"Ang dumistansya sa kanya, madali lang. Pero pag sa'yo... 'yun ang mahirap."
Mabilis na tumibok ang puso ko at tila mas naging bingi ako sa aking paligid.
Lumingon ako sa kanya para hintayin na magbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at bawiin n'ya ang kanyang sinabi pero lumipas na ang ilang sandali ay hindi n'ya parin nagawang bawiin iyon.
"S-sir..."
"I tried to stay away from you, Jen, as much as I can. Dahil iyon ang nararapat. And I'm sorry kung hindi ko iyon nagawa ng maayos."
Mahinahon ang pagkakasabi n'ya nito at tila walang bahid ng pabibiro. Hindi ako makapaniwala sa pag-amin n'ya gayunpaman umaasa ang puso ko na sana totoo nga ito. At sana hindi ako nanangangarap lang.
"Sa totoo lang, I lied. Nang sabihin sakin ni Kenneth na may ipapakilala s'ya sa aking babae, ikaw agad ang naisip ko. I didn't think twice kung pupunta ba ako o hindi pero iniisip ko kung ano kayang magiging reaksyon mo. I was thrilled, though. Because I want to be with you. Because I don't want to miss you dahil summer na."
Ngumiti ako saka umiling. Kaihit kailan hindi ko ito na-imagine.
Ito ang unang beses na makarinig ako ng mga ganoong salita sa isang tao. Ito ang unang beses na may nagtapat sa akin ng ganito pero ang nakakalito, professor ko s'ya.
"I'm sorry hindi lang ako sanay." pag amin ko.
Hindi ko mahanap ang mga tamang salita na gusto kong sabihin dahil hindi ko naman talaga alam ang dapat kong isagot.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ko dahil mali ito. Dahil komplikado. Should I say thank you dahil gusto n'ya ako? Or should I apologize dahil may iba pa akong gusto.
Mahal ko pa si Kuya Ace. Pero attracted ako sa kanya at hindi ko alam kung sapat ba ang attraction na iyon para magpadala ako sa mga emosyong gumugulo sa akin ngayon.
"Bakit sinasabi mo pa ito sa akin ngayon? Hindi ba magiging less complicated kung hindi ko na lang alam dahil in the first place hindi naman talaga tayo pwede?"
"Kasi sumasakit ang ulo ko." nakangiti n'yang saad habang ginigulo ang sariling buhok.
Bumuntong hininga ako saka mahinang humalakhak.
"Ano naman ang connection ng pag sakit ng ulo mo sa feelings mo para sa akin?"
Kinilabutan ako nang banggitin ko 'yung salitang "feelings".
"Alam mo ba kapag nakikita kita iniisip ko, kailan kaya kita maliligawan na hindi ko kailangan magtago dahil okay lang kahit maraming makakita? Gustong gusto kita but damn... hindi pwede." sumulyap s'ya sa akin saka tinitigan ako sa mata.
Napalunok ako saka nag iwas ng tingin sa kanya. This guy is giving me chills pero at the same time nakakailang rin.
"Imposible 'yun, Sir. Maraming matang nakatingin sa atin."
"I know. Sorry hindi ko napigilan."
Ilang sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid naming dalawa. Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko pero ramdam ko ang mga tingin n'yang kanina pang nakapako sa akin.
"Gusto mo bang kumain?" tanong ko.
Nagkibit balikat s'ya saka tumayo nang umalis na ako sa pwesto ko. Sabay kaming naglakad palabas ng area na iyon at saka lang nagkaroon ng ingay nang salubungin na kami ni Kenneth para sama sama kaming bumalik sa cottage.
Nauna akong pumasok sa kwarto naming mga girls para matulog na. Katabi ko si Mary Loise at alam kong gising na gising parin naman s'ya ngunit gayunpaman ay hindi ko masabi sa kanya ang mga nangyari. Hindi parin kasi ako makapaniwala.
![](https://img.wattpad.com/cover/157075969-288-k993987.jpg)
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...