Kabanata 3

570 20 1
                                    


News Flash: Nagkaroon na naman ako ng panibagong akala.

Akala ko mahihirapan akong umiwas. Akala ko mahihirapan akong gumawa ng dahilan kapag tinanong mo ako kung anong problema dahil hindi na kita masyadong kinakausap.

Pero nagkamali ako. Hindi naging issue sa'yo ang panlalamig ko dahil mas naging busy ka sa kanya. Ni hindi mo nga napansing namumugto ang mata ko at napapadalas ang hindi ko pagkain dahil matagal na tayong hindi nagkakasama sa canteen.

Sabi nila, naninigarilyo ka na daw at napapadalas ang pagpasok mo ng lasing. Hindi ka naman broken hearted pero ginagawa mo iyon. Noon hindi ko alam ang dahilan pero napagtanto kong dahil iyon sa babaeng mahal mo. Liberated kasi s'ya (in a very bad way).

Akala ko noon hindi ko kailangang matakot o mainsecure sa kanya dahil hindi ka naman n'ya magugustuhan. Isa kang introvert na katulad ko kaya naman sobrang nagkasundo tayo. Hindi ko naman naisip na madali lang pala sa'yong talikuran ang dati mong sarili para sa kanya.

"Jenny, alam mo na ba?" tanong ni Kai.

Umupo s'ya tabi ko saka kumuha ng isang fries sa hawak kong Kerrimo.

"Ang alin?"

Bumuntong hininga si Mary Loise at hinawakan ang kamay ko. Agad nanlamig ang puso ko dahil sa nararamdaman kong kaba. Nagkatinginan pa silang dalawa at naghihintayan kung sinong magsasabi sa akin.

"Nasa Office of Student Affairs si Ace. Kasama n'ya si Kris Earl at iba pang tropa ni Karissa. Napaaway eh tapos may kumakalat video all over facebook. Kaya iyon... mukang maki-kick out." dahan dahan sabi ni Mary Lu sa pagbabakasakaling hindi ako masyadong mabibigla.

"Patingin!" inilahad ko ang kamay ko sa kaibigan ko para makita kung ano iyong kumakalat na video.

Si Kuya Ace agad ang unang nakita ko habang pinapanuod ko ang video. Duguan ang kanyang mukha habang pinagtutulungan s'ya ng mga lalaki sa kabilang school. Naawa ako sa kanya. Hindi s'ya palaaway na tao at kaibigan s'ya ng marami. Hindi s'ya katulad ng mga kaibigan ni Karissa na sanay sa gulo kaya naman kayang kaya nila ang mga kaaway nila.

Umiyak ako at mabilis na tumakbo sa office ng Prefect of Discipline. Alam kong hindi n'ya magagawang magsisimula ng gulo. Alam kong nadamay lang s'ya sa kalat ng mga kaibigan ni Karissa at hindi n'ya deserve na matanggal sa school dahil sa gulong pinasok nila.

Pagdating ko sa office ng Prefect nakita kong lumabas s'ya kasama si Jerico at tumambad agad sa mata ko ang pasa n'ya sa magkabilang mukha.

"Kuya Ace!" sigaw ko dahilan para pagtinginan ako ng mga schoolmates namin.

"I'm sorry."

Iyon ang una n'yang sinabi habang dahan dahan lumalapit sa akin para makausap ako. Naupo kami sa isang bench malapit sa field at ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Nakatitig lang ako sa mukha n'yang may mga galos parin at parang masakit parin hanggang ngayon.

"Anong sasabihin mo sa Daddy mo?" tanong ko.

Bumuntong hininga s'ya at tumabi nang mas malapit sa akin. Inilagay n'ya ang kaliwa n'yang braso sa balikat ko saka tinapik tapik ito.

"Tumawag na sa kanila ang school. Alam na nila ang nangyari kahit hindi ko pa sabihin. Ang kailangan ko na lang gawin ay i-practice iyong dialogue ko." sabi n'ya sabay tawa.

Mahina kong hinampas ang batok n'ya kaya naman napapikit s'ya dahil sa sakit.

"Sorry." saad ko. "Okay ka lang ba?"

Umiling s'ya saka tumingin sa kawalan. Nakapikit s'ya at nakakunot rin ang noo n'ya dahil siguro sa dami narin ng iniisip.

"Nakick out kami. Hindi ko na makakasama si Karissa nang mas madalas kaya this can't be okay."

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon