Kabanata 44

339 11 0
                                    

Pumunta kami sa chapel nila Mary Loise para magsimba. Saturday ngayon at niyaya ko si Raymond para samahan akong umattend sa Anticipated Mass o ang misa kung saan cinecelebrate na ang misa ng araw ng Linggo.

Lector si Mary Loise sa simbahan nila kaya naman hindi namin s'ya katabi sa upuan. Naroon s'ya nakaupo sa unahan malapit sa mga altar knights.

"Good afternoon, Sir..." bati ni Mary Loise pagkatapos ng misa.

Ngumiti sa kanya si Raymond at nakipag apir sa kanya.

"Raymond na lang kapag wala tayo sa school." aniya.

Bumeso ako kay Mary Loise saka kinurot sa pisngi ang kasama n'yang batang si Billy, isang altar knight.

"Kumusta, Billy? Anong grade mo na?" tanong ko.

"Mabuti naman po, kayo po kumusta? Grade three na ako." magalang na wika n'ya.

"Mabuti rin naman." saad ko. "Si Kuya Raymond nga pala. Raymond, si Billy." tinuro ko sa kanya si Raymond na nagwave naman sa kanya.

"Friend mo?" inosente n'yang tanong.

Napatingin ako kay Mary Loise at kay Raymond saka muling tumingin sa bata. Eight years old pa lang s'ya at medyo baby face pa rin.

"Boyfriend ko." pag amin ko. Bata pa s'ya kaya siguro hindi naman siguro s'ya chismoso at isa pa, wala rin naman s'yang pagkukwentuhan.

"Ah. May boyfriend ka na pala. Si Ate Mary Loise wala nang boyfriend." saad n'ya sa tonong walang balak makaoffend.

Tumawa ako saka muli s'yang kinurot sa pisngi.

"Ikaw talaga. Tara, sumama ka sa amin kakain tayo." anyaya ni Mary Lu.

Pumunta kami sa isang karinderya malapit sa simbahan at nagsama sama sa isang maliit na table. Umorder kami ng ulam at kanin kahit medyo maaga pa naman para magdinner.

"Nakita ko si Japs kanina sa labas ng bahay n'yo. Hinahanap ka siguro." saad ko.

"Sino si Japs?" tanong ni Raymond.

"Ex n'ya. Taga QC."

"Alam naman n'yang nasa simbahan ako tuwing Sabado. Ayaw lang talaga n'yang pumunta." wika ni Mary Lu habang matamlay na kumakain.

"Ano bang religion 'nun?" tanong ko.

"Wala." nakangiwing saad ni ML.

Lingkod simbahan kasi si Mary Loise kaya issue para sa kanya iyon. Walang faith si Japs. Tamad mag aral si Japs at puro kalokohan. Babaero si Japs at marami s'yang makamundong pangangailangan na hindi gustong ibigay ni Mary Loise. S'ya kasi ang leader ng aming Team Virgin.

"Alam mo Ate Mary Lu, pinagpray kita kagabi para hindi ka na umiyak." wika ni Billy.

"Aww. Talaga? Salamat, Bill." saad ni Mary Loise saka hinalikan ang bata sa magkabila nitong pisngi.

"Ilang months na nga pala kayo?" pag iiba n'ya ng usapan.

"Three?" wika ko. "Three diba?" tanong ko kay Raymond.

"Uhm. Medyo matagal narin. Kailan mo sasabihin sa Mama at Papa mo?"

"After graduation siguro." sagot ko.

Umakbay sa akin si Raymond saka nilagyan ng kanin ang aking pinggan. Kinuha ko naman ang pitsel para lagyan ng tubig ang baso n'ya.

"Hindi naman sa nakikialam ako pero, bakit hindi mo pa sabihin para naman may idea sila? Oo, hindi ka nga nagsisinungaling pero naglilihim ka naman. Remember, honor your father and your mother."

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon