Thirp's POV
Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin. Hindi ko maalala ang nangyari kanina. Wala akong alam sa sinasabi nyang nakipaghalikan. Wala akong maalala.
Tulala ako habang pilit na iniisip ang nangyari.
Ang alam ko lang, pinatawag ako at pinapunta sa lugar na yun at pag katapos nun. Wala na. Nawala na ako sa sarili.
May kakaibang hawak hawak noon si queeny. Hindi ko masyadong nakita yun dahil may sinaboy ito sa aking mukha at doon na ako natuliro.
"It's okay. Wag mo na masyadong dibdib ang nangyari.." Pagpapaklma nya sa akin. "Hindi naman kasi ikaw yung nasaktan" sarkastikong dagdag pa nya.
Pinanood ko lang ang itsura nyang nasusura. Ganito pala sya mag selos.
Pero inaamin ko, napaka tindi ng ginawa nya kay queeny. Nanghina ako sa ginawa nyang yun kaya hindi ko agad sya naawat. Ang nakakapag taka lang. Bakit hindi gumanti si queeny?
Hindi ugali ni queeny ang mapag talo pero this time pinairal nya ang kanyang dangal. Ayaw nyang madingisan ang kanyang pagiging mabait at kagalang galang sa iba kaya hindi nya pinatulan ang aking alipin. Panigurado akong gaganti yun kaya dapat palaging nasa tabi ko lang ang aking alipin.
"Are you jealous?"
Halos maibuga naman nya ang kanyang tubig na iniinom ng marinig nya ang tanong ko. Pinagpag ko ang damit ko na nasabuyan ng tubig.
Nanlalaki ang kanyang mata. Nagulat siguro sa itinanong ko.
"No. I'm not jealous." She said.
"Such a liar"
Nakakabagot na tingin ang ibinato ko sa kanya bago inumin ang tubig na nasa mesa.
"Isn't obvious?" Matabang nyang tanong.
Mahinang tawa ang lumabas sa bibig ko.
"Nagseselos ka nga?"
"Well, definitely yes." Sarakastikong tugon nya.
Nakakatuwa lang alalahanin ang ginawa nyang pag amin kanina. Yes, habang yakap yakap ko sya sinabi nyang gusto nya ako.
Flashback.
"S-sorry.. I'm so sorry. S-sorry.." Pag hingi ko ng tawad sa kanya.
Nanatili akong takot habang nakayakap sa kanya. Sa mga oras na to hindi ko alam kung bakit parang natatakot akong mawala sya.
"Bwiset ka! Nasaktan na naman ako. Bwiset ka talaga! Dapat lang na mag sorry. Bwiset ka kasi!" Singhal nya sa akin.
Mas lalong napahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Sorry. Alipin ko.." Muli kong pag hingi ng tawad.
"Bakit kasi nag kagusto pa ako sayo!"
Napakalas ako sa pag kakayakap ng marinig ko ang sinabi nya. Nakahawak sya sa kanyang bibig na tila'y gulat na gulat.
"May gusto ka sa hari mo?"
"No- - "
"No negative reason"
"Fine. Oo ganun na nga. May gusto ang alipin mo sayo kaya may karapatan akong ipag tanggol tong narara- - "
Muli ko syang niyakap. Eto na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Hindi maalis sa aking labi ang ngiti.
Hindi ko dapat ginusto itong babaeng ito kaso mapanukso sya kaya para akong isang bading na bumigay din.
End of flashback.
"Wow. Nangiti sya oh siguro inaalala yung kissing scene nila kanina queeny"
Nakangiti lang ako sa kanya.
"Naalala ko lang yung pag aming ginawa ni ms. Pretty drudge kay mr. Bombastic king"
Biglang nahiya ito.
"U-umm. Kuha lang ako ng tubig uhaw na kasi ako"
Tumango na lang ako bilang pag payag. Kumaripas naman sya ng takbo papunta kay cat na syang nagbibigay ng tubig.
Nakakatuwa lang isipin na mayroong apat na baso na may lamang tubig sa mesa namin. Naiintindihan ko naman sya. Nakakahiya nga naman kapag paulit ulit kong ipapaalala sakanya yun.
"Hey. Couz?"
Lumingon ako sa aking likuran. Isang kulot na lalaki ang bumungad sa akin habang naka ngiti. Umupo ito sa bakanteng upuan.
"Grabe. Tinakot mo ako kanina. Next time nga wag mo na ulit ilalabas ang pangalawang katauhan mo. Tinatakot mo ako. Chaka paubaya mo na sakin si souven, minsan lang kaya akong mag ka lovelife"
Hindi ko man lang magawang mainis sa kanya. Oo nakakasira sya ng araw peri hinding hindi nya masisira ang araw ko ngayon.
Masyado ko atang natakot ang lalaking ito kanina. Tss. Kung hindi ko yun ginawa malamang nakipag bangayan na ako sa kanila ng kalahating oras.
"Diba sinabi ko na sayo. akin ang alipin. Sakin lang."
"Hay. Bakit ba kasi nag kakagusto ako sa mga babaeng nagugustuhan mo. Hay. Sana ma love at first sight na lang ako ng..."
Biglang kuminang ang mga mata ni tic habang nakatingin sa isang babaeng dadaan sa kanyang harapan.
"Ang ganda.."
Teka. Pamilyar ang babaeng ito. Sya ang kaibigan ng alipin ko. Ano nga bang pangalan nito.
"Hi. Veany? May bakante pa ba dyan sa puso mo? Mag a-apply sana ako."
Tama. Sya nga si veany ang kaibigan ng alipin ko.
Natigilan naman ang babae dahil sa ginawang pag agaw ng atensyon ni tic.
"Um. Sorry ha. Sarado na eh. Kanina kasi sinabihan na kitang mag apply eh meron ka atang pinag kakaabalahan kaya hindi mo ko napansin. Kaya sorry. Sarado na ako"
Tuluyan na itong nag lakad palayo kay tic habang si tic naman ay sinundan ang babae.
Ngayong may babae na naman syang bibiktimahin, sana'y tigilan na nya ang alipin ko.
"Daking!"
Hingal na hingal na tumambad sa harap ko si rose.
"Ano yun?"
"*glurp* ang bagong chin. Paparating"
Inurong ko ang upuan upang makatayo.
"Damn!"
Tinakbo ang kinatatayuan ng alipin ko at ikinulong ito sa bisig ko.
"Your in danger!" I murmured.
Binuhat ko sya at dinala sa main door ng palasyo. Tumayo ako sa malaking bato kung saan naka desinyo ang itsura ko.
"Maghanda kayong lahat paparating ang bagong chin. Gusto kong lumapit kayo rito at mag abang sa mang yayari. Maging alerto kayo!" Malakas kong sigaw sa kanila.
Napahigpit ang pag kakahawak ko sa kanyang kamay. Tinignan ko ang kanyang mata. Naguguluhan ang mga ito. Naguguluhan ang kanyang mga mata.
"Don't worry. I'm here" pagpapakalma ko.
Nagbulungbulongan ang lahat at agad ring nag tipon tipon sa kinatatayuan ko.
Tama ang tyempo ng pag dating nya. Inaasahan ko na ito kaya hindi na ako na surprise pa. Isang ngisi ang nagawa ng labi ko ng maamoy ko na ang masangsang na amoy.
Halos lahat ng tao ay napatakip sa kani-kanilang ilong.
Tanaw ko na rin ang nag iisang lalaki na naka damit ng itim. May nakalagay ito sa kanyang ulo na kaya hindi namin tanaw ang kanyang mata. Tanging nakangising labi lang natatanaw ko sa kanya. Ang itim nyang labi.
"Sya na ba ang bagong chin?" Tanong sa akin ng aking alipin.
Ako na mismo anv nag takip ng kanyang ilong. Hindi kasi nito binalak na takpan ang ilong ng makita ang naglalakad na lalaking nakaitim.
"Sya na nga.."
Binigyan ng daan ng mga tao ang bagong chin na papalapit sa akin. May usok na kulay brdeng lumalabas sa katawan nito na syang pinanggagalingan ng amoy.
"Kamusta.. Mahal na hari" paunang bati nito kasabay ng pag tanggal ng kanyang salakot.
Ngayon. Kitang kita na namin ang kabuuan ng kanyang mukha. Ang kulubot nyang mukha at ang maitim nyang mata.
"Anong kailangan mo't naparito ka." Matapang kong tanong.
Pinagbuti ko pa ang pag tayo ng tuwid upang ipamukha sa kanya na hindi ako takot sa kanya.
Ngumisi ito na sinundan ng pag halakhak.
"Nga naman. Ka'y tagal kong hindi nagpadala ng sulat. Siguro'y nakalimutan mo na ang tanging gusto ko sa iyung lugar"
"Wala sa aking ang susi at kahit mag halughog kapa sa buong lugar namin wala kang makikitang susi!"
Muli itong ngumisi at humakbang ng isa papalapit sa akin. Nabaling ang kanyang atensyon sa mga pinuno ng grupo. Hindi kasama si queeny dahil wala sya rito.
"Nakipag tulungan ka pala sa mga ito para talunin ako?" Humagikhik ito.
"Just in case na mang gulo ka sa lugar namin. Naririto sila para labanan ang mga alagad mong mas mabaho pa sa nabubulok na dumi. Kaya subukan mong lumikha ng gulo, kundi kaming lahat ang makakatapat mo. Wag mo kaming basta basta smallin dahil meron kaming kakayahang hindi mo kaylan man makakayanan" nakangisi kong pagbabanta sa kanya.
"Nagbabanta sa akin ang hari. Hmmm. Mukhang maganda iyan mahal na hari" tumingin ito sa akin ng matalim na tinugunan ko naman. "Ilang araw na lang. Buo na ang itsura ng susi. Naparito ako upang ipaalam sayo yun ng personal. Huwag kang mag alala, ipapakita ko sayo ang itsura para matulungan mo akong mag hanap pero makikitulong kalang.. Hindi makikihati sa kayamanan"
Bumababa ang tingin nito sa aking alipin hanggang sa tumaas ito ng dahan dahan. Ilang sengundo syang nakatingin sa aking alipin kaya minabuti kong harangan ang aking alipin.
"Kayang kaya kong dukutin yang mga mata mo kung sya na ang pinag uusapan" pagbabanta ko.
"Ang susi nga naman. Oh pano. Ako'y mag papaalam na. Kailangan ko ng makita ang magiging imahe ng susi ng mapadali ang pag hahanap. Asahan mong bibisita ako rito sa isang araw. Asahan mo.." Huli nyang sabi bago isuot ang salakot at tuluyan ng nag lakad pa palayo.
Nilamon sya ng dilim at naglaho na ng tuluyan.
Sabay sabay nakahinga ang mga tao ng makaalis na ito.
Kabilaan din ang kanilang pag papasalamat sa isa't isa. Kahit paano ay nakakaramdam din sila ng takot kahit na napaka bihasa na sila sa pakikipag suntukan.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Nabuka ng bahagya ang bibig nya habang tulala.
"S-sya si taler. Hindi ako maaring mag kamali sya yun." Sambit nito.
"Souven!"
Pareho kaming napalingon sa apat na taong papalapit sa kinaroroonan namin.
"Si taler yun souven. Sya yun" bungad ng mga ito.
"Nag bago lang ng kaunti ang itsura pero sya parin yun. Hinding hindi nya maitatago sa akin ang mukha nya. Sya talaga yun" -dake
"Pero paanong naging ganon ang labi nya?" -grew
"I'm also curious" wika ng aking alipin.
"Si taler na pala ang bagong chin" -veany
"Eh nasan si donald? Na kanyang kasabayan?" -grew
Naiinis ako sa kanilang ginagawa. Binabalewala nila ang isang hari. Itinuturing nila akong kaluluwa.
"Layuan nyo ang alipin ko!"
Naalarma naman agad sila kaya napa atras ng kaunti.
"A-ah. Souven. See yah later na lang hehehe"
Nag si alis naman agad sila peri ang isa nilang kasamang lalaki ay kinailangan pang higitin para umalis.
"Maari na kayong makabalik sa inyong mga ginagawa" sigaw ko sa lahat.
-----
Someone's POV
Nalalapit na ang lahat. Malapit ko ng makita ang itsura ng susi. Malapit na akong yumaman at sisiguraduhin kong ako ang magiging pinaka mayaman sa buong lugar kapag nakabalik ako sa tunay kong tirahan. Konti nalang. Konting konti nalang.
"Mahal na chin. Maari nyo ng tignan ang muling pag papakita ng imahe"
Nabaling ang tingin ko sa aking alagad.
*sniff sniff*
Ka'y babango ng mga ito.
Pinasok ko ang kwarto ng walang pag aalinlangan. Naabutan ko si din na naka upo habang pinaoaikot ikot ang kristal.
"Anong ginagawa mo rito?"
Lumapit ako sa bilog na malaking bagay na naka balandra sa gitna ng aking palasyong kathang isip.
"Did you miss him?" Tanong nito.
Bahagya akong natigilan ng itanong nya ang bagay na iyun.
"Manahimik ka!"
"Kawawang donald. Pinag kaloob mo sa mga patay ang kanyang kaluluwa para sa sarili mong kapakanan. Nawalan ng kaluluwa ang iyung kaibigan dahil sayo. Pinatay mo ang kaibigan mo!"
"Manahimik ka!"
Sinakal ko ito sa pamamagitan ng hangin. Mas diniin ko pa ang pagkakasakal sa kanyang leeg ng dahil sa inis.
Palagi nya akong iniinis ng ganito. Palagi nyang pinapaalala ang bagay na yun na tanging kami lang ang nakakaalam.
Palibhasa'y isa syang patay kaya kahit anong gawin kong pag sakal sa kanya ay hindi nya mararamdaman. Maliban na lang kung nakagawa ang mga lapastangang tao sa ibaba ng chemical na syang makakapatay sa alagad ko pero alam kong himding hindi mang yayari dahil mga bobo at walang laman ang mga utak ng mga yun. Ako lang pinaka matalino sa lahat. Ako lang wala ng iba pa.
Nagpapasalamat ako sa babaeng naging daan para maka punta kami sa lugar na ito. ng babaeng naging karelasyon ni donald. Ang babaeng baliw na ngayon. Babaeng nakakulong na ngayon. Kapag nakita ko iyun. Magpapasalamat ako sa kanya.
"Kabahan ka na kapag nabuhay ang totoong chin. Ma iityapwera ka kapag bumalik sya" pang aasar nya pa.
Nag aaksaya lang ako ng oras sa pag sakal sa kanya kaya tinanggal ko rin ito.
Pinag tuunan ko na lang ng pansin ang bilog na bagay. Ang bilog na bagay na ito ang syang nag lalarawan kung anong itsura ng susi. Nagtataka nga ako kung bakit ang tagal nitong ilarawan yun samantalang isang maliit na materyal lang iyun sa lugar namin. Kakaiba ang pinapakita nito, isang uri ito ng tao na hindi pa nabubuo ang mukha.
Tao ang susi.
Pero paano? Ang kamay nya ba ang magiging susi? Ang paa? O ang leeg? Ano?
Yun ang kailangang pag tuunan ko ng pansin kapag na tiyak kong tao ang magiging susi.
Napangisi ako ng unti unting nagiging malinaw ang larawan.
"Kayamanan. Konting tiis na lang at mag sasama na tayo..."
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel