Thirp's POV
Nakabusangot lang ako habang nag lalakad kasama sya.
Ayoko ng ganito. Yung mag papanggap na hindi namin mahal ang isa't isa. Hindi ko ugaling mag tago.
Huminto ako sa pag lalakad.
"Alipin- - "
"Shhhh..." Pag papatahimik nya sa akin.
Huminga na lang ako ng malalim bago muling nag lakad.
Hindi na nya nga ako pinag bigyan sa pangalawa kong hiling tapos ayaw pa nyang kausapin ko sya. Kaya ayoko ng may mga humahadlang eh. Kami kasi yung naiipit.
"Ayoko ng ganitong sitwasyon!" Singhal ko bago padabog na tinanggal ang baging.
"Teka ano bang ginagawa mo?"
Nilapitan ko sya para putulin ang baging na naka tali sakanyang kamay.
"Gaya ng pag putol ko sa baging na ito, puputulin ko rin ang hadlang sa atin kasi ayoko ng ganito. Isa akong hari na hindi sanay sa ganito."
"What? No. Hindi mo pwedeng gawin. Ayokong may mapahamak."
"Wala kang gagawin kundi ang mag tiwala."
Kinuha ko ang kanyang kamay at mabilis na nag lakad patungo sa palasyo.
"Thirp naman..."
"Hindi ko gusto ang plano mong mag panggap na wala lang ako sayo. Alam ko namang kunwari lang itong ginagawa natin pero masakit parin iyun. Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung binabalewala ako kaya sana initindihin mo."
Pilit nyang pinipigil ang pag lakad ko kaya wala akong nagawa kundi ang buhatin sya.
"Uy teka. A-ano ba naman thirp- - "
"Ayokong tinatawag mo akong thirp! Gusto ko honey!" Pagbibiro ko pero seryoso.
Napangisi ako ng matahimik sya.
Nang makapasok na kami sa palasyo agad kong nakita ang mga kawal na napapahinto sa tuwing makikita kami.
Yumuyuko sila bilang pag galang.
"Hayy. Ibaba mo na kasi ako. Mas lalo ako nitong mapapatay kapag nakita ka nyang buhat buhat ako." Pag rereklamo nya.
Hindi ko na lang sya pinansin. Umakyat na ako sa maganda at malawak na hagdan papaitaas.
Hinding hindi ako mangangalay umakyat rito ng paulit ulit kung sya naman ang lakas ko.
Tinungo ko ang kanyang kwarto.
"Gina buksan mo ang pinto!" Utos ko kay gina naparaan sa aking harapan.
"A-ah. Sige po." Tugon nya.
Nagmamadali nyang binuksan ang pinto.
"Maari na po kayong pumasok."
Agad kong ipinasok roon ang aking alipin at pinahiga sa kanyang kama.
Bahagya kong pinagpag ang aking kasuotan ng maibaba ko na sya.
"Siguraduhin mong pag dating ko ay nakaligo kana."
Agad syang napatayo.
"Teka? Bakit? San ka pupunta?"
"Alam kong nakakamiss ang ganitong itsura pero wag ka mag alala babalik naman ako. Basta pag balik ko dapat nakaligo kana, may gagawin tayo."
Nakakalokong ngisi ang isinunod ko bago lumabas ng kanyang kwarto.
"Mag dala ka ng sampung kawal para bantayan ang babaeng yan at ipag handa mo sya ng masarap na pag kain. Chaka, wag kang magpa papasok. Lalo na sa isang lalaki na nag ngangalang dake. Malinaw ba?" Bulong ko kay gina.
"Opo mahal na hari." Tugon nya.
Agad na akong nag lakad para bumababa ng hagdan at lumabas ng palasyo.
Tinungo ko ang bahay ng mga kawal. Isa yung gawa sa bakal na ako mismo ang nag patayo.
Espesyal rin sa akin ang mga kawal ko dahil kahit kailan hindi sila nag taksil sa akin at palagi silang handang lumaban para sa akin. Simula pa man ay nasa amin na ang tiwala nila. Hindi nila hinangad na makipag away sa aking ama para lang makuha ang susi.
Tanaw ko mula rito ang pinaka pinuno ng aking mga kawal. Lumapit ako roon. Agad namang lumuhod at yumuko sa akin ang pinuno nila.
"Anong kailangan nyo mahal na hari?" Tanong nya. Tumayo sya ng tuwid para harapin ako.
"Bigyan mo ako ng dalawang malalakas na kawal para matyagan ako."
"Saan po ba kayo pupunta?"
"Basta. Sabihin mo sa dalawang yun na sundan lang ako ng palihim at maging handa kapag may nangyaring hindi maganda."
"Masusunod mahal na hari."
Yumuko rin ako bilang pag galang bago sya talikuran.
Naglakad na ako at tinungo ang direksyon kung saan naninirahan ang nanay ni queeny na si matandang manggagamot.
Ang matandang itinakwil ng kanyang anak na pilit paring ginagawa ang lahat mapasaya lang ang kanyang anak. Halos lahat ng ina ay hinahangad na maging masaya ang kanilang anak kaya hindi ko rin sya masisisi ang ginawa nyang pag babanta sa alipin ko. Gagawin nya lahat mapasaya lang si queeny kahit na alam nyang masama at mali na ang patutunguhan ng pag papasaya nya. Batid kong nagungulila rin sya sa pag mamahal ng isang anak kaya nagagawa nya ang bagay na ito.
Bumuga ako ng hangin bago lumiko ng daan. Maputik na ang susunod kong daraanan kaya mas lalo ang nag ingat.
Talagang mas pinili nyang lumayo sakanyang anak at mamuhay mag isa rito sa kalagitnaan ng gubat. Kaya siguro magaling syang manggamot ay dahil sa mga natutunan nyang kung ano ano habang nag iisa.
Dahan dahan kong hinakbang ang aking paa sa maputik at delikadong daan. Tanaw ko na mula rito ang maliit na bahay ng manggagamot. Tanaw ko ito sapagkat maliwanag na ang paligid. Tanging ang bahay nya lang ang naroon at wala man lang itong katabing ibang bahay.
"Napakalungkot ang ganitong sitwasyon." Bulong ko sa aking sarili.
Hinanda ko ang aking kamao para katukin ang gawa sa kahoy na pinto.
Tatlong beses kong ginawa ang pag katok hanggang sa mag bukas ito at sinalubong ako ng isang matandang nakatayo na tila'y masaya. Nawala ang kanyang ngiti sa labi ng makita nya ako at agad napa yuko.
"Magandang araw mahal na hari. Pasok- - "
"Hindi ko na kailangang pumasok pa. Gusto ko lang itanong kung bakit ginawa mo ang bagay na iyun?" Seryoso kong tanong.
"Po? Ano po bang pinag sasabi- - -"
"Alam ko ang lahat at saksi ako sa pag babantang ginawa mo sa alipin ko. Baka nakakalimutan mo na kung ano ang kaya kong gawin na hindi mo kayang gawin." May diin sa tono kong sambit.
"Ginawa ko lang naman po iyun para hindi na mag kaganon ang aking anak. Pagod na pagod at nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nakakasakit sya ng tao dahil sa pagmamahal sainyo."
Kita ko sakanyang mata ang pag babadya ng luha. Hindi ko maiwasang mag tanong sa aking sarili kung bakit itinakwil ni queeny ang ina nyang nag papahalaga sakanya?
"Ibigay nyo na." Utos ko.
"Mahal na hari..." Pag susumamo pa nya.
Inilahad ko ang aking kamay upang hintayin ang kanyang ibibigay.
"Hindi mangyayari saiyo ito kung hindi ka gumawa ng kasakiman para sa iyong anak. Dahil alam mo namang hindi ko na kayang mahalin ang anak mo na si queeny. Wala akong maramdamang pag mamahal at nanunuot sa puso ang galit na kaylan man ay hindi magbabago. Isa na lamang syang hamak na babae kaya tumigil na kayo at ibigay ang nararapat."
Wala syang nagawa kundi ang pumasok muli at kunin ang mga bagay na kinuha nya mula sa mga kaibigan ng aking alipin.
Ibinigay nya sa aking ang iba't ibang gamit na kinuha nya. Tulad ng damit, sandata at sapatos. Ilan sa mga bagay na ginamit nya para magawa ang kanyang balak.
"Tandaan nyo ito. Wag nyo ng ipag pilitan pa ang gusto nyo dahil hindi ko gusto ang gusto nyo."
"Babalik kayo sa dati. Nangangako ako." Pangangako nya.
"Tumigil kana dahil masaya na sya kahit wala ka! Ang utos ko'y iyung sundin. Huwag na muling gagawin ang bagay na ito sa mga kaibigan ng aking alipin miski sa aking alipin." Huling sambit ko bago nag lakad pa palayo.
Alam kong ayaw nyang sundin ang utos ko pero wala syang magagawa kapag narinig nya ito. Parang gayuma sa iba ang utos ko kaya wala silang magawa kundi ang sundin ito.
"Sunugin nyo ito." Utos ko.
Lumabas ang mga kawal na inutusan kong sumunod sa akin. Ibinigay ko rito ang mga gamit.
"Masusunod po mahal na hari."
Nag lakad na ako pabalik.
Isang kahibangan para sa akin ang piliting mahalin ang isang tao na syang naging dahilan kung bakit nasaktan ako ng ganito.
Walang kasalanan ang isang ina na ginagawa lang ang lahat para mapasaya ang anak pero kung ang alipin ko ang pag uusapan. Hindi na maaring pang unawa ko na lang ang laging mangunguna. Mahirap pag katiwalaan ang isang tao na nagtangka ng pumatay. Kaya mahirap makampante sa matandang yun. Paano kong may kakaiba syang ganti? Mas matinding ganti sa alipin ko?
"Kamusta. Pinsan?"
Napa angat ako ng aking ulo. Ang loko kong pinsan.
"Maayos kanina, nung wala ka pa." Tugon ko.
Nabaling ang atensyon ko sa kanyang tiyan.
"Nga pala kamusta na yang tiyan mo?" Tanong ko.
"Syempre okay na okay. Si veany kaya ang nag alaga sakin." Nakangiti nyang sabi.
Meron na naman syang bagong babae. Hay.
Nilagpasan ko na lang sya.
Wala akong oras makipag usap sa lalaking ito.
"Mukhang may bagong binabangga ang alipin mo ah."
Mas pinili ko na lang na manahimik.
"Si tanda. Naku. Mahirap kaaway yun lalo na't may resbak ang matandang yun."
Bigla akong nag kainteres na makipag usap sakanya.
"What do you mean?"
"Nitong mga nakaraang araw nagiging iba ang kilos ni ginoong kalbo at ni tandang manggagamot."
Napakunot ako ng noo.
"Diretsuhin mo nga ako!"
Napangisi sya.
"Nakipag tulungan lang naman ang nanay ni queeny sa alagad ni chin."
Nanlaki ang mata ko ng sabihin nya.
Imposible.
"Ano bang pinag sasabi mo?"
"Well, nagiging close lang naman si tanda at si ginoong kalbo. Malay ba natin kung meron silang pinaplano."
Bwiset.
Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa lab.
"Ngayon. Kumpirmado na talagang ikaw ang tunay na chin." Nakangisi kong sabi.
-----
Dake's POV
Naka upo ako sa labas ng bahay ni ate saysas habang nag iisip ng malalim.
"Saan ang punta mong matanda ka." Bulong ko.
Nakita ko kung paano ako ngisian ni tandang kalbo habang papaalis sya. May dala dala itong kahon habang ang bata naman ay madala dalang bote na hindi ko alam kung anong laman.
Ano kayang gagawin nya?
"Relax lang. Nasa mabuting kamay si souven." Pag papakalma sa akin ni veany.
Nagising na pala sya.
"Kamusta si eitsy?"
"Okay na sya. Ayaw nyang lumabas ng kwarto dahil takot pa sya."
Masyado sigurong syang natakot sa nangyari kahapon. Buti na lang at huminto iyun nung umalis si souven. Teka? Speaking of souven? Bakit kaya hindi na sya bumisita rito para tignan ang kalagayan ni eitsy? Ang tanging sinabi lang ni ate saysas ay si souven daw ang nag ligtas sa buhay ni eitsy.
Paano namin sya pasasalamatan kung wala sya rito? Eh hindi naman kami pinapasok ng kawal sa loob ng palasyo dahil ang utos daw ng hari ay huwag mag papasok.
"Nasaan si grew?" Tanong ko.
"Kanina ko pa nga hindi nakikita. Umalis ata sila ni ate saysas."
Nagpasya akong tumayo.
"Ikaw na munang bahala kay eitsy." Bilin ko bago nag lakad.
Malakas ang kutob ko na may gagawing masama ang kalbong yun. Sa mga ngisi kanina ng matandang yun panigurado akong may itinatago yun.
Sa mga oras na ito, gusto ko munang puntahan ang pinto dahil hanggang ngayon, hindi parin ako naniniwalang si souven ang susi. Imposible ang sinasabi ng chin na yun.
"Nasaan ang susi?"
Bumuka ng kaunti ang bibig ko at gulat na napaatras ng dalawang hakbang.
"Bro..."
Isang lalaking may hawak na itak ang ngayo'y na saaking harapan. Nanlilisik ang mga mata nito habang unti unting lumalapit sa akin. Bakas sakanyang mukha ang pag ka sabik habang ang kanyang kamay ay nanginginig.
"Teka? Anong gagawin mo?"
"Nasaan ang susi! Sabihin mo kung nasaan kung ayaw mong mamatay- -"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang dugo sakanyang bibig na unti unting bumulwak.
Bumagsak ito sa lupa habang mulat ang mata.
"Dapat sa mga ganon pinapatay agad."
Mas lalo pang nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano ang naka tusok sa likod nung lalaki kanina at gawa iyun ni..
"Cat?" Gulat na gulat kong tanong.
Ngumisi ito bago lumapit sa lalaki.
"Mukhang nagiging interesado na ang iba sa kaibigan mo ah." Sambit nito bago hugutin ang kutsilyong naka tusok sa likod nung lalaki.
Medyo natalsikan ako ng dugo sa may braso.
Mulat na mulat ang mata ko sa mga nakikita ko. Ang kaninang lalaking buhay, ngayon ay patay na at naliligo sa sariling dugo.
Hindi ko akalain na ganon katinding pumatay ang madaldal na babaeng to.
"Ibahin mo ang lugar na ito dun sa lugar mo. Kung don sa lugar mo nag dadalawang isip pa ang mga kriminal na patayin ka eh dito hindi na kailangan ng ganun. Wala ng isip isip pa basta patay agad." Natutuwa nyang sabi.
Mukhang sanay syang pumatay. Pero tama naman sya, tama lang na maging alerto at mabilis ka dito sa lugar.
Lalo na't si souven ang target ng lahat.
"Ibahin nyo naman kami sainyo. Kami hindi namin kayang pumatay ng mga taong inosente samantalang kayo, kayang kaya nyo." Pambabara ko.
"Hay. Naku. Oh sayo nalang toh." Iniabot nya sa akin ang matalas na patalim. "Linisan mo na lang."
Tinanggihan ko naman agad iyun at nag lakad na lang muli na parang walang nangyari.
"Balak mo bang pumunta sa mababang bundok?" Tanong nya.
Ramdam ko ang yabag nya na tila'y nakasunod.
"Oo." Sagot ko.
Tahimik lang akong naglalakad habang nakasunod si cat.
Huminto muna ako at pinag masdan ang mababang bundok. Agad ko itong inakyat at tumambad sa akin ang isang malaking pinto.
Hindi ko maiwasang mag taka. Paanong si souven ang magiging susi nito eh kandado nga ang nakalagay rito?
"Iniisip mo ba kung paanong naging susi ang kaibigan mo?" Tanong ni cat na halatang seryoso sakanya tono.
"Imposible kasi eh."
"Nakikita mo ba ang butas ng kandadong yan?"
Hindi na ako nag aksaya pang paningkitan ng mata ang tinutukoy nya dahil malaki naman ito kaya kitang kita.
"Malaki sya." Tanging nasabi ko.
"Dyan ilalagay ang dugong makukuha kay souven. Sa tingin ko nga hindi kakayanin ni souven kapag nangyari yun."
Medyo naguluhan ako sakanyang sinabi.
"Bakit naman?"
"Syempre mauubos lahat ng dugo nya. Maarte kasi yang pinto na yan. Gusto nya punong puno ng dugo bago mabuksan."
Namasa bigla ang palad ko.
Ikakamatay talaga ni souven kapag nangyari yun.
"Kayamanan ba talaga ang nasa loob nan? Kaya ba nahuhumaling ang lahat kasi gusto nilang yumaman?"
"Yun ang sabi nila pero para sa akin. Ang laman nan ay isang puno ng candy." Walang kwenta nyang tugon. "Sa paghahangad ko na candy ang laman na, minsan nag kakainteres ako. Kaya kung anong nararamdaman ko ganun din ang nararamdaman ng lahat. Mapanukso ang pintong yan. Pare-pareho tayong nahihiwagaan sa laman nan. Sa tingin ko nga kaya lang yan napadpad rito yan ay para manggulo."
Tama si cat, gulo lang dala ng pintong yan.
Ginugulo lang ng pintong yan ang isip ng lahat. Walang isip ang nag padala nan dito.
Ang mga tao ang naapektuhan rito. Lalong lalo na si souven kaya dapat mawala na ito dahil ikakapahamak ni souven ito.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel