Thirp's POV
Hinding hindi ako mapapagod mahanap ko lang sya. Sya ang lakas ko na dapat ay hanapin ko. Dinadaig ko pa ang hiningal na kabayo sa tuwing lalapit sya sa tabi ko. Mamamatay ako kapag wala sya rito kaya kailangan ko syang hanapin dahil paano na lang ang tambalang thisou kung wala sya?
Tinungo ko ang kagubatan ni mira. Baka sakaling napadaan sila rito.
"Mira! Sabihin mo sa akin kung nasaan ang aking alipin!" Sigaw ko sa malaking puno.
Humigpit ang hawak ko sa handle ng espada ng hindi sya tumugon.
"Alam kong alam mo kung nasaan sya kaya sabihin mo na! Huwag mong initin ang ulo ko!"
Matigas din ang puso ng punong ito kahit na kahoy naman ito.
Hindi tumatalab sakanya ang utos ko, ewan ko ba. Siguro mayroon syang pangontra.
"Mira!!!"
Inangat ko ng kaunti ang hawak kong espada bago itusok iyun sa lupang kinatatayuan ko. Isa yung paraan para magising ko ang diwa nya. Palagi syang alerto kapag may na nanakit na sa pagmamay ari nya.
"Para saan pa? Mabuti na nga yun. Mabuting mawala na ang susi at huwag na muling makita pa dahil sinisira lang nito ang kagubatan ko!"
Tagos sa akin ang galit nya. Naiintindihan ko naman sya pero kailangan nya ring tumulong. Parte sya ng lugar na ito kaya dapat makipag tulungan sya.
Mas lalo lang akong kinakabahan sa tuwing lilipas ang segundo sa orasan.
"Sasabihin mo lang naman kung nasaan ang alipin ko!"
"Wala akong sasabihin mahal na hari. Ayokong makisali sainyong gulo alam mo yan kaya pipiliin ko na lang na manahimik. Nag aaksaya ka lang ng oras sa alipin mong yun. Ang mabuti pa umalis ka na."
Mas lalo lang nyang ginagalit ang haring nasa harap nya.
"Bakit may nagawa ka ba nung nasira ang kagubatan mo? Hindi ba't kaming lahat ang nag tulungan maibalik lang sa dating ganda itong kagubatan? Kami ang nag tiyagang mag dilig at mag tanim rito sa mantalang ikaw, hindi pa ganyan kalaki at nalalagasan ka na ng dahon nun. Hindi ba't ako ang nang tiyagang diligan at bigyang buhay ka? Tapos ano? Sasabihin mo lang kung nasaan ang alipin ipinagkakait mo pa. Hindi mo ba naisip ng lahat ng yun? Wala kabang utang na loob? Sa bagay, halata naman. Kaya sige, ako na lang ang mag hahanap. Huwag ka mag alala, aalagaan ka parin ng iba kapag nangailangan ka pero huwag mong sisihin ang iba kapag hindi na dumating ang araw na yun. Ang sisihin mo ay yang kasakiman mo!"
Kinalma ko muna ang aking sarili bago sya talikuran.
Papatakbo na sana ako ng magsalita sya.
"Maling direksyon ang iyung tatahakin." Napangiti ako ng kaunti. "Doon sa gawing kaliwa nya dinala ang iyung alipin. May isang abandonadong pagamutan roon. Hindi yun kalayuan kaya maari mo pa syang maabutan."
May ngiti sa labi ko syang hinarap.
"Asahan mong pang habang buhay ang pag aalalaga namin saiyong kagubatan." Pag saludo ko bago takbuhin ang kaliwang daan.
Mala tigre ang bilis ng pag takbo ko.
Hindi ko na ininda pa ang hingal ang mahalaga lang sa akin ay maabutan ko sya. Hindi maganda ang kutob ko. Mag sisisi talaga ang babaeng yun kapag naabutan kong walang malay ang aking alipin. Ako mismo ang pupugot ng ulo nya.
Medyo hindi ako makatakbo ng maayos dahil maputik ang dinadaanan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng matanaw ko ang isang abandonadong maliit na pagamutan sa gitna ng malawak na damuhan. Pinasok ko agad yun at hinanap ang aking alipin.
Nahirapan ako ng kaunti. Maliit nga ito ngunit madilim naman.
Pinasok ko ang kulay puting pinto sa hindi kalayuan.
Nag iisang kwarto lang iyun sa lahat kaya umaasa akong makikita ko roon ang aking alipin.
Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko ang pinto. Biglaan ko itong binuksan ngunit nanlumo ako ng wala akong nakitang souven roon.
Hinanda ko ang aking espada bago pasukin ang kwarto. Naagaw ang pansin ko sa kulay puting kama na walang kutsyon.
Dahan dahan akong lumapit roon.
Pinagmasdan ko ang kama hanggang sa mapukaw ang atensyon ko sa isang tubo na hindi gaanong kataba. May maliit itong karayom. Nahiwagaan ako kaya dinampot ko iyun at sinuri.
Para akong tinusok ng karayom sa aking batok ng makita ko bahid ng dugo sa loob ng tubo. Halos maputol ang tubong iyun ng hawakan ko iyun ng mariin.
"Ginagalit mo talaga ako."
Masamang tingin ang ipinukol ko sa aking repleksyon sa salamin na may lamat.
Sinuntok ko ang matigas na kama bago naglakad palabas ng kwarto.
Ang unang lugar na pumasok sa aking isip ay ang mababang bundok. Doon nya dinala ang pag mamay ari ko matapos nyang kuhanan ng dugo.
Alam kong matatag at malakas si souven. Hindi sya basta basta mamamatay. Kilala ko ang lakas nya. May tiwala ako sakanya.
"You can do it souven."
Tumakbo na akong muli at tinungo ang daan papunta sa mababang bundok kung saan naroon ang pinto. Hindi yun kalayuan rito kaya mapapadali ang pag punta ko roon.
-------
Tic's POV
"Kamusta si queen?" I asked.
Tumingin lang sa akin si ty bago yumuko. Mukhang alam ko na ang isasagot nya.
"I'm sorry." Wika nya.
Huminga na lang ako ng malalim. Kinalulungkot ko ang nangyari kay queen. Hindi nya deserve mamamatay. Dapat ang ama nyang si chin na lang ang namatay. Pero ano nga bang magagawa namin kung ang tadhana ang nasusunod sa lahat. Tama nga si cat, kung anong kasalanan ng magulang, ang anak ang magbabayad.
Napaupo ako sa upuang kahoy rito sa lab. Actually, hindi ko na ito maituturing na lab dahil sira sira na ito at nawalan na rin pader. Bwiset kasi yung mga patay na yun.
"Tic!"
Nilingon ko si cat.
"Anong problema mo?" Walang gana kong tanong.
"N-nawawala na naman si souven."
Parang nagkaron ng matalas na kutsilyo sa aking pang upo dahilan para mapatayo ako.
"Nanaman?" Paniniguro ko.
Inabot nya sa akin ang espada bago ako sagutin.
"Yes. So let save king's key?"
Napangiti ako na para sa akin ay ngisi.
"Okay. Let's go."
"Wait." Nahinto kami at lumingon kay ty. "I'm going to make another poison." Sambit nya.
I nodded.
Naglakad na ako palabas kasama si cat na handang handa ng sumabak sa labanan.
"Sino namang sumubok na kunin ang susi ng hari?" Tanong ko kay cat.
"We don't know. Basta hanapin nalang natin sya at iligtas. Ayokong masaktan na naman ang kapatid ko kapag nawala sya."
Gulat akong tumingin sakanya.
"Wow. Kapatid? Talaga? Dati dati ang tawag mo sakanya crush ngayon kapatid na. It's a miracle."
"Sira ulo! Puppy love lang naman tong nararamdaman ko. Siguro na gwapuhan lang ako peri natauhan na ako. Alam kong love nya ako pero as sister kaya sa tingin ko, wala akong pag asa. So naisipan kong mahalin sya."
"Tss. Back to reality lang."
"Hindi noh. Naisipan kong mahalin sya as a brother not as much."
"Buti naman at natauhan na ang makitid mong utak."
Ramdam ko ang bigat ng kamay nya na humampas sa aking ulo.
"Yabang eh yung utak mo nga mala eskinita."
Kasabay ng pag angat ng ulo ko ang paghinto ng paa ko. Naningkit rin ang mata ko.
"Is that souven?" Naniningkit kong tanong.
"Wait." Pinaningkitan din nya ng mata ang tinutukoy ko. "Owghad. Si souven nga. Tago!"
Hinigit nya ako para mag tago sa malaking bato.
Walang gana akong tumingin sakanya.
"Akala ko ba ililigtas natin sya."
"A-ano kasi. Nakakatakot yung babaeng kasama nya. Nakita mo ba yung dugo sa bibig habang tumitingin tingin sa paligid tapos nag tatago pa sa mga pader. Pa mysterious pa."
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Bago ko silipin ang babaeng yun.
Naalarma ako ng makita ko si souven na walang malay.
May dala dalang balde yung babae na mukhang may sira sa ulo. Tumayo ako para sana lapitan yun ngunit pinigilan ako ni cat.
"Wag kang padalos dalos. Sundan muna natin sya kung saan nya dadalhin si souven." Cat's opinion. Well, may point naman sya. Baka kapag sinugod ko agad sya ay biglang tumakbo sa kung saan edi hindi namin na huli.
"Fine." I response.
Palihim kaming tumayo. Marahan kaming naglakad habang nag tatago. Tinungo namin ang isang puno na hindi kalayuan sa pinag tataguan nya.
"Familiar ang direksyong ito sa akin." Wika ni cat.
"Yeah, patungo ito sa mababang bundok."
Napakunot ang noo ko.
"Anong laman nung timbang dala dala nya at talagang naka plastic pa talaga yun."
Nabaking ang pansin ko kay cat na napatakip ng bibig habang diretso ang tingin doon sa babae na kasalukuyan ng naglalakad habang higit higit si souven na nakasakay sa kamang may gulong.
"D-dugo. Dugo yung laman nung timba."
Napatayo ako ng wala sa oras.
Tumakbo akong agad ng mapagtanto kong nasa panganib si souven.
"Hey tic!"
Hinawakan ko ang kama para pigilin ang pag hila nya. Dinig ko sa aking likuran ang hingal ni cat.
"Isa kang hangal!" Sigaw ko.
Namimilog ang kanyang mata ng lingunin nya ako. Medyo napalayo pa ng kaunti ang ulo ko. Para talaga syang baliw.
"Hindi nyo ako kayang pigilan!"
Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa kapaligiran.
Nabitawan ko ang kama at napaupo ako sa sahig.
"Omg. Tic?"
Hinawakan ko ang aking balikat kung saan doon tumama ang bala. Bwiset. Hindi ko inaasahang may baril pala sya.
"Subukan nyong sumunod. Kundi patay itong kaibigan nyo."
Wala kaming nagawa kundi manatili rito sa kinatatayuan namin habang pinanonood ang pag layo nyo.
Itinutok nya ang baril sa ulo ni souven kaya miski si cat ay nanginig rin sa takot.
"A-ah. A-ang sakit."
Ramdam ko ang presensya ni cat sa aking tabi.
"Kailangan nating- - "
"Hoy tic!"
Nahinto ang sinasabi ni cat ng may tumawag sa aking pangalan dahilan para mapatingin kami sa taong yun.
Namilog ang mata ko. Ang sama ng tingin nya sa akin na para bang mangangatay. Madiin ang pagkakahawak nya sa kanyang espada. Ow god help me. I'm in danger.
"No. No. No. Nagkakamali ka. Hindi kita niloloko ikaw lang ang nilalaman ng puso ko kahit alam kong hindi ka kasya pero maniwala ka. Ikaw ang gusto kong pakasalan, isang libong anak ang gusto ko kaya please veany, wag mo kong patayin gusto ko pang mabuhay kasama ka. Ikaw lang naman ang gusto ko wala ng iba eh. Walang malisya itong si cat, mag pinsan kami nan. Veany. Maniwala ka. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang gusto ng abs ko at magandang katawan lang ang gusto nitong mata ko- - "
Isang nakakatanggal utak na batok ang ginawad nya na syang nagbigay sakit sa aking ulo.
"Ano bang pinagsasabi mo? Pumunta lang kami rito dahil dito nanggaling ang tunog ng putok ng baril."
"Manliligaw mo ba ang lalaking to?" Tanong nung lalaking kasama nya na maputik ang damit.
"Hay. Buking ka tuloy. Iwasan mo nga ang lalaking yan. Biruin mo, isang libo ang iirihin mo. Swear hindi mo kakayanin." Panggagatong pa nung isa nyang kasama. Eitsy ata ang ngalan non.
"Mahal na hari!" Sigaw ni cat.
Saby sabay lumingon ang aming mga ulo sa likuran ko.
Patuloy lang ito sa pag takbo at hindi man lang binalak na pansinin kami.
"Nakita namin ang alipin mo!" Sigaw ko pero waepek sakanya. Nilamon nalang sya ng layo.
"Saan pupunta yun?" Tanong ni veany.
Hindi pa ako nakakasagot ng tumakbo na ang isa sa kasama nya para sundan si daking. Ganun din si eitsy sumunod din sya.
"Ugh. Pagaling kang lalaki ka! Mag uusap pa tayo mamaya!" Pagbabanta nya bago tumakbo.
Para akong nahulog sa bulak ng makita ko ang masama nyang tingin. Nakakakilig yun para sakin. Ihhh.
"Oh narinig mo ang sabi ng asawa mo? Pagaling daw?"
Nakalutan lang ang isip ko habang inaalalayan ako ni cat palayo sa lugar na iyun.
Si veany ang nag pawala ng pangamba rito sa puso ko. Hay. Ang sweet nya talaga.
-----
Thirp's POV
Naabutan ko ang babaeng baliw na sinasalinan na ng dugo yung butas ng kandado.
Lumipat ang tingin ko sa akong alipin na nakahiga sa isang kama. Wala syang malay at maputla ang labi.
"Inubos mo ang dugo nya!!!!" Agad akong sumigaw bago sya sugurin na ikinagulat nya dahilan para matapon ang iilang dugo sa timba.
Naalarma ako ng maglabs ito ng baril at itinutok iyun sa ulo ng aking alipin.
Napahinto ako.
"S-s-subukan mong mangealam kundi labas ang utak nito!"
Tumindig ang balahibo ko ng ikasa nya ang baril.
Paano sya nag karoon ng ganitong armas?
"Hoy baliw na babae. Ibaba mo nga yang b-baril mo. Baka gusto mong utak mo ang lumabas."
Nilingon ko ang aking likuran at doon tumambad ang mga kaibigan ng aking alipin na syang nakahanda ang mga espada.
"Ano kayo? Mga batas? Walang sino mang makakapigil sa aking pag yaman. Kahit na ang mga utos mo, hinding hindi mapipigilan non."
Nakarinig ako ng kaluskos sa paligid kaya agad akong naalarma.
"Huwag!" Pigil ko sa kawal ko na sinubukang lumapit sa babaeng baliw.
Muntik ng iputok ng babaeng yun ang baril kaya wala akong nagawa kundi pigilan ang aking kawal.
Nasa aking alipin lang ang aking atensyon.
"Souven... Laban please..." Pabulong ko.
Ayokong isiping patay na sya. Tanaw na tanaw ko parin ang pag taas baba ng kanyang dibdib. Paniguradong nahinga pa sya.
Saglit akong natigilan bago ihagis ang espadang hawak ko sakanyang binti dahilan para matumba sya. Hindi nya nakayanang mag balance kaya gumulong sya paibaba.
Agad kong nilapitan ang aking alipin.
"Alipin ko. G-gumising ka. Hey? Sumunod ka sa utos ng hari! Souven gumusing ka!"
Nagbabadya na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko kayang tignan ang maputla nyang itsura. Para akong sinusunog.
Natatakot akong mawala sya.
"Kami na ang bahala sa babaeng baliw na yun mahal na hari." Hindi ko na nagawang pansinin pa ang mga kawal ng yakapin ko ng mahigpit aking alipin.
Hindi ko na nagwang pigilin ang luha ko. Tuluyan na itong nagbagsakan.
"Buhay ka. Alam ko yun, alipin! Gumising ka!"
Hindi ako sanay sa ganito. Gumising kana. Tapos na ang lahat kaya sana gumising kana.
Halos manlumo ako ng mahawakan ko ang malamig nyang kamay.
"No way!"
Mas lalong humigpit ang pag kakayakap ko kay souven. Hinahanap ka na ng haring supot mo. Hindi kumpleto ang saya kapag wala ang pretty drudge. Souven. Nasaan na ang pangako mong masahe?
Souven nasaan kanaba.
Pasensya na hindi ko nagawang iligtas ka. Pasensya na.
"Ang p-pinto. Mahal na hari."
YOU ARE READING
King's Key is Me
Phiêu lưuAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel