"May problema ba kayo?" tanong ko.
Suminghap s'ya saka malamyang tumingala.
"Gusto na n'yang makipaghiwalay."
Hindi ko mafigure out ang dapat kong maramdaman nang marinig ko iyon mula sa'yo. Oo, aaminin ko na hindi ko s'ya gusto pero alam ko namang s'ya ang kaligayahan mo kaya hindi ko parin maging masaya kung maghihiwalay kayong dalawa.
"Naiintindihan ko naman kung nahihirapan s'ya dahil hindi na kami masyadong nagkikita. Kahit araw araw naman kaming magkatext o magkausap sa phone kulang parin. Iba parin kasi iyong face to face eh. Yung malaya kong nahahawakan ang kamay n'ya, nayayakap s'ya at nasasabi mismo sa tenga n'ya ang mga bagay na gusto n'yang marinig."
Napalunok ako sa sinabi mo. No doubt mahal mo nga s'ya. Alam ko at sigurado ako dahil ganoon rin naman ang nararamdaman ko para sa'yo. Nahihirapan din ako kasi hindi na kita masyadong nakikita at nakakausap. Mas pipiliin ko parin palagi ang makasama ka ng personal.
"Ganyan naman talaga siguro kapag pumapasok sa isang relasyon dadaan kayo sa kung anu anong problema. Kaya mo 'yan..." sabi ko para mapagaan ang kanyang loob.
"Kaya ko naman. S'ya, hindi n'ya daw kaya."
Biglang sumibol sa puso ko ang galit. Anong hindi n'ya kaya eh di ba kapag mahal mo ang isang tao kaya mo lahat?
"Anong sabi mo?"
"Sinabi ko na willing akong bigyan s'ya ng space para makapag isip isip. Bago ako umalis sinabi n'ya na sa akin na ayaw n'ya ng LDR kami kaya gusto n'ya sa University of Makati ako pumasok pero sa COSA ako pinadala ni Papa. Wala naman akong magagawa..."
Umawang ang bibig ko sa mga dahilan n'ya.
I was like "Duh, Quezon City at Pasay long distance!? Nakakahiya sa mga OFW!"
"Ang lame naman ng dahilan n'ya..."
Tumingin s'ya sa akin at tipid na ngumiti. Hindi mababakas sa kanyang mukha ang kahit anong bahid ng tampo at animo'y inaako n'yang lahat ang pagkukulang.
Hindi pa ako nagkakaboyfriend dahil s'ya pa lang naman ang minahal ko pero ang alam ko, hindi mo dapat isinisisi sa partner mo ang problema n'yong dalawa. Dapat nagtutulungan kayo para mag work out ang relasyon dahil it takes two to tango diba?
Parang si Mama at si Papa, ilang beses na silang nagkakaproblema pero dahil matibay ang pagmamahalan nila, hindi nila kailanman naisip na maghiwalay kaya naman hindi ko matanggap ang mga dahilan ni Karissa.
"Kasalanan ko... wala s'yang mali dito." saad n'ya.
Tumango na lang ako kahit hindi naman talaga ako kumbinsido. Mahal mo s'ya kaya ipagtatanggol mo s'ya. Basic.
"Kapag nagkaboyfriend ka maiintindihan mo rin."
Maang akong tumingin sa'yo sapagkat hindi ko magawang magimagine na makikipagrelasyon ako sa kahit na sino bukod sa'yo. Noon pa man, ikaw na ang laman ng bawat dayreams ko at ikaw lang ang gusto kong makita na kasama ko sa hinaharap.
"Matagal pa 'yun." sabi ko kasabay ng isang pilit na ngiti.
Hinawakan n'ya ang ulo ko at dahan dahan hinaplos haplos ang buhok ko tulad ng ginagawa n'ya noon. It made my heart flutter as always.
"Basta kung sino man 'yun, dapat dadaan muna sa akin. Ayaw kong masasaktan ka o maloloko ng kahit na sino. Naiintindihan mo?" sinsero n'yang saad.
Tumingala ako kaya nagtama ang mga mata namin. Kung hindi n'ya lang talaga ako mahal baka nalunod na ako sa insecurity. Masaya ako dahil mahal n'ya ako kahit pa hindi mapapantayan ng nararamdaman n'ya ang pagmamahal ko.
Nakaramdaman ako ng contenment after n'yang sabihin iyon.
I know you don't want me hurt. Hindi mo kailangang sabihin iyon pero dahil mahalaga ako sa'yo ay sinabi mo parin.
"Thank you, Kuya."
Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat n'ya saka palihim na pinawi ang luhang lumalandas sa aking pisngi. I give up.
It's better this way dahil sa ganitong paraan tayo magiging forever. I'd rather be your forever bunso than to be your no one. I wholeheartedly accept the fact na hanggang dito na lang talaga tayo kaya kung saan ka masaya ay tatanggapin ko kahit ako pa ang masaktan.
Ganito kita kamahal, Kuya Ace.
"Saan galing 'yan?" tanong ni Kai nang makita n'yang kinuha ko sa locker ko ang isang kulay orange na paper bag.
"Lunch para kay Ate Karissa." tipid kong saad.
Ngumiwi s'ya saka inayos ang kanyang buhok sa isang messy bun. Hindi naman nagsalita si Mary Loise na tila binging bingi at sawang sawa na sa pagiging masokista ko.
"So tulay ka na pala ngayon. Tapos tinatawag mo pang Ate? I pity you." aniya.
"Pabayaan mo. Gusto n'ya 'yan eh." sabat ni Mary Lu.
Isinara ko ang locker ko saka inilapag sa sahig ang paper bag para makapagsuot ako ng rubber shoes. P.E kasi namin ngayon kaya pupunta kami mamayang lahat sa field.
"Akala ko ba ayaw n'yong nakikita akong umaasa. Heto na nga oh. I surrender. Kung kay Ate Karissa s'ya masaya so be it."
"Pero hindi mo kailangang maging tulay." ani Kai.
"Kung hindi ako sino?" iyon na lang sinabi ko.
"Si Andrea. Kung tutuusin nga dapat s'ya ang nag aabot ng mga regalo ni Ace kasi sila ang magkapatid."
Natigilan ako sa sinabi ni Kai. Nag isip ako ng dahilan saka ko pa lang nagawang magsalita.
"Hindi kasi sila close." wika ko.
Lumapit sa akin si Kai saka inirapan ako. Mas na-istress pa sila kaysa sa akin.
"Bakit close ba kayo ni Karissa?"
Marahan akong umiling. Kahit madalas naman talaga akong tagapagdala ng mga regalo n'ya hindi ko parin ma-iconsider na close kaming dalawa.
"See." maarteng wika ni Kai.
"Pero nasa high school department si Andrea. Iba ang schedule n'ya sa atin at wala s'yang time. Same building lang naman sa atin si Ate Karissa eh. Kung umasta naman kayo parang babyahe pa ako ng malayo." tugon ko.
"Kung para kay Ace siguro hindi imposible." wika ni Mary Loise.
Pumunta muna kami sa classroom ni Ate Karissa para iabot ang lunch na pinabibigay ni Kuya Ace bago kami dumiretso sa field.
Kami lang naman ang may P.E class ngayon pero maraming babae ang tumatambay sa field para manuod sa aming klase. Professor kasi namin si Sir Raymond kaya kahit itong si Kai hindi napigilan ang sarili.
"Para kay Sir handa akong suwayin ang student's manual." wika ni Kai.
Pinagkrus ko ang mga braso ko saka matalim na tumingin sa kanya.
"Mas malala ka pa pala kaysa sa akin. Pati professor pinagpapantasyahan mo." saad ko.
Umupo ako sa bench para makinig ng instructions. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text message.
From: Kuya Ace
Nagustuhan n'ya. Bukas ulit ha. Thank you, bunso!
Umangat ang labi ko saka nagtype ng aking reply.
To: Kuya Ace
Anytime, Kuya.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...