Veany's POV
Ewan ko kung tama ba ang desisyon namin na sumunod sa batang ito. Dinala nga nya kami sa matandang lalaki pero may na fe-feel akong kakaiba.
"Gusto na naming bumalik sa itaas" sambit ni souven habang nakatingin sa mga mata nung matandaan.
Na we-weirduhan ako kay souven. Sinasabi nito na mag ingat kami sa sobrang maiitim ang mga mata tulad daw nung babae kanina sa kulungan at ngayon dito kay matandang kalbo.
Pero sa tuwing titignan ko naman ang mata nito ay wala namang kakaiba, para bang normal lang.
"Paano kayo naka laya?" Tanong nito.
"Wala ka ng pake alam don! Basta ang sabi ng hari seyatilisig!" Sigaw ni souven na matalim parin ang titig sa matanda.
Nanlaki ng bahagya ang mata nito pero agad ring nabawi. Mukhang hindi nahalata ni souven ang ginawa ng matanda.
"Tuloy.." Utos nito. Naglakad na ito papaloob.
Naunang pumasok ang bata na sinundan nila grew, dake at eitsy.
Habang ako ay naiwan. Pansin ko kasing masama ang pakiramdam ni souven kaya inalalayan ko ito papasok.
"Are sure na okay kalang?" Tanong ko rito.
"I'm 399 percent fine" nakakalokong sagot nito.
Kahit na sinabi nyang okay lang sya nag prisinta parin ako na alalayan sya. Mainit ang kaliwang braso ni souven at parang namamaga ito.
"Anong nangyare sa braso mo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
Napatingin naman ito sa kanyang braso.
"Nauntog lang sa matigas na bagay" tugon nya.
Nagpatuloy naman na kami sa pag lalakad. Dinala kami ni tanda sa isang kwarto na puno ng teleskopyo. May isang hagdan na papaitaas ang direksyon, siguro ay lagusan para makapunta sa itaas.
"Umakyat na kayo sa itaas kung gusto nyo ng umuwi" utos ni tanda.
Sinamaan ko ito ng tingin dahil naka ngisi ito.
Nabaling ang tingin nito sa braso ni souven. Biglang nanlaki ang mata nito ng makita nya ang namamagang braso ni souven.
"What's wrong?" Tanong ko rito.
"Anong nangyari sa kanyang braso?" Pagbalik nya ng tanong sa akin.
"Ah wala" pag singit ni souven kasabay ang pag hawak rito.
Minabuti ko ng mag pahuli para alalayan papa itaas si souven.
Bakit kaya ganoon nalang ang reaksyon ni tanda ng makita nito ang braso ni souven.
"Hey veany? Tara na" sigaw sa akin ni souven.
Ako na lang pala ang hinihintay nilang maka akyat.
"O-okay. Andyan na"
Tinignan ko muna si tanda at ganon din ang bata na ngayon ay kalong kalong nya. Umakyat na rin ako para sumunod kina souven.
Nasa kalignaan na ako ng pag akyat ng marinig kong mag salita ang batang si siro.
Sa totoo lang nakakatakot ang mga tao dito. Lalo na yung mga babaeng nakasalamuha namin sa kulungan.
"Nasukahan sya" sambit ni siro.
Binalewala ko lang ang kanilang usapan, nagpatuloy nalang ako sa pag akyat hanggang sa makarating na kaming lahat sa ibabaw.
Napaka dilim rito pero kitang kita parin ang usok na nakakaubo.
"Buksan nyo ang- - " hindi na naituloy ni souven ang kanyang sasabihin ng mapahawak ito sa kanyang ulo. Inalalayan naman agad ito ni dake.
"Guys sinong may dala dalang gamot sa inyo?" Tanong ni dake.
"N-no need. Kailangan na nating maka uwi. Gabi n-na rin" tugon ni souven.
Pinilit naman ni souven na umakto ng normal.
Pansin kong malapit lang sa amin ang punong aming pinagpahingan kanina. Tanaw koito ng maitutok ko ang flashlight sa banda don.
Ako na ang nag lead sa kanila para tumungo sa pariksukat na lagusan. Medyo hindi ko na tanaw iyun dahil sobra talaga ang dilim sa paligid, tanging flashlight lang ang nag bibigay liwanag sa aming dinadaanan. Pansin kong parang walang buwan rito sa itaas.
Teka? Bakit nga pala mayroong lugar sa ibaba? At anong nangyari dito sa itaas, bakit nagka-ganito rito?
Kakaibang lugar ang aming pinuntahan at alam kong hindi hindi rin nila inaasahan ang ganitong lugar. Pero makakauwi na rin naman kami.
Ilang minuto lang ang nilakad namin ay nakarating din kami sa parisukat na lagusan.
"Finally" sambit ni eitsy.
Si eitsy agad ang nangunang pumasok roon pero ng subukan nyang ipasok ang kanyang katawan ay hindi nya ito maipasok.
"What happen? Bakit hindi ako makapasok?" Alalang tanong ni eitsy.
"Teka? Nasaan ang lagusan?" Tanong ni souven.
"Souven nasa harapan na natin ang lagusan" tugon ko sakanya.
"B-bakit hindi ko makita? Nasaan na ang lagusan?"
Patakip nalang ako sa bibig ko.
Bakit hindi makita ni souven ang lagusan? Gayun katapat naman namin ito.
"I'll go first" pag prisinta ni grew.
Sinubukan nya ring pumasok roon pero hindi din sya makapasok. Pati ako at si dake sinubukan na namin habang si souven ay hindi parin makita ang lagusan.
"G-guys- - - "
Gosh.
Biglang bumagsak si souven pero nasalo namana agad ito ni dake. Lumapit agad ako rito para tapikin ang kanyang pisngi.
"Hey? Souven? Gumising ka nga" sigaw ko sakanya.
Bigla nalang syang nawalan ng malay. Paulit ulit ko namang inalogang kanyang balikat para gisingin sya.
"Guys. Anong nangyayare kay souven?" Nag aalalang tanong ni eitsy.
"Bumalik na tayo" sambit ni dake.
"No. Nandito na tayo" pag pigil ni eitsy.
"Ayan nanaman ulit ang masangsang na amoy" pag sabat ni grew.
Amoy?
Muli ko na namang na naamoy ang kakaibang amoy na iyun. Binalot akong muli ng takot. Anong klaseng amoy ba ang nagpapatayo ng balahibo ko. Saan ba nanggagaling ang amoy na yun.
Gusto ko na tuloy umuwi.
"Pumasok na kayo sa lagusan!" Utos ko sa kanila.
Sinunod naman agad iyun ni eitsy pero hindi parin talaga sya nakakapasok. Tumatalbog lang sya pabalik at ganun din si grew.
Grabe ang malas naman, bakit ba kasi pumunta pa kami sa lugar na to. Binabalot lang kami nito ng kakaibang takot.
Napatakip naman agad kami sa aming ilong at medyo naduduwal.
Grabe ang amoy na iyun. Ayokong masaksihan kung ano ang pinag mumulan noon.
"Bumalik na tayo!" Sigaw ko sa kanila.
Papalapit na ng papalapit ang kakaibang amoy na yun.
"Guys kumilos na kayo!!" Sigaw ko pa.
Agad namang napatakbo si eitsy pabalik roon sa puno. Sinundan naman ni grew si eitsy para samahan habang si dake ay kinalong si souven. Ako ang nag sisilbing ilaw sa daraanan nila. Kaya kailangang kasama nila ako.
Mala kabayo ang aming takbo dahil sa bilis nito. Para kaming hinahabol ng halimaw na kinatatakutan namin.
Yumuyugyog ang lupa. Parang niyayanig ito ng mga kabayong nag tatakbuhan.
Mas lalong bumibilis ang pag pintig na aking puso. Nanginginig na din ang aking kamay kaya nabitiwan ko na ang flashlight. Akma ko na itong babalikan ng pigilan ako ni dake kaya minabuti nalang namin na tumakbo ulit.
"Guys. Bilis" sigaw ni eitsy.
Naroroon na pala sila sa puno at kami ay paparating palang. Buti nalang at may hawak na flashlight si eitsy para ilawan ang aming daraanan.
Nang makarating kami sa puno ay agad kaming tumayo roon at hinihintay ang muling pag bagsak namin.
"Bakit ayaw?" Tanong ni eitsy sa kanyang sarili.
"Mygod"
Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano ang pinang gagalingan ng masangsang na amoy. Matang umiilaw lang ang aking nasilayan. Bigla na kaming nalamon ng lupa pero hindi ko parin maiwasang tumingin sa kanyang mga mata. Marami sila, nailaw ang kanilang mga mata habang naka tingin sa amin. Nakasakay ang mga ito sa kabayo. Hindi ko masyadong nakita ang kanilang mukha dahil sa sobrang dilim ng paligid.
"N-nakita nyo ba yun?" Nauutal kong tanong sa kanila ng maka baba na kami at bumagsak ulit kami sa damong madikit. Sinalubong na naman kami ni tanda kasama ang kanyang alalay na si siro.
Hindi ko parin maialis ang aking kamay na ngayon ay nakatakip sa aking bibig. Nakakakilabot ang nakita kong yun. ano kayang klaseng nilalang iyun. Siguro akhit sino ay talagang tatayo ang balahibo kapag nakita nila yun.
"F-f-finally we're safe" nauutal na sabi ni eitsy.
Nilingon ko ito. Takot na takot sya at ang buo nyang katawan ay nanginginig. Habang si grew naman ay kinakalma si eitsy.
"We need medicine"
Nilingon ko agad si dake na buhat buhat parin si souven na walang malay. Kapansin pansin ang braso ni souven na unti unting lumolobo.
"Nasukahan sya ng delikadong kuneho" sambit ni tanda.
Nakatingin lang ito sa braso ni souven.
"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.
"Pero ang nakakapag taka. Bakit hindi sya namatay? O dikaya bakit hindi sya pinatay?" Pag kausap ng matanda sa kanyang sarili.
Naguguluhan at wala akong maintindinhan sa kanyang pinag sasabi.
"ano bang pinag sasabi mo! Ipaliwanag mo nga ang nangyayare!" Sigaw ko rito.
"Mamaya na kayo mag paliwagan kailangan nating gamutin si- - "
*blaggg*
Napalingon ang lahat sa may bandang pinto na nakatumba matapos itong sipain ng kung sino.
Iniluwa nito ang isang lalaki, ang lalaking naka upo kanina sa malaking upuan.
May kasama itong mga kawal.
"Nasaan ang babae?" Tanong nito.
Matalim na tingin ang itinapon nito sa amin. Lumapit ito sa kinaroroonan ni dake.
Kita ko naman na mas lalong napahigpit ang pag kakahawak ni dake kay souven.
"Mahal na hari" sambit ni tanda kasabay ang pag luhod.
Sya pala ang hari.
Akma nitong kukunin si souven ngunit pinigilan sya ni dake.
"Hindi mo sya pwedeng kunin!" Sigaw ni dake sa hari.
Natigilan namang bahagya ang hari.
"Ibigay mo sya sa aking kung gusto nyo pa syang mabuhay!" Sigaw nito.
Teka anong ibig sabihin nito? Ibig ba nyang sabihin na mamamatay na si souven.
"Hindi mo pwedeng kunin ang kaibigan namin" pag pigil din ni eitsy.
"Mga kawal! Pigilan mga ito!" Sigaw ng hari kasabay ang pag pasok ng mga kawal. Pinag hahawakan ng mga ito ang aming braso para pigilan kami habang ang hari ay binuhat si souven na walang malay.
"Bitiwan nyo ako! Kailangan kong bawiin si souven!!" Sigaw ni dake.
Hindi namn na ako nag pumiglas. Pinanood ko lang ang hari at si souven na makalabas.
Pinagkakatiwalaan ko ang hari. Siguraduhin nyang magagamot si souven.
Hindi kalaunan binituwan din kami ng mga kawal at agad agad namang lumabas si dake para bawiin si souven kayo hili na, parang bula sila na ka'y bilis mag laho.
"Saan nya dadalhin si souven?" Tanong ko kay tanda.
Pero hind lang ito umimik.
Naagaw naman ang atensyon ko kay dake. Kinuha nya ang flashlight na akmang sususnod sa mga kawal pero agad ko itong pinigilan.
"Hayaan na lang natin muna sya" mahinahong sabi ko sakanya.
"Hindi pwede baka kung anong gawin nun kay souven" pangangatwiran nya.
"Magtiwala ka" pagpapakalma ko sakanya.
Sobra sobra ang pag aalalang ginagawa nya sa tuwing may mang yayaring masama kay souven. Palibhasa, nagmamahal sya ng palihim.
"Mag silayas na kayo sa aking tahanan" utos ni tanda ngunit mahinahon nya itong binigkas.
Napatayo naman sila eitsy at grew upang lumapit sa amin. Medyo nangangati na rin ang aming balat gawa ng mga damong naka dikit sa aming balat.
"Pwede po bang makitulog na muna kami dito?" Tanong ni eitsy na may halong lambing.
"Hindi pwede" agarang sagot ni tanda.
Andamot naman nya.
"Ngayong gabi- - " hindi na naituloy ni eitsy ang kanyang sasabihin ng ipag tulakan kami ni tanda papalabas ng pinto.
"Teka lang ho!" Sigaw ni grew.
"Kusa ho kaming aalis!" Dagdag pa ni dake.
Tumigil naman ito sa kanyang ginagawa.
"Umalis na kayo" madiin nyang utos.
Ang sama naman ng ugali nya pero kanina pinatuloy nya kami ng walang pag aalinlangan. Tapos ngayong nawala lang si souven, kung itaboy kami ay parang mga hayop.
Tinapunan ko muna sya ng isang pagbabantang tingin bago tuluyang lumabas sa kanyang mabahong bahay. Kakaiba din ang amoy ni tanda, sobrang baho.
Nang makalabas naman kami sa bahay nya ay kusang natanggal ang mga dahon sa aming balat.
"San na tayo ngayon?" Nakangusong tanong ni eitsy.
Agad namang nag hanap ng paraan si grew para mayroon kaming matuluyan.
Ka'y lamig ng simoy ng hangin sa labas at sobrang tahimik. Sobra na rin ang dilim. Tumingala ako sa itaas upang i relax ang aking sarili.
Teka lang? Bakit may roong langit sa itaas na puno ng bituin. Anong klaseng lugar ito? Bakit mayroon ganito sa ilalim ng lupa? Diba dapat hindi ganito kalaki ang lugar sa ilalim ng lupa? Pero bakit parang mas malaki pa ito sa new york.
Nababalutan ba ng mahika ang lugar na ito. Pati ang mga tao. Kakaiba rin ang mga itsura. Para silang duwendeng may buntot. Pati ang mga amoy.
"Guys. Come here"
Nabaking naman ang aming atensyon kay grew na medyo malayo layo sa amin. May kausap itong babae sa tapat ng isang bahay.
Pumunta naman kami agad sa kinaroroonan nya. Habang si dake ay nag papahuli. Gustong gusto nya talagang sundan si souven kaso hindi pwede dahil malalim na rin ang gabi.
"Pwede daw tayong makituloy sa kanila" sabi ni grew kasabay ang pag turo sa babaeng medyo matanda na at malaki rin ang tainga. Siguro mayroon din itong buntot.
Nakangiti ito sa amin.
"Pumasok na kayo" utos nito.
Alam kong nangagamba silang pumasok dahil hindi naman kami sana'y na makituloy sa bahay ng ibang tao na hindi naman namin kilala. Dahil ako naman ang leader sa kanila,ako na ang unang pumasok para hindi na sila kabahan o matakot pa.
Inikot ko ang aking paningin ng makapasok na ako sa bahay. Malaki ito at malinis. Simple lang bahay pero gawa ito sa bato.
"Tuloy kayo" masiglang sabi ng babae kanina.
Tumingin ako rito habang ang mga kaibigan ko ay iniikot ang mata. Nag sasara na ito ng pinto ngunit pansin kong hindi nya ito kinandado.
"Bakit hindi nyo po kinandado ang inyong pinto?" Tanong ko.
"Wala kasing susi rito sa aming lugar at ibinag babawal ito" nakangiti nitong tugon.
"Kaya pala tali lang ang ginagamit nyo para isara ito?"
"Ganun na nga"
Umalis na ito sa aking harapan at tumungo sa kung saan.
"Veany. I want to go home na"
Nilingon ko naman agad si eitsy na nag susumamo. Lumapit agad ako rito upang yakapin sya.
"Nakita mo ba ang mga mata nila?" Tanong ko sa kanya ngunit pabulong.
"N-nakakatakot a-ang m-mga ito" nauutal nyang sagot.
Tama nga, pati sya nakita rin ang mga matang iyun.
Hinagod hagod ko ang kanyang likod upang pakalmahin sya. Humikhikbi na kasi ito.
"Parito kayo. Kumain muna kayo" pag aya sa amin nung babae.
Kumalas muna ako sa pagkakayakap kay eitsy para lapitan ang babae.
"What is your name?" Tanong ko sakanya.
Ngumiti muna ito bago mag salita.
"Ako si saysas ang anak ng dating saysas" pagpapakilala nito.
Medyo naguluhan ako pero name lang naman ang tinanong ko kaya hindi ko na kailangang alamin pa ang pagkatao nya.
"Maupo muna kayo sa lamesa at ihahain ko lang ito"
Akma na itong aalis para tumungo sa kusina ng pigilan ko ito.
"Sasama ako"
Mahirap na baka lagyan pa nya ng lason ang aming kakainin. Ngumiti at tinanguan lang ako nito bago nag lakad.
Nasa likod nya lang ako at naka sunod lang.
Tumungo ito sa kusina at may kinuhang pag kain sa kung saan.
"Anong klaseng lugar ito?" Tanong ko sa kanya na ikinatigil nya ng pag galaw.
"Isang normal na lugar lamang" tugon nito ngunit nanatiling naka ngiti lang.
akma na itong aalis pero pinigilan ko sya.
"Anong klaseng lugar ito?" Madiin kong tanong.
Nawala naman bigla sa kanyang labi ang ngiti.
"Isa itong lugar kung saan kapayapaan ang namamayani"
Binitiwan ko na ang kamay nito at sinindan sya para tumingo sa aking mga kaibigan.
Inilapag nito ang pag kain.
Nang mailapag nito sinundan ko agad sya.
"Mag kwento ka" utos ko sakanya.
Tumungo ito sa isang kwrto habang ako ay naka sunod lang.
"Gusto mong malaman ang lahat?" Tanong nito.
Agad agad naman akong tumango at umupo sa kanyang tapat.
"Noon. Isa lamang mapayapang lugar ito at isa itong normal na lugar. Dati walang parisukat na lagusan ang lugar namin.At hindi kami nasa ilalim ng lupa naka tira. Nang yari ang lahat ng ito ng sumulpot ang isang bagay na mayroong malaking pintuan at kandado na walang susi. Halos lahat ng tao nagtataka kung anong mayroon sa loob noon. Sabi ng ilan kayamanan ang laman noon. Noon ang hari at mamamayan ang nag tutulong mag hanap ng susi dahil sinabi ni tandang giro na malapit lang ang susi. Si matandang giro ang matandang alam lahat ang mang yayari sa kasalukuyan at malakas ang kanyang pakiramdam kung nasaan ang mga bagay bagay. Tahimik at walang alitang nag hahanap ang mga mamamayan hanggang sa malaman ni chin ang tungkol sa bagay na iyun. Si chin ang makapang yarihang tao rito sa amin. Nag kanya kanya ang lahat na mag hanap ng susi hanggang sa mahanap ito ni chin. Nag kagulo ang lahat at gusto nilang makuha ang susi kay chin na gusto lang solohin ang laman ng bagay na iyun. Hanggang sa umabot sa awayan pero kalaunan wala namang nag tagumpay. Pare pareho silang namatay dahil nahulog sila sa bunganga ng bulkan at doon na nag simula ang sumpang ibinigay ni chin. Isinumpa nya ang lugar na ito. Isinumpa nya na sa ilalim ng lupa kami magkakaroon ng lugar at ang ibabaw naman ay magiging tirahan ng mga patay na kanyang binuhay. Dinagdagan pa nya ng parisukat na lagusan upang pag may napadpad dito ay mag sisising napadpad pa ito rito. Pati itong mga itsura namin isinumpa nya rin kami. Dati ay normal lang naman kami pero naging ganito kami dahil sa sumpa ni chin. Kaya nung mamatay ang hari nag halal ulit sila ng bagong hari na syang nag patapon ng lahat ng susi sa bulkan. Kaya ngayon wala ng susi sa aming paligid. At akala naming tapos na ang lahat ngunit mayroong mapangahas na lalaki ang napadpad rito sa amin at ngayon sila ang naging bagong chin na makapang yarihan. Ang masangsang na amoy na inyong naamoy sa itaas ay syang amoy ng kamatayan. Umiwas kayo na umakyat sa itaas dahil delikado ang mga iyun. Sa itaas naninirahan ang bagong chin na patuloy paring naghahanap ng susi. At ang mga kunehong napapadpad dito ay iwasan nyo rin. Kayang pumatay ng mga ito ng katulad natin. Ang lumalabas sa bibig nito ay syang nakakamatay. Ang mga kunehong iyun ay alagad ni chin. Kaya sana mag ingat kayong mag kakaibigan sa lugar na ito. Alam kong wala ng pag asang makabalik pa kayo sa mga pinaggalingan nyo" pag kukuwento nya.
"E-eh bakit normal ang inyong hari pati ang babaeng katabi nya kanina?" Tanong ko.
"Mayroong pangontra ang mga iyun na ibinigay ng kanilang ina ng mamatay ito"
Unti unting nanghihina ang aking katawan.
Ayokong isiping hindi na kami makaka alis rito.
Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito. Ayoko na sa lugar na ito...
YOU ARE READING
King's Key is Me
MaceraAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel