Eitsy's POV
Pinag tatawanan ko lang si souven na nakabusangot na nakaupo sa tapat ko.
"Kamusta ang date? Masaya ba?" Halos mamatay matay kong tanong sa kanya na mas lalong nag papa pangit ng mukha nya.
Dinig ko ang pag buga nya ng hangin na tila'y galit.
"Ikaw ba naman ang mapahiya don sa resto! Eto kasing thirp na to! Wala naman palang dalang pera ayan tuloy, nasermonan na, pinag hugas pa ng sandamakmak na plato. At ang matindi, ako lang yung nag huhugas habang yung isa dyan nakatayo tayo lang habang pinapanood na nag hihirap ang girlfriend nya. Hindi ba't nakakainis nyo. Kagagaling ko lang sa hospital tapos biglang sumabak agad ako sa trabaho, aba ikakamatay ko na talaga yun!" Singhal nya habang tumitingin ng masama sa lalaking nasa gilid nya.
"Ikaw kaya ang nag yaya tapos wala ka naman pa lang pambayad." Sagot pa ni mr. King na nakanguso rin.
"Dapat kasi ikaw ang nagbabayad. Natural lang sa tulad nating mga lalaki ang sagutin ang lahat ng bill." Pag singit ni grew bago ako tabihan.
"Dapat kasi ako nalang ang isinama mo, sou." Pag sabat rin ni dake bago kumuha ng cake na nasa harapan namin.
Medyo gabi na rin ng umuwi ang dalawang ito kaya nag alala kami. Hindi tuloy namin naisipang umalis.
"I'm damn tired." Sambit ni souven bago tumayo at pamartyang tinungo ang kwarto.
Padabog nyang sinara ang kanyang pinto at dinig ko ang pag lock non.
"Tsk. Ts. Tsk. Pinaka hate pa man din ni souven ang pag huhugas ng plato." Pang gagatong ni veany na syang ikinatawa ko.
"Hoy daking! Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Aba amuhin mo na ang tigreng nag wawala!" Pangangaral pa ni tic bago nakawan ng halik si veany.
Nabigla naman si veany at halos mapamura sa galit.
"Impakto ka talaga!" Sigaw ni veany bago habulin si tic na kumaripas ng takbo sa kusina.
Ang dalawa talagang yun. Mag mula ng mapadpad muli kami rito ay palagi nalang silang nag hahabulan. Wala namang magawa si veany, ni hindi nya kayang saktan kapag ginamit na ni tic ang kanyang charm tiklop na si veany. Halata namang gusto na ni veany ang makulit na tic na yun, hindi lang nya ipinapaalam. Mahilig lang talagang mag sekreto si vean.
"Mahal na hari, pwede bang daking nalang ang itawag ko- - " pinutol na agad ng hari ang sasabihin ni cat.
"Bahala kayo." Sambit nito bago talikuran kaming lahat.
Nag lakad sya para puntahan ang kwarto ni souven. Kinatok nya ng sunod sunod ang pinto na hindi man lang sinusubukang buksan ni souven. Paniguradong tulog na yun.
"Eitsy!"
Tinanong ko si grew kung bakit nya ako tinawag gamit ang facial expression.
"Ano kaya kung mag bonding naman tayo bukas? Yung totoong bonding."
Napaisip ako sa sinabi ni grew.
"Guys! Halina nga kayo!"
Agad namang nag si lapit ang lahat maliban sa hari at kay souven.
"Ano ba yun?" Tanong ni dake.
Napakunot nalang ako ng noo ng makita ko ang pag titig ni cat kay dake na hindi man lang namamalayan ni dake.
"Whatever." Bulong ko. "Anyway, what if mag bonding tayo? Yung real bonding? Boring naman kapag sa bahay lang. Mag isip kayo ng magandang lugar guys."
"Sa beach. Exciting yun lalo na kapag may bonfire." Suhestyon ni veany.
"Wag na dun. Doon na ang set up nina yessie at niel."
Napatingin kami kay dake na iinom palang ng drinks.
"Bakit?" He asked.
"Sino naman yun?" Tanong ko.
"Ahh. Friend ko nung kindergarten." Tugon nya.
"Okay guys, back to real topic."
"Kung sa japan kaya?" Pag prisinta ni grew.
"Hay gagastos lang tayo don."
"Chaka walang budget si souven." Dugtong ni dake.
"Doon nalang tayo sa simple pero memorable."
"What if..." Nabaling ang aming pansin kay cat. "Sa hardin nalang ni daking?"
Hinawakan ko ang aking baba at nag isip isip.
"Hmm. Very nice idea. Magandang mag palipas ng gabi don habang may mga kahoy na umaapoy sa gitna and then may mga tent tayo. Maganda ang malinis na damo roon kapag nilatagan natin ng mantle."
"Maganda nga ang idea na yun. Oh pano mag ready kayo bukas ha. Mag e-enjoy tayo and wait, huwag nyong kakalimutan ang pag kain ha."
"Sige. Kailangan ko ng matulog, medyo gabi na rin kasi. Hoy cat tara na!" Sambit ni dake bago kunin ang kamay ni cat.
Kilig na kilig naman ang babae.
Abot langit ang ngiti eh. Sa pag kakaalam ko iisa lang ang bahay nila.
"Oh pano eitsy. Alis na ako pagod at antok na ko." Pag papaalam ni veany bago humikab.
"Hoy baby vean! Sama ko!" Sigaw ni tic bago sundan si veany na agad namang kumaripas ng takbo.
Inilibot ko ang aking paningin.
"Patay tayo kay sou. Napaka kalat na naman ng bahay nya."
"Hay. Andyan naman ang hari, kaya na nila yan." Wika ni grew. "Tara na, uwi na rin tayo." Pag aya nya bago tumayo.
Inilahad nya ang kanyang kamay. Napangiti muna ako bago tanggapin iyun.
Sabay kaming nag lakad patungong pinto.
"Mahal na hari! Ikaw na ang bahala rito ha!" Paalala ko bago tuluyang lumabas. Isinara ko muna ang pinto bago pumasok sa kotse ni grew. Isinuot ko na ang seatbelt habang si grew ay nakaupo na sa driver seats.
"Akalin mo. Makakapag drive ka pa pala." Pag bibiro ko.
"Kaya nga dapat mag pasalamat tayo kay summer." Pinagana nya ang makina. "Kasi sya ang nag report kina mom na hindi parin tayo nakaka labas ng cave."
Pinaandar na ng tuluyan ni grew ang kotse.
Ang summer na yun. Sya rin ang nag save sa kotse ko at pati kay dake. Kung hindi nya siguro tinawagan ang parents namin malamang mabubulok ang makina ng mga to. Ang nakakapag taka lang, sabi nya pumasok daw ang rescue team sa loob ng cave na yun ngunit wala daw silang nadatnan na kung ano. Ang akala ko pa naman kapag may nag tangkang pumasok sa kweba, maaring bumalik ang lagusan pero hindi naman pala totoo. Naiiyak nalang ako ng isipin nila mom at dad na patay na kami. Pero thank god dahil tagumpay ang operasyon ni mom.
Ang madaldal na summer na yun. Hindi ko akalain na hinintay nya ang pagbabalik namin. Sya ang dahilan kung bakit nag karoon kami ng iba't ibang uri ng award dahil kesho kami raw ang pinakamatatag na manlalakbay. Si summer din ang naging dahilan kung bakit na dyaryo ang adventure namin at na interview rin kami. Pero alam ko namang panandaliang kasikatan lang yun. Marami rami din ang umiidolo sa amin sa pagiging adventurer at marami ding gustong tumulad sa amin. Para na ngang isang manager si summer dahil sya ang gumagagawa ng lahat kaya dapat lang na pasalamatan namin ang babaeng yun. Sya rin ang nag published ng book na ginawa ko. Sya lahat, kasi daw number one fan daw namin sya.
"Nakakatuwa noh. Wala na tayo sa mahikang mundo. Tapos na ang lahat."
"Doon tayo natutong maging maingat at maging handa. Tinuruan nila tayong lumaban na napakinabangan ko naman."
Oo nga pala, nag tuturo na rin si grew ng self defense sa mga bata. Nag tuturo rin sya sa mga adults kung paano humawak ng samurai or other weapons.
While si veany naman, ang pinagkakaabalahan ay ang mag patama ng palaso sa mga manikin. Masasabi ko ng bihasa sya dahil napaka galing nyang gumamit noon. Target na target talaga ang lahat kaya marami ring bata ang gustong matuto sa kanya.
"Sinubok din nun ang ating pagtitiwala at pakikipag tulungan. Pati si souven sinubok din ng lugar na yun."
"Alam mo bang natakot ako nung labasan ka ng dugo sa bibig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nun. Para akong binuhasan ng yelo. Walang gamot ang kayang mag pahinto non pero si souven? Sya lang ang nagpahinto ng pag durugo ng bibig mo. Kaya malaki ang utang na loob ko sakanya dahil kung hindi nya ginawa yun? Malamang wala akong girlfriend ngayon."
Tumingin nalang ako sa bintana at ngumiti ng sapat.
Ramdam ko ang mainit na presensya ng kanyang kamay na nakahawak sa ibabaw ng aking kamay.
"I wanna hold your hand." Wika nya.
"Nakahawak ako kanina ng pupu."
"What the- - Eitsy!"
Humalakhak nalang ako sa tawa ng tanggalin nya kanyan ang kamay.
Sya ang pinaka maarte at malinis kong boyfriend.
"I'm just kidding! Stagey."
"Not funny."
"Edi wag kang tumawa."
Muli akong tumawa. Arte arte.
Umidlip na lang muna ako dahil masyado pang traffic.
------
Souven's POV
Nasa kalagitnaan na ako ng pag tulog ng makaramdam ako ng uhaw kaya wala akong nagawa kundi ang buksan ang lampshade para makatayo.
Kinusot kusot ko muna ang aking mata bago pihitin ang busol.
Napa atras ako ng kaunti ng makita ko si thirp na nakasandal sa gilid ng pinto habang natutulog.
"Hoy- -" Mas pinili ko na lang na huwag syang sigawan. Umupo ako sa sahig para pagmasdan ang mukha nya sa dilim.
"Ang gwapo mo pa rin kahit na nasa dilim ka." Bulong ko bago tumayo.
Tinungo ko ang kusina para kumuha ng tubig sa ref. Kasalukuyan akong nag sasalin ng tubig sa baso ng may maalala ako. Ininom ko ang isang basong tubig bago ngumiti.
Naalala ko lang yung mukha nya kanina nung nabitin sya. Pang gulo kasi si eitsy.
"Grandpa. Heres your grandchild, inlove by someone."
Nakangiti kong ibinalik ang pitsel sa ref at inilagay sa lababo ang baso. Marahan akong nag lakad patungo sa aking kwarto. Huminto ako sa harap ni thirp na mahimbing na ang tulog. Bumababa ako sa sahig.
"Sya ang tinutukoy ko grandpa."
Ipinatong ko ang aking baba sa magkadikit kong tuhod.
Dahan dahan kong pinalabas ang aking hintuturo. Marahan kong pinindot ang kanyang ilong gamit ang aking hintuturo.
"Totoo ka nga..."
Halos tumayo ang balahibo ko ng hawakan nya ang hintuturo ko. Bwiset, nagising ko ata sya.
"Totoo naman talaga ako."
Tanaw na tanaw ko ang mapupungay nyang mata na tila'y bagong gising sa umaga. Seryoso ang kanyang mukha.
"I'm sorry. My pretty drudge."
Parang may kung anong palaso ang tumuhog sa aking puso ng madinig ng tainga ko ang malambing nyang pag hingi ng tawad.
Naramdaman ko na lang ang pamamasa ng aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.
"Next time kasi. Mag sasabi ka na wala ka palang pera para hindi tayo napapahiya sa resto. Ayoko lang naman na makita mong sinisermonan ako. Nahihiya kasi ako."
Ang malamig nyang kamay ang syang pumunas sa aking basang pisngi.
"Dapat bang mahiya rin ako? Nasermonan din naman ako ah."
"Ano bang magagawa mo eh nahihiya ako sayo."
"Nasa bokabularyo mo pala yun." Panloloko pa nya.
Imbis na mainis ay tanging simpleng ngiti nalang ang nagawa ko.
"Doon ka na nga sa kama matulog. Masyado kang pa-awa dyan!" Singhal ko ngunit mahina lang.
Inalalayan ko syang makatayo.
"Sa susunod na pag saraduhan mo ako ng pinto, maglalayas talaga ako!"
Matatawa ka nalang talaga sa inaasal nya eh.
Sinamahan ko syang makapasok sa kwarto ni lolo.
"Grandpa. Pahiram muna ng kwarto mo ha." Pagpapaalam ko.
Hinintay ko muna syang umupo sa kama.
"Babalik na ako sa kwarto ko- - "
Parang nakuryente ang katawan ko ng higitin nya ang baywang ko palapit sakanya.
Ilang sandaling ganoon lang ang aming posisyon at wala nagbabalak na mag salita.
"Umpisang pagmamahalan na gusto kong humantong sa kasalan. Unang kalokohan ang syang naging kasiyahan. Tanging ikaw, ang babaeng aking hinihintay. Ikaw lang ang babaeng gusto kong lokohin at asarin para ika'y inisin." Hindi ko man maunawaan ang sinasabi ay tila'y naluluha ako. "Gusto ko lang sabihin na sana wag ka ng magagalit. Sa simpleng bagay na yun, dinudurog ito." Tinuro nya ang kanyang dibdib. "Mahirap mag isa lalo na't alam kong wala ng souven akong makikita sa mundong ito."
"Buti alam mo."
"Stop crying. Sinabi ko naman sayo na hindi ka maganda kapag naiyak ka."
"Hindi ka naman gwapo kapag wala ako."
Agad kong inangkin ang kanyang labi. Dinig ko ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib na syang nag papatalon ng puso ko. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata.
Nakakalasing ang halik nya.
Ramdam ko ang pag higpit ng aking baywang. Dahan dahan kaming tumutumba paibaba habang ang aming mga mata ay nakapikit na.
Damang dama ko ang matigas nyang dibdib na halos hawak ko na.
Mas lalong humihigpit ang kanyang pag kakayakap sa tuwing tinutugunan ko ang kanyang halik. Sya palagi ang nasa isip ko. Mga nakakatuwang alaala lang ang nasa isipan ko ngayon. Mahal ko sya. Yun ang tanging masasabi ko. Napakaswerte ko. Hindi lang sya gwapo, malambing pa. Assuming man pero sa tingin ko ako lang ang mahalaga sakanya.
Bakit ba lagi nalang akong tiklop sakanya. Ginagamit nya ang kanyang charming para lasingin ako. Dinaig pa nya ang isang beer.
Marahang nag hiwalay ang aking labi. Sandali kaming huminga bago natawa.
"Sa susunod ako na ang maghuhugas ng mga plato para sayo." Wika nya.
"Simulan mo na bukas." Natatawa kong sabi bago tumabi sa gilid nya. Ramdam ko sa aking uluhan ang bisig nya.
"I'm going to make another souven." Bulong nya sa akin na sa tansya ko ay nakangisi ang kanyang mga labi.
"I don't want another souven." Natatawa kong sabi.
I'm not ready to have a baby.
Minabuti ko nalang na tumagilid para yakapin sya.
"Matulog ka na." Wika ko.
Ramdam ko ang mahigpit nyang pag tugon ng yakap sa akin. Ang sarap sa pakiramdam.
Pati ba naman yakap nya nakakalasing rin.
Minabuti ko nalang na makuntento at natulog na ng tuluyan...
------
Dake's POV
Antok na antok na ako pero paano ako makakatulog kung may babaeng nakapulupot sa aking braso.
"Hala. Ayan. Ahhhhh!"
Halos umalog ang utak ko sa kakaalog nya sa akin.
Dapat kasi matutulog na kami eh ang kaso naabutan namin sila mom at dad na nanonood ng horror movie so etong cat naman na to. Nagpumilit na panoorin namin. Wala naman akong magawa dahil wala ngang alam ang babaeng ito about sa tv,dvd or else.
Habang sila mom naman inaantok na kaya pumunta na sa kwarto. Ang ending, kami nalang ang naiwan.
"Diyos ko po! Ayan lalabas na sa tv ahhhhhhhh!!!!"
Nakakabingi nyang sigaw bago nag sumiksik sa kilikili ko. Wala naman akong magawa kundi ang makisakay sakanya. Ipinikit ko nalang ang mata ko para kahit papaano ay makabawi ako sa tulog.
"Hoy! Dake! Dake!"
Napapangiwi nalang ako ng pag hahampasin nya ang dibdib ko.
"Ano ba yu- - "
Napaawang ng kaunti ang bibig ko.
"Layo! Masyado kang malapit!" Sumbat ko.
"Tignan mo nga kung ano na ang nangyayari? Bilis baka makaligtaan ko!"
Parang akong naipitan ng ugat sa may bandang batok.
Hindi ko magawang lumingon dahil one wrong lang paniguradong mag didikit ang labi namin. Nakapikit sya pero napakalapit nya.
Ilang beses akong napapalunok habang pinagmamasdan ang takot na takot nyang mukha.
Kakaiba rin ang babaeng ito. Sa mga totoong patay hindi natatakot tapos kay sadaco takot na takot.
"Sabing tignan- - "
Namilog ng mata kong ng magdikit nga ang aming labi. Diyos ko po. Hindi ko sinasadya ang ganitong kasalanan. Patawarin nyo po ako.
"S-sorry." Pag hingi nya ng tawad bago ako layuan.
Hindi agad ako nakagalaw.
"A-ah t-tulog n-na a-ako. Pindutin mo nalang yung green botton sa ibaba ng tv kung tinatamad ka ng manood."
Kumaripas ako ng takbo papunta sa itaas kung saan naroon ang kwarto ko. Ni lock ko agad yun at kumuha agad ng tubig sa mini ref ko.
Nilagok ko agad yun ng sunod sunod.
"Hindi na virgin ang lips ko."
Bahagya kong dinampi ang aking labi. Sumisilay sa akin ang ngiti. Agad ko ng pinag sasampal ang pisngi ko.
"No. This is not funny." Makulit ang labi ko, patuloy parin ito sa pag ngiti.
Humiga nalang ako sa malambot na kama at tumingin na lamang sa asul na kisame.
Ngayon nalang ulit ako ngumiti ng ganito. And she's the reason kung bakit napangiti ako ng ganito. Loko ang babaeng yun. Masyado kasing malikot kaya ayan. Pero dapat hindi ko na iniisip yun. Smack lang naman yun.
Ipinikit ko na lamang ang aking mata. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi parin ako makatulog, may kung anong bagay ang gumugulo sa aking isipan.
Paulit ulit pumapasok rito ang nangyari kanina.
Tok... Tok.. Tok..
"Dake? Gising kapa ba?"
Kinabahan akong bigla ng marinig ko ang kanyang boses. Para akong denidemonyo.
Agad akong nag taklob ng kumot bago humilik ng malakas.
"Okay. Tutulog na rin ako. Bye." Dinig kong sabi.
Naramdaman ko naman ang yabag nya papaalis.
Napahawak ako sa aking dibdib na malakas ang kalabog.
"Nakakamatay ang babaeng yun."
Ipinikit ko na lang muli ang aking mga mata.
------
Veany's POV
Alas nuwebe na ng umaga ng magising ako sa pag kakahimbing ng aking tulog.
"Sweety! Hinahanap ka na ng fake husband mo!" Dinig kong sigaw ni mom.
Napabusangot ako bago takpan ng unan ang aking tainga.
"Palayasin nyo!" Sigaw ko.
"But sweety!"
"Ugh. Fine. oo na po. Paki sabi na maghintay sya hanggang sa lumuwa ang kanyang mata."
"No need baby."
Napabalikwas ako ng makarinig ako ng boses mula sa aking tainga.
"T-teka. Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa hotel ka?" Natataranta kong tanong kay tic na nakasalong baba lang sa aking kama habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Mayroon po tayong picnic ngayon."
"M-mom! Bakit nyo pinapasok sa kwarto ko ang lalaking to!"
Hindi man lang binalak ni mom na sagutin ang tanong ko.
Nataranta ako ng tumayo si tic at bahagyang lalapit sa akin kaya napa atras ako. Naramdaman ko ang malamig na presensya ng pader kaya wala na akong maatrasan pa.
"Pinapasok ako para gisingin ka. Balita ko kasi, tulog mantika ka daw. Pero ano bang ibig sabihin non?"
"Tse."
Padabog akong tumayo.
"Ang ibig sabihin nun. Mabantot ka!" Wika ko bago tinungo ang cr.
Lalaking dinaig pa ang babae sa kakulitan.
"Hoy! Sama ako dyan!"
Agad kong ni lock ang pinto. Mahirap na baka mabuksan nya pa.
"Che! Dyan ka lang. Maliligo lang ako!"
"Eh gusto ko ding maligo!"
"Gusto mo paliguan kita ng suntok?"
"Gusto kong paliguan mo ako ng halik."
Grrr.
Loko talaga ang lalaking toh. Paano ko nagustuhan ang bastos na yan. Grrr.
Tinaggal ko muna ang saplot ko bago binuksan ang hot shower. Tumingala ako habang nakapikit ang mga mata.
Hindi ko parin talaga kayang kalimutan ang nangyari sa amin sa lugar nayun. Mga bagay na hindi paniniwalaan ng parents namin. May magandang bagay din namang nangyari, nag karoon kami ng kung ano anong award dahil sa lugar nayun. Siguro nakakas sira ulo sa iba kapag namiss nila ang lugar nayun. Minsan napapaisip ako? Paano kaya kung hindi kami nakabalik? Paano na ang lahat. Pero isang matipunong hari ang nag pabalik sa amin dito. Bilib din ako sakanya, hindi sya naging sakim ng makatungtong na sya sa loob ng kung anong kwartong yun.
Napapangiti nalang ako habang iniisip ang aming tagumpay.
"Hoy? Ang tagal mo naman!"
Nagitla ako sa pag sigaw nya. Dahilan para uminit ang ulo ko.
"Putek! Mag hintay ka lang dyan!"
Isa talagang kahibangan ang mag kagusto sa lalaking ogag. Pero hindi naman ako nag sisisi, nag seseryoso naman yan kapag alam nyang seryoso ako at mag bibiro lang yan kapag nag bibiro ako. Ang mahirap lang sakyan, ay ang mang-inis sya habang wala ako sa mood. Tulad nito. Kakagising ko lang tapos biglang susulpot ang lalaking yan.
"Ah ah yan. Mag iisang oras kana dyan. Sige ka papasukin kita kapag hindi kapa lumabas."
Kairita.
Hindi na ako nag aksaya ng oras sinabon ko agad ang makinis kong kutis at shinampoo ang hindi kahabaan kong buhok. Nagmamadali akong mag banlaw at mabilis na nagtapis.
Agad na akong lumabas na hingal na hingal.
"Masaya kana?" Tanong ko kasabay ng pag alalay sa tuhod kong babagsak na.
Masyado syang tahimik kaya naisipan kong tignan sya. Agad naman itong tumalikod habang nanlalaki ang mata.
"Problema mo?"
"I-ikaw ang may problema."
Namilog ang mga mata ko at agad sinulyapan ang katawan kong nakatapis.
Bwiset. Nakalimutan kong lalaki pala sya.
Napalunok muna ako bago muling pumasok sa cr.
Sinapok ko ang sarili kong ulo. Ang itinatago tago ko ng nineteen years, ganon nalang kabilis makikita.
"Lumabas ka nga ng kwarto ko! Bilisan mo!" Sigaw ko.
Dinig ko naman ang mga paa nyang kumaripas ng takbo sa kung saan. Nang marinig ko na ang pag sara ng pinto, doon na ako nag karoon ng pag kakataon para lumabas ng cr.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nadatnang tic sa sulok ng kwarto ko. Dalawang beses akong huminga ng malalim para i relax ang aking sarili. Pag katapos kong mag relax, tinungo ko na ang kulay kahoy kong cabinet. Tumambad sa akin ang pagka rami raming damit.
"Tsk. Ang mama ko talaga!"
Pinag shopping na naman ako. Hindi ko naman nasusuot ang lahat ng toh. Chaka hindi ko hilig ang dress masyado itong maiksi para sa mga mapuputik na bundok na aming inaakyat at mga daang malulubak na aming dinadaanan. As always, hinalungkat ko na naman ang dati kong mga damit para yun ang suotin.
Hay. Namiss ko rin ito, ang maghalungkat ng damit kapag may bagong damit na binili si mom. Madami rin talaga akong namiss.
Ilang minuto akong nag ayos ng sarili at nang mapagtanto kong ayos na ang itsura ko. Lumabas na ako ng kwarto.
"Eleven na ah. Bakit ang tagal mong mag bihis?" Pag sisiyasat ni tic na may pag tayo tayo pa.
Inirapan ko lang sya bago tumungo sa kusina.
"Yaya. Paki handa na nga yung mga pagkain para sa picnic at chaka yung tent." Utos ko sa aming kasambahay.
"Sige po ma'am." Tugon nya.
Tumungo ako sa dining area kung saan kasalukuyan ng kumakain sina mom at dad. Pati rin si tic na nakangiting kumakain.
Tindi din ng lalaking to, kanina nasa salas lang tapos ngayon nasa hapag kainan na.
"Oh paano. Maaga pa ang meeting ni daddy. Bye sweety and bye sweety two."
Ugh. Ganyan naman lagi si dad.
"Sige. Ingat sweety." Tugon ni mom.
"Bye dad. Take care." Wika ko bago umupo sa tabi ni tic.
"Bye din dad. Mag iingat kayo."
Kunot noo kong nilingon si tic na nakangiti lang.
"Pilyo kang bata ka ha." Sambit ni mom na medyo natatawa pa.
Napairap nalang ako bago sumubo ng isang kutsarang kanin.
"Pasado ako sa mommy mo." Bulong ni tic.
Nginuya at nilunok ko muna ang aking kinain bago sya tugunan.
"Edi mabuti."
"Yieeee. Pinapapakilig mo naman ako."
"Bago ka kiligin. Tanungin mo muna kung pasado ka sakin." Nakangisi kong sabi bago lisanin ang dining area.
"A-ah excuse tita. Salamat po sa pag kain."
Umupo ako sa sofa ng salas para hintayin si yaya na inihahanda ang mga kailangan ko sa picnic.
Sinamaan ko ng tingin si tic na nakapamaywang sa harapan ko.
"Hindi paba pasado ang lalaking to?"
"Papasa kalang kapag nadilaan mo ang likuran mo."
"Masyadong kumplekado ang gusto mong mangyari."
"Eh kung ganon. Wala ka ng pag asang pumasa."
"Ma'am vean. Nakahanda na po ang lahat."
Tumayo na ako.
Hinarap ko si tic at pinisil ang ilong.
"Pero wag ka mag alala. Crush naman kita." Nakangiti kong sabi bago nag lakad patungo sa kinaroroonan ni yaya. Iniwan kong tulala si tic.
Pasipol sipol kong kinuha ang basket at backpack na ibinigay sa akin ni yaya.
"Pangdalawang tao ba- - "
"Yes ma'am. Para kay sir tic ang isa pa para sainyo ang isa."
"Good. Sige yaya, ikaw ng bahala kay mommy."
Naglakad na ako palabas ng bahay at doon ko na nadatnan sila eitsy at grew na nagtatawanan.
"Kanina pa kayo?"
"Ow. Andyan na pala kayo. Um, ngayon ngayon lang naman kami kaya wala kang dapat ipag alala." Wika ni grew.
"Tara na." Pag aya ni eitsy.
I just nodded.
Pinanood ko muna silang makapasok sa kotse. Hinintay ko si tic na makalabas.
"Hoy!" Paunang bati ko sakanya. "Next time wag ka ng papasok sa kwarto ko ha!"
"Huwag ka mag alala. Konting baby fats at stretch mark lang naman ang nakita ko pero kahit na ganon pa yang katawan mo. Tandaan mo, mahal pa rin kita."
"Ewan ko sayo!"
Palihim akong ngumit bago ilagay ang mga gamit sa likod ng kotse at pag katapos non pumasok na ako sa loob kotse ni grew. Ganoon din si tic, pumasok na rin sya. Bale katabi ko sya at si grew at eitsy naman ang mag katabi sa unahan habang kami ay nasa likuran.
"Puntahan na muna natin sina dake at cat." Wika ni grew bago pinaandar ang sasakyan.
Kinuha ko naman ang phone ko sa aking bulsa pati ang earphone. Gusto kong mag sound trip sa mga oras na to. Ayokong marinig ang boses ni tic.
Umidlip muna ako dahil kulang pa ang tulog ko gawa ng bwiset na lalaking katabi ko ngayon. Ramdam ko ang kanyang braso na naka akbay sa akin. Hindi ko na sinita yun dahil wala ako sa mood makipag sumbatan sa kanya.
Ilang saglit ang lumipas.
Ginising nalang ako ni tic ng makarating na kami sa bahay nila dake. Agad naman akong bumaba ng kotse upang salubungin sila dake.
"Teka anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ko kay dake.
"Para kang nagpuyat na panda." Panggagatong pa ni eitsy.
Napaatras ako ng tumingin sya sa akin.
"Wala lang to." Wika nya.
Napairap nalang ako.
"Guys dito muna kayo ha. Kami na ang pupunta sa bahay ni souven tutal mag kapit bahay lang naman sila ni dake." Pag prisinta ko.
Naglakad na ako kasabay si tic na palaging nakabuntot lang.
"Uy! Baby!"
Kahit naka earphone ako ay dinig ko parin ang nakakaurat nyang boses. Well, hindi naman kasi gaano kalakas ang volume ng music. Tuluyan ko ng tinanggal ang earphone ko.
Nilingon ko ang mukha nyang nakanguso.
"Bakit?"
"Sabi kasi nila grew ayaw mo daw ng kulot kasi daw salot sila."
Napatawa nalang ako ng mahina.
"Wag ka mag alala. Natutunan kong magustuhan sila nung dumating ka." Nakangisi kong sabi bago isuot ang earphone.
Agaran kong kinatok ang pinto ng bahay ni souven.
Tokk tokk tokk.
"Hey? Guys?"
Ilang saglit muna ang lumipas bago nya buksan ang pintuan.
"Ang aga aga nambubulabog kayo." Panunumbat pa ni souven na halatang bagong gising.
"Hello? Tangghali na po."
"Oh? Anong meron?"
"Picnic! Hindi ba kayo sinabihan ni eitsy?"
"I don't know."
Parang pandang adik tong babaeng to.
"Go na. Maligo kana."
"Fine."
Pumasok ako sa loob ng bahay nya kahit na hindi pa nya ako inaalok. Natanaw ko si daking na kakalabas lang ng kwarto ni lolo. Maayos na ang itsura nito while souven. Ugh. Nevermind. Tinanggal ko na ang earphone, nakakabwiset yung tugtog.
"What's going on?" Tanong ng hari na naguguluhan.
"May picnic daw." Tugon ni tic.
"San?"
"Hardin mo."
"Hardin ko? Bakit don?"
"Malawak eh chaka madamo."
"Teka ano ba yung picnic?"
"Yung ano maglalatag ka tapos hihiga ka."
Diyos ko po. Pati ba naman picnic hindi nila alam? Siguro nagtatangatangahan lang ang mga yan.
"Alam mo, mabuti pa maligo at mag handa kana."
"Kanina pang five ng umaga ako nakaligo."
"Oh edi nice."
Ilang minuto lang ang lumipas ng makita na naming maganda at maayos na ang mukha ni souven na syang nagpanganga ng bibig ng hari.
Tss. Sana ganyan din si tic, yung tipong mapapanganga kahit na t-shirt at jeans lang ang suot.
"Tara na."
Maganda ang mood ngayon ni souven. Paniguradong wala yang budget. Tsk. Hindi na ako nasanay.
"Hoy veany! Alam ko yang iniisip mo. May tent akong dala at foods anong akala mo sakin?"
"It's a kind of miracle." Pang aasar ko bago lumabas ng bahay.
Dinig ko naman ang pag poprotesta nya na hindi ko na pinansin.
Tanaw na tanaw ko si dake na nakatulog na sa harap ng manebela ng kanyang kotse. Pilit naman syang ginigising ni cat pero waepek. Ano kayang nangyari sa lalaking yun?
"Pano yan? Tulog yung driver natin." Nakabusangot na sabi ni cat.
"Ako na ang mag da-drive." Pag prisinta ko.
-----
Souven's POV
Inalalayan naman nila si dake na maka alis sa driver seats at inilipat sa passenger seats.
"Don tayo sa kotse ni grew." Sambit ko bago kunin ang kamay ni thirp.
Naramdaman ko nalang ang unti unting pag sakal sa bawat daliri ko. Chaka ko lang napag tanto na, magka holding hands napala kami.
"Kahapon lang mag kaaway kayo ah. Teka anong ginawa nyo buong gabi ng magkasama? I smell something."
"Sira. Natulog lang kami." Natatawa kong tugon kay eitsy.
Papasok na sana ako ng humarang si thirp.
"Ako na ang magbubukas para sayo." Pag prisinta nya.
"Hm. Gentleman." Pag puri ni eitsy bago sumakay sa kotse.
Dahan dahang hinigit ni thirp ang pinto ng kotse ngunit, hindi ito nagbubukas. Napapabuntong hininga nalang ako habang pinapanood ang kaanuhan nya. Halos lumabas na ang ugat sakanyang bunbunan pero hindi parin nya nabubuksan ang pinto.
Nakita ko naman ang pag tawa ni grew.
"Hoy! Grew!" Sigaw ko bago ko sya tignan ng masama.
Matapos kong sigawan si grew ay nagbukas na ang pinto.
"Woa. Pasok na."
Tinanggap ko ang alok ni thirp. Nang makapasok na kami agad kong pinunasan ang pawis nya sa noo na namuo habang nakikipag away sya sa pinto ng kotse.
"Maliit lang ang pintong yun pero bakit ang hirap buksan?"
Tinawanan ko nalang sya. Napaka inosente ng mukha nya. Sana ganyan nalang sya lagi, walang problemang inaalala, nag eenjoy lang at nag mamahal lang. Malaking kaginhawaan sa kanya ang mawalan ng kapangyarihan. Alam kong hindi nya yun pinag sisisihan. At least kahit papaano nagamit nya yun kay chin.
"Tara na!!!!" Sigaw ni eitsy.
Nabigla naman ako ng paandarin ni grew ang kotse ng mabilis. Wala pa pala akong seatbelt.
Napahagalpak ako sa tawa ng matanaw ko ang itsura ni thirp. Parang hihiwalay ang kaluluwa nya eh. Parang sumakay sa rollercoaster.
"Ano bang uri ng sasakyan ito?"
Tinignan ko naman ng masama sila eitsy na tinatawanan si thirp. Miski ako gusto kong tumawa kaso hindi pwede.
Dinig ko ang sunod sunod na murang pinapakawalan ni thirp.
Lumapit ako kay thirp para isuot sakanya ang seatbelt. Hay. Napapaisip nalang ako. Paano ko nalang isasakay sa rides si thirp kung sa sakyan palang ay takot na takot na sya.
"Thirp. Just relax okay." Pagpapakalma ko sakanya.
Agad ko syang inakbayan at ikinulong sa aking braso.
"H-hindi ko alam na ganito pala ang naidudulot ng makabagong kotse na ito."
Isinandal ko nalang ang ulo ko sa ulo nya habang sya naman ay yakap yakap ko lang.
Kahit sa simpleng bagay lang, maprotektahan ko sya.
"Eitsy! Grew! Itigil nyo na ang kalokohan nyo!" Sigaw ko na walang halong biro.
"Uh. Oh." Wika nilang dalawa.
Hanggang sa unti unti ng bumabagal ang takbo ng kotse.
Para akong kinuryente ng maramdaman ko ang kanyang mga braso na pumulupot sa aking baywang.
Napapakurap ako upang kalmahin ang aking sarili.
"Nako."
Ipinikit ko nalang ang mata ko habang magkayakap kami.
Kahit kelan talaga hinding hindi ako mag sisisisi na ipinagtagpo kami.
After a min while.
Naramdam ako na ang pag hinto ng kotse na ibig sabihin ay naririto na kami. Parang tinatamad akong bumaba.
"Hoy! Magsigising na nga kayo!"
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni veany.
Wala akong nagawa kundi ang gumising.
"Wag mo kong iwan." Dinig ko ang iilan sa ungol ni thirp. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Para syang nananaginip ng kung ano.
"T-thirp.- -"
"Please... Wag.."
I bit my lower lip.
Ang tono nya, tila'y maamong tupa.
"Sou? ano na?"
Nabalik ako sa reyalidad.
"Um. Thirp gising na nandito na tayo."
Hindi naman ganoon kahirap gisingin ang lalaking to. Mabilis nyang naimulat ang kanyang mata at agad kinusot ito.
"Baba na tayo." Wika ko bago buksan ang pinto.
Bumababa na ako at ganon din sya.
"Welcome sa hardin!!!"
Muling namangha ang mga mata ko. Kakaiba talaga ang hardin na ito. Malawak at madamo. Ang gaganda rin ng mga bulaklak na parang hindi nalalanta. Pati ang mga paruparong bumibisita rito. Para itong magandang paraiso na sobrang lawak.
Pati ang malagong puno rito sa di kalayuan. Parang nagliliwanag ang paligid nito kaya sino ba naman ang hindi dadayo rito eh napaka gandang hardin nito.
Agad akong tumakbo at humiga sa madamong lupa. Nagpagulong gulong ako roon. Wala na akong pake alam kung makuha ko na ang lahat ng sakit basta masaya ako ngayon.
Naglatag si eitsy ng napaka laking mantle at doon inilagay ang lahat ng ambag naming pag kain.
"Hey guys tara! Mag groupie muna tayo!" Pag aya sa amin ni eitsy.
Agad naman kaming nagsi lapit sa kinaroroonan nya.
"Isa ba yang uri ng camera?" Tanong sa akn ni thirp na tinanguan ko lang.
"Titingin kadon kapag sinabi ni eitsy okay."
"Ano naman yung stick na yun?"
"Monopad ang tawag don."
"Okay guys. In a count of one, two say cheese."
"Cheese!!!"
Nakangiti kaming humarap sa camera.
"Wacky naman. One, two blehhh."
Nagduling dulingan lang ako habang naka labas ang dila.
Nabalik kaming lahat sa normal ng matapos na ang kaka picture namin.
"Ang sama ng mukha mo kapag na ganon ka."
Nabaling ang atensyon ko kay thirp na seryosong nakatingin sa akin.
"Wacky nga kasi."
Nginitian ko sya bago tumakbo sa malawak na damuhan. Tinungo ko ang mga bulakalak na kulay lila
"Bagay sayo yan."
Nagitla ako ng sumulpot sa aking likuran si thirp na naka serious mode paren. Pumitas ako ng isang bulalak at humarap sakanya.
"Mas bagay sayo to."
Inilagay ko ang bagong pitas na bulaklak sa ibabaw ng kanyang tainga.
"You look so beautiful." Pang aasar ko.
Kumuha rin sya ng bulaklak at dahan dahang inilagay iyun sa aking tainga.
"Ang gwapo mo dyan." Pang aasar din nya.
Ngumiti lang ako.
"Tara. Kain na tayo." Masigla kong pag aya bago tumakbo patungo kay eitsy na naghahanda na ng pagkain habang katulong si grew. Agad kong kinuha ang sandwich na nasa plato.
Napakunot ako ng noo ng may ilabas si grew sakanyang cooler na dala.
"Teka bakit may beer?" Nagtataka kong tanong.
"Para lang to sa boys." Nakangusong sabi ni grew.
"Sorry pero hindi ko na kailangang uminom, kasi isang halik palang nya, nakakalasing na." Pamimilosopo ni thirp.
"Buking ka tuloy!" Sambit ni eitsy.
Ininom ko nalang ang isang basong juice para hindi na makapag salita.
Humiga nalang ako at tumingin sa itaas. Nakamtan kong muli ang sikat ng araw na walang kinatatakutan. Isang bagong liwanag para sa tagumpay naming lahat.
"Aray!"
Naagaw ang atensyon ko sa gawing kaliwa. Tanaw ko sila tic at veany na naghahabulan. Tanaw ko rin si cat na ginigising si dake na tulog na tulog sa damuhan. Napangiti nalang ako.
Naramdaman ko ang presensya ni thirp sa aking tabi. Bumalandra sa harapan ko ang kanyang gwapong mukha habang nakatagilid.
"Your the only one." Malambing nitong sabi.
"I'm the only one naman talaga."
"Hindi ikaw. Yung nag iisang tigyawat mo sa noo ang sinasabihan ko." Matawa tawa nyang sabi.
"Shhhh... Isipin mong anak nalang natin yan tapos pinapatulog ko lang." Pagbibiro ko.
"Maganda siguro kung pimpim ang magiging pangalan nan."
"Pimpim?"
"Pimple."
"Ah talagang sinakyan yung kalokohan ko."
"Palagi naman kitang sasakyan." Wika nya bago ako kindatan. "Wag lang sa pribadong lugar."
"Hala. Napaka ano neto."
Natatawa akong umupo at nag indian sit.
Nilantakan ko agad ang mga pag kaing nasa harapan namin.
"Hoy guys bilisan nyo! Mauubusan na kayo ng pag kain. Nandito na si masiba!"
Agad kong sinamaan ng tingin si grew.
"Eh puntahan nyo ba naman kami ng pagka aga aga. Chaka hindi kami nag almusal."
Agad nagsi lapit sina veany sa amin at nag unahan sa pag kain.
Napatawa ako dahilan para sumabog ang tubig na ininom ko.
"Ugh. Souven!" Pag rereklamo nila.
Naibuga ko sakanila ang tubig na galing sa bibig ko.
Agad naman nila akong pinagbabasa. Syempre hindi ako nag patalo. Ibinuhos ko sa kanila ang lahat ng tubig ng pitsel bago tumayo para lumayo sa kanila. Tawa naman sila ng tawa habang nag papahidan ng cake na dala dala ni eitsy.
Pati ang hari nakikisaya rin. Masaya kung palagi nalang kaming ganito.
"Guys! Targetin si souven!"
Agad akong tumakbo ng batuhin nila ako ng cake dahilan para mabahidan ng dumi ang mukha ko.
Nadapa akong bigla dahilan para dumugin nila ako.
Nag batuhan lang kami ng nagbatuhan ng cake. Nag basaan ng nag basaan ng tubig at mga soft drinks. Imbis na mapunta ang pag kain sa tiyan ay napunta sa katawan namin. Para na kaming isang batang pag ka dungis dungis habang nag tatawanan.
Masayang magkaroon ng ganitong kaibigan. Palagi mong kaagapay at hindi ka iniwan. Sinasakyan ka sa lahat ng kalokohan. Iinisin ka kapag wala sa mood. Dudungisan ka kapag malinis ka at dudumugin ka kapag nadapa ka. Maswerte ako sakanila. Kung wala sila? Sasaya pa ba ako ng ganito? Naimpluwensyahan lang naman ako ng kabaliwan nila.
"Guys tama na yan!"
Nahinto kaming lahat ng marinig namin ang boses na yun. Nagkatinginan kami bago ngumisi.
"Sugudin si grew!!!!" Sigaw ko bago tumakbo.
"Ow. Shit." Wika ni grew bago tumakbo.
Agad namin syang dinumog ng madapa sya. Hindi naman ako nakidumog sa kanila. Napangis ako bago tumingin sa aking likuran.
"You want?" Nakangisi kong tanong kay thirp na wala pang kadungis dungis.
"No. No- - "
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya. Sinalubong ko sya ng kapirasong cake.
Nanlaki ang mata ko ng ma out of balance sya dahilan para matumba kaming dalawa. Dama ko ang dibdib nya pati ang kanyang kamay na nakapulupot sa aking baywang.
"Paminsan minsan maganda ring maging madungis."
Nilagyan ko sya ng icing sakanyang ilong pati sa kanyang pisngi.
"Ugh. Souven- - "
"This is my sweet lips." Sambit ko bago idampi sakanyang labi ang labi kong binalutan ng icing ng cake.
"Humanda kayong lahat!"
Agad akong napatayo at inalalayan ko ring makatayo si thirp.
"O my god." Wika ko ng makita ko si grew na nakangisi habang may hawak hawak na host.
Nag takbuhan ang lahat ng habulin sila ni grew. Pinag babasa kaming lahat ni grew. Teka san nya nakuha ang host nayun? Tss. Never mind. Ang mahalaga masaya kami.
Ilang minuto kaming nag hahabulan at nag babasaan. Hindi mawal wala sa aming mga labi ang matamis na ngiti at ngiti ng tagumpay. Eto ang gusto ng lahat ng magkakaibigan. Mayroong oras para mag kasiyahan na syang hindi ko makakalimutan. Si eitsy na masayang kasama. Si cat na makulit. Si veany na magaling. Si grew na malinis. Si dake na mabilis . Si tic na kalahi si joker at si thirp na killjoy. Yan ang mga katangiang sana'y hindi magbago.
"Welcome to the group cat,tic and daking. Parte na namin kayo kaya walang reklamo kung madungisan din kayo!!!" Sigaw ni grew bago pagbabasain kami.
Napukaw ang atensyon ko sa isang putikan na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
"Guys. Don tayo sa putikan!" Sigaw ko bago sumigaw ng ahu.
Nag kanda dulas dulas muna kami bago makarating don. Biglang nadulas si cat sa putikan dahilan para madamay kami. Para na tuloy kaming batang madungis na nahulog sa swimming pool ng kalabaw.
Ang saya saya neto.
"Ganito ka pala kakulit."
Tinanaw ko si thirp na nakahalukipkip parin kahit nababalutan na sya ng putik. Ngayon putik naman ang aming pinagkainitan.
Tuwang tuwa ang lahat habang nagpapahidan ng putik.
Nang hingalin kaming lahat, umahon na kami at humiga sa damuhan.
"Guys. Nakakapagod ang katangahang ginawa natin." Sambit ni veany.
"Matatawag bang picnic to?"
Nagtawanan kaming lahat ng tanungin ko yun.
Ilang minutong nakahiga kami roon hanggang sa may kung anong tumunog.
"Wait lang ha." Pag papaalam ni eitsy bago tumungo sa kanyang bag.
"Guys! Halikayo!"
Wala sa oras kaming napabangon.
"Ano ba yun?" Tanong ko.
Naalarma ako ng makita ko ang seryosong mukha ni eitsy habang nakatingin sa kanyang phone.
"Uy eitsy? Wag ka namang manakot." Sambit ni veany.
"Ugh. Inaantok pa ako." Pag rereklamo ni dake.
"Gumising kana." Pang gigising ni cat.
"Another adventure?"
Nahinto kami at nag tinginan.
"Sa curious Forest?"
Sabay sabay kaming napangisi.
"No."
Napakunot noo ako ng biglang tumutol si thirp.
"But why." Nagsusumamo kong tanong.
"Gusto kong suotin mo muna ito."
Napahawak ako sa aking bibig ng makita ko ang maliit na bilog na hawal hawak nya. Nababalutan na ito ng putik.
"I wanna marry you."
Dinig ko ang hiyawan ng nasa paligid namin.
"What the hell?"
"Just say yes para naman makapag travel ulit tayo."
Hindi ko magawang umiyak ngayon. Napupuno ako ng saya.
Agad kong kinuha ang putikang singsing bago isuot ito sa aking daliri.
"Finally!!!!" Sigaw ko bago yakapin si thirp.
"I love you." Bulong ko.
"Back to you."
Napakalas ako sa pagkakayakap at tinignan sya ng masama.
"Ginagantihan mo ko?"
Ngumiti ito na syang nagpapalambot ng tuhod ko.
"Damn. I love you too!" Sigaw nya bago angkinin ang labi ko.
"Awwwwww."
"So paano? Next adventure ulit?" Tanong ni eitsy.
Dahan dahang naghiwalay ang aming labi.
"Lasang putik." Sabi nya.
Natawa lang ako.
"Tanggapin natin yan!" Sigaw ko.
Agad agad silang nag tipon tipon sa gitna at inilahad ang kanilang kamay na magkakapatong.
"Adventurer ata toh!" Sigaw namin bago sumigaw sa sobrang saya.
Para na kaming sira ulo rito sa sobrang saya.
Ako ang pinaka masaya sakanilang lahat. Well, ako ang una at huling mamahalin ni thirp.
"Go! Team M.A!!!!" Muling sigaw namin bago nagbasaan ulit.
Pinagmamasdan ko lang silang lahat na tuwang tuwa sa kanilang ginagawa.
Binalingan ko ng pansin ang maputik na singsing. Napapangiti nalang ako. Iba talaga mag mahal ang isang hari.
Eto na yata ang pinaka magandang adventure na nangyari sa amin. Pare-pareho kaming masaya ng dahil sa lugar na yun. Ang mapanuksong pinto,ang mga patay at kung ano ano pang elemento ang nasaksihan ng aming mga mata. Hinding hindi kami mag sasawang gumala ng gumala sa kung saan. Eto kami eh, hobby namin ito at masaya kami rito. Dito namin nakuha ang kaligayahan kaya kahit kailan hinding hindi namin ititigil ito kahit kamatayan. Hinding hindi kami matitibag. Kahit anong hamon pa yan kayang kaya naming lagpasan.
Ako si souven, ang babaeng nagdala sa mga kaibigan sa kapahamakan ngunit hinding hindi ko iyun pag sisisihan dahil ang lahat ng yun ay nauwi lahat sa kasiyahan...
The end.
YOU ARE READING
King's Key is Me
مغامرةAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel