Thirp's POV
"Nasan si souven?" Mga kaibigan ng aking alipin ang humarang sa akin at nag pahinto ng pag takbo ko.
"Umalis kayo sa daraanan ko!" Nanggagalaiti kong sigaw na agad naman nilang sinunod.
Mas pinabilis ko pang ang pag takbo upang mapuntahan ko agad sya.
May masama akong kutob. Nawawala si queeny at may papatay sa susi na syang alipin ko. Isa lang ang ibig sabihin nun. Ayoko mang isipin at manisi pero kilala ko si queeny, kaya hindi ko maipagkakailang kaya nyang gawin yun.
Dapat hindi ako nag aalala ng ganito dahil ako lang naman ang kayang mag pabukas ng pintong yun at ako lang din ang nakakaalam non pwera nalang kung nasundan nya kami at ginamit ang kanyang mahika.
Halos mag kanda dulas dulas na ako dahil sa sobrang bilis ng pag takbo ko. Kinakapos na rin ako ng hininga at nangangalay na rin ang aking paa.
Nahinto ako ng matanaw ko na ang pintong sarado.
Medyo naka hinga ako ng maluwag.
*bogsh*
Nawala ang malalim kong pag hinga.
Bigla akong kinabahan ng makaranig ako ng kalabog.
"Bwiset!"
Agad kong tinungo ang pinto ng kwarto.
Nararamdaman ko ang presensya ni queeny. Paniguradong nasa loob sila.
"Bumukas ka!" Kusang sumunod ang pinto sa aking utos.
Nanlaki ang mata ko ng makita kong hawak hawak ng alipin ko ang kanyang kutsilyo at nakatutok ito sakanyang leeg.
Ginamit na nya.
Hindi pwede to.
"Itigil mo yang ginagawa mo!"
Naagaw ko ang pansin ni queeny na naka upo sa puting upuan habang pinag mamasdan ang alipin ko na sinusugatan ang kanyang katawan.
Tuliro ang alipin ko at alam kong hindi nya alam ang kanyang ginagawa.
"D-daking. Pigilan mo si queeny!"
Nilingon ko ang lalaking nasa isang sulok habang hawak hawak ang tiyan na nag durugo.
Paano naka pasok si tic sa lihim na silid na ito.
"S-souven?"
Rinig ko ang boses sa aking likuran. Paniguradong sumunod ang mga kaibigan ng alipin ko sa akin.
Nakita ko ang ginawang kataksilan nung isa sa kaibigang lalaki ng alipin ko. Dake ang kanyang ngalan. Tinangka nyang lapitan ang aking alipin.
Hindi nya alam ang kanyang ginagawa.
*bogsh*
"Aray!" Dinig kong daing nya.
Gaya ni tic. Tumalsik din sya sa isang makapal na pader.
Mapaglaro si queeny. Reyna sya at ang reyna ay isa sa malakas. Walang alam ang lahat sa kayang gawin ni queeny halos pati ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kapangyarihan nya. Ayan ang ayoko, kaya gusto kong bumalik nalang ang lahat sa normal. May mga taong hindi ginagamit sa kabutihan ang inalay sakanilang kapangyarihan. Tulad ni queeny.
"Kaya kong pumatay. Sinabi ko na sayo yan pero ano? Hindi ka parin bumabalik? Well, hindi ko kasalanan kung mawalan ka ng taong mahal." Nakangisi nitong sabi.
Isa isang nag silapit ang mga kaibigan ni souven kay dake.
"Tanggalin mo ang gayuma." Madiin kong utos.
Hindi ako makakalapit sa alipin ko hangga't nasa gayuma ang buo nyang katawan.
Nahahalintulad ang isa sa kakayahan ni queeny ang komontrol ng utak ng isang tao. Tulad ni rina.
"Aray...."
Naagaw ang atensyon ko sa alipin ko na unti unting dumadaloy ang dugo paibaba sakanyang leeg. Unti unting kinakain ng patalim na hawak nya ang kanyang leeg. Dahan dahang hinihiwa ito na syang nakakapag painit ng ulo ko.
Ramdam ko ang hapdi sa kanyang mukha habang napipilitang sugatan ang sarili. Nauubos ang kanyang dugo at marami na syang hiwa sa katawan.
Naikuyom ko ang aking kamao. Para akong sasabog sa galit.
"Bumalik ka sakin ng matapos na ang lahat- - -"
Mabilis akong nakarating sakanya at ngayo'y hawak hawak ko na ang leeg nya.
"Hindi ko ugaling pumatol sa babae, alam mo yan. Pero kayang kaya kong pumatay ng babae para lang sakanya."
Nararamdaman ko ang pag init ng mga mata ko at ganun din ang mga kamay ko.
Unti unti ring nanlalaki ang mata ni queeny habang nakatingin sa mga mata ko. Habang mas lalong napapahigpit ang pag sakal ko sa kanya na para bang kinokontrol ako ng kung anong elemento. Parang kating kati ang kamay ko na pumatay.
-----
Souven's POV
Hapdi.
Sobrang hapdi na ng katawan ko at sobra sobra ang sakit.
Unti unting dumidiin ang talim ng kutsilyo sa leeg ko. Hindi ko kayang pigilan ang aking kamay na syang gumagawa nito.
Flashback.
Nakangiti ako ng tuluyang nag sara ang pinto at unti unting nag laho si thirp. Naka upo lang ako sa kulay puting upuan habang nakatingin sa paligid.
Hinawakan ko ang aking noo.
"Ang swerte ng noo ko."
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko habang inaalala ang moment namin kanina. Nakakakilig lang na kiniss nya ako sa noo.
"Yun ang una at ka-huli-hulihang halik na gagawin nya sayo. Malapit ka ng malagutan ng hininga dahil... Papatayin kita."
Napahigpit ang hawak ko sa aking kutsilyo ng biglang mag bukas ang pinto at iniluwa nito ang magandang babae na si queeny.
"Paano ka nakapasok- - "
Tanaw ko ang isang uri ng gadget na hawak hawak nya habang ikinakaway ito sa akin.
"Teka cellphone ko yan ah."
Napatayo akong bigla ng makita ko ang phone ko.
Para akong nabuhayan ng loob at nagkaroon ng pag asa.
"Hindi ako bobo para hindi matutong gumamit nito. Simple lang mayroong record na nakalagay rito at pinindot ko iyun habang nag sasalita ang hari. Tanging boses lang kasi ng hari ang kayang mag pabukas ng bwiset na silid na ito. Ang talino ko diba?"
"San mo yan- - "
Nakita ko ang slow motion na pag bagsak ng cellphone ko sa sahig at sinundan pa ng malaking paa. Dinurogdurog nya ang cellphone gamit ang kanyang sapatos.
"No way!"
Yun lang ang tanging pag asa namin pero sinira nya. Grrr.
"Queeny anong ginagawa mo rito?" Boses ng isang lalaki na nakapukaw ng aking pansin. Naririto rin si tic. Teka paano nila nalaman ang silid na ito. Ang akala ko isa itong lihim na silid.
"Tss. Ang lakas mo ring maka superhero noh. Talagang sinundan mo ako para lang mailigtas ang babaeng ito? Wow. Ang tibay ng pag kagusto mo rito?" Natatawang wika ni queeny na halata namang pinipilit lang nyang tumawa.
"Hindi ba't nakaka tuwang may nag kakagusto sa isang tao kaysa sa wala? Palibhasa walang nag kakagusto sayo kaya ka despereda- - "
"Manahimik ka!"
Dinig ko ang malakas na kalabog na ginawa ni tic. Tumama ang kanyang likuran sa isang pader kaya doon nag mula ang ingay. Dinig ko ang pag tunog ng likod nyang napuruhan. Pati ang daing nito.
Nanggagalaiting nilapitan ko si queeny.
"Anong problema mo? Bakit? Nararamdaman ba ng stomach mo na isa ka ngang desperada? Eh totoo naman eh. Wala kang magagawa kasi totoo nga."
Nakangisi lang ito habang nakatingin sa aking mata.
"I'm going to kill this bullshit." Nakangisi nyang sabi.
"Souven wag kang- -." Mabilis na nawala ang kutsilyo sa aking kamay.
"Damn!" Bulong ko.
Napahawak ako sa aking bibig. Nakatusok ang kutsilyo sa tiyan ni tic. Paano nagawa ni queeny yun?
"Ngayon kilala mo na kung sino ang binabangga mo? Mabait ako sa iba at demonyo ako sa tulad mo."
Tama sya isa syang demonyo.
Nilapitan ko agad si tic.
"Anong gagawin ko?"
Nanginginig na ang labi ko habang nag sasalita.
Nakatusok sa tiyan nya ang kutsilyo. Sinong hindi matataranta sa ganon. Hindi ko naman pwedeng tanggalin dahil mauubusan sya ng dugo.
"B-basta wag kang tititig- - aray!"
Namilog ang mata ko at napa atras.
"T-this is the kind of hell."
Kusang umalis ang kutsilyo sakanyang tiyan.
Napatingin ako sa aking katawan na lumulutang papalayo kay tic. Hanggang sa bigla na lang akong bumagsak sa sahig at si queeny agad ang una kong nakita.
Hinawakan nya ang baba ko at pilit na pinatitig sakanya.
"Susi ka pala. Isa kang susing salot. Hindi mo ba alam na ikaw ang magdadala sa hari sa kapahamakan? Siguro hindi mo alam yun kasi nga bobo ka."
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Namintig ang tainga ko kaya isang sampal sana ang gustong pakawalan kaso namanhid bigla ang mga kamay ko. Hindi ko maigalaw ito.
Sa isang iglap biglang hawak hawak ko na ang kutsilyo.
Nakatapat ang matulis na parte ng kutsilyo sa aking tiyan.
"Bwiset!"
Nawala na ako sa sarili ko. Nadatnan ko na lang na hinihiwa ko na ang palad ko.
"Gusto na kitang patayin! Bwiset kang alipin ka!"
Nauwi sa puro hapdi na lang ang nararamdaman ko hanggang sa mag bukas ang pinto at iniluwa nito ang hari.
End of flashback.
Hinihingal kong nabitiwan ang kutsilyong hawak hawak ko. Ramdam ko ang unti unting pag bagsak ng katawan ko na agad namang naudlot.
"S-souven..."
Naaninag ko ang itsura ni veany.
"A-anong nangyari?"
Sumakit bigla ang ulo ko kaya hinilot ko ng marahan ang aking sintido ko.
Napapaluha nalang ako ng makita ko ang iba't ibang sugat sa iba't ibang parte ng katawan ko. Sinusugatan ko ang sarili kong katawan ng hindi ko alam. Feeling ko tuloy ang hina ko. Feeling ko natalo ako sa laban at si queeny ang nag wagi. Wala naman talaga akong laban sakanya. Sya may powers eh ako wala.
"I-ilalabas nalang kita dito.."
"Teka.."
Napukaw ang aking pansin sa hari at kay queeny.
Sinasakal ng hari si queeny.
"K-king." Pag tawag ko sakanya na agad namang umaagaw ng kanyang atenayon.
Bahagya akong natigilan.
A-a-ang mata nya.
Paulit ulit kong kinurap ang mata ko. Totoo nga, parang isang mata ng dragon ang nakikita ko.
Agad nyang iniwasan ang mapanuri kong mata.
Dahan dahan din nyang binitawan ang leeg ni queeny.
Hindi nakaligtas ang kanyang mata sa mapanuri kong mata. Titig na titig ako sa mata nyang hindi mapakali.
"A-ako ng bahala sakanya." Sambit nya kay veany na agad napa atras. Dahil siguro sa takot.
Hindi ko parin maiwasang mapatitig sa kanyang mata. Habang binubuhat nya ako.
"Wag mo akong titigan ng ganyan." Utos nya.
"A-ah. Aray." Pag daing ko. Nasasagi nya kasi ang mga ginawa kong hiwa.
Humahapdi rin ang leeg ko. Ito kasi ang masyadong napuruhan.
"Hindi! Ibalik mo ang babaeng yan! Hindi ko pa tapos pahirapan ang malanding yan!" Nakakabinging sigaw ni queeny habang nakahawak sa kanya leeg.
Kung mayroon lang akong lakas para sabunutan ay malamang napatay ko na sya.
Nakita kong may kinuha si thirp sa kanyang likuran at may bilang pinakawalan.
"Ahhhhhh!!!!!!" Nakakabinging sigaw ni queeny.
"O my god."
Namilog ang dalawa kong mata. Napaka galing.
Ang kutsilyong bumubulusok lang kanina ay saktong tumagos sa palad ni queeny.
Yun ang kinuha nit thirp sakanyang likuran at pinakawalan ito.
Ang kulay pulang dugo ni queeny ay ngayo'y umaagos paibaba at tumutulo sa sahig.
"P-paano mo nagawa sa akin ito." Nanginginig nyang sabi kasabay ng pag hawak sakanyang kamay.
Matalim na tingin ni thirp ang nag pa atras kay queeny.
"Mabuti na rin yan. Para mabawas bawasan naman yang masama mong balak. Chaka, hindi ko na kailangan ng tulong mo kung gagalawin mo din naman pala ang alipin ko. Maari ka ng tumiwalag sa grupo."
"H-hindi. Hindi mo kayang gawin sakin to daking. Alam mo ang epekto ng ginawa mo sakin. Mauubos ang kapangyarihan ko- - h-hindi pwede. Alam mong maari ko itong ikamatay. Inuubos mo ang dugo k- - "
"Wala akong pake. Dapat lang bawiin sayo ang dapat."
"H-hindi. Hindi pwede to.."
Naramdaman ko na ang pag galaw ni thirp. Unti unti ng nawawala sa aking paningin si queeny. Palayo na kami ng palayo sa kanila.
Muli akong napatitig sakanya. Pilit parin nyang iniiwas ang kanyang mata.
"I-it's okay. Now i understand." Pag papakalma ko sakanya. Nagiging balisa kasi sya sa tuwing nasasagi ang mata nya sa mata ko.
"S-sorry. Nag kagalos ka. This is definitely my fault. Masyado akong naging kampante. P-pasensya na- -"
"Shhhh... Tama na ang kakahingi ng sorry. Wala ka namang kasalanan. Pare-pareho nating hindi inaasahan ang lahat ng to. Kaya please lang tumigil ka na sa kakahingi ng sorry."
Isang simpleng ngiti ang iginawad ko sakanya.
Then he bit his lower lip.
"Wag ka mag alala. Hindi ako natatakot. Humahanga pa nga ako eh."
Alam ko ang iniisip nya. Akala nya ba natatakot ako sa mata nya? Of course hindi. Mata lang yan.
"Wag mo na lang kasing titigan."
"You know what? Ang mas lalo kang pumogi. Para kang isang poging amerikano na may magandang mata."
"Alam ko yun. Matagal na."
Hay.
Kahit kelan talaga hindi parin naalis ang kayabangan nya.
Medyo napapangiwi ako. Hindi parin talaga maalis ang hapdi. Parang binabalot ng hapdi ang buo kong katawan.
"Ikaw naman ang magandang amerikana na may magandang ngiti." Pag balik puri nya sa akin.
"K-kaya nga bagay tayo.."
Unti unti ng bumagsak ang talukap ng mata ko hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.
Hindi ko alam kung bakit, para kasing nauubos na dugo na syang nag bibigay kahinaan sa katawan ko.
Gusto kong alamin kung ano ng nangyari sa labas..
Ano na kayang nangyari sa labas?
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel