Kabanata 1

909 25 2
                                    

Dahan dahan akong bumangon sa aking kama para maghanda na sa pagkasok ko sa school. Bawat galaw ko ay limitado at tila ba may tutunog na alarm kapag nag ingay ako. It's because I don't want to wake you. Mahimbing na mahimbing ang tulog mo kaya naman umupo muna ako sa gilid ng aking kama para mapagmasdan ka.

Tahimik ang paligid at dahil madaling araw palang ay tulog na tulog pa ang lahat. Napahawak ako sa aking dibdib sapagkat sobrang lakas ng pintig ng aking puso at nangangamba akong baka dahil sa sobrang lakas ng pagtibok nito ay marinig mo. Ayaw kong malaman mong nahuhulog na ako sa'yo.

Este. Nahulog na ako sa'yo.

Kung kaya ko lang sanang sabihin sa'yo na gustong gusto kita, kaya lang hindi pwede. Ang hirap kasi eh. Alam mo ba yung feeling na araw araw minumulto ako ng mga what ifs.

What if gusto mo rin ako? What if may pag asa tayo? What if walang Karissa sa buhay mo?

Kaya lang sa kabila ng mga what ifs na 'yon ay ang katotohanang kapatid lang ang turing mo sa akin at kung sakaling sabihin ko sa'yo ang nararamdaman ko ay malaki ang posibilidad na magbabago ang lahat at ang worst case scenario, hindi na natin maibalik pa sa dati.

Mas pipiliin ko pang kimkimin ang one sided love na ito kaysa i-take ang risks at mawala ka sa buhay ko.

"Good morning, baby... Gising na... Gising na baby ko..."

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang bigla ko na lang marinig ang boses ng girlfriend n'ya. Iisipin ko na sanang nandito s'ya sa kwarto ko pero dahil sa cellphone n'yang paulit ulit na umiilaw at nagbavibrate ay narealize kong boses pala ni Karissa ang alarm tone n'ya.

"Good morning, baby... Gising na... Gising na baby ko..."

Nakita kong umangat ang kanyang labi habang kinakapa ang cellphone n'yang nasa ilalim ng unan.

Iyan na ata ang pinakamatamis n'yang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko. Sayang nga lang kasi hindi ako ang dahilan ng ngiting ito.

Bigla akong napatayo nang biglang magtama ang aming mga mata. Ayokong isipin n'yang pinapanood ko s'ya kaya naman nagkunwari akong may pinupulot lang sa sahig. Kinapa ko ang aking tsinelas na nasa sahig at pinulot ito para gawing props.

"O ayan, pinababangon ka ng girlfriend mo. Umuwi ka na baka malate ka pa sa school."

Tumalikod ako at dumiretso sa aking cabinet para kunin ang aking bath towel. Hindi ko parin binubuksan ang ilaw dahil ayokong makita n'ya ang aking hitsura. Magulo pa ang buhok kong hindi ko pa nasusuklay at nabobother rin ako dahil baka mayroon akong panis na laway.

"Ay oo nga pala... palagi ka nga palang late." saad ko habang nagkukunwaring namimili ng susuotin.

Naramdaman ko ang pagbangon n'ya sa kama at ang unti unti n'yang paghakbang papalapit sa akin. Parang tambol na naman sa bilis ng pintig ang puso ko. Malamig naman ang hangin ngunit pinagpapawisan rin ako.

"Noon 'yon. Magagalit si Karissa kapag nalate ako kaya nagpromise ako sa kanya na simula ngayon, gigising na ako ng maaga." aniya.

Iyon naman pala ang silbi ng pagkakaroon ng girlfriend. Mayroon kang instant alarm clock. Samantalang ako, masaya na sa tilaok ng manok.

"Dapat lang. Atsaka hindi naman ibig sabihing ayaw mo sa course mo, may karapatan ka nang magrebelde. Ilang sem na lang gagraduate ka na kaya it's too late para magshift."

"Mom, is that you?" walang gana n'yang saad.

Humarap ako sa kanya at saka s'ya pinamewangan. Noon ko pa sinabi sa kanyang sundin n'ya ang gusto n'ya sa pagpili ng course sa college pero nakinig s'ya sa mga Tita n'yang pinipilit s'yang mag Engineer. Pangarap n'ya kasing maging seaman.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon