Souven's POV
Busog na busog ang tiyan ko kaya hindi ko magawang tumayo at mag lakad kaya minabuti ko na munang maupo rito kasama si thirp na kanina pa naiinip. Gusto na daw nya kasing pumunta sa kwarto para dumapa. Balibhasa nangako ako sakanya na masahe na lang ang ibabayad ko sa lahat ng ginagawa nya para sakin. Hindi ko naman akalain na mahilig pala sya sa masahe.
Since nawala daw ang kanyang mama wala na daw nag mamasahe sakanya. Ayaw daw nya kasi sa ibang babae kasi ang gusto nya mama lang nya.
"Eh bat si queeny hindi ka minasahe?" Tanong ko.
Nakakairita mang itanong pero kailangan kong itanong. Syempre kailangan marami akong alam about sa ex nya noh. Para naman mahigitan ko pa.
"Hmmm. Minasahe naman. Kalagitnaan non ng gabi, pareho kaming pawis na pawis at pagod na pagod kaya nag pamasahe ako eh ang kaso, muntik ng mauwi sa..."
Naikuyom ko ang aking kamao sa kanya. Binantaan sya ng kamao ko.
"Subukan mong ituloy. Matitikman mo ang mabagsik kong kamao."
Nginitian naman nya akong nakakaloko.
"Bakit ayaw mo bang malaman?" Na eexcite nyang sambit. "Ayaw mo ba ha? Ha?" Pamimilit pa nya. Habang ang boses ay parang nag iiba.
"Pag talaga tinuloy mo yan. Makakapatay ako ng waitress dito!" Pagbabanta ko pero biro lang iyun para sakin. Loko hindi ko kaya pumatay ng inosenteng waiter noh.
"Well." Nabalik na sya sa katinuan. "I'm just kidding. Hindi ginawa sakin ni queeny ang bagay na yun."
"So nag sisisisi ka?" Taas kilay kong tanong.
"Slight."
Aba't putek. Gusto ata akong pag murahin ng lalaking ito ah.
"Ow it's a joke." Pag bawi nya ng makita ang kilay kong umabot na sa bunbunan ko.
"Waiter! Isang basong kumukulong juice nga dyan! Nag iinit ang ulo ko! Basta wag mong lagyan ng asukal para hindi matamis! Ayoko ng sweet!"
Napakunot ng noo na lang ang waiter. Hindi nya siguro naintindihan ang sinabi ko pero nag lakad parin sya para sundin ang katangahang utos ko.
"You know what? Hindi ka cute kapag nagagalit ka. Di ba kadalasan sa mga babae nagiging cute kapag napipikon pero bat ikaw?"
Hayup talaga eh.
"So nung nagalit ba si queeny? Naging cute sya?"
"Oo. Sobrang cute nga eh."
Yah hanep.
Cute lang sya pero ako? Dyosa na diwata pa.
Tripleng irap ang ginawa ng mata ko sakanya. Hate ko sya ngayon.
"Hey? Tanggapin mong hindi ka cute kapag nagagalit ka kasi mala marian rivera ka kapag napipikon ka at mala liza soberano ka naman kapag naiinis ka."
Palihim akong ngumiti bago umasta ulit na galit.
"Teka paano mo nakilala ang magagandang binibining iyun?"
"Shhh... Wag mo na itanong."
Kahit kelan talaga napaka dami nyang alam na hindi ko pa nalalaman.
Sana ganito na lang kami lagi. Sana wala ng gulo pang dumating. Masaya na ako sa ganito at ayoko ng matapos pa ito.
Masaya kasing tignan na puro ngiti lang ang nasa labi ng bawat isa. Isa yung uri ng ekspresyon na nagpapagaan ng loob ko.
Pero alam kong hindi pang habang buhay ang sayang inaalay sa akin ni thirp alam kong dadating yung point na tanging sa hiling nalang ako aasa at palagi kong hihilingin na sana bumalik ang moment na ito.
Halos lahat naman ng kwento ay merong pagsubok na minsan ay nauuwi sa happy ending pero kadalasan nauuwi sa ending lang pero walang happy.
"Here's the kumukulong juice na walang asukal mahal na susi."
Nagitla ako sa biglang pag sulot ng waiter habang inilalapag sa mesa ang juice na kumukulo nga at umuusok pa.
Humagalpak ako ng tawa ng talikuran na ako waiter.
This is Unbelievable.
"Hindi nakakatuwa para sa kanila ang ginawang mong pag tawa sa ibinigay nilang juice." Napatingin ako sa seryosong nag salita.
"S-sorry naman." Pag papaumanhin ko.
Pinagmasdan ko ang mga waiter na nakatingin lang sa akin. Nakakahiya ang ginawa ko kaya nag peace sign ako bilang pag so-sorry.
Tumayo na ako para ayain si thirp na umalis na.
"Alis na tayo." Bulong ko sakanya.
Nauna na akong lumabas sa main door na sinundan nya.
"Bakit busog kana ba?" Tanong nya.
"Yap." Sagot ko.
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng pantalon ko. Nagpasipol sipol pa ako na parang nag e-enjoy.
Naiinis lang kasi ako kapag naiisip ko na nagawang talunin ako ni queeny. Hindi sya marunong sa patas na laban. Dapat kung sa manok dapat sa manok lang hindi yung manok laban sa kabayo? Ano daw yun.
What if? May powers ako?
Masaya yun kapag ganun.
Inilabas ko ang hintuturo ko at tinitigan ito bago pinaikot ikot at itinutok sa bato.
"Maging.. Baboy ka!" Wika ko.
Hinintay ko ang mangyayari sa bato kaso, nagmukha lang akong tanga. Nananatiling bato parin ang bato.
Bumagsak nalang tuloy ang balikat ko. Pinanghihinaan ako ng loob.
"Hayy." Bulong ko.
Ramdam ko ang mabigat na kamay na nakahawak sa akong balikat. Ramdam ko din ang presensya ni thirp na halos katabi ko na pala.
"Okay lang kahit wala kang kapangyarihan. Andito naman ako na mag sisilbi mong kapangyarihan." Pag papalakas nya ng loob sa sa akin.
"Pabigat nga lang ang tingin ko sa sarili ko. Palagi ka nalang nandyan para iligtas ako pero ako, wala akong magawang mabuti. Hindi ko man lang mailigtas ang savior ko." Malungkot na sabi ng bibig ko.
"It's okay. Sapat na ako sa ngiting nagagawa mo kapag ako ang katabi mo."
Isinandal ko nalang ang ulo ko bandang ibaba ng kanyang kilikili.
Sira talaga sya.
Binigyan nya ako ng dahilan para mabuhay sa nakakabwiset na mundong ito na puro malas ang dala sa akin. Dati sapat lang ako sa pag mamahal ng isang lolo ngayon, mas sapat na ako kapag sya ang kasama ko.
Tinignan ko ang aking braso na nag iwan ng tuyong dugo. Hinawakan ko rin ang leeg ko na hindi na gaano kasakit. Paniguradong magagalit si lolo kapag nakita nyang ganito ang nangyari sa akin, baka akalain pa nun naglaslas ako dahil sa lalaki.
"Wag mo ng intindihin yang mga sugat mo. Ang bigyan mo ng pansin ay yung taong kasama mo." Tumingala ako para makita ang mukha nya. Hindi sya sa akin nakatingin, siguro ayaw nyang mahulaan ko ang nararamdaman nya. Ang mata lang nya kasi ang hindi nag sisinungaling.
"Thirp. May alam ka ba sa parisukat na lagusan kung bakit ito nawala?" Pag susumamo kong tanong.
Isang nakakabinging tahimik lang ang isinagot nya.
"Please naman thirp. Sabihin mo naman sakin kung may alam ka. Gustong gusto na kasing umuwi- - "
"Ayokong iwan moko."
Nahinto ang paghinga ko. Seryoso nyang sinabi yun ramdam ko sa tono nya.
"Kapag ba bumalik na ulit ang parisukat na lagusan... Uuwi kana sainyo?" Tanong nya.
Hindi agad ako naka sagot ng tanunging nya iyun.
Uuwi ba ako?
Wala sa isip ko ang manatili sa lugar na ito na nababalutan ng kung ano ano pero ng makilala ko ang lalaking to? Nagulo na bigla ang utak ko. Kaya ko bang umuwi at iwan sya rito?
Hindi ko kakayanin yun. Pero dito, may dahilan ako para mabuhay pero don, wala.
"Actually- - "
Ang hintuturo nya ang pumigil sa aking bibig na mag salita.
"Ayokong marinig ang sagot."
Hinawakan nya ang aking kamay at sabay kaming naglakad.
Wag ko na munang isipin ang bagay na yun. Basta ang mahalaga, kasama ko sya at don ako masaya.
-----
Dake's POV
Itinapon ko ang bulaklak na sana'y ibibigay ko kay souven. Masaya naman ako eh. Masaya akong nagising na sya at masaya ako dahil palaging may ngiti sa labi kapag ang hari ang kanyang kasama.
Ngayon masaya silang tumakbo patungo sa kung saan.
"I'm your third savior." Bulong ko bago lisanin ang lugar na kinatatayuan ko.
Naabutan ko si grew na nakatingin lang sa akin sa malayo. Mukhang nakita nya rin ang hari at si souven.
Sandali kong ipinikit ang aking mata bago nag lakad papalapit sakanya.
"Nice shoes." Pag bati ko sa bagong sapatos ni grew na binili nya sa pamilihan.
"Are you okay bro?" Tanong nya na may pag aalala.
Inakbayan ko sya at isinabay sa aking lakad.
"Always okay to noh." Pag sisinungaling ko.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko man lang magawang umamin sa kanila na sobra ng sakit. Masaya naman ako para kay sou pero itong puso ko? Lugmok na sa sobrang lungkot.
"Bro. The more you hold on, the more it causes pain."
Dahan dahang tumagilid ang leeg ko at tinignan sya.
"What does it mean?" Tanong ko.
"Dake. Tama na, bitawan mo na sya. Masyado ka ng nasasaktan kaya please lang dake. Bumitaw kana."
Bumagsak na ang buong pagkatao ng marinig mula kay grew ang katagang yun.
Ang luha kong pilit kong pinipigilan ay parang isang presong nakawala sa selda. Nag bagsakan ito.
Sya ang batong biglang nag pagising sa tuliro kong utak. Ang grew talagang to.
"M-masakit palang umamin lalo na't alam kong huli na. Masakit pala yun grew. Actually, hindi lang masakit eh. Sobra sobra ang sakit. Masaya ako para sakanya pero hindi ko kayang itago ng pang habang buhay ang lungkot. Grew ang sakit sakit sakit. Hindi lang triple ang sakit. Napaka sakit talaga. Grew ayoko ng ganito. Bigyan mo naman ako gamot para mapigilan ko to oh."
Hindi ko na napigilang umiyak ng lubos. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa libo libong luhang nag uunahang lumabas.
Nanikip ang katawan ko ng makaramdam ako ng isang concern na yakap.
"Kahit papaano mapapagaan ka ng yakap ko."
Nakita kong nakatayo si grew sa aking harapan.
Kung nasa harap ko si grew? Edi sino tong yumakap sakin?
Ramdam ko ang pag hikbi ng taong nakayakap sa akin at unti unti naring binabalot ng basa ang manggas ko.
"It's okay dake. Pareho lang naman tayo."
Nakahinga rin ako maluwag ng kumalas sya sa pag kakayakap.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang babae na nasa harap ko habang umiiyak.
"Cat?" Tanong ko.
Agad kong pinunasan ang luha kong bumabalot sa paningin ko.
Shit.
Magiging bakla ang tingin sakin neto.
Nakaramdam ako ng kuryente ng hawakan nya ang kamay ko at naging dahilan ito para matigil ang ginagawa ko.
"Iwan mo muna kami, kaibigan ni dake." Utos nya kay grew na agad namang na alarma.
"A-ahh o-okay."
Ayoko pa sanang umalis si grew kaso mukhang seryoso si cat na paalisin ito. Agad kong binawi ang aking kamay na hawak hawak nya.
"Ano bang ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Kasi tanaw ko mula sa garden ang kadramahang ginagawa mo kaya lumapit ako para sana makinig eh ang kaso nadala ako kaya niyakap kita. Ang sabi kasi ng mommy ko, ang yakap ko daw ay nakakagaan ng loob."
Hindi ko maiwasang matawa. Paano ba naman umiiyak sya habang nag kukuwento. Mas marami ang kanyang hikbi kaysa sa kanyang salita.
"Teka wag mong ipagkakalat ang nakita mo ha. Ayokong isipin ng iba na bakla ako."
"Ibig bang sabihin? May secret na tayo?"
Napaliyad ako ng bigla syang ngumiti habang lumuluha.
Nakakasira ang babaeng ito sa pag labas ko ng nararamdaman ko eh.
"A-ah. Sige aalis na ako- - "
"Teka lang. Dapat makipag usap ka muna sa kapwa broken mo."
"Sorry pero hindi ako broken."
"Okay binasted na lang."
"Hindi rin ako binasted!"
"Ahh. So gusto mo pa ang mas masakit. Okay, na FRIEND ZONE na lang para mas masakit."
Hindi naman nakakatulong ang isang to. Teka nasa na ba si grew. Sya yung kailangan ko hindi ang babaeng ito na ginagatungan pa ako.
"Tss. Eh ikaw nga na SISTER ZONE."
"What the hell are talking about?"
Napa tsk. Tsk. Tsk. Na lang ako bago nag lakad pa palayo sa kanya.
"Bawiin mo yun! Hindi ako na sister zone."
Tumigil ako para harapin sya. Tinitigan ko sya.
"A-ano ba! W-wag ka ngang tumitigtig ng ganyan!"
"Ikaw na nga diba mismo ang nag sabing kapatid lang ang turing sayo ng hari?" Pang aasar ko. "So ibig sabihin, na sister zone ka."
Mapang asar na expression ang inilarawan ko sakanya bago ko sya talikuran.
"At least ako araw araw minamahal kahit na bilang kapatid, eh ikaw?"
"Minahal din naman ako."
"Sus. Kelan kahapon lang tapos ngayon nag laho nalang bigla? Mas maswerte parin ako kasi may nagmamahal parin sa akin."
"Cat tumigil kana."
Patuloy lang sya sa pagdada habang nakasunod sa akin.
"Hindi ako titigil. Sayang kasi yung effort ko na yakapin tapos hindi ka naman pala mag papasalamat. Actually, dapat may bayad yun para naman kumita ako, para makabili ako ng accessories para sa katawan. Kaya dapat pag ka kitaan ko yun. So dapat mag bayad ka- - "
Agad kong tinakpan ang madaldal nyang bibig na nakaka irita sa aking tainga.
Tinabig nya agad ito.
"Wala kang karapatang hawakan ang ginto kong bibig. Mahal ito. Kaya dapat bayaran mo din ang ginawa mong kalapastanganan."
Mapapa buga ka na lang talaga ng hangin sa kawalan eh noh.
Ang babaeng ito ay parang isang umuusok na robot.
"Hoy! Magsalita ka! Mag bayad ka! Napaka sama mo talaga! Isa kang bastos na lalaki!"
Nakakatulong nga ba ang babaeng ito sa akin?
Buti na lang at hindi ganyang si souven,veany at eitsy kundi nasuntok na namin ang mga yun. Pero dahil lalaki kami. Wala kaming karapatang manakit ng babae.
Siguro pwede ko namang takpan ang aking tainga para hindi ko marinig ang boses ng babaeng ito.
"Kayang kaya kong ipaputol ang lahat ng meron ka. Daliri,paa,kamay at yung- - ugh. Nevermind. Pero basta! Mag baya- - -"
Nahinto ang kadaldalan ni cat.
Lumapit sa akin si veany na humahangos habang umiiyak.
"What happened?" Tanong ko habang dahan dahang tinatanggal ang aking kamay na nakatakip sa aking tainga.
"May nangyari?" Humihikbi nyang sabi.
Kinakabahan ako.
"Si eitsy.."
Tuluyan na syang binalot ng luha habang hinihingal na sya namang nag papakaba lalo sa akin. May kutob akong may nangyari.
"Anong nangyari kay eitsy?"
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel