Sabay sabay kaming umuwi after ng last period namin. Pero dahil nagcrave si Kai sa ice cream, tumambay muna kami sa isang Ministop ilang hakbang mula sa school.
"Isang date lang naman pagbigyan mo na." wika ni Kai.
Inirapan s'ya ni Mary Loise na ngayo'y binubuksan ang bote ng C2 na kababayad n'ya lang sa cashier.
"Eh di ba ikaw itong ayaw na ayaw kay Kenneth? Bakit ngayon parang gustong gusto mo na? Binigyan ka lang ng pizza bumigay ka na agad." angil n'ya.
Pumwesto kami sa mga upuan malapit sa bintana at pinaggitnaan nila akong dalawa.
"Stop it. Ayoko rin naman." sagot ko.
Ngumuso sa akin si Kai at inalok ako ng binili n'yang Nova.
"Isa lang naman. Atsaka malay mo naman sa una lang itong si Kenneth. Ang dami kayang relasyon ang nagsisimula sa pagpapanggap lang. Si Gwen at si Harry ng You Made Me Believe in Love atsaka... sina ano... Marco at Krissia ng My Fake Boyfriend. See?"
"Eh sa movies lang 'yun eh. Iba si Kenneth Ocampo. Kapatid s'ya ni Karissa freaking Ocampo. Atsaka hahayaan mo bang lokohin ni Kenneth si Jenny our friend?"
"Eh di maglokohan sila. Jenny will benefit from it naman. Makakalimutan na n'ya si Ace. Atsaka hindi pa naman tayo sure kung hindi talaga s'ya seseryosohin ni Kenneth eh." depensa ni Kai.
"Jenny needs to date. Kailan n'yang makaget to know ng iba. Fresh face. Fresh feeling." dagdag pa ni Kai na parang alam na alam ang ganong pakiramdam.
"Meron naman ah. Sino bang may sabing wala." singit ni Mary Loise.
Pinisil ko ang mga daliri n'ya sa ilalim ng table at sinenyasan s'yang 'wag ituloy kung ano man ang balak n'yang sabihin.
"I mean, marami namang iba. Sa mga kaklase natin baka may magustuhan sya. Like, Joey."
"Yuck." maarteng wika ni Kai.
"Patrick?"
"Yucker."
Bumuntong hininga si Mary Lu at pinagdaop ang mga palad n'ya sa ibabaw ng lamesa. Pinaglalaban talaga n'ya ang pagtutol sa pagkikipagdate ko kay Kenneth.
"This is Kenneth Ocampo that we are talking about. Ang manloloko kahit kailan hindi na magbabago."
"Ows... Parang si Japs?"
Burn.
Nakita ko ang pagkaoffend sa mukha ni Mary Loise dahil sa pamemersonal nitong si Kai. Iniharang ko ang magkabila kong palad sa mga mukha nila para pigilan silang dalawa sa pagsasalita. Baka mamaya kung saan pa mapunta ito.
"Baka mamaya mag away pa kayo. 'Wag natin silang pag aksayan ng panahon, okay?" saad ko.
Ilang sandali pa naramdaman ko ang pagbavibrate ng cellphone ko sa bulsa dahil sa isang tawag from an unknown number.
"Hello po? Sino po sila?" bungad ko.
"Hi, Jenny. How you doin'?"
Inilayo ko sa tenga ko ang aking cellphone at binulong sa kanila ang pangalan ni Kenneth.
"Oops, I aready gave him your number." pag amin ni Kai.
Ngumiwi s'ya at nagpeace sign sa aming dalawa ni Mary Lu.
"Wrong number ka... Bye!" agad kong pinatay ang tawag na iyon.
Hayst. This is not good.
Hindi tumigil sa pagpapansin si Kenneth kahit ilang beses ko na s'yang pinagtulakang palayo. Tuwing recess binubulabog n'ya ako sa canteen at minsan pa nga inaabangan n'ya ako sa labas ng classroom namin kapag uwian na. At ang pinaka na, worst pa, ay ang kumalat na balitang sinagot ko na s'ya kahit dalawang linggo pa lang naman n'ya ako nililigawan.
"Anong plano mo after graduation?" tanong ko kay Kuya Ace.
Narito kami ngayon sa tree house kasama ang mga kapatid n'ya at binabantayan sila habang naglalaro.
"Dapat sana sa company ako ng Tito ni Karissa magwowork. Nakapagpasa na ako ng resume at pinayagan akong ma-interview kahit graduating pa lang ako. Sabi nila pwede na akong magstart after graduation. Pero dahil wala na... hindi na pwede."
"So what? Ano naman kung wala na kayo? Hindi naman big deal kung makakatrabaho mo ang mga kamag anak n'ya ah."
"She withdrew my application." mahinahon sabi ni Kuya Ace.
Humigpit ang pagkakapisil ko sa hawak kong laruan. Mas lalo akong nanggigil sa ex n'ya.
"Ang sama n'ya. Grabe na talaga s'ya." saad ko.
Umiling s'ya saka hinawakan ang sando ni Alwin para hindi ito makagapang malapit sa hagdan.
"Close ba kayo ni Kenneth?" tanong ko.
Ngumuso s'ya saka sandaling nag isip bago sinagot ang tanong ko.
"Sakto lang. Bakit crush mo ano?" pang aasar n'ya.
Umirap ako at kinandong si Arvin para pigilan ito paglilikot. Balak ko nang sabihin sa kanya dahil nagsasawa na rin ako sa pambubulabog ng ex n'ya at ng weird n'yang kapatid.
"Nililigawan n'ya ako." wika ko.
Umawang ang bibig n'ya at nakita ko kung paano unti unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"S-seryoso? No way." Matigas n'yang sabi.
"Bakit naman? Imposible bang magkagusto s'ya sa akin." tanong ko.
"Hindi naman sa ganon. Hindi ko lang talaga ma-imagine." naguguluhan n'yang saad. "Paano ka n'ya niligawan?"
Tumayo ako at isa isang inilagay ang tatlong bata sa crib. Nakatingala s'ya sa akin habang ginagawa ko iyon at inaabangan ang sagot ko sa tanong n'ya.
"Kinausap ako ni Karissa. Babalikan ka lang daw n'ya kung makikipagdate ako sa kapatid n'ya." pasimula ko.
Nanlaki ang mga mata n'ya na tila tinanggap na biro lang ang sinabi ko.
"No." saad n'ya out of disbelief.
"Yes. Sabi nya she wants me for her brother kasi magiging good influence ako kay Kenneth. After that nagsimula nang magpadala ang mokong na iyon ng kung anu ano. Ang alam nga ng marami sa school kami na."
"Talaga?" mahinang sabi n'ya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Ayokong isipin mo. Isa pa, bakit ko naman gagawin 'yun eh ayaw ko naman na kayong magkabalikan. I don't like your ex. Mas lalo rin namang ayoko kay Kenneth."
Pinaikot n'ya ang cellphone n'ya sa kanyang kamay na tila may balak s'yang magtext kay Karissa para i-verify kung totoo ang offer n'ya.
Please lang wag kang padala. Please lang 'wag mong sabihing kakagat ka sa mga plano n'ya dahil pagnagkataon baka hindi ako makatanggi kasi mahal kita.
Please lang.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomansaLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...