Eitsy's POV
Labag man sa loob ko na iwan ang isa sa mga naging kaibigan ko pero kailangan naming gawin iyun dahil para rin ito sa lahat. Hindi kami pwedeng mag desisyon at mag dahilan lang para sa isang tao, kailangang isipin din namin ang iba gaya ng mga politiko.
"Huwag ka ng mag isip tungkol kay frince." Bulong sa akin ni grew.
Nilingon ko sya.
"I'm sorry." Sambit ko bago nag lakad ng mabilis.
Naka sunod lang kami kay mr. Donald. Lumiko ito sa silangan. Sumunod naman kami.
Hanggang sa napunta kami sa dalawang daan na kailangang pag pilian. Sa kanluran kami dumaan.
"Siguraduhin mong tama ang daang ito." Sabi ni grew.
Wala ako sa aking sarili kaya hindi ko magawang mag sungit ngayon. Isang tanong lang ang paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan at yun ay 'mabubuhay pa kaya kami?' Hindi ko gustong malaman ang negatibong sagot.
Nag aalala narin ako kay souven pati sa hari. Kay veany at dake nag aalala na rin ako. Hiling ko sana'y walang mangyaring masama sakanila.
"Sirain nyo na. Ilang minuto na lang ay mag sisilabasan na naman ang mga patay riyan."
Huminto ako sa pag lalakad at tinanaw ang isang kahon na nasa pinaka gitna ng isang malawak na sahig.
Isa itong kahon na hindi kalakihan. Nakalutang ito at ikot ng ikot.
Napahigpit ang hawak ko sa aking baril. Dahan dahan ko itong inangat at itinutok roon sa kahong iyun.
Kakalabitin ko na sana ang baril ng pigilin ako ni mr. Donald.
"Sandali." Pag pigil nya. "Hindi mo maaring gawin ang bagay na yan. Babalik lang sayo ang bala kapag pinaputukan mo ang kahong iyun. Ang kailangan muna nating gawin, alisin ang kahon sa pag kakalutang at pagka tapos non. Maari mo na syang sirain."
Matapos sabihin ni mr. Donald yun. Agad akong lumakad patungo sa kahon.
Napangisi ako bago itinutok sa gawing kanan ang baril ko.
"Anong akala mo hindi ko maa-amoy ang baho mo?" Nakangisi kong tanong.
Ngumisi rin ang patay na nasa harapan ko.
"Eitsy!" Sigaw ni grew kasabay ng pag takbo papunta sa akin habang si mr. Donald ay nag tago nalang ulit.
Palibhasa wala syang laban sa kauri nya.
"Kayo ang salot sa lugar na ito!!" Agad kong pinaputukan ang nasa harap ko.
Nagdikit ang aming likod ni grew. Nakakaramdam ako ng malakas na amoy.
Binalilibutan kami ng anim na patay.
"Let's go!"
Agad kong pinatikim ang mga kalaban ko ng isang mapait na pag sabog.
Hindi sila ganoon kahirap patayin.
"Sirain nyo na ang kahon! Ilang segundo nalang ay mapupuno na naman ang lugar na ito ng mga patay!" Sigaw ni donald.
Agad akong nabalik sa reyalidad. Tinakbo ko ang kahon ngunit may nag tangkang humarang sa aking harapan.
Itinutok ko ang baril para sana paputukan ang patay na ito ngunit na ubusan na ako ng bala kaya hinugot ko nalang ang espadang nasa aking tagiliran at ipinukol iyun sakanya.
Mas lalo ng bumibilis ang pag ikot mg kahon kaya kailangan ko ng masira yun.
"Hindi mo maaring sirain ang kahon!!"
Naalarma ako ng may biglang sumulpot sa aking gilid.
Hindi agad ako nakagalaw para salagin ang espada nya pero may sumalag sa espadang dapat ay babagsak sa akin.
"Eitsy! Sirain mo na!" Sigaw ni grew.
Nanlaki ang mata ko ng umusok na ito ng kulay berde.
"Bilis!" Sigaw ni mr. Donald.
Hindi na ako nag aksaya pa. Isang matinding sipa ang ginawa ko para mapatalsik ang kahong iyun.
"Hindi!!!!!!!" Sigaw ng isang patay. Unti unti syang nag laho ng tumama ang kahong iyun sa makapal na pader at tuluyang nabasag.
Napa upo ako sa tuwa.
Dalawang likido ang lumabas sa aking dalawang mata. Naiiyak ako sa tuwa, parang pakiramdam ko ay tapos na ang lahat.
"Isang karangalan para sa ating tagumpay."
Maluha luha kong tinanaw si grew na nakaluhod habang naka yuko.
"Tumigil ka nga sa kalokohan mo. Hindi natin magagawa ito kung hindi dahil sa tulong ni frince at ni ginoong donald. Syempre ikaw rin."
Nakahinga ng maluwag si mr. Donald at lumabas sakanyang pinag tataguan. Nilapitan nya ang kahon at pinag dudurog iyun gamit ang kanyang paa.
"Isang malaking tulong ang ginawa nyo. Kagalak-galak para sa hari ang ating ginawa. Tayo ang may pinaka malaking ambag sa lahat kaya dapat lang tayong gawaran ng karangalan! Huwag na sana akong palayasin sa katawang ito!" Sigaw nya kasabay ng pag taas ng kanang kamay.
Para syang tangang nag sisigaw ng 'mabuhay'.
Napahagulgol ako ng yakapin ako ni grew.
"Success." Bulong nya.
Mahigpit na yakap ang ginanti ko sakanya. Natutuwa ako na marami kaming maiiligtas na tao sa ginawa namin. Tapos na rin ang lahat.
"Kailangan nating balikan si frince."
Agad kaming napatayo.
"Tara na." Masagana kong sigaw bago itinaas ang aking kamay.
-------
Souven's POV
Kating kati na ang ilong ko. Gustong gusto ko ng kamutin kaso paano? Naka tali ang kamay at paa ko habang naka sandal sa isang kahoy dito sa gitna ng malawak na sahig.
Hindi ko alam kung bakit paikot ikot ang queeny na ito sa aking paligid.
"Um. Excuse lang. Pwede bang kamutin mo ang ilong ko? Kanina pa kasi makati."
"Manahimik kang alipin ka!"
Isang napaka higpit na sakal ang isinunod nya. Napapikit ako ng mariin.
"Hitad kang alipin ka! Ang lakas mong mag piling reyna kagaya ko? Hoy kahit kailan hinding hindi ka makakapantay sa level ko!"
Mas lalo akong nakaramdam ng higpit sa aking leeg. Ramdam ko ang namumuong dugo sa aking mukha na hindi makadaloy dahil may nakabarang kamay sa aking lalamunan.
Hindi ko magawang makapag salita. Ginagamitan nya ako ng mahika gamit lang ang mga tingin nya. Hindi sya patas lumaban. Dapat one on one kami dyan sa malawak na ring eh.
"Bitiwan mo ang alipin ko!"
Nakahinga ako ng maayos ng mawala ang nakabara sa aking leeg.
Napayuko ako.
Hayy salamat naka daloy rin ang dugo ko paibaba. Dahan dahan kong inangat ang aking ulo.
"Omy thirp." Sambit ko.
Isang makintab at masamang tingin ang ipinukol sa akin ni queeny pero hindi ko iyun pinansin. Nakatingin lang ako kay thirp na parang slow motion ang pag takbo. Hindi nakaligtas sa akin ang kanyang pawis na tumatalbog talbog pa.
Napaka gwapo nya talaga.
"Wala kang karapatang saktan ang aking alipin lalo na't binalaan na kita." Hinihingal na sabi ng hari.
Tama, tama ang hari wala syang karapatan.
"Ayoko lang naman na may kaagaw ako sa aking mahal."
Namilog ang mata ko ng makita kong lumapit sya kay thirp at hinaplos ang dibdib ng aking hari.
Aba, pasimple ang hayop.
"Hoy! Si chin ang ganyanin mo huwag ang pag mamay ari ko!" Sigaw ko.
Pinilit kong kumawala rito sa pag kakatali. Gusto kong lapitan sya at pag sasampalin ulit.
Teka? Paano nga ba ako napunta rito?
Ang pag kakaalam ko, binabalot kami ng alikabok non sa court tapos bigla na lang akong nawalan ng malay at nagising nalang ako na nandito na.
Ang queeny na yan siguro ang may gawa kung bakit ako nahimatay.
"Manahimik ka riyan! Manood at mainggit ka na lang!" Sumbat ni queeny.
"Ano? Your going to kiss him? Then i get jealous? No. No. No.Never ng mangyayari yun. Alam mo nitong mga nakaraan napag tanto ko na mas lamang ako sayo." Pang aasar ko. "Kasi ako, mahal ikaw hindi. Ako mahalaga ikaw hindi. Ako nililigtas ikaw hindi and last, ako na ngayon yung honey at ikaw ang yung bubuyog. Alam mo kung bakit? Kasi habol ka ng habol sa tuwing may nag mamay ari na ng pukyutan mo!" Dagdag ko pa.
Taas noo akong ngumisi.
Hindi ko man kaya syang saktan ng pisikal pero kaya mo naman syang saktan sa sumbatan.
Unti unti syang lumayo sa hari at dahan dahang lumapit sa akin.
"Para sa akin isa kang oso na pilit kinukuha ang pukyutan ko. Kaya gustong gusto kong kagatin ang buong katawan mo." May diin nyang sumbat.
"Tutal nagiging pukyutan na ako. Sige, paninindigan ko na to. Kaya queeny itigil mo na ito, mas bagay talaga ang pukyutan at ang honey kaya stop na."
Ngumisi ako.
Minsang naging bagay ang bubuyog at pukyutan pero panandalian lang iyun.
"Pero maaari naman nating ibalik ang pag mamahalan ng- - "
"Hey. Hey. Hey. Hindi na pwede- - "
"Sinabi kong manahimik ka!"
Pag kalakas lakas na sipa ang natamo ko sa aking tiyan na syang ikinaubo ko. Ramdam kong hangin ang ginagamit ni queeny para masaktan ako.
Agad lumapit sa akin ang hari.
Napaka tinding sipa yun kaya hindi ko magawang makatayo ng tuwid. Namamaluktot ako.
"Alipin ko..." Mahina nyang wika.
"Honey ang itawag mo sa akin para naman mamatay na sa selos ang hinayupak na yan." Nanggagalaiti kong sabi.
Ramdam kong tinatanggal ni thirp ang tali sa aking kamay.
"Hindi ko hahayaang mapasayo ang dapat ay sa akin!" Sigaw ng bubuyog.
Sa isang iglap nawalang bigla si thirp. Tinanaw ko si queeny. Hay. Ginamit na naman nya ang kanyang mahika para kunin ang aking pukyutan.
"Queeny- - "
Isang nakaka sunog na panoorin ang nakita ko. Isang matinding halik ang ginawa nya sa honey ko. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang galit. Pasensya, hindi ko pala kayang makita silang ganyan.
Heto na ang ulo ko na nag iinit sa sobrang galit.
Huminga ako ng malalim bago yumuko.
Pangatlong beses ko ng nakita ang eksenang ito. Pangatlong beses akong nag tiis. Pero ito na ata ang oras para pumatay ng isang desperada.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
"Ano ba queeny! Nandyan ang girlfriend ko!"
"Pero daking ako diba ang girlfriend mo."
"Queeny hindi na nga kita mahal."
"Mahal mo ko."
"Huwag mong hintayin ang oras na ako na mismo ang makapatay sayo."
Nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Isang enerhiya.
May kakaiba akong nararamdaman.
"Pero daking ako diba ang girlfriend mo."
"Pero daking ako diba ang girlfriend mo."
"Pero daking ako diba ang girlfriend mo."
"Pero daking ako diba ang girlfriend mo."
"Pero daking ako diba ang girlfriend mo."
Naikuyom ko ang aking kamao.
Nawala na ako sa aking sarili.
Isang nakakademonyong ngisi ang sumilay sa akin.
Dahan dahan kong inangat ang aking ulo at biglaang binuksan ang aking mata.
"O my god."
Mas lalong lumawak ang aking ngisi.
Walang kahirap hirap kong tinanggal ang aking tali sa kamay at paa.
Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyun basta ang alam ko easy lang ang lahat. Nawawala ako sa aking sarili para ng may kakaibang lakas ang biglang sumanib sa akin.
"Spell demon. Q.U.E.E.N.Y. you know what? I want to kill the demon."
Humalakhak ako ng pag lakas lakas bago bumalik sa seryosong mukha.
"Should i start?"
Nanunuot ang kakaibang lagay ng aking katawan.
"No way."
-----
Thirp's POV
Hindi maari.
Ang pulang mata ay nanunuot sa mata ni souven.
Ang kapangyarihan ng aking ina. P-paanong. Paano nang yari. I-imposible.
Ang aking ina.
Bwiset. Bakit ginawa ito ni mom?
Ikakapahamak ni souven ang pag kakaroon ng kapangyarihan.
Lalo na't hindi basta basta ang kapangyarihan ng isang reyna.
Anong dahilan ni mom? Bakit nya binigyan ng ganito si souven?
Hindi kayang kontrolin ni souven ito. Makakapatay sya nito. Paano na.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ginawa ni souven.
Tumalsik si queeny sa isang manipis na pader dahilan para mag karoon ng lamat ang pader.
"Souven. Stop!" Utos ko.
Hindi pa man nakakatayo si queeny ay itinaas na ito ni souven.
Pinaikot ikot nya ito sa ere na kahit sino ay hindi kayang gawin sa isang reyna.
Lumapit ako kay souven. Nakangisi lang sya.
"S-souven..."
"Gusto ko syang patayin!"
Namilog ang mga mata ko ng ibagsak nya si queeny
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel