Souven's POV
"Ugh. Sobrang pait na hindi maintindihan. Ew. Nakakasuka"
Para akong sira na paduwal duwal pero wala namang lumalabas. Kakaiba ang lasa nung pinainom sakin ni thirp grabe mas malala pa yun sa kaning baboy.
Nakakasuka talaga.
"Ang pag titiis ay nakaka-pawi ng pawis" wika ni thirp.
Tinapunan ko naman sya ng masamang tingin.
Grabe, akala ko pa naman concern sya nung niyakap nya ko yun pala kinuha lang nya yung loob ko para painumin ng ganitong gamot. Ewan ko kung dapat pa bang tawaging gamot ito.
Tapos ngayon ang lakas pa ng loob nyang tignan at pag tawanan lang ako.
"Talaga ba? Eh halos mag kanda pawis pawis na ako di kakasuka tapos sasabihin mo ang pag titiis nakakatanggal ng pawis? Tss. Ang sabihin mo ang pag titiis nakakadagdag pawis." Sumbat ko sakanya.
Kakainis.
Hindi ko akalaing maloloko ako ng bwiset na to.
"Kamusta na ang braso mo?" Pag iiba nito ng topic. Talagang mag tatanong kung ano ano maiwasan lang ang topic.
Tinignan ko naman ang aking braso at iginalaw galaw ito.
Sa bagay, hindi na ito kumikirot at wala naring pag durugo. Hindi na sya masakit ngunit naka buka parin ito, kailangang tahiin ang braso ko.
"Mabuti... Mabuti na ang braso ko" tugon ko.
"Not totally mabuti. Gina papasukin na si tanda" utos nya sa katulong na agad namang sumunod.
Binuksan nito ang malaking pinto at iniluwa ang isang matandang nakasalakot. Mahaba ang kanyang buhok at kulay puti na ito. May dala dala itong basket.
"Magandang araw mahal na hari" pag galang nya sa hari na sinabayan pa ng pag yuko.
"Tahiin mo ang kanyang braso" utos nya sa matanda.
"Masusunod" pag tugon nung matanda.
Pinagmasdan ko lang ito habang papalapit sa akin. Nang makalapit ito, unti unti nyang tinanggal ang kanyang salakot.
0_o
Napatakip ako ng bibig ng masilayan ko ang kanyang itsura.
"Grandma?"
Hindi ko maiwasang mapa-nganga. Kamukhang kamukha nya ang ang asawa ni grandpa. Kamukhang kamukha nya si lola.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya.
Pati ang kanyang boses ay hawig na hawig din kay lola.
"Is that you lola?"
Napa-kunot ang noo nya na para bang hindi alam ang ibig kong sabihin.
"Pasensya na iha pero hindi ako ang iyong lola" sagot nya.
Hindi ako maaring mag kamali. Sya nga talaga si lola.
"Pwede ko ho bang makita ang batok nyo?"
Tumingin muna ito kay thirp na animo'y naghihintay ng tugon.
"Gustong makita ng aking alipin, kaya't ipakita mo" wika ni thirp.
Tumayo naman ako at tinungo ang kanyang likod. Medyo maliit naman si lola kaya yakang yaka ko na to. Hinawi ko ang buhok ni lola na nakaharang sa kanyang batok.
May tattoo kasi ang tunay kong lola roon na. Desinyong susi ang naka lagay roon.
"W-wala"
Walang tattoo si lola. Wala syang tattoo sa batok ibig sabihin hindi sya si lola. Ibig sabihin kamukha lang nya so lola pero hindi sya ang tunay kong lola.
Ibinalik ko ang buhok ni lola sa kanyang likod. Bahagya rin akong lumayo sa kanya.
"Sorry lola. Hindi ho pala kayo ang lola kong nawawala" pag papaumanhin ko.
"Ayos lang iha. Akin na ang braso mo, kailangan ko ng tahiin iyan" aniya.
Tumango lang ako bago umupo sa kama. Ibinigay ko sa kanya ang kaliwa kong braso.
"Inumin mo ito" utos nya. May ibinigay si lola sa akin na isang boteng may laman. Inabot ko naman agad ito.
"Para saan po ito?" Magalang kong tanong.
"Para hindi mo maramdaman ang gagawin ko" pag papaliwanag nya.
Para lang pala itong anesthesia kaso hindi tinuturok kundi iniinom.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Ininom ko na agad ito. May type ko pa ang lasa nito kaysa sa pinainom sa akin ni thirp.
"Makakatulog ho ba ako?" Tanong ko.
"Hindi iha" tugon ni lola.
Mag kaiba nga talaga ang lugar namin kaysa rito sa lugar nila.
Mga ilang minuto nyang siniyasat ang aking braso bago mag labas ng sinulid at karayom.
Seriously?
"Huwag hayaang maka labas ang alipin. Dalhin sya sa akin pag katapos matahi ang kanyang braso" bilin ni thirp.
Tumayo ito sa kanyang kinauupuan para tumungo sa pinto. Saan naman sya pupunta?
ng mga kawal naman ay agad humarang sa pinto ng makaalis na ang hari.
Tss. Mga lokong to. Excuse me hindi ko ugaling tumakas.
Binalingan ko naman ng pansin si lola na kasalukuyang tinatahi na ang aking braso. In fairness, wala nga akong maramdaman ha.
"Ang hari ba ang may gawa nito?" Nakakagulat na tanong ni lola.
"Opo. Nakakapag taka nga kung bakit nya ginawa yan. Hindi din naman nya sinabi kung bakit nya ginawa yan"
"Tama lang kanyang ginawa. Dahil kung hinayaan nya lang na manatiling namamaga ang kamay mo kahit kakaunti na ito ay malamang hindi ka nakakahinga ngayon" pag sang ayon nya kay thirp.
"Hindi ko po kayo maintindihan" naguguluhan kong sabi.
"Nakakatuwang isipin na nag ligtas syang muli yun nga lang hindi kauri ni queeny."
"Sorry lola hindi ko po talaga kayo maintindihan"
Ano ba ang sinasabi nya? Halos wala akong maintindihan eh.
"Ikaw ang pangalawang babae na iniligtas nya. Tama ang ginawa nyang pag hiwa sa namamaga mong kamay upang mawala ng tuluyan ang natitirang lason. Dapat iha, nag iingat ka sa mga kuneho. Para kang si queeny na maawain din sa kuneho kaya hayan, nasukahan rin at muntik na ring mamatay. Ang pinag kaiba nyo lang ay ikaw na natili pang maayos ng ilang minuto habang sya ay ilang sigundo palang, nawalan na ng malay." Pag kukuwento nya.
"Sino po ba si queeny?"
"Ang magandang si queeny. Si queeny ang reyna ng endlessgodwoman group. Sya ang batang malapit sa kuneho, yung dating normal na kuneho hanggang sa isang araw nag bago ang kuneho nyang alaga. Bigla nalang itong nag suka hanggang sa masukahan din sya nito. Buti nalang at nandyan ang hari upang iligtas si queeny kaya hanggang ngayon buhay parin sya" pag kukuwento nya.
Ibig sabihin.
Ang hari pala ang nag ligtas ng buhay ko i mean ng buhay namin ni queeny. Kung sino pa sya.
Minabuti ko nalang na manahimik habang pinapanood si lola na tinatahi ang aking braso.
"Si queeny rin ang unang pag ibig ng hari"
Natigilan ako ng bahagya ng marinig ang sinabi ni lola. Nakakahiya mang manghimasok pero kakapalan ko na ang mukha ko.
"Nasaan na po si queeny?"
"Nanatiling buhay parin si queeny ngunit hindi na nanatili ang kanilang pag iibigan. Sa huli'y nag hiwalay din sila. Mas pinili kasi ni queeny ang pagiging reyna kaysa manatili sa piling ng hari" pag kukuwento pa nya.
Bakit para namang ang daming alam ni lola tungkol sa lovelife ng hari.
"First love ba ng hari si queeny?"
"Ganoon na nga. Boto ako kay queeny, kaya ayokong may papalit sa puso ng hari, gusto ko si queeny lang ang nilalaman non"
Tumingin sa akin ng matalim si lola. Grabe, para ako nitong binabantaan. Hoy lola hindi ko aagawin si thirp. Hindi ko type ang lalaking mayabang noh.
"A-ah buti nagustuhan ni queeny ang haring mayabang na yun"
Napangisi naman si lola ng sabihin ko yun.
"Si queeny lang talaga ang karapatdapat sakanya. Wala ng iba pa"
Napa iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Para na akong kakainin ni lola dahil sa matalim nyang titig.
"Oh ayan. Ayos na braso mo iha"
Buti nalang at natapos na. Hindi ko kere ang titig ni lola.
"Maraming salamat po lola" nakangiti kong pag papasalamat sa kanya.
Tumayo na si lola, mukhang aalis na ito.
"Iha. Mag iingat ka ha. Mag papaalam na ako" pagpapaalam ni lola kasabay ang pag suot ng salakot.
Tumungo naman ito sa pinto para lumabas. Magalang namang pinag buksan ng kawal ang matanda hanggang sa tuluyang makalabas ito.
"Pst. anong pinag sasabi sayo ng matandang yun" tanong sa akin nung katulong ni thirp. Si ate gina.
"Ah. About sa lovelife ng hari" tugon na parang hindi interesado.
"Hayy. Wag mo nalang pakinggan ang matandang yun. Palibhasa anak nya si queeny ngunit itinakwil sya ni queeny" pagkukuwento ni ate gina.
"Bakit naman po itinakwil" tanong ko.
"Ay. Malay ko ba sa mag inang yan. Uy teka mukhang kailangan mo ng puntahan ang hari ah"
Ha?
Bakit ko naman pupuntahan ang hari eh sinabi ko na ngang hindi ako nito alipin.
"Ah hindi ho ako susunod sakanya. Mahihiga nalang ho ako dito - - hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng buhatin ako ng isang kawal.
"Paalam iha" pag papaalam ni ate gina habang naka ngiti.
Hay naku.
Minabuti ko nalang na huwag ng pumalag at sumama nalang. Para saan pa kapag pumalag ako. Dagdag sakit sa braso lang yun.
Tuluyan kaming lumabas sa kwartong yun. Teka kanino nga palang kwarto yun.
Sobra sa laki yun at ang lambot lambot ng kama kaya medyo napasarap ang tulog ko.
Maya maya lang ay namalayan ko nalang na pababa na kami ng hagdan. Nang makababa agad lumiko ang kawal na nagbuhat sa akin sa gawing kanan. Sinalubong kami ng kadiliman roon ngunit sa dulo ay may roong pinto, pintong kay laki rin.
Kulay itim ang pinto nito at may ilaw na pula sa gilid.
Kusa ng nag bukas ng tumapat ang kawal roon, pumasok kami sa loob at sinalubong ko ng iba't ibang tao.
Mayroong mahabang lamesa sa gitna at sila naman nakaupo sa upuan katabi ng lamesa.
Tanaw ko si thirp na naka upo sa kabilang dulo. Naka halukipkip ito at naka de kwatro.
"Ibaba ang aking alipin" utos nya.
Pansin kong nagiging center of attraction ako ng lahat habang ibinababa ako ng kawal.
Gosh. Namamayani sa akin ang hiya.
"Lumapit ka sa akin, aking alipin" utos pa ni thirp.
Sarap hambalusin ng itak ang bwiset na to. Sinabi ng hindi nya ako alipin.
Minabuti ko nalang na sumunod sa kanya upang maiwas ang tingin ng lahat sa akin. Siguro mga apat silang naka tingin sa akin maliban kay thirp. Tumayo ako sa gilid ni thirp habang naka yuko.
"Sya si souven ley wert ang aking personal alipin" pagpapakilala nya sa akin sa mga tao rito sa loob.
Hindi ko magawang i-angat ang aking ulo.
Hanggang sa namalayan ko nalang na may naka hawak sa aking baba.
"Itaas mo ang iyong ulo upang mag pakilala sa kanila, aking alipin" sambitnni thirp kasabay ang pag angat nya ng ulo ko.
Ugh. Nakakainis talaga ang lalaking to.
"U-um... Hi. I'm souven" tipid kong pag papakilala.
"And i'm masd" pag papakilala sa akin nung lalaking gwapo.
"Rick ang aking ngalan" pag papakilala din nung lalaking balbasin.
"Tawagin mo akong rose" pati nung babaeng naka maskara.
Naagaw naman ang aking atensyo sa magandang babae na kasalukuyang nakatingin sa akin.
"Call me queeny"
Teka.
Sya yung first love ni thirp ah.
Napatitig ako sakanyang kagandahan.
Maganda nga sya tulad ng sinabi ni lola. Mala anghel ang beauty nya. Ang swerte ni thirp sa kanya noh.
"Natutuwa ako na nakilala ko kayo" pag galang ko. Hindi na ako nag aksaya pang yukuran sila dahil aksaya lang sa segundo ko.
"Magandang binibini ang iyong alipin" pag puri sa akin ni queeny.
Grabe gusto ko syang sagutin na oo maganda talaga ang kanyang alipin, mas maganda pa sa inaakala mo queeny kaso hindi nga pala ako ang alipin ni thirp.
"Maraming salamat queeny" matabang na tugon ni thirp kay queeny.
"Kumuha kayo ng mauupuan ng aking alipin" utos pa nito sa mga kawal na akmang papalabas na.
"Hey hindi na kailangan ng upuan" bulong ko sakanya.
"Shut up! Utos ko ang masusunod!" Pagpapatahimik nito.
Hindi man lang nya ito ibinulong. Nakakahiya tuloy sa iba na napatingin sa amin.
Ugh.
Sumunod naman agad ang kawal. Kinuha nya ang nag iisang upuan sa sulok ng ng kwartong ito.
Inilagay ng kawal ang upuan sa tabi ng hari.
"Ngayon umupo ka sa tabi ko"
Nakakapag init talaga ng ulo ang lalaking to. Bakit nya ako palaging inuutusan eh hindi naman nya ako alipin.
Hinigit ng hari ang aking kamay upang maiupo sa upuan.
May paa at kamay naman ako bakit kailangan pang higitin.
Kinuha nya ang bagong tahi kong braso at ipinatong nya sa hita nya.
"Buti naman at malinis ang pag kakatahi" pag puri nya.
"Eheemm... Ngayong nadito na ang iyong alipin maari na ba tayong mag umpisa" pag singit ni queeny.
Agad ko namang binawi ang aking braso.
"Anyway tama ka. Alam ko naman na nabalitaan nyo na ang tungkol kay chin. Nag banta ito na naririto lang susi sa tabi tabi at alam ko naman na alam nyo kung anong epekto ng susing yun kay chin kaya pinatawag ko kayo. Gusto kong tulungan nyo ako. Nararamdaman kong mauulit ulit ang dati kaya kailangan ko kayo"
"Tapos ang usapan. Alam mo naman siguro kung anong sagot namin dyan. Syempre tutulong kami. Mauna na ako dahil kailanagan ko pang sanayin ang iba para makipag laban" pag papaalam masd.
Tumayo naman ito para lumabas.
"Great. Tutulong din ako" dagdag pa nung maliit na lalaki at sinundan si masd.
"Ganun din ako" pati yung nakamaskara ay sumunod na rin dun sa dalawa.
Ngayon tatlo na lang kaming natitira.
"Tutulong din ako at asahan mong bibiggyan ko kayo ng proteksyon" malambing nyang sabi.
Hmm. Kakaiba ang titig nya kay thirp ah.
"Salamat queeny" pag papasalamat naman ni thirp.
Tinapunan naman ni queeny ng isang matamis na ngiti si thirp bago tuluyang lumabas ng pinto.
Ramdam ko naman ang biglang pag buntong ng hininga ni thirp.
"I massage mo nga ang balikat ko" matikas nyang utos.
Padabog naman akong tumayo.
"Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na hindi ako ang alipin mo!"
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel