Kabanata 16

438 15 2
                                    

Kahit na sinong pintor hindi kayang ipinta ang mukha ko ngayon. Kung pwede ko lang sanang gusutin ang pagmumukha ni Karissa. Ang sama sama n'ya! Paano n'ya nagagawang sabihin ang lahat ng iyon kay Kuya Ace ng ganon kadali!?

Paano n'ya nasabing hindi na n'ya s'ya mahal? Agad agad? Ganon na lang ba kadali para sa kanyang itapon ang mayroon sila? I have loved him for years at naiinis ako nang marinig kong sabihin n'yang wala na s'yang nararamdaman para sa'yo. That's imposible. You just can't stop loving someone so easily.

Baka hindi ka talaga n'ya minahal.

"Ano ka ba, Jenny Rose, kanina ka pa naming hinahanap." wika ni Abby nang makasalubong ko sila sa gym.

Pinagkrus n'ya ang kanyang mga braso at asar na tiningnan ako. Hindi naman ako sa kanya galit pero hindi ko talaga magawang maplantsa ang mukha ko. Kaya naman masama rin ang tingin ko sa kanya. Nakakainis kasi talaga eh!

"May game tayo. Blue Team. Mabibigat na kalaban ang mga iyon." saad naman ni Nicole.

Nagpatuloy ako sa paglalakad saka hindi sila pinansin. Humanda sa akin si Karissa dahil gagawin ko s'yang bola!

"In two minutes magsisimula na ang laban. Nasaan na ang first six?" tanong ni Sir Raymond.

Palingon lingon s'ya sa paligid at tumigil lamang s'ya sa paglingon nang makita n'ya akong papalapit.

Pumunta ako sa pwesto ko saka mabilis na nagwarm up. Isa isa naman nag assemble ang blue team na s'yang pinakamalakas na team last year. Binubuo kasi iyon ng mga babae mula sa BS Criminology at BS Marine Transportation. Halos kalahati ng population ng first six nila ay lesbian at medyo malalaki ang muscles.

"Nangangamoy champion." wika ni Yvette.

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang grupo nila Karissa. Mas lalong nag init ang dugo ko. Napabuga ako ng mabigat na hangin saka inabangan ang unang tira mula sa kalaban.

Naging ganado ako sa aming laro dahil dito ko talaga ibinuhos lahat ng inis ko sa gagang girlfriend ni Kuya Ace. Este ex-girlfriend na pala.

"Hinay hinay lang, Jenny. Baka mawalan ka na ng energy mamaya. May laban pa tayo sa Orange Team." saway ni Ally.

Pawis na pawis ako dahil sa kahahabol sa mga bolang kanina pa nila sa akin pinapatama. Dalawa na lang ang lamang ng score nila sa amin at matatapos narin ang last set para sa game na ito.

"Konti na lang, girls. Kaya n'yo 'yan." wika ni Ma'am Janice na nakatayo sa gilid.

Napasulyap ako sa kanya at nakita ko sa tabi n'ya si Sir Raymond na matamang nakatingin sa akin. Isinesenyas n'ya ang mga kamay n'ya para kumalma ako.

"Relax..." bulong n'ya habang nakangiti.

Pumikit ako saka mahinang bumuntong hininga. Hindi ko alam pero dahil sa request n'ya sinubukan kong kumalma.

Hinayaan ko muna ang mga team mates kong kumilos para makipagseasaw sa kabilang team at saka palang ako muling gumalaw para sa huli naming point.

"Nice one, Jenny Rose. Anong nakain mo?" tanong sa akin ni Kai.

Sinalubong ko s'ya saka tinanggap ang face towel na hawak n'ya. Umupo ako sa may bleachers at sumulyap ng sandali kay Karissang mukhang hindi man lang apektado sa nangyaring break up.

"Break na si Karissa at si Kuya Ace." saad ko.

Nanlaki ang mga mata n'ya at binigyan ako ng expression na nagtatanong kung bakit hindi ako natutuwa.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon