"Bakit ka naman nakadress? Birthday mo ba?" pambabara ni Mama.
Umupo s'ya sa may sala saka binuksan ang electric fan para manuod ng TV. Wala pa rin s'yang ideya sa kung anong mangyayari ngayon. Mabuti na nga lang at ginabi s'ya ng uwi kagabi kaya naman nakumpleto kong lahat ng mga bagay na dapat kong gawin. Pinahabilin ko iyong mga dessert sa ref nila Kuya Ace at doon rin ako nagluto ng kare kare kanina.
"Tinetesting ko lang kung kasya pa. Matagal ko na kasing hindi nasusuot." wika ko habang naghihintay ng text mula kay Papa. "Ma, maligo ka na. Nakakahiya kina Kai."
"May group study na naman kayo?" tanong n'ya.
Tumango ako saka pinakrus ang mga daliri ko. S'yempre wala. Dahilan ko lang iyon dahil hindi ko naman masabing si Papa naman talaga ang darating.
"Opo. Sige na, ma. Nakakahiya. Kagabi mo pa 'yang suot." pamimilit ko.
Hindi s'ya lumingon sa akin bagkus nagpatuloy sa panunuod. Kung alam lang sana n'ya na ang asawa n'ya ang darating malamang aligaga na s'ya makalawa pa lang.
"Mamaya na... Hindi naman nila alam na ito ang suot ko kagabi eh. Ikaw ang magpalit ng damit. Wag mo 'yang gawing pambahay dahil mahal 'yan baka maluma agad." aniya.
Hay... ang tigas ng ulo n'ya. Minsan talaga parang bata kung umasta si Mama. Bumuntong hininga ako saka pasimleng lumabas ng bahay para pumunta sa bahay nila Kuya Ace.
Pagpasok ko, nadatnan ko s'yang nakikipagkulitan sa triplets n'yang kapatid. Sumulyap s'ya sa akin pagpasok ko saka bahagyang ngumiti nang makita ang suot ko.
Naka kulay pink na floral dress ako at nakalugay ang aking mga buhok sa magkabilang balikat. Napatitig s'ya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi kasi s'ya sanay na ganito ang get up ko.
"Readyng ready ah." bati n'ya.
"Syempre naman. Excited daughter here. Nasaan na kaya sila? Hindi parin ako tinetext ni Papa." wika ko.
Tumayo s'ya saka sinamahan ako sa kusina para hakutin ang mga pagkain papunta sa bahay namin.
"Malapit na sila. Nagtext na si Daddy." wika n'ya pagkatapos ay inilagay n'ya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.
"Eh? Saan eksakto?" parang batang huni ko.
Ngumiti s'ya sa akin saka ginulo gulo ang aking buhok. Yumuko s'ya sa may tapat ng ref at isa isang kinuha ang mga pagkaing ipinatago ko sa kanya.
"Secret..."
Sumimangot ako at nagmaktol sa harap n'ya. Gusto ko nang malaman dahil makikita ko narin naman s'ya mamaya. Para saan pa ang pambibitin?
"Saan nga... please?" nagpuppy eyes pa ako.
"Dalhin na natin 'to sa inyo. 'Wag ka ngang maarte d'yan. Hindi ka cute." ngumisi s'ya at naglakad palabas ng bahay at sumunod naman ako sa kanya para buksan ang gate.
Tumigil kami sa tapat ng pintuan namin at pasimpleng sumilip sa aming bintana bago mag attempt na pumasok. Naroon parin kasi sa sala si Mama at hindi parin kumikilos.
"Doon ka dumaan sa likod. Dalhin mo 'yan sa dirty kitchen. 'Wag kang papahuli." wika ko saka pinanlakihan s'ya ng mata.
"'Wag na. Ang init netong palayok oh! Ikaw kaya ang magdala. Open the door." reklamo n'ya.
"Sige... para matapon." sarkastiko kong saad.
Umirap s'ya saka napipilitang sinunod ang sinabi ko. Pagkaalis n'ya, patay malisya akong pumasok sa loob ng bahay saka nag isip ng paraan para mapaligo na ang sarili kong ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/157075969-288-k993987.jpg)
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...