Souven's POV
Hindi pa rin ako maka move on sa bagong chin. Paano kaya naging chin ang taler na yun.
"Hey?"
"Hmmm?"
"Ano bang ibig sabihin ng chin?"
"Chin means pinaka makapangyarihang tao. At teka? Huwag mong sabihing kaya ka na nanahimik ay dahil iniisip mo ang lalaking yun. Grabe. Huwag naman sya. Mas gwapo ako dun. Wag mo kong ipag palit don"
"Sira!"
"Bibig mo! Igalang mo parin ako dahil hari mo parin ako."
Kahit kailan talaga. Wala paring nagbabago sa pagiging mayabang nya idagdag mo pa ang pagiging o.a biruin mo, balak pang pag selosan ang chin na yun. Tss. Yun ipag palit ko sa kanya? Omygod.
"Hari ka lang. Alipin ako" pagmamayabang ko kahit wala naman talaga akong maipagmamayabang.
Napakunot sya ng noo. Miski ako naguluhan sa sinabi ko.
"Hey? Asawa ko?"
Isang dake ang nakangiting umakbay sa akin. Nginitian ko rin ito at pinunasan ang kanyang noo na may butil ng pawis.
"Sira ka ba? Bakit nagpapawis ang noo mo?"
"Nakita kasi kita ulit. Kaya nag init ang katawan ko dahil sa kilig." Pag papakilig nya sa akin.
Hay. Hindi ko parin talaga maialis sa sarili ko ang kiligin sa kanya. Kaso sorry na lang hanggang tawag na lang sya sa akin ng 'asawa ko'.
Naagaw ang aming atensyon sa hari na biglang tumayo at pinukpok pa ang lamesa. Anong problema nya?
"Um. Can i borrow your drudge?" Tanong ni dake sa hari.
Isang masamang tingin ang ipinukol nya kay dake.
"Hindi maari! Tanggalin mo nga yang kamay mo- - ugh. Wag mo syang akbayan!" Wika nito gamit ang mahinahong tono.
Ako na nagkusang tanggalin ang kamay ni dake na naka akbay sa akin. Para kasi nyang nilalagyan ng malisya yun eh natural lang naman sa amin na mag akbayan dahil mag kaibigan kami.
"Don't worry dake bibisita ako bukas sa bahay ni ate saysas. I know na miss na miss nyo na ko" pagbibiro ko na hinaluan ko ng pag kindat.
"Fuck! Ayusin mo nga yang mata mo! Kung kukurap yung sabay, hindi yung naiiwan yung isa!" This time tumaas na ang tono nya.
Isang kunot noo lang ang tinugon ko sa kanya.
Nabalin kay dake ang atensyon ko. Nakatitig ito sa hari at parang may sinisiyasat. Bakas sa kanyang mga tingin ang pag iimbistiga.
Hindi ko din naman sya masisisi dahil pare pareho kaming nagtataka kaya hindi maiiwasang mag siyasat sa bagay bagay.
"Sige dake, kita nalang ulit tayo bukas. Papahinga na kasi ako sa kwarto tutal gabi na rin"
Lumapit ito ng kaunti sa tainga ko na parang may ibubulong.
"Ingat ka sa lalaking yan ha." He murmured.
Tinapik tapik ko lang ang kanyang likod bilang tugon.
Tumalikod na ito at naglakad palayo habang sumisipol. Paniguradong miss na nya ang pag takbo, sana maiuwi na sila.
"Ehem.."
Tinignan ko ang hari na kasalukuyang kumakain. Padabog nyang kinakain ang steak na nasa harapan nya habang nakatingin sa akin ng masama.
"Why?" Iritable kong tanong.
Uminom muna ito ng tubig bago tugunan ang tanong ko.
"Gusto kong sundin mo ang rules na sasabihin ko" panimula nito. "No hugging, no kissing, no touching, no holding, no looking- - basta lahat ng may 'ng' sa huli bawal!"
Sinusubukan kong takpan ang bibig ko para hindi nya makita ang pag ngiti ko.
Minsan talaga nawawala rin ang utak ng mga matatalino eh noh. Akala mo kung sinong boyfriend eh.
"Um. Nga pala. Pano naging chin si taler?" Pag iiba ko ng topic.
"Wag mong ibahin ang usapan!" Singhal nya.
"Okay fine. Oo na susundin na yung rules basta mag kwento ka tungkol kay taler"
Bumalik naman na ito sa pagkakaupo at nakahinga na ng maluwag.
"Biktima lang din sya." Pag uumpisa nya.
"What do you mean na bikitma lang sya?"
"Isa rin sya sa naging interesado sa susi. Sa totoo lang ang mga patay ang nagkumbinsi sa kanya na maging pinuno nila. Kawawa ang lalaking yun pati sarili nyang kaluluwa ay ipinag kaloob nya, mag karoon lang ng kapangyarihan"
"Kung ganon? Where is donald?"
Seryoso syang tumingin sa akin.
"We don't know. Walang nakakaalam kung nasaan o ano ng nangyari sakanya basta ang alam lang namin pinatay sya. Yun lang. Hanggang dun lang yun"
"Hmmm. Nakakapag taka lang. Wait. Ibig bang sabihin may ibang spirit na pumasok sa katawan ni taler-- i mean, ang bagong chin"
"Siguro. Napasukan sya ng demonyo. Basta mag iingat ka sa lalaking yun, hindi mo alam ang kayang gawin ng isang chin"
Napaisip akong bigla. Ang itim nitong labi. Mulhang ako lang ata ang nakapansin na hindi totally maitim ang kanyang labi. Parang lipstick lang ito. Lumalabas kasi ang tunay na kulay nito nung ngumisi ito. Kulay pink ang labi nya.
Panigurado akong tao pa sya at hindi demonyo. Edi.. Kapag tao sya eh di kaluluwang tao parin ang nasa kanya. Hindi ka yung kaluluwa ni donald ang ipinag kaloob nya sa mga patay para maging pinuno sya? What if kung ganon nga?
Kung ganon nga.. San mapupunta ang kaluluwa ni donald? Sasapi ba to sa ibang katawan.
Wait. Baka naman may isa pasilang pinuno na kailangan ng kaluluwa kaya kailangan nila ng kaluluwang kusang inalay. Siguro may binubuhay sila. Hindi kaya ang dating chin ang binubuhay nila?
"Hey? Kanina pa kita tinatanong?"
Nagkawatak watak ang iniisip ko ng biglang sumingit ang hari.
"Ano ba yung tinatanong mo?" Wala sa sarili kong tanong.
"You're not listening to me!" Bulyaw nya sa akin.
"Pwede mo bang ulit yung itinatanong mo kanina?" Mahinahon kong tanong.
"Tss. Ayokong paulit ulit sinasabi ang bawat kataga. Sundan mo na lang ako"
Hindi ko na sya kinulit pang ulitin ang kanyang tinatanong. Wala sa sarili akong tumayo at sinundan sya.
Malalim ang iniisip ko.
Iniisip ko rin kung bakit ganoon na lang sila? Papatay sila para lang makuha ang susi? Unfair kaya yun.
Bakit hindi na lang sila gumawa ulit ng panibagong susi para wala ng gulo.
"Ano bang itsura ng susi?"
Natigilan sya sa paglalakad ng marinig ang itinanong ko.
"Hindi mo kailangang malaman"
"Kailangan ko. Kasi baka nasakin yun kaya hinahabol habol ako ng kapahamakan. Kaya please tell me. Anong itsura non"
Hindi lang ako nito sinagot. Naglakad na ito papaitaas ng hagdan.
Ang daming bumabagabag sa akin. Ang daming tanong na gusto kong malaman ang sagot.
"Um. Okay lang kung ayaw mo sabihin."
"Ayokong pati ikaw maging interesado doon. Isang malaking kasalanan kapag nangyari yun"
Natigil ako sa pag hakbang. Hindi ko maiwasang mag asume.
Bakit masyado akong mahalaga sakanya. Over protective sya sakin. May nalalaman ba akong hindi ko nalalaman.
"Wag mong bigyang sakit ang ulo mo. Subukan mong pagalawin ang mga paa mo ng makarating ka sa paroroonan mo"
Mas binilisan ko pa ang pag hakbang pa mahabol sya.
"Um. Piling ko hindi ako safe"
"Ano? Panong hindi safe eh nandito ako? I'll protect you. Hangga't nasa tabi mo ang gwapong to, lagi kang safe"
"Hindi kasi ano. Feeling ko may laging naka sunod sakin. Parang sinasadyang sundan ako kahit na kasama pa kita. Actually, lagi kong napapansin yun pero binabalewala ko lang. Hindi kaya may stalker ako?"
Tinignan naman ako nito na animo'y hindi naniniwala.
Bigla akong nakuryente ng hawakan nya ang kamay ko. Isang nakakalokong ngiti ang ipinukol sa akin nito.
Naglakad na sya papaakyat habang higit higit ang aking kamay.
Sya na mismo ang nagbukas ng pinto ng kwarto ko para papasukin ako.
"Ingat ka..." Bulong nya sa akin.
Malambing na ngiti lang ang itinugon ko sa kanya.
Isasara ko na sana ang pinto ng iharang nya ang kanyang kamay.
Nakaawang ang kanyang bibig kaya nag baka sakali akong may sasabihin sya.
Tumingin tingin ito sa paligid bago lumapit sa aking tainga.
Ang weird nya. Para syang balisa.
"Mahal kita..."
Agad itong kumaripas ng takbo pabalik sa kanyang kwarto at agad sinarado ito.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi ng maisara ko ang pinto. Sumandal ako sa pinto at doon hinayaang pumaibaba ang katawan ko hanggang sa maupo ako sa sahig.
"Ahhhhhhhhh!!!!!!!"
Nakapikit at hawak hawak ko ang aking tainga habang umiirit.
Hindi ko maramdaman ang ingay sa paligid, tanging ang puso ko lang na napakalakas ng kalabog ang naririnig ko.
Inipon ko lahat ng lakas ko para umamin sakanya at sa wakas. Grabe napaka saya talaga ngayon.
"Yes. Malas ako sa lahat pero ibahin mo ang love life ko"
Tinungo ko ang kama at doon nag pagulong gulong. Halos lahat ng iniisip ko kanina ay nawala ng banggitin nya ang katagang nag paguho ng matibay kong mundo. I'm fuckin' inlove!
Agad kong hinubad ang kwintas na nasa aking leeg.
"Granpa, ngayon lang ako naging masaya ng ganito. Hiling ko lang sayo na sana.. Pigilan nyo ang tadhanang mawala ito. Sana maging proud kayo." Pakikipag usap ko sa kwintas.
*blagggg*
Nahinto ang ginagawa kong pag hulong gulong ng makarinig ako ng ingay na nagmumula sa bintana.
Hindi ako nag aksayang tignan yun.
"Isang bote na may lamang sulat?"
Tinungo ko ang bukas na bintana at hinabol ang nag hagis nun.
Tanging itim na damit na lumipad sa hangin nalang ang naabutan ko. Kahit madilim ay tanaw ko ang itsura ng damit.
Kapareho ito ng damit kanina ni taler yung bagong chin.
Agad akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa likod ng palasyo kung saan naka pwesto ang bintana.
Masyadong masukal ang likod nito at konting liwanag lang nakikita ko.
Naglakas loob akong lumapit roon.
Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin ang nag hagis ng boteng yun.
Nakakadinig ako ng kaluskos kaya malakas ang loob ko na naririto lang sya sa paligid.
"Can we talk? Lumabas ka dyan? May gusto lang akong malaman!"
Paulit ulit akong tumingin sa paligid.
Ang kaninang tuwa sa akin ay biglang nawala. Curious ako.
Gusto kong malaman ang lahat. Parang may kakaiba kasi, parang nakatakdang mapasali ako.
Tulad ng sinabi kanina nung babaeng nakaitim kanina. Bakit hindi nya ako tinuluyan? At bakit kailangan akong mamamatay?
Anong kapahamakan ang dadalhin ko?
Ugh.
"Bawal ka dito"
Nagulat ako ng may biglang sumulpot na lalaki at pinilit na buhatin ako.
"Puta! Ibaba mo nga ako! Sino kaba!"
Halos magwala ibabal ang ako ng lalaking bumuhat sakin.
Pinagdyak padyak ko ang paa ko para makawala.
Lalaki sya at masyado syang malakas. Kahit pa pag susuntukin ko ang dibdib nya hindi parin sya natitinag.
Natigilan ako sa ginagawa ko ng makalyo na kami sa dilim at napunta na kami sa labas ng palasyo kung saan may liwanag.
"Tic?"
Dahan dahan nya akong ibinababa. At inis ko namang pinag pagan ang damit ko.
Nakakairita ang pag ngiti sa akin. Napaka presko nya tignan.
"Anong ginagawa mo sa dilim?" Tanong nya.
"Wala ka na dun! Kainis!"
Akma na akong maglalakad palayo sa kanya ng mag salita sya.
"Iwasan mong lumabas ng gabi lalo na't wala sya sayong tabi"
Agad ko syang nilingon at sakto namang naglalakad na sya palayo.
"Tss. Anong meron sa dilim? Eh nakakapaglakad ako dyan kahit madilim"
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng mahinto ang pag hakbang ko. Nakaramdam ako ng takot ng makita ko ang isang aninong tumatakip sa akin.
"Anong ginagawa mo kasama ang lalaking yun?"
Napa angat ako ng ulo ng makita ko ang kanyang mukha.
Mapungay ang mga ito at iba na rin ang suot.
"I don't mean to disturbed"
Hinawakan nya ang balikat ko ng maramdaman nyang bumagsak ito.
"Sorry. Nawala ako sa tabi mo" Paumanhin nya bago ako yakapin.
Hindi maiwasang manlambot ang tuhod ko ng bigla nya akong yakapin.
Alam kong naistorbo ko sya. Halata sa kanyang mapungay na mata na nagising sya. At for sure dahil sakin kung bakit sya nagising.
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang makatulog ako habang kayakap sya.
Ang sarap sa pakiramdam...
----
Tic's POV
Paano na lang kung hindi ko sya nakita?
Ano na lang ang mangyayari sakanya kung lumabas nga't nakipag kita ang taong yun sakanya?
Nakita ko ang mga mata nito na syang nakasilip nung nasa kalagitnaan si souven ng paghahanap. Makinang ang kanyang mga mata at tiyak akong nakita ko na ito. Ano naman kayang kailangan nya kay souven?
Sa tansya isa syang uri ng mga patay na itinakwil dahil kung hindi sya itinakwil malamang naamoy na ni souven ang malansa nitong amoy.
Nakakapag taka. Paano sya nakapunta rito at paano nya nakilala si souven. Anong balak nya?
Alam kong may pagkakataon na syang patayin kanina si souven pero bakit hindi nya ginawa? Marahil mayroon syang ibang dahilan.
"Nakita mo na naman sya?"
"Yes"
Kausap ko ngayon ang inbensyon kong nagsasalitang bagay na gawa sa bakal. Robot kumbaga.
Isa din naman akong magaling na inbentor ang kaso nga lang. Minsan lang maging tama kadalasan kasi palpak ang mga gawa ko tulad na lang nung inbensyon na ginawa ko para malocate ang susi.
"I don't know why. Hindi ko alam kung Bakit? Anong kailangan nya kay souven. May weird na nangyayari"
"Isa lang ang ibig sabihin non. Ang souven mo... Binabalaan. Siguro naman nakita mo ang inihagis sa kanyang bintana?"
"Kahit hindi ko makita alam kong isang sulat yun."
"Exactly. Isang sulat bilang pagbabanta."
Naguguluhan ako.
Pati sa hari napaka importante ni souven. Bat ngayon pati sa akin?
Hindi ko alam kung bakit pati ako kailangan syang protektahan.
Paano ko sasabihin kay daking na ang tinutukoy ng inbensyon ko ay sya.
Alam kong hindi sya maniniwala pero si souven ang tinuturo non. Maaring na sakanya ang susi o sya mismo ang susi. Pero how? Panong magiging sya?
Kaliwang braso ba nya ang kailangan para mabuksan ang pinto? Or kanan? Kuko? Mukha? Ano.
Souven. Ginugulo mo ang isip ng ganito.
Hindi kaya.. Dugo nya ang kailangan?
YOU ARE READING
King's Key is Me
AdventureAng kwentong ito ay tungkol sa magkakaibigan ng mahilig mag travel