya. Ngayon halos mag katabi na kami habang nag lalalakad.
"Inuutos kong wag mong pansinin ang iba maliban sa akin" sambit nya.
Napatingin naman ako sa kanya. Wala man lang reaksyon ang mukha nya. Wala lang, naka tingin lang ito ng diretso habang nag lalakad.
"Okay ka lang?" Seryoso kong tanong sakanya.
Huminto sya sa pag lalakad at tumingin sa akin kaya napahinto na rin ako.
"Okay lang ako" seryoso din nyang tugon.
Ilang segundo itong tumingin sa akin. Hindi din naman nag tagal ay bumalik na ulit sya sa pag lakad.
Hmm.
Nakakapag taka. Bakit kaya kailangan nya pang huminto para lang sagutin ang tanong ko. Siguro senyales iyun ng pag galang sa kanila.
Minabuti ko nalang na sumunod sa kanya upang hindi na nya higit higitin yung tali. Medyo nangingirot na kasi yung braso ko.
"Teka lang thirp anong gagawin natin sa bundok?" Tanong ko sa kanya. Patungo kasi ang direksyon namin sa isang mababang bundok.
"Kalapastangnan ang pag tawag mo sa aking pangalan" sumbat nya.
Ano naman masama don?
"Masama bang tawagin kitang thirp?"
"Mahal na hari ang itawag mo sa akin dahil isa ka lamang alipin" wika nya.
Hay. Whatever.
Ilang ulit ko ng sinabi sa kanya na hindi nya ako ang kanyang alipin. Nakakasira lang ulo kung uulitin ko pa ulit iyun sakanya.
"Dagdag isang taon para sa pag tawag mo sa akin sa tunay kong pangalan"
Hmm. Dapat ba akong magalit? Sorry thirp, hindi naman kami mag tatagal dito. Aalis rin kami maya maya. Hahanap lang ako ng tyempo para maka takas.
"So ano ngang gagawin natin sa bundok na ito?"
"Manahimik at sumunod ka nalang aking alipin" pagpapatahimik nya.
Geez.
Wag na lang kaya akong mag tanong, hindi naman nya kasi sinasagot ng maayos.
Ilang hakbang palang ang nagagawang ko pag akyat ay bigla na akong hinihingal. Bakit kaya samantalang sa mantary mountain parang hindi ako napapagod humakbang. Parang may kakaiba sa akin ngayon. Parang nanghihina rin ang tuhod ko habang palapit kami ng palapit sa tuktok ng mababang bundok.
"Teka. Pwede ba tayong mag pahinga- - "
Hindi ko na ituloy ang sinasabi ko ng higitn nya ang tali para palakarin ako.
Habang humahakbang ako ay mas lalo akong naghihina. Hinihingal na rin ako at medyo umiikot na ang paningin ko. Tumatagaktak na rin ang pawis ko.
Pinilit ko nalang na umakyat dahil konting hakba nalang ay nasa tuktok na kami. Mababa lang naman ang bundok na ito kaya nakarating din kami agad.
Wow.
Isang malaking pinto ang kumikinang kinang. Nakakaduling ito ng mata kapag tinititigan mo. Pero sobra ang ganda nito. Ito ba ang gustong ipakita ng hari sa akin? Pero bakit?
"Ang ganda" mahina kong pag puri sa makinang na pinto.
Hindi ko alma kung bakit humahakba ang mga paa ko palapit roon. Para nitong tinatawag. Parang gusto ng mga paa ko na pasukin ko yun.
"Wag"
Bigla nalang nawala sa paningin ko ang liwanag at isang pamiliar na mukha nalang ang pumukaw sa aking paningin. Nakakaramdam ako ng init ng katawan at parang sinasakal ang aking baywang.
"Wag mong tititigan ang makinang na bagay kung ayaw mong mahibang"
Shit. Ang bango ng hininga.
Teka.
Bakit mukha ng hari lang ang nakikita ko at bakit parang sobrang lapit namin sa isa't isa.
Omygod.
Naitulak ko agad sya sa sobrang pag kabigla.
"What the... Anong karapatan mong itulak ako ha!" Sumbat nya.
Bahagya akong napalayo sakanyang ng kaunti.
Bwiset. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Ano ding karapatan mong ipag lapit ang katawan natin sa isa't isa!" Sumbat ko din.
Tinalikuran ko ito para hindi mahalata ang pisngi ko. Palihim ko namang tinapik tapik ang aking pisngi. Sobra kasi ang init nito.
"May karapatan ako dahil ako ang nasusunod!" Salungat nitong sagot.
"Wala kang karapatan.... Bastos" bulong ko sa huling kataga.
Minabuti ko na lang manahimik at huwag ng makipag sagutan sa kanya.
Bigla ko na lamang namalayan na nakaharap na pala ako sa kanya. Iniharap nya pala ako.
"Ayoko ng tinatalikuran ako!" Sigaw nya.
Hindi ko namang magawang tumingi sa chinito nyang mata kahit na alam kong nakatingin sya sa aking mata.
Panandaliang tumahimik at doon ko naramdaman ang biglang pag sakit ng aking pisngi.
Napatingin akong bigla sakanya at doon ko nakita ang kaliwa nyang kamay na kinurot ang kaliwa kong pisngi.
"Okay lang na kiligin. Sanay naman dyan" mayabang nitong sabi kasabay ang pag bitiw sa aking pisngi.
Napa face palm nalang ako ng wala sa oras. Ang sira sira ko talaga.
"Anong naramdaman ko kanina ng makita mo ang pinto?" Seryoso nyang tanong kasabay ang pag upo. Kaya napa upo narin ako dahil nahihigit yung tali paibaba.
Buti nalang at iniba na nya ang topic. Ligtas na naman ako.
"Yung feeling na parang may nag humihila sayo na maglakad papunta roon" tugon ko sa kanyang seryosong tanong.
Seryoso naman itong tumingin sa akin.
"Pareho tayo... Nung una ko itong nasilayan ganoon din ang aking naramdaman. Para ako nitong niyayayang pumasok roon pero ang nakakapag taka bakit tayo lang? Bakit tayo lang yung nakakaramdam ng ganoon. Bakit hindi din nararamdaman ng iba yun?" Nag tataka nyang tanong.
"Hindi ko alam"
"Hindi ko gustong maging interesado sa nilalaman nan. Ayokong magaya sa dating hari na halos mahibang sa bagay na iyan. Aking alipin... Pwedeng protektahan mo ako?"
Hindi agad ako nakasagot sa kanyang tanong.
Para akong napako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Para akong nawawala sa sarili. Parang humihiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan.
Mukhang seryoso ang hari, mukhang hindi ito nag bibiro.
"H-hindi pwede. Hindi ako ang iyong alipin. Wala akong lakas. Hindi ko alam kung paano. Hindi din naman ako mag tatagal rito dahil uuwi rin ako" pag tanggi ko.
"Ang lagusan ay bigla na lamang nawawala gaya ng sangkatutak na bula"
"Wag mong sabihing... Hindi pwede. Kailangan ko ng umalis. Kailangan na naming maka alis dito"
Tumayo ako ng wala sa oras.
"Please. Hayaan mong makita ko ang mga kaibigan ko. Please" pag mamakaawa ko sa kanya.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Para akong madudurog. Wag naman sana. Ayokong manatili sa lugar na ito.
"Please. Thirp. Gusto ko silang makita"
Ipinag dikit ko ang aking palad bilang pag papakita na nagmamakaawa talaga ako.
Tumayo naman sya bilang pag sang ayon.
"Follow me"
Naglakad naman ito pababa ng hagdan.
"Sige sig- - "
Aray.
*Blaggg*
Hindi ko sinasadyang matapakan ang maliit na bato na ilibinagsak ko lasabay ang pag-gulong gulong sa baba.
"Ow shit" huling sambit ni thirp bago ko tuluyan syang mahigit at nag pagulong gulong rin pa ibaba.
Ugh. Nakakahilo.
Hindi ko magawang itigil ang patuloy na pag ikot ko paibaba.
Sobrang sakit tawan mukhang pag lumapaga mag kakanda bali bali ang katawan ko neto. Parang mag kakagalos rin ako.
*bogssshhh*
"Aray"
Naramdaman ko naman na huminto na ang pag gulong ko at tumama ang balikat ko sa isang bato na ikinahinto ko.
O_o
Kahit hilo ang mata ko tanaw ko parin si thirp na...
*bogsh*
"Arayyy!!!!!!!"
Grabe ang sakit.
Sakin bumagsak si thirp.
Para akong hihimatayin. Sobrang bugbog na ang katawan ko.
Sobrang sakit ng katawan ko, sobrang hilong hilo ako, sobra sobra na talaga.
"Shit. Ang sakit" pag daing ni thirp habang hawak hawak ang kanyang ulo.
Hindi ko magawang tumayo. Umiikot talaga ang paningin ko at parang masusuka ako.
Buti nalang at umalis na sa ibabaw ko si thirp. Humiga ito sa aking tabi at mukhang pareho kaming hilo.
"S-sorry" pag hingi ko ng tawad sa kanya.
Minabuti kong hindi na muna tumayo at ipikit nalang ang mata para kahit papaano maibsan ang hilo ko.
"T-thirp?"
Pansin kong ang tahimik ng paligid. Kaya pinilit kong lingunin si thirp.
"Omygod. Uy thirp hoy gumising ka nga!"
Teka. Ano ng gagawin ko. Hala.
Paulit ulit ko syang binunggo bunggo para gisingin pero ayaw nyang magising.
Wala talaga syang malay. Ow god ano ng gagawin ko.
"Ouch. Aray"
Muling dumugo ang tahi ko. Bwsiet dumagdag pa to.
Mukhang mag kakaroon ako ng bali sa kabila kong balikat.
"H-hoy. Thirp gumising kang bwiset ka!!!!!" Nakkabinging kong sigaw.
Hala ano ng gagawin ko bakit parang walang nakakarinig sa kin.
Diyos wala sanang masamang mangyari kundi patay ako sa lahat.  

King's Key is MeWhere stories live. Discover now