Kabanata 55

354 10 16
                                    

Pumasok ako sa bahay n'yo dala ang aking nilutong ulam para sa'yo. Naisip ko lang ipagluto ka dahil baka mapagaan ko ang loob mo. You needed me to comfort you noon pero hindi ko nagawa kaya I want to make it up to you kahit sa ganito kaliit na bagay lang.

"Kuya Ace..." saad ko habang naglalakad sa kanilang kusina.

Lumutang s'ya sa pintuan ng kwarto n'ya at agad na sinalubong ako. Mas magaan na ang pakiramdam ko kapag kaharap ko s'ya at hindi na ako naiilang. Hindi naman talaga ako dapat naiilang.

"Ano 'yan?" tanong n'ya.

"Fish offering." nakangiti kong saad.

Ngumuso s'ya sa akin at tinanggap ang mangkok na dala ko laman ang isdang paborito n'ya. Hindi kasi s'ya mahilig kumain ng karne kaya naman tuwing kumakain kami noon palaging isda ang gusto n'ya.

"I cooked dulong... your favorite."

"Fish offering? Bakit nag away ba tayo?"

"Hindi mo ako inaaway pero inaway kita. Kaya fish na."

Luma na ang joke kong iyon pero natawa parin s'ya. Hindi siguro dahil nakakatawa pero dahil masaya s'ya sa effort ko for him.

"Nagluto na ng kanin si Andrea. Halika kain tayo."

Humila s'ya ng silya para sa akin para paupuin ako doon. Pagkatapos ay kumuha s'ya ng dalawang pinggan sa istante at inilapag iyon sa lamesa.

"Hindi ako kumuha ng kutsara at tinidor dahil alam kong gusto mong magkamay." nakangiti n'yang sabi.

Tumayo ako sandali para pumunta sa lababo para hugasan ang kamay ko. Lumapit naman s'ya sa akin para abutin ang sabon sa tapat ng sliding window.

"Kailan ba tayo huling kumain ng sabay?" tanong n'ya.

"Hindi ko na matandaan. Nung birthday ko pa ata." sabi ko.

Kinuha ko ang sabon sa box at naglagay sa aking kamay. Ganoon rin naman ang ginawa n'ya at pagkatapos ay kinuha n'ya ang towel sa ref para tuyuin ang kamay ko.

Nagtama ang aming mga daliri kaya naman medyo naconscious ako. I know that was unintentional gayunpaman naisip kong Raymond won't like it kung makita n'ya kaya naman pasimple akong bumitaw.

"Let's eat!" sigaw ko.

Ipinagsandok n'ya ako ng kanin at ulam at s'ya rin ang naglagay ng ketsup sa pinggan ko. Hindi ko muna iyon binigyan ng malalim na dahilan dahil ginagawa n'ya rin naman iyon noon para sa akin.

Malapad s'yang ngumiti at pinanood ako habang kumakain kaya naman iniiwasan kong sumulyap sa kanya para hindi magtagpo ang aming mga mata.

'Yan kasi ang hindi mo ginagawa noon. Kasama mo lang ako pero hindi mo ako kailanman nakikita.

"Wag kang masyadong tumitig. Hindi ko ako sanay." sita ko.

Tumango s'ya at kinuha ang baso n'ya para uminom ngunit pansin ko parin ang mga mata n'yang hindi n'ya parin inaalis sa akin.

"Eh di masanay ka." saad n'ya.

Napangiti ako sa sinabi n'ya. Ang tagal ko kasing hinintay ang moment na ito. Kaya lang huli na.

Ito siguro ang tinutukoy ng physics. Sabi nila, mag ingat ka raw sa mga messages na pinapadala mo sa universe dahil hahuntingin ka nila balang araw.

"Kinikilig ka ba?" tanong n'ya.

"Alam mo, kung ano man ang iniisip mo you don't have to say it out loud."

"Bakit hindi? You are not mine. I can't even hold you sa paraang gusto ko. Kaya kahit man lang 'yung mga salitang nakakulong sa utak ko sana pwede kong sabihin."

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon