Kabanata 27

358 15 1
                                    

"Ang sakit na mga paa ko dahil sa high heels ko." reklamo ni Karissa. "Ken, give me the keys magpapalit ako."

Kinuha ni Kenneth ang susi sa bulsa n'ya at inihagis ito sa kanyang ate. Umirap si Karissa sa hangin at mahinang nagmura.

"Samahan na kita." wika ni Kuya Ace.

Pinahiran ni Karissa ng table napkin ang labi n'ya bago sosyal na tumayo mula sa kanyang upuan. Hindi ko na sila nilingon. Hindi ko rin masyadong kinakausap si Kuya Ace simula nang pumunta kami rito.

"Ayaw mo ba ng crab?" tanong ni Kenneth nang kami nalang dalawa.

Umiling ako at sandaling sumulyap sa kanya. Makahulugan ang kanyang mga tingin kaya naman agad kong ibinaling ang atensyon ko sa aking pagkain.

"May allergy ako." sagot ko.

"Eh hipon ayaw mo?"

Umiling ako at hindi nagsalita. Kinuha ko ang serving spoon ng nakahandang tahong at muling sumandok doon.

"Uhm choosy." aniya. "Alam mo ba mahilig ako sa tahong? Hindi kasi nakakasawa. Gustong gusto ko kahit breakfast, lunch, or... anytime." medyo sensual ang tono nang pagkakasabi n'ya noon kaya natigilan ako sandali sa pagnguya.

"Ano ngayon?" mataray kong sinabi.

Alam kong may malaswa s'yang ibig sabihin doon dahil hindi naman ako slow. Mahina s'yang tumawa habang tinititigan na naman ako ng kakaiba.

"Alam mo ba...."

"Hindi ko alam." walang ganang wika ko.

Tumuwid s'ya sa pagkakaupo at pinagsalikop ang kanyang mga daliri. Sandali n'yang inalis ang tingin sa akin para tumungo saka s'ya tumitig uli.

"I think I like you."

"'Wag ako." matigas kong saad.

"Totoo. Gusto kita."

Ibinaba ko ang kubyertos ko sa aking pinggan at hinarap s'yang mabuti. Medyo namumula ang mga mata n'ya at amoy yosi rin s'ya kaya naman mas lalo akong naiilang na makausap s'ya.

"Gusto mo lang akong lokohin."

"Paano kung hindi?"

Kinuha n'ya ang white wine at binuksan ito para salinan ang wine glass n'ya at iyong sa akin.

"Paano kung oo?" tanong ko.

"Hindi ko alam kung bakit gusto n'yang magdate tayo para magtino ka eh hindi ka naman na titino."

"Aray."

Kinagat n'ya ang kanyang pang ibabang labi saka nagpeke ng tawa. Nagpeke rin ako ng ngisi ko para maramdaman n'yang naiinis ako.

"Bakit ba galit na galit ka sa akin? Oo, gago ako. Sakit ako sa ulo. Playboy. Tamad mag aral. Pero hindi kita niloloko."

"So anong gusto mo? Gusto mong maging boyfriend ko? Sabihin mo ang totoo dahil ayoko ng sinungaling."

Umawang ang bibig n'ya na tila naoffend sa aking sinabi. Tumikhim s'ya bago pa muling nagsalita.

"Fine. Honestly no. I just... like you."

"Okay. Eh di malinaw."

Tumingin ako sa relo ko at nadiskubreng 8pm na. Maaga pa naman pero ayokong mag alala sina Mama kaya tumayo na ako para hanapin si Kuya Ace.

Iniwan ko si Kenneth sa loob ng restaurant para bayaran ang bill namin saka dumiretso ako sa parking lot. Nakita ko agad sila Kuya Ace at Karissa sa harap ng kotse n'ya. Magkahawak sila ng kamay at seryosong nag uusap.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon