Isang linggo bago ang Sports Fest, nagkaroon ng assembly sa gym ang lahat ng members ng yellow team. Pinamigay ng faculty ang mga costumes ng mga kasali sa cheerdance pati na rin ang uniform naming mga players.
Five minutes ang nakalaang oras para sa bawat performance at sa last part sinasabi ang cheer or ang chant para sa team. Nasa unahan si Yvonne kasama si Ate Karissa at Angel na pawang buhat buhat ng mga lalaki para sa lifting.
"We're gonna B-E-A-T. We're gonna B-U-S-T. We're gonna BEAT them! BUST them! And take them all the way. H-O-T- T-O- G-O. Yellow team is hot to go! H-O-T T-O G-O. Yellow team is hot to go! Gooooooo, Yellow team!" sabay sabay nilang chant.
Sa tunog pa lang ng chant na iyon ay alam ko nang si Mary Loise ang gumawa. Pagkatapos nilang magpractice sumayaw at magcheer, lumapit agad s'ya sa aming dalawa ni Kai.
"Ayos ba?" tanong ni Mary Lu.
"Maganda naman kaso parang cheer ng mga High School." sagot ni Kai.
"Aray. Dalawang gabi ko kaya iyong pinag isipan! Alam mo ba iyong feeling na ang dami mo namang ka-group pero ikaw lang ang nag iisip?" reklamo n'ya.
"Eh bakit hindi ka humingi ng tulong sa head cheerleader?" tanong ni Kai saka sumulyap kay Ate Karissa.
"She said she's too busy." wika ni Mary Lu na parang hindi naniniwala.
Napatingin sa banda namin si Ate Karissa kaya nagtama ang mga mata namin. Agad s'yang ngumiti saka mabilis na lumapit para yakapin ako.
"Uy, ang ganda ng jersey mo. Can I arbor that?" maarteng tanong n'ya.
Parang napaurong ang dila ko sa request n'ya. Seriously? Kasusuot ko lang hinihingi na n'ya agad.
"I really love the color of this jersey. Parang bagay na bagay sa skin tone ko." aniya habang inilalapat ang kulay orange na jersey shirt sa dibdib n'ya.
"Yeah. Mas lalo kang pumuti." saad ko.
"Oh, thanks. Pwede akin na lang? Please?"
"S-sige... after the sports fest." wika ko.
"Really? Thank you ha. Pakibigay na lang kay Ace kapag nalabahan mo na." aniya habang yumayakap sa akin.
"No biggie." saad ko.
Hindi ko alam kung paano n'ya ako napapayag sa hiling n'ya. Ang alam ko lang parang hindi ko kayang tumanggi. Hindi ko s'ya gusto pero ayaw kong magmukhang madamot sa harapan n'ya. Mahal s'ya ni Kuya Ace and I have to be nice to her kahit plastic lang.
"Sira ulo... Gaga... Hypokrita." sunod sunod na mura ni Kai.
"Pwede ka namang tumanggi. Sayang 'yung jersey mo. Alam mo ba kung gaano karaming estudyante ang gustong maglaro para lang sa jersey?" wika ni ML.
"Hayaan n'yo na, jersey lang 'to. May sports fest pa naman next year."wika ko.
"Uto uto ka talaga, Jenny. Ewan ko sa'yo. Pero mas nakakainis si Karissa kasi masyadong makapal ang mukha. Arte arte..." ani Kai.
Parang lahat ng mga bagay na dapat kong maramdaman sa kanya ay sila ang may lakas loob sabihin. They always feel bad for me sa tuwing pinagsisilbihan ko silang dalawa. They almost hate me sa lahat ng katangahan ko pero despite of that palagi rin naman silang nand'yan for support.
Sila talaga ang best friends ko.
Lumabas kami ng school para pumunta sa Amorsolo Village. Birthday kasi ngayon ni Queennie kaya nagkayayaan na silang magkaroon ng inuman session.
Sa isang round table nakahilera ang sampung bote ng alak. May chips, kornik at mga taba ng baboy para gawing pulutan. Pass muna ako ngayon dahil wine lang iniinom ko because it's good for the heart. Ayoko sa standard kasi hindi ko gusto ang lasa at mabilis akong malasing.
"Hoy, Jenny. Inuman ito hindi picnic. Nandadaya ka na eh." wika ni Quennie nang makita akong pinapapak ang isang platito ng kornik.
"May practice kasi kami mamaya. Hindi ako pwedeng uminom." saad ko.
"Ang KJ mo naman. Minsan lang ako magbirthday atsaka mababa lang naman ang alcohol content n'yan." pamimilit n'ya.
Halos lahat sila ay pinipilit akong uminom dahil bukod sa birthday ni Quennie, magcecelebrate daw kami dahil tapos na ang midterms. Hindi naman ako makatanggi dahil wala ang guardian angel kong si Mary Loise. If only she was here, s'ya ang kauna unahang tatanggi para sa akin.
Bumuntong hininga ako saka kinuha ko ang shot glass. Nagsimula ako sa patikim tikim lang. Medyo lasa lang kasing Sprite kaya hindi ako naasiwa sa lasa.
Hindi ko namalayang nakakarami na pala ako dahil nag enjoy ako sa pakikipagkwentuhan. Naramdaman ko na lang na sumasakit na ang ulo ko at nakaramdam rin ako ng pagkahilo pero sa kabila noon ay pumunta parin ako sa gym para magpractice.
"Are you okay?" tanong ni Mich.
Nakayuko ako habang nakapatong ang dalawa kong palad sa magkabila kong tuhod. Hindi ko maramdaman ang sarili kong mukha at medyo kinakapos narin ako ng paghinga.
"I'm okay. Medyo pagod lang." wika ko.
Unang set palang pero parang hindi ko na talaga kaya. Pumihit ako sa service area para dalhin sa kabilang net ang bola pero dahil sa kalasingan ko ay nahulog na ang bola sa kamay ko bago ko pa man ito maitira sa kalaban.
Huminga ako ng malalim at ginawan ng paraan para maiayos ang aking sarili pero sa kabila noon ay ramdam na ramdam ko parin ang pagkalampa ko.
"Sub..." sigaw ni Sir Raymond.
Pinapasok n'ya si Abby sa court at sinenyasan akong lumabas. Naglakad ako papunta sa bleechers pero nakakailang hakbang pa lang ako ay natumba na ako sa sahig. Nakakahiya.
"Jenny!" sigaw ni Sir saka agad akong dinaluhan.
Mulat na mulat ako pero hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Sa lakas ng bagsak ko sa sahig ay dapat masasaktan ako pero para akong namanhid dahil sa alcohol.
Suminghap ako ng hangin saka inayos ang mga takas na buhok sa aking mukha pero bigla na lang akong naduwal.
"Ugh. Grabe." wika ko habang pinipigilan ang kung ano mang posibleng lumabas sa lalamunan ko.
"Sorry po, sir. Pasensya na po talaga."
Lumuhod si Sir Raymond sa harap ko saka seryoso akong tiningan. Inilapit n'ya ang kanyang mukha sa aking tenga pagkatapos ay mahina s'yang bumulong.
"Are you pregnant?" matama n'yang tanong.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ideya pero sa halip na ma-offend ay bigla na lang akong napatawa.
"No, sir. I'm just drunk."
Umawang ang kanyang bibig sa aking pag amin saka ilang beses na napailing.
"Hindi ka dapat umiinom during school days. Lalo pa't may practice tayo para sa game." seryoso n'yang saad.
Nag angat s'ya ng tingin sa akin saka inakay ako patayo. Nagpadala ako sa pag akay n'ya pero nang sinubukan kong tumayo ay bigla na lamang umiikot ang aking paningin.
"You're not drinking again, Jenny Rose. Hindi mo kaya." aniya saka binuhat ako.
Pinagtinginan kami ng mga tao sa gym habang buhat buhat n'ya ako papunta sa clinic. Diretso ang kanyang tingin sa dinaraanan namin habang ako naman ay walang malay na nakatingin sa kanya.
Sa sandaling iyon tila ilang segundo kang nawala sa isip ko. Bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi katulad ng pagtibok nito para sa'yo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro dulot lang ito ng kahihiyan dahil sa mga taong tumitingin. Pwede rin namang dahil napagod nga ako sa pagpapractice. Or baka naman... Ahm... dahil gusto n'ya lang talagang tumibok?
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...