Eitsy's POV
Boom.
Ngayon heto kami sa mabahong kulungan na ito na madilim. Eto kasing souven na to kung ano anong pinagsasabi kanina.
Damang dama tuloy namin ang napaka bangong amoy dito sa seldang ito. Buti nalang at kasama ko parin sina souven at veany sa iisang selda habang sina grew at dake ay nasa kabilang selda. Pare pareho kaming wala ng gapos at isa pa, meron ding kaming kasama dito sa selda hindi lang sila veany at souven. Iba't ibang babae ang naririto pero hindi sila madami. Halata sa kanilang itsura ang takot.
"Ugh. Souven naman bakit mo ba kasi sinabi ang salitang yun. Hay. Kainis." Pag rereklamo ni veany.
Nakayuko lang si souven sa isang sulok at na nanahimik.
Siguro nag iisip ito ng malalim.
"Souven? Are you okay?" Tanong ko sa kanya.
Kanina pa kasi sya hindi nag sasalita.
"She's definitely okay" pag sagot ni veany.
Minabuti ko nalang ding manahimik sa isang sulok. Marami kasing tanong ang pumapasok sa isip ko.
Tama bang sumunod kami kay souven?
Paano nalang kung hindi kami makabalik? Paano na si mommy na mayroong sakit?
Ako lang naman ang nag aalaga sa kanya dahil si dad ay nasa ibang lugar. Mayroon pa man ding malubhang sakit si mom.
"Kayo ba ang lumabas mula sa parisukat?"
Nagulat akong bigla. Mayroon kasing bumulong sa aking tainga na ikinatayo ng aking balahibo.
Bahagya akong umatras sa babaeng nasa gawing kaliwa ko.
"Y-yes" sagot ko.
"Kalahi nyo ba ang dalawang lalaking lumusot din doon?" Tanong pa nya ulit.
Hindi ko alam ang isasagot sa babaeng mala kawad ang buhok at mala ginto ang ngipin. Sobra din ang dungis nito.
"Sinong bang tinutukoy mo?" Tanong ko.
Tumabi ito sa akin pero umisod naman ako ng kaunti. Sumandal ito sa pader at tumingala.
"Ang lalaking bumihag sa aking puso." Sambit nya.
Medyo naguguluhan ako. Ang tinutukoy nya ba ay ang dalawang adventurer na si donald at taler? Edi ibig sabihin naka punta rin sila sa ganitong lugar? Pero nasaan na sila?
"It's that mr. Donald and mr. Taler?" Tanong ko.
"Sila nga" sagot nya.
"Sino sa dalawa ang bumihag sa puso mo?"
Tumawa ito. Tumawa ito na parang isang mangkukulam.
"Ang donald kong mahal" hibang nyang sabi.
"So what happened to him?" Interesado kong tanong.
Tumigil na ito sa pag tawa at tinignan ako.
Creepy. Para syang baliw.
"Patay na sya" tugon nya.
Tumayo lahat ang balahibo ko ng sinabi nya yun.
"B-bakit? P-pano?"
"Pinapatay ng dating hari ang aking mahal"
Umiiyak na ito.
"Bakit?"
"Dahil kalapastanganan ang ginagawa nyang pag patay sa isa sa mga kawal ng hari" madiin nyang pag kukuwento.
"Can you tell the whole story?" Tanong ko.
"Ang kabuuan istorya?" Pag uulit nya.
Tinanguan ko lang ito at umayos ng upo para maipakita sa kanya na handa na akong makinig.
"Ang lugar na ito ay nababalutan ng kung ano anong elemento. Alam kong naka amoy rin kayo ng masangsang na amoy sa itaas gaya ng dalawang lalaking nag kwento sa akin. Dati akong bihasa sa agham at ngayon ay unti unti ng nawawala. Nung una ko silang nasilayan ako agad ang unang tumulong sa kanila. Hanggang sa nag tagal sila rito. Hanggang sa dumating ang araw na dinakip sila ng kawal. Naglaban sila hanggang sa napatay nila ang kawal at hanggang sa makarating ito sa hari hanggang sa ipapatay sila. Pinatay nila ang aking mahal. Kaya pinatay ko rin ang sakim na hari. Hahahahaha" pag kukuwento nya.
Weirdo. Ang gulo nya mag kwento.
"So bakit sila dinakip ng kawal?" Tanong ko.
"Dahil..... Isang lihim nalang yun binibini. Hahahaha"
Kakaiba ang babaeng ito. Baliw na ata sya.
"Eitsy!" Pag tawag sa akin souven kasabay ang pag hila sa braso ko papalapit sa kanya. "Wag kang makikipag usap sa babaeng delikado ang mata" utos ni souven.
Anong ibig sabihin ni souven?
Hindi ko napansin kanina ang mata nito kaya binalak kong tignan ito ngunit nag dilim na ang paningin ko.
"Dark eyes" sambit nito.
Kinikilabutan ako sa pinag sasabi ni souven.
"Layuan mo kami!!!!" Bulyaw ni sou.
Napa-nganga ako ng bahagya. Sobrang lakas at nakakatakot ang ginawang pag sigaw ni souven.
Unti unti naman ng nagliwanag ang paligid ng alisin ni souven ang kanyang kamay na nakatakip sa aking mata.
"She's weird" sambit ni veany.
"Eitsy. Wag kang makikipag usap sa isa sa mga kasama natin sa bwiset na seldang ito" utos nya.
"F-fine" tugon ko.
Medyo lumayo ako sa kanila ng kaunti.
"Souven. Normal naman ang kanyang mata" bulong ni veany kay souven na rinig na rinig ko naman.
Hindi ko na narinig ang tugon ni souven. Binulong nya siguro iyun ng todo todo.
Niyakap ko ang aking tuhod.
Kinakabahan na ako sa lugar na ito. Ano bang meron dito?
"Guys?" Sigaw ni dake sa kabilang selda.
"Why?" Tanong naman nila veany at souven.
"May nakalap--- "
Hindi na naituloy ni dake ang kanyang sasabihin ng mag bukas ang malaking pintuan sa aming harapan na ikinasilaw naman ng lahat.
Napatakip ako ng mata at ganun din sila veany, nakakasilaw kasi talaga.
Ramdam ko ang yabag ng kanilang paa na papalapit sa aming selda.
"Kunin ang babaeng nambastos sa hari!" Utos ng isang kawal.
"Teka s-sinong kukunin nila?"
Binuksan nila ang pintong bakal or should i say rehas at doon pumasok ang dalawang kawal. Lumapit ang mga ito kay souven.
"Sumama ka sa amin" utos ng mga ito.
Agad naman akong lumapit kay souven upang harangan sya.
"Hindi pwede!" Sumbat ko sa dalawang kawal.
*blagggg*
Aray.
Bigla akong hinagis ng isang kawal sa kung saan at tumama ang ulo ko sa matigas na pader.
"Wag...." Sigaw ni veany.
Hindi agad ako naka tayo dahil medyo nahilo ako sa ginawa nilang yun.
"T-teka san nila dadalhin si souven?" Tanong ko sa aking sarili.
"S-sa kamatayan. Hahahahaha" pag sagot ng babaeng baliw.
Sinara na nila agad ang bakal na pinto at pinanood nalang namin kung paano sila mag laho.
Habang si dake naman ay halos mapatid ang ugat sa leeg sa kakasigaw at kakauga ng bakal na pinto.
Saan kaya nila dadalhin si souven? Hindi kaya totoo ang sinasabi ng babaeng baliw?
------
Souven's POV
Kanina pa ako nasasaktan sa ginagawa nilang pag pilipit sa aking braso. Saan ba ako dadalhin ng mga kawal na ito.
"Damn. San nyo ba ako dadalhin." Sigaw ko sa mga kawal.
"Glurrr glurr glurr" sambit ng isang kawal.
Ano bang pinag sasabi ng mga ito? Hindi ko maintindihan eh.
Pinili ko nalang manahimik at huwag ng mag ingay.
"Sandali"
Huminto naman kaming bigla at nauntog ako sa kung ano. Minabuti kong i-angat ang aking ulo para makita kung sino ang nasa aking harapan.
"Ow my god"
Nilamon ko agad ang aking labi. Minabuti ko nalang na yumuko ulit. Ugh. Bakit nandito sya. Grabe, nakakahiya.
"Lagyan nyo ang kanyang kamay ng handcuff at tali" utos nito.
Ipinikit ko nalang ng madiin ang aking mata.
Sobra talaga akong nahihiya sa kanya. Bakit ko ba kasi nasabi yun.
Ramdam ko naman na binitiwan ako ng isang lalaking nakahawak kanina sa aking braso. Kinuha nito ang aking kamay at inilagay sa aking unahan. Nilagyan nya ito ng posas na may tali. Mahaba ang taling iyun na nakalawit lawit.
"Hoy babae!" Sigaw nito sa akin.
Nanatili lang akong nakayuko. Ayoko syang tignan, nahihiya ako.
"Grabe..." Sambit nito. "Iwan nyo na kami" dagdag pa nya.
Teka? Iiwan kami?
Napa angat agad ako ng ulo.
"Teka... Wag.. Wag- - - ouch!"
Bigla nyang kinuha ang tali at hinigit ito dahilan para matisod ako.
Kita ko naman ang kanyang ginagawa, tinatali nya sa kanyang kamay ang taling hawak hawak nya kanina.
"Follow me puppy"
Ano? Anong puppy?
Naglakad ito. Ayoko mang gumalaw kaso kailangan dahil hinihigit nya ang tali na nagiging dahilan ng pag abante ko.
Kung maglakad ito ay parang kapre, ang la-laki ng hakba kaya minsan natitisod ako sa mga batong aming nadadaanan.
Para ako nitong inaasar, parang sinasadya ang madalas nyang pag hila hila ng tali.
"Grabe maka hila tong bwiset na to" bulong ko sa aking sarili.
Nauntog akong bigla sa kanyang likod. Bigla kasi syang huminto. Medyo umatras ako ng kaunti dahil humarap syang bigla.
"Kanina haring supot tapos ngayon bwiset naman? So what's next?" Pamimilosopo nya.
Narinig pala nya.
Teka? Pansin ko lang na parang hindi malaki ang tainga nito at wala rin itong buntot. Para lang itong normal na tao, kaso mukha syang walang alam.
"I just want to apologize dun sa nasabi ko kanina" paghingi ko ng sorry.
"Okay"
Wow. Ambilis nya pala mag patawad.
"Thank--- "
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng takpan nya ang bibig ko. Lumapit ito sa akin. Seryoso ang kanyang mukha at para itong nakikiramdam.
"They here" sambit nito bago puluputin ang baywang ko gamit ang isa nyang kamay.
Nanlaki bigla ang mata ko dahil sa kanyang ginawa.
Binuhat ako nito at tumakbo ng pagkabilis bilis sa isang batong malaki at doon ako dinala.
"Just quite" utos nya.
Mygod.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Parang na hit and run ako sa kanyang ginawa. Sobrang bilis ng ginawa nyang pagtakbo. As in sobrang bilis.
*blaggg*
Nabalik ang kaluluwa ko ng makarinig ako ng pag bagsak. Nag lakad ito kaya napalakad din ako.
Nanlaki ang mata ko at napatakip agad sa aking bibig dahilan para mahila ko ang kanyang kamay kaya napatingin ito sa akin.
Nakatingin lang ako sa kawawang konehong naliligo sa sarili nyang dugo habang may kutsilyong naka tusok sa kanyang tagiliran.
Naalala ko bigla ang dati naming alaga ni grandpa na koneho na ibinenta namin dahil nawalan kami ng pera.
Nilapitan ni haring supot ang koneho at umupo ito sa tabi nito. Parang sinisiyasat nya ito.
"What happened?" Tanong ko.
Kinuha nya kasi ang kutsilyong nakatusok rito.
Hinigit nya ang tali para lumapit ako sa kanya. Kinuha nya ang kapiraso ng tela kong damit at ipinunas doon sa kanyang kutsilyong kinuha doon sa koneho na puno naman ng dugo.
"T-teka ang kapal mo naman! Bakit mo pinunas sa damit ko yung dugo! Hayy. Yan tuloy may mantsya na yung damit ko!" Sumbat ko rito.
Tumingin ito sa akin, seryoso ang kanyang titig.
"That was the job of drudge" sambit nito.
Ngumisi ito bago ituon ang pansin sa kawawang koneho. Dumadaloy ang sariwa nitong dugo sa batuhan.
Pinoint naman nya ang kanyang daliri at dinampi ang dugo sa damuhan. Inamoy amoy nya muna ang dugo bago ito dilaan.
"Yak" sambit ko kasabay ang pagduwal duwal na parang nasusuka.
Natural naman na mandidiri ang sino mang nakakita sa kanyang ginawa. Bakit nya ginawa ang nakakasukang bagay na yun? Kadiri talaga.
"Layuan mo kami!!" Sigaw nito kasabay ang unting unti pag laho ng patay na koneho.
Anong klaseng tao sya? Anong ibig sabihin nung ginawa nya? Bakit biglang nag laho na parang bula ang koneho?
"Let's go" utos nya.
Tumayo na ito. Bahagya muna syang nag pagpag ng kanyang kasuotan bago nag lakad.
Parang wala lang sakanya ang nangyare kanina. Anong klase kaya syang nilalang. Hindi ko maiwasang mahiwagaan sa kasama ko ngayon. Kakaiba sya pero normal naman sya. I smell something wrong.
"What is your name?" Tanong nito pero patuloy parin sa pag lakad.
Hindi agad ako naka sagot.
"I said what is your name!" Medyo masigaw nyang pag uulit.
"A-ah s-souven, Souven Ley Wert" utal utal kong sagot.
"Hmmm... Nice name" pag puri nya.
Grabe, Hindi ko maiwasang mapapatitig sa likuran nya. Halatang malaki ang katawan nito. Napaka presko nya lang tignan.
"Pwede ba itigil mo ang pag titig sa likuran ko!"
Nagitla ako kaya paulit ulit kong kinurap kurap ang mga mata ko para mabalik sa reyalidad. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanyang likod.
"Simula ngayon isa ka ng ganap na alipin ng hari" utos nito na ikinabigla ko naman kaya napahinto ako at ganun din sya.
"Ano?" Tanong ko.
"Isa sa mga batas na gusto ko. Wag kang bingi" sumbat nito.
Napailing iling nalang ako.
"Sorry pero hindi ako papayag!" Sigaw ko sakanya.
Hinigit nanaman nya ang tali upang mag lakad.
"Once na mainis ako sayo another one year napananatili at kapag nasiyahan ako sayo mababawasan ng one day ang pananatili mo" sambit nito na animo'y natutuwa pa.
"Kung mag papaalipin ako sayo" pag mamataray ko.
Nginisian ko ito kahit nakatalikod sya.
"Well wala ka namang magagawa dahil yun ang punishment mo, dahil sa pag tawag mo sa akin ng haring supot" wika nya.
"Wait? Sabi mo okay na?" Pag rereklamo ko.
"Ang paniniwala ay nawawala" makahulugan nyang sabi.
Huminto ulit ako ng pangalawang beses para maitigil ko ang pag lalakad namin.
"Uuwi na kami! Ipinapangako ko sayo na hindi kami aabutin ng gabi sa lugar na to! Uuwi kami! Itatak mo sa utak mong wala namang laman!" Inis kong sabi sa kanya.
Hindi ko na matiis eh, nakakabwiset na eh.
Dahan dahan itong lumingon sa akin.
"Anong karapatan mong sabihan ako ng walang laman ang utak!" Sigaw nito sa akin.
"Ang totoo ay totoo" sambit ko rito. "Hello may karapatan po akong lait laitin ka, why? Because your such a loser!" Pag mamataray ko pa.
Hindi man nya pinapahalata pero ramdam kong nanggigigil na ang kanyang ngipin sa galit.
"Gusto kong ipaalam sayo na ako ang hari sa lugar nato!!" Nanggagalaiti nyang sigaw.
Tumawa ako bilang pang aasar sa kanya.
"Gusto ko lang din ipaalam sayo na dati akong barangay chairman na nalipat sa pagiging mayor hanggang sa naging senador at dumating sa point na naging presidente ng bansa. Kaya wag mong ipagmalaki sa akin na hari ka dahil wala pa yan sa kalingkingan ko!" Sumbat ko rito.
Hiningal ako sa ginawa ko.
Pero halos lahat ng sinabi ko ay walang katotohanan. Gusto ko lang mag yabang sakanya dahil ang yabang nya. Eh hari lang naman.
"Such a liar"
Tumalikod na ito at nag lakad.
Pinigil ko naman ito.
"Ibalik mo nalang ako sa kulungan!" Sigaw ko rito.
"No way" tipid nyang pag tanggi.
Ugh. Ang tigas ng bungo nya. Pinilit nyang hilahin ang tali para lang mapalakad ako.
Sa tingin ko sa malaking palasyo ako nito dadalhin. As usual, nasa harapan na namin eh.
"Ano namang gagawin natin dyan?" Tanong ko.
"Well tinawag mo akong supot right? Well tignan natin kung ganun nga"
"What?! Kadiri to" sigaw ko.
Kailangan kong umalis.
Akmang tatakbo na sana kaso naalala ko naka tali pala ang kamay ko kaya agad nya itong hinigit dahilan ng pag bangga ko sa mala pader nyang dibdib.
Infairness ang tigas nito kaso ang sakit sa ilong. Mukhang na durog ata.
"Bawal takasan ang hari" sumbat nito.
Kakainis ang lalaking to.
Sino ka ba talaga at anong klase ka?
YOU ARE READING
King's Key is Me
AventuraAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel