Kabanata 10

443 23 2
                                    

 "Sir, ano pong nangyari sa kanya?" tanong ng nurse nang makarating kami sa clinic.

Maingat akong inihiga ni Sir Raymond sa hospital bed pagkatapos ay kinuha pa n'ya ang isang kulay puting blanket para ibalot iyon sa aking katawan.

"Hinimatay s'ya sa gym... Ano bang gamot n'yo sa dysmenorrhoea?" tanong n'ya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. Hindi iyon ang totoong nangyari at isa pa, wala naman akong regla ngayon.

"Naku, wala po kaming stock na gamot para sa dysmenorrhoea..." sagot ng school nurse. "Bibigyan ko nalang po s'ya ng hot compress."

Lumabas ang nurse para magpainit ng tubig sa canteen kaya naiwan kaming dalawa ni Sir sa clinic. Nakatiim ang kanyang panga habang nakatingin sa akin gayunpaman ay bakas sa kanyang mukha ang concern.

"Hindi ka ba nagbabasa ng student manual? Bawal pumasok sa school ang mga estudyanteng nakainom. Pwede kang masuspend. Paano kung ibang professor ang nakahuli sa iyo?"

"Pasensya na po, sir. Sorry talaga."

Umupo s'ya sa isang mono block chair malapit sa pintuan. Tahimik lamang s'ya doon habang pinagmamasdan akong hinihilot ang aking sintido gamit ang efficascent oil na nakuha ko sa side table.

Naalala tuloy kita sa kanya. Natatandaan ko pa nga kung gaano ka nagalit sa akin noong unang beses kong uminom ng alak. Sinundo mo ako sa bahay nila Mariel dahil hindi ko kayang umuwi sa takot na baka mapagalitan ako ni Mama kaya ang ending, natulog ako sa kwarto mo. Iyon ang unang gabing nakatabi kita sa iyong kama at iyon rin ang unang beses na naramdaman kong baka mahal na kita...

"Ahm... sir. B-bakit n'yo po sinabing kailangan ko ng gamot sa dysmenorrhoea? Ano... kasi... Ahm... Wala naman po akong mens ngayon." nahihiya kong tanong.

"I know..." aniya.

"Sinabi ko lang iyon dahil hindi ko naman pwedeng gawing dahilan na lasing na lasing ka."

"Ah... ganon po ba." saad ko saka inayos ang kumot na bumabalot sa aking katawan.

"Ms. Bathan..."

"Bakit po, sir?"

"Sana bawasan mo ang paginom. Bukod sa babae ka... athlete ka rin at hindi iyon maganda para sa katawan mo. Dapat palagi mong inaalagaan ang sarili mo." mahinahong sabi n'ya.

Tumingin s'ya sa kanyang relo saka muling tumingin sa akin. Unti unti s'yang lumapit sa bandang ulo ko saka inilapat ang kanyang palad sa aking noo. Hindi ko alam kung bakit o kung mayroon nga bang dahilan pero hindi man lang ako nakaramdam ng pagkailang sa kanyang ginawa. Ang alam ko lang I feel safe.

"Pupuntahan ko lang ang mga players. Magpahiga ka muna..." aniya.

Tumango ako sa kanya bilang pag-sangayon kahit may puwang sa puso kong gusto s'yang manatili.

Mabait at maginoo si Sir parang ikaw. Gwapo at matangkad rin... parang ikaw. Sa totoo lang may pagkakataon na nakikita kita sa kanya dahil marami kayong pagkakapareho. Kaya lang may isang bagay na sigurado akong hindi kayo magkatulad... iyon ay hindi n'ya hahayaang paikutin ng isang babae ang mundo n'ya dahil kaya n'yang gumawa ng mundo para kanilang dalawa ng taong mahal n'ya.

Sabi nga ni Mary Louse, "Si Sir Raymond, para s'yang si Ace... pero one hundred percent better."

Sa sobrang pagod at antok ko hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa clinic. Umupo ako sa kama para ayusin ang magulo kong buhok saka ako nagbraid. Mabuti nalang medyo maayos na ang pakiramdam ko at hindi narin ako masyadong nahihilo.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon