Kabanata 51

366 17 8
                                    

"Good evening po." bati ni Raymond kay Papa na aligagang nakatayo sa tapat ang aming gate.

"Ten o'clock ang curfew ni Jenny. Ten o'five na." aniya habang nakatingin sa kanyang relo.

"Papa naman, five minutes lang eh. Natraffic kasi kami. Alam mo naman Valentine's ngayon. Lahat ng tao busy." saad ko.

Lumapit ako kay Papa para yakapin s'ya. Bakas sa kanyang mukha ang pag aaalala.

Simula nang malaman n'ya ang tungkol sa amin ni Raymond palagi na s'yang hindi mapakali. Gusto n'ya maaga ako palaging nakakauwi. Dapat rin alam n'ya kung saan kami pumumunta at kung sino ang mga kasama namin.

"Anong ginawa n'yo?" tanong n'ya kay Raymond.

"Kumain po kami at nanuod ng sine." sagot ni Mond.

"'Yun lang? Saan kayo nagpunta pagkatapos?"

"Nagpahangin lang po. Roadtrip." magalang na tugon ni Mond.

Hinaplos ni Papa ang kanyang tiyan saka binuksan ang gate para sa akin. Kumaway s'ya kay Raymond para sabihing papasok na ako sa loob kaya naman pumihit narin s'ya papasok sa kanyang sasakyan.

"Mabuti naman. Ingat ka, hijo." wika ni Papa habang sinasara ang gate.

Kumaway na rin ako kay Raymond para magpaalam at niyakap ang braso ni Papa habang pumapasok kami sa loob ng bahay. Alam ko kung bakit s'ya nag aalala at kung anong iniisip n'ya kanina. Hindi n'ya man sabihin natatakot s'yang baka lumampas na kami ni Mond sa limits namin at mag asawa ako ng wala sa oras anytime.

"Si Papa naman, 'wag ka nang kabahan. Wala naman kaming ginagawang masama..."malambing kong saad.

"Hindi mo ako masisisi, anak. Apat na taon ang agwat n'yo. Matured na matured na iyon kaya may mga bagay s'yang naiisip at gusto bilang lalaki at alam ko 'yun dahil dumaan narin ako sa edad n'ya."

"Bakit, ganon ba kayo kay Mama?" pagbibiro ko.

Naningkit ang mga mata n'ya at bahagyang napangiti.

"Matulog ka na nga. Iba ang panahon namin ng mama mo sa panahon n'yo ngayon. Mas mababait kami." aniya.

Hinalikan n'ya ako sa noo at pinanood ako habang naglalakad ako sa hagdan paakyat sa aking kwarto. Nagpahinga lang ako sandali saka tumungo sa banyo para magshower. Habang nagshoshower ako, hindi ko maiwasang isipin ang mga naging usapan at nangyari sa amin kanina.

He said he wants to marry me. Agad agad?

Hindi ko mapigilan kiligin dahil I badly like the idea pero kahit ganon alam kong maraming taon pa kaming hihintayin dahil may mga bagay pa akong dapat unahin.

Tulad ng obligation ko bilang isang anak. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos at magdecide na mag asawa na lang basta dahil ayokong malungkot sina Mama at Papa. Kailangan ko munang pagbutihin ang pag aaral ko.

Mine:

Tulog ka na ba?

Ako:

Hindi pa. Nagshower lang ako sandali.

Mine:

You done? Bakit hindi mo ako sinama? xD

Napakagat ako sa labi ko nang mabasa ang reply n'ya. Eto talagang si Sir may pagkapilya.

Ako:

Sa future. :)

Ibinaba ko ang cellphone ko sa aking study table para tuyuin ang aking buhok. Binuksan ko ang aking closet para kumuha ng damit pero agad na tumunog ang aking cellphone dahil sa kanyang reply.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon