Naglakad lakad ako sa canteen para hanapin si Kenneth. Nasa likod ko si Ate May habang may dalang isang garbage bag at walis tambo. Maintenance kasi s'ya dito sa school at close sa mga estudyante dahil mabait at makwento.
"Baby!" sigaw ni Kenneth bago ko pa man s'ya makita.
Lumapit s'ya sa akin at inalok ako ng hawak n'yang fries.
"Baby... tapos na ba exams mo?" wika ko.
Hindi ako lumilingon pero ramdam kong nakatingin sa amin si Ate May. Umupo ako sa isang bench malapit sa cashier at kumuha ng fries na dala ni Kenneth.
"Oo naman. Nasa number five pa lang 'yung mga kaklase ko, tapos na ako." aniya sabay kindat.
"Hay naku, by, dapat sineseryso mo ang exams mo." malambing na wika ko.
Pumungay ang mga mata ni Kenneth at tila nagtataka sa mga inaasta ako.
Tumabi s'ya sa akin at saka inakbayan ako. Nakita ko nang lumapas na si Ate May sa amin pero hinayaan ko parin ang kamay n'ya sa balikat ko.
"Bakit ang sweet mo? May ginawa ka ano?"
Tumango ako at napahilamos sa aking mukha.
"What?"
"Nahuli kami ni Ate May sa Equipment room." pag amin ko.
Napahampas naman si Kenneth sa lamesa at natatawang tiningnan ako.
"Ano bang ginagawa n'yo?" pang aasar n'ya na tila hindi ginagawang big deal ang pagmamaktol ko.
"Nagkikiss. Pero hindi naman n'ya nakita. Nagtaka lang s'ya kung bakit magkasama kami sa loob tapos nakalock 'yung pinto."
Umawang ang bibig ni Kenneth sa rebelasyon ko.
"N-nagkiss ka'yo? B-bakit?" naguguluhan n'yang tanong.
"Anong bakit? May sagot ba 'dun?"
Bumuntong hininga ako at inilapit ang tenga ko sa bibig n'ya.
"Kami na." bulong ko.
"Kayo na pero hindi ko man lang alam?"
"Eh kagabi pa lang naman eh. Unang araw palang namin ngayon tapos ganito agad ang nangyari..." sumimangot ako sa kanya at kinuha ang fries na nasa daliri n'ya. "Kinabahan talaga ako."
"Hindi ka man lang tumawag sa akin kagabi para may idea ako. Hay, nakakapagtampo." aniya saka inilayo ang fries sa akin para magdamot.
"Wow. Sino kaya si Pia? Kilala ko ba iyon?"
Ngumuso s'ya na tila papunta sa pagngiti. Ang arte n'ya at kung makaasta para namang ako lang ang may secret dito.
"Atleast ako, inamin ko sa'yo. Samantalang ikaw, sa iba ko pa talaga nalaman!"
"Okay, fine. Panalo ka na." pagsuko n'ya.
Muli n'yang ni-slide ang fries sa lamesa palapit sa akin saka ako tinitigan.
"Anong gagawin ko?" naluluha kong tanong.
"Hindi naman pala kayo nakita eh. Sarado ang pinto, bakit ka natatakot?"
"Kahit pa. Dapat man lang kumilos kami ng maayos. Nasa school kami tapos alam naman naming bawal pero go parin."
"Ikaw kasi. Cheater ka. Kapag nasa school, ako ang boyfriend mo. Saka pa lang pwedeng maging kayo kapag nasa labas na kayo ng gate." pagbibiro n'ya.
Nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa at nakatanggap ng mensahe galing sa kanya.
Mond:
Let's talk. I'm sorry.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...