Ito ang unang beses na lumabas ako for this summer vacation. Birthday kasi ni Kenneth kaya naman pinagpaalam nila ako kina Mama at Papa kung pwede akong mag overnight.
Dahil sinabi nilang walang inumang magaganap pinayagan nila ako. Pero s'yempre hindi naman iyon ang nangyari. Hindi pa man nababawasan ang mga handang pagkain sa lamesa nakakadalawang case na sila ng beer.
"Kantahan naman natin si Kenneth ng Happy Birthday. Baka magtampo." wika ni Diane na kaklase n'ya.
"Ano ba 'wag na. Baduy!" angil ni Kenneth pero hindi naman s'ya nasunod.
Kumanta kami ng Happy Birthday Song kasabay ang mga kaklase n'yang Crim at iba pang estudyante ng school na tropa n'ya. Napilitan s'yang i-blow ang cake kahit labag sa loob n'ya at pagkatapos noon ay agad s'yang umalis sa tapat ng lamesa.
"Happy Birthday, bro." bati ng pinsan n'yang si Michael na kadadating lang.
Nagfist bump silang dalawa at inabot ng pinsan n'ya sa kanya ang regalong isang bote ng Hennessy.
"Kapag nalaman 'to nila Mama lagot ako." reklamo ko sa kanya.
"Wala namang magsasabi eh. Tsaka 'wag ka nang maguilty dahil hindi ka naman uminom." aniya.
Umupo ako malapit sa videoke na nirentahan nila at binuklat buklat ang mga pahina ng song book kahit wala naman talaga akong balak kumanta.
"Anong regalo mo sa akin?" tanong n'ya.
Ngumuso ako saka umiling. Hindi ako mahilig magregalo sa mga mayayaman.
"Wala eh." sagot ko.
"Sige isang kiss na lang." aniya saka nagpout.
Pinagtaasan ko s'ya ng kilay saka itinapat sa kanya ang aking kamao. "Eto gusto mo?" banta ko.
Ngumiwi s'ya saka tumayo para hilahin ako. Naglakad kami palayo sa karamihan habang hawak hawak n'ya ang aking palapulsuhan.
"Saan tayo pupunta?"
"Tutal wala kang regalo sa akin. May ipapagawa ako sa'yo." nanunuya n'yang saad.
Kinalas ko ang kamay n'yang nakakapit sa akin saka niyakap ang aking sarili. He's drunk. Baka kung anong kasamaan ang nasa isip n'ya ngayon!
"S-saan mo ako dadalhin? A-anong g-gagawin natin?" nauutal utal kong saad.
Tumawa s'ya saka umiling.
"Assuming... Halika nga dito."
Dinala n'ya ako sa isang part ng beach na maraming puno saka kinuha ang isang scarf sa kanyang bulsa para gawin itong blind fold.
"Kinakabahan ako sa ginagawa mo. Para saan 'yan?"
"Punishment dahil wala ka man lang regalo sa akin kahit picture frame."
Tumawa ako sa sinabi n'ya saka hinampas s'ya sa kaliwa n'yang balikat. Loko talaga.
Baka mamaya initiation na pala ito sa isang fraternity.
Inalalayan n'ya akong maupo sa isang upuang gawa sa kawayan saka itinakip sa mga mata ko ang panyong itinupi n'ya kanina.
"D'yan ka lang. 'Wag mo 'yang tatanggalin hanggat 'di ko sinasabi." aniya.
Tumango ako at hinintay ang kanyang go signal pero makalipas ang dalawang minuto ay wala parin.
"Kenneth, ano na?" tanong ko ngunit wala nang tumutugon sa akin.
Tanging ang mga kulilig na lang ang naririnig ko at kinakabahan na akong baka ako na lamang mag isa ang tao dito.
"Kenneth!" sigaw ko ngunit wala paring sagot.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...