Souven's POV
Halos mapaluha ako ng madatnan ko ang bahay ko na sobra ang kalat. As in napaka kalat.
"Bakit ang kalat rito?" Nanlulumo kong tanong.
"Tara sa kwarto- - "
"I said! Bakit ang kalat rito!" Pag uulit ko kasabay ang pag kuyom ng aking kamao.
"A-ano kasi eh. K-kasi ano e- - "
"Bakit!!"
Hindi naman ako nagagalit kaso paano ko to lilinisin? Nung huling linis ko nito ay nung buhay pa si grandpa. Wala na nga ata akong alam sa pag lilinis eh.
"Saglit. Hindi mo dapat sinisigawan ang iyung hari ng ganyan."
Hay.
"Paanong hindi sisigaw eh ang gulo gulo ng bahay!"
"Edi ipalinis sa mga alipin."
Tsk.
I sigh. Kinalma ko ang sarili ko bago imasahe ang sarili kong braso.
"Okay. Ako na lang ang mag lilinis, pag papasensyahan na lang muna kita ha."
Sinimulan kong linisin ang salas kung saan kalat kalat ang mga libro.
"Teka. Teka. Teka. Huwag yan. Babasahin ko pa yan eh."
Hindi ko sya pinansin. Naglinis lang ako ng naglinis. Kinuha ko ang vacuum cleaner para linisin ang mga alikabok sa sahig. Ilang minuto akong naglinis sa salas at nang matapos ako. Sinunod ko ang cr na sinundan ng kusina hanggang sa sinunod ko ang kwarto. Pati ang kwarto ni lolo magulo rin. Ano kayang pinag gagawa ng lalaking yun dito sa bahay ko? Siguro si eitsy ang nagbigay ng susi kay thirp para makapasok sa bahay ko.
Gusto ko mang magalit sakanya pero hindi ko magawa.
May kakaibang charming si thirp na syang pumipigil sa akin na magalit o kung ano man.
Ang kahuli hulihan kong niligpit ay yung mga unan na nalaglag sa sahig at pag katapos nun, humiga na ako sa malambot kong kama.
"Kakapagod."
Ipinikit ko ang aking mata para mag pahinga. Ka'y tagal kong hindi nakabalik rito sa bahay. Miss na miss ko ito.
Akala ko hindi na talaga kami makakabalik sa normal naming lugar pero nagkamali ako. May mga bagay nga talagang posible kahit imposible.
Nahihiwagaan ako sa sarili ko. Alam kong maraming dugo ang nawala sa akin pero paanong nabuhay ako. Oo nga meron pang natitira sa dugo pero kulang na yun. May nag salin kaya sa akin ng dugo?
Naalala kong bigla si lolo. Alam siguro nya na mangyayari ang lahat ng ito. Dapat hindi ko na isipin ang mga bagay nayun. Ang mahalaga buhay ako.
"Gumising ka!"
Wala sa oras akong napamulat.
Pinanlakihan ko ng mata si thirp na halos isang daliri nalang ang aming pagitan. Hindi na ako nasanay, palagi parin akong kinikilig sakanya. Para syang isang bagay na hindi kumukupas.
"Pagod ako eh." Wika ko bago muling ipikit ang aking mga mata.
"Wag kang matulog." Bulong nya.
Hindi ako nakinig sakanya.
Pagod na talaga ako. Biruin mo salubungin ka ba naman ng makalat na bahay tapos kakagaling mo palang sa hospital sinong hindi mapapagod don. Alangan naman pabayaan kong marumi yun.
"Kapag natulog ka magkakalat ulit ako sa bahay mo."
Aba. Nanakot pa.
Ramdam ko ang pag alog ng kama. Lumulundag ata sya.
"Thirp. Wag kang makulit." Wika ko habang nakapikit parin.
"Wag ka kasing matulog! Paano na yung masahe?"
Kahit nakapikit ako ay ramdam ko parin ang nakabusangot nyang mukha na syang nagpapangiti sa akin.
"Ano bang mahalaga sayo. Ako o yung masaheng gusto mo?" Pamimilosopo kong tanong.
"Syempre yung masahe."
Napamulat ako ng mata. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Umalis ka sa ibabaw ko kung ayaw mong angkinin ko yang labi mo!" Inis kong sambit.
Ngumiti naman ito ng nakakaloko.
"Edi angkinin mo. Sayong sayo naman ako." Isang nakakangiwing kindat ang ginawad nya.
Bumalik lahat ng hanging ibinuga ko sa aking baga ng lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking manipis na labi.
Hindi ko magawang makagalaw. Ang puso ko, paniguradong naririnig nya ang malakas na pintig non. Sasabog na ata ang pisngi kong namumula. Hihiwalay na ata ang kamay kong nanginginig at pati ang nanlalaki kong mga mata.
Unti unti kong ipinikit ang aking mata at dahan dahan kong nilakbay ang aking kamay patungo sa likod nya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa suot nyang shirt bago ako tumugon.
Sana ganito nalang kami lagi. Walang chin walang queeny at yung babaeng baliw. Gusto kong isipin na isa lang silang imahinasyon na panandalian ko na lang na makakalimutan. Paano nga ba umabot sa ganito? Ang trabaho ko lang naman ay mag paalipin hindi ang magmahal. Wala namang magagawa ang isang tao kapag tinamaan na. Kaya mo ngang iwasan pero hindi mo kayang pigilan.
"Hi sou- - o my ghad."
Agad kong itinulak si thirp at pabalikwas na umupo.
"Eitsy!" Sumbat ko.
"A-aray...."
Binalingan ko ng pansin si thirp na iniinda ang baywang habang na sa sahig. Nilapitan ko sya agad para alalayang makatayo.
Masama ang tingin nya sa akin.
"S-sorry." Pag hingi ko ng tawad bago mag peace sign.
"Sorry guys. Hindi ko sinasadyang makita but don't worry ako lang- - "
"Ano yun ha?" Nakangiting wika ni tic.
Diyos ko po.
Mukhang mag lilinis na naman ako ng bahay. Paanong lahat sila ay nakasunod rito? Ugh. Nakakainis, mga paepal talaga.
"Bakit naririto ang mga yan?" Tanong ni thirp bago pagpagin ang suot.
Akala mo naman naalikabukan.
"Bukas kasi yung pinto sa labas kaya pumasok na kami." Wika ni dake.
"Hay. Lalabas muna ako." Pag papaalam ni thirp bago lisanin ang aking kwarto.
Paniguradong galit yun. Kainis naman.
"Ano ba kasing kailangan nyo?" Inis kong tanong.
"Hello? Bigla bigla nalang kaya kayong umalis sa hospital. Anyway, heres your medicine. Kailangan mo yang inumin para hindi kana bumalik pa sa hospital." Ibinigay ni veany sa akin ang gamot na hindi ko maintindihan kung para saan.
Nagulantang ako ng bigla silang pumasok sa kwarto ko. Sila eitsy,veany,dake,grew,cat and tic. Nag sumiksik silang lahat rito sa kwarto.
Agad akong tumayo at hinigit palabas si eitsy.
"Excuse lang guys." Paalam ko.
Agad kong dinala si eitsy sa cr.
"Anong ginagawa nyo rito?"
"Hay. Pag bigyan mo na silang lahat, masyado ka lang nilang namiss. Anyways, wag ka mag alala sa nakita ko kanina ha. I swear hindi ko ipagkakalat yun pero infairness, may chemistry kayong dalawa ha. Chaka matagal na nilang alam na may relasyon kayo ng hari." Sambit nya.
Palihim akong ngumiti pero hindi ko iyun pinahalata. Alam ko naman na alam na nila ang tungkol ron. Hindi lang talaga sila gumawa ng issue para wala ng gulo. Dito naman ako masaya kaya masaya narin sila. Para lang kaming mag kakadugo na kapag masaya ang isa masaya narin sila.
"Okay fine, naiintindihan ko kayo kaya pwede na kayong mag stay para naman makapag bonding tayo pero wag kayong mang gugulo."
"Yes." Exicted nyang sabi.
Niyakap ko agad sya.
"I really miss the real eitsy." Bulong ko.
Mababaw lang ang luha ni eitsy kaya narinig ko agad ang hikbi nya.
"Miss na miss din kita."
Kumalas narin ako agad sa pag kakayakap. Ayokong mauwi ito sa dramahan. Gusto ko masaya lang.
"Hindi ko na kaya. Souven may sasabihin ako."
Napakunot muna ako ng noo.
"Ano yun?"
"Actually hindi naman talaga nawala ang phone ko nung nandon tayo sa lugar na yun."
Napaawang ng kaunti ang bibig ko.
"What?! Ibig sabihin may cellphone kang ginagamit nun? Ghadness eitsy."
Wala akong nagawa kundi ang mapakamot sa ulo.
"Yun ang matagal ko ng nililihim sainyo. Pero maniwala ka, nawala sa isip ko na tawagan ang kung sino para iligtas tayo. Ang tanging mom ko lang ang nasa isip ko non. Alam mo naman siguro na noong araw na yun ang operasyon ni mom. Wala pa ngang dalawang segundo nung nag uusap kami ng biglang mamatay ang phone, don ko napag tanto na one percent nalang pa ang charge ng phone ko kaya sorry talaga ha."
"Hay. Alright, i understand. Paano ka nga namang mag cha-charge don eh wala namang charger don. So, kalimutan mo na yun. Ang maganda, nakauwi tayo." Nakangiti kong sabi.
"Secret nalang natin yun ha. Baka sumbatan ako nila kapag nalaman nila."
"Wala naman akong magagawa. Kaya tara na."
Nauna na akong maglakad palabas ng cr.
"Hello?"
Binulaga ako ni summer na nakangiti parin. Tss, ang babaeng duwag.
"Anong prob- - teka anong meron sa labas?"
"Slight interview lang naman para kay mr. Thirp kniff."
"Ano?"
"Umm. Chaka ko na ikukuwento, i save mo muna ang mahal mong hari."
Napa. Tsk. Tsk. Tsk. Nalang ako.
Nilingon ko muna si eitsy na pilit ang ngiti bago tinungo ang pinto palabas ng bahay. Doon ko nakita si thirp na nakahalukipkip habang nakatayo sa harap ng iilang tao na may hawak hawak na phone at camera.
"Sir, paano na ukit ang pangalan nyo ron? Ayun sa mga dalubhasa nakataktak na daw ang pangalan nyo ron? Totoo bang kayo ang may maari ng hardin na yun? Kung kayo, bakit biglang sumulpot iyun at bakit nawala ang murderous cave?"
Mga iilang nakakairitang tanong. Ugh. Ginigitgit nila si thirp.
Nanlaki ang mata ko ng masaludsod ang isang babae na reporter din at ang bwiset! Nag pasalo pa kay thirp.
"Ay. Ang sweet ni sir. Sare po ha."
What the wuwu hell. Nakikipag flirt pa daw.
May inis sa aking mukha bago lumapit sa kanila. Nag sumisik ako para makuha ang kamay ni thirp na nasa kanyang kili kili.
Bumababa ang tingin nilang lahat sa aming kamay na kasalukuyang magkahawak. Ano inggit kayo noh?
"Ikaw ba si souven ley wert? Na isa rin sa nakapasok at naka labas sa murderous cave." Tanong nung babaeng pa sweet.
Taas noo akong tumayo.
"Ako nga bakit?" Mataray kong tugon.
"Ahh. Ikaw pala ang sinasabi ni mr. Thirp na girlfriend nya." Wika nito habang nag tataasan ang kilay.
"Maari bang tawagin nyo na lamang akong daking dahil ayokong tawagin nyo ako sa tunay kung pangalan sapagkat ang tanging mahal ko lang ang maaring tumawag sa akin nun." Pag sabat ni thirp na syang ikinayabang ko.
"So excuse us." Nakangisi kong sambit bago higitin palayo sakanila si thirp.
Papasok na sana kami sa bahay ko ng ibahin nya ang direksyon namin.
"Teka san tayo pupunta?"
"Sosolohin kita."
"Paano sila- - "
"Ipinagdadamot kita!!"
Nagitla ako sa biglaan nyang pag sigaw.
"Bakit ka nasigaw?" Nag susumamo kong tanong.
Nahinto ang paglakad namin ng lingunin nya ako.
"Muntik na akong mamatay nung dalawang linggo kang nakahiga sa puting kama. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas to. Sobra kitang na miss. Gusto kitang makasama ng sampung taon bilang kabayaran mo sa dalawang linggong pag iwan sa akin. Pwede ba tayong lumayo sa mga kaibigan mong mahilig sumulpot ng walang oras? Nakakabitin kaya yung kanina!"
"O-okay." Tanging yun na lang ang nasabi ko.
Nagpadala na lang ako sakanya.
Pareho lang kami ng nararamdaman. Gusto ko rin syang masolo.
Napapangiti na lang ako kahit medyo kumikirot kirot ang braso ko na tinusukan ng kung ano.
Pinagmasdan ko ang kanyang seryosong mukha na nakatingin lang sa daan. Hindi ko inaasahang mag kakaron ako ng isang thirp sa buhay ko. Nagpapasalamat ako dahil mas pinili nyang maging mabuti ang lahat. Salamat talaga.
"Um. Thirp? Ano bang laman nung pintong yun?"
"Isa lamang uri ng kahilingan."
"Hmmm.. Bakit nawala na ang lugar mo? Chaka paano nagkaron ng ganong lugar?"
"Iilan yan sa mga tanong na gusto ko ring malaman ang sagot. Paano nga ba ako nadamay? Paano ako isinilang roon sa ganong lugar? Kaso mukhang wala ng makakasagot nan dahil wala na si dad. Siya lang ang nakakaalam ng history ng sinumpang lugar na yun. Huwag ka nalang mag isip, basta ang mahalaga nakatayo at buhay ka."
"Thank you."
Huminto sya sa pag lakad ng marinig nya ang pag papasalamat ko.
"Salamat kasi hindi mo parin ako pinabayaan. Pinotrektahan mo ako hanggang sa huli. I wish hindi na bumalik ang chin na yun."
"Don't be afraid."
Nagpakawala ako ng buntong hininga bago muling nag patuloy sa pag lalakad.
------
Dake's POV
Taas noo akong nakangiti sa harap ng camera habang tinatanong.
"Kung ganon sir ano pong masasabi nyo sa naging adventure nyo?" Tanong ng isa sa mga reporter.
"Amazing. Yung ang masasabi ko dahil kakaibang pag subok ang aming nilagpasan para lang makabalik rito ng buhay."
"Ahh. Kapag po ba- - "
"Bakit ba ang dami nyong tanong? Tanong kayo ng tanong. Kailangan din namin ng pahinga noh! Biruin nyo, hinarap namin ang mga patay pati si chin na pinaka malaka- - "
Agad kong tinakpan ang bibig ni cat.
"A-ah hehehehe. Wag nyo syang pansinin may sira lang ito sa ulo. Excuse lang ha."
Kinarga ko si cat para maipasok sa bahay. Nag wawala eh.
"Bakit kailangan mong gawin yun!" Singhal nya habang inaayos ang nagulong buhok.
"Hindi na nila kailangang malaman ang tungkol don."
"Anong hindi? Kailangan yun. Tinagurian pa man din kayong mapanganib na adventurer kaya dapat ikuwento ang mga nangyari don sa lugar namin."
"Hindi mo kasi naiintindihan. Alam mo, lilipas din ang issue na yan kaya wag ka ng mag aksaya pa ng laway para ikwento sa kanila ang lahat. Hindi naman kasi maniniwala ang mga yan."
Nag lakad na ako para tumungo sa salas.
"Kung ganon ililihim nyo lang ang bagay na yun?" Cat asked.
"Yhap. Secret nalang natin yun." Wika ko bago umupo sa malambot na sofa katapat si tic at veany.
"Ang daya talaga ng dalawang yun. Akala ko ba mag ce-celebrate tayo pero nilayasan lang nila tayo. Palibhasa mag da-date ang dalawang yun." Pag rereklamo ni veany.
"Pabayaan nalang natin sila. Alam mo naman kung gaano kahirap sa hari ang mag alala." Paalala ni grew.
"Chaka kung naiinggit ka sakanila. Nandito naman ako eh, tara mag date din tayo." Panlalambing ni tic kay veany.
"Gusto mong barilin kita ulit sa balikat?"
Natatawa nalang ako habang pinag mamasdan silang buo. Nagpapasalamat ako dahil walang namatay sa amin maliban lang sa nasugatan. Kinabahan talaga kami nun nung muntik na kaming mabaril nung babaeng baliw nung hawakan namin ang braso nya. Kawawa naman ang babaeng yun, namatay ng hindi man lang yumayaman. Kamusta na kaya sila chin? Siguro nasa langit na ang mga yun.
Si mr. Donald kaya? Nasaan na kaya ang lalaking yun. Siguro nag kanda ligaw ligaw na yun dito sa lugar namin.
Napapangiti nalang ako habang inaalala ang mga nangyari sa amin. Mga katangahang hindi paniniwalaan ng iba.
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel